webnovel

Prologue: Azure

Hindi sapat Ang dilim NG Gabi upang Hindi masundan ni Jungkook Ang mahalimuyak na amoy na sigurado syang nagmumula sa Isang Omega. Nang marating niya Ang ilog na Kung tawagin ay Azure natanaw Niya sa pangpang Ang Isang nakabibighaning pigura. Hindi nya masyadong ma-aninag Ang nilalang dahil natatakpan NG makapal na ulap Ang liwanag NG buwan. Ang kanyang bango ay walang kasing katulad saan man sa kaharian o kahit pa sa Mga hangganan nito. Tila ba Ang naka-e-engganyong nilalang na Ito ay may Kung Anong hinahanap sa tubig. Marahan syang lumusong sa tubig upang Hindi Niya matakot Ang nilalang. Sa kanyang amoy ay sigurado syang Isa itong omega. At Ang Mga omega ay Hindi gaanong malakas Ang pandama higit lalo sa tubig.

"Sino ka, wag Kang lumapit" nagulat si Jungkook sapagkat di pa sya nakakalapit dito ay naramdamam na sya nito. Bihasa siya sa pagtago NG kanyang amoy upang Malaya siyang makagala sa Gabi. Lumapit pa sya NG bahagya subalit nagalit Ang nilalang.

"Sabi ko wag Kang lumapit" lumakad Ito pa-atras sa kanya.

"Wag Kang mag-alala Hindi ako masamang Tao, gusto Lang Kitang tulungan sa ginagawa mo."

" Wala Kang maitutulong Kaya ma-aari ka NG umalis."

Ilang sandali pa ay lumabas Ang bilog na bilog na buwan Mula sa pagkakatago nito sa Mga ulap. Nang matamaan NG liwanag nito Ang nilalang sa tubig, para bang nagliwanag Ito dahil sa kanyang kakaibang silver na buhok. Isang nakamamanghang bagay na ngayon lamang Nakita ni Jungkook sa kanyang buong buhay. Labis na takot Ang bumalot sa nilalang Kaya mabilis itong umahon sa Kabilang pampang NG tubig at mabilis na naglaho sa kakahuyan.

Sandaling natahimik si Jungkook tanging mabilis na tibok NG kanyang puso Ang maririnig sa gitna ng Azure. Ngayon nya lamang Ito naramdamam.. totoo ba Ang nakita nya o Isa lamang pangitain.. Alam Niya sa kanyang sarili na totoo Ang lahat, pero Sino Ang nilalang na yon na lumiliwanag sa lilim NG buwan?

Hey Taekookers! Please do support me in my first novel here. I usually made a short fanfic and novel in English but it's my first time in Tagalog. I will make sure to create chapters that will worth your time. Borahae

Vkook_Snowcreators' thoughts