webnovel

The Warlocks

Suno_san · Fantasy
Not enough ratings
3 Chs

PROLOGUE

Sabi ng mga nakakatanda, noong unang panahon, sa isang malayong palasyo sa gitna ng kalangitan, mayroong magkapatid na isinakripisyo ang sariling buhay para lamang sa mga tao.

Ang sabi ay hindi nila alam ang pangalan ng magkapatid ngunit nanatili pa rin at nakatatak na silang dalawa ang dahilan kung bakit nanatiling buhay ang mga tao sa mundo.

Sinasabing mga tao din ang dahilan kung bakit nila nagawang isakripisyo ang sarili nila, pero meron din namang nag sabi na kagagawan iyon ng mga demonyo.

Sa ngayon ay nanatiling kwento ang tungkol sa magkapatid, ang buong kataohan ng Malakia ay naniniwalang silang dalawa ay ang mahahalagang tao sa nakaraan na dapat pasalamatan.