webnovel

The Virgin Succubus

Elixr_Victoria · Fantasy
Not enough ratings
2 Chs

Kapitulo I

Alas siete ng umaga—isang normal na araw para sa mga estudyante ng isang malaking unibersidad sa Maynila. May kani-kaniyang agenda ang bawat isa. May mga nagmamadali habang hindi magkanda ugaga sa mga bitbit na gamit. May ilan naman na kampanteng naglalakad na para bang nasa kanila ang lahat ng oras sa mundo. May mga magkakaibigan na masayang nagku-kwentuhan habang papasok ng unibersidad. At mayroong mga mag-isa at tahimik na naglalakad kasabay ng karamihan, humahalo at halos hindi mo mamamalayan ang presensiya.

Papasok ng gate ay tatlong magkaibigan na kaswal na nag-uusap. Isa sa tatlong magkakaibigan ay si Gabriel, 3rd year student sa kursong Civil Engineering. Hindi payat ngunit hindi rin naman maskulado ag kaniyang pangangatawan. Nagmumukha siyang isang tore sa tabi ng kaniyang dalawang kaibigan na babae. Ang magulo niyang buhok ay natatakpan ng suot na itim na cap. Nalulukot ang puti nitong t-shirt dahil sa sukbit ang backpack sa isang balikat. Ang maong niyang pantalon ay mas babagay sana sa kaniya kung tama ang haba nito sa kaniyang katangkaran ngunit bitin ito sa dulo at makikita ang kulay pula niyang medyas. Sa paa ay itim na sneakers na pudpod na ang likod na bahagi ng mga swelas.

"Sinasabi ko sayo Lauren, it's not a good idea na makipagbalikan ka dun sa ex mo." Sermon ni Penny sa kaibigan. Mataman lamang na nakikinig si Gabriel sa usapan ng dalawang babae at hindi nagkokomento. Alam niya kasing kapag nagsalita siya ay sa kaniya naman babaling ag usapan. Kung may hindi man pwedeng mangaral sa kaibigan ay siya iyon. Tulad ni Lauren ay isa rin naman siyang marupok. Ilang beses na siyang iniiwan ng ex-girlfriend niya at tuwing babalik ito ay tinatanggap niya ito ng paulit-ulit.

"Sayang kasi eh. Two years na kami, magti-three years. Saka ganun naman talaga kapag love mo. Tatanggapin mo pati ang flaws."

"Gaga! Yang flaws na sinasabi mo, toxicity yan. Para kang umiinom ng lason. Oo dai mahal mo. Pero sana mahal mo rin sarili mo. Ang love may saya, may lungkot, problema, lahat-lahat na. Pero never naging puro pagtitiis lang ang love." May punto si Penny at hinihiling ni Gabriel na sana kapag nagmahal ito ay ganun pa rin ang paniniwala nito.

           

"Kitakits mamaya." paalam ni Lauren sa kanila ng lumiko na ito patungo sa College of Communication. 3rd year na rin ito sa kursong Communication Arts. Sabay-sabay silang kumakain ng lunch kaya nito nasabi na magkita-kita sila mamaya. Si Penny ay kaklase blockmate ni Gabriel sa Civil Engineering. Isa ito sa iilang babae na kumuha ng kursong iyon.

"Hindi ako sasabay sa inyo mamaya. Ikaw na lang mag sabi kay Lauren. Ayokong makita yung bwisit niyang boyfriend." Nakairap sa hangin si Penny habang sinasabi iyon. Malapit na sila sa College of Engineering kaya natatanaw na nila ag mga kalalakihan na nakatambay sa mga corridor at sa lobby ng building.

"Edi hindi na rin ako sasabay sa kanila. Ayoko nga ma out of place. Sabay na lang tayo mag lunch."

"Pasensiya na kaibigan. Kailangan mong mag-isa ngayon. Sa opisina ako kakain. Lunch meeting sa student council." Tinapik pa ni Penny ang balikat niya.

"Psh… Daya."

Papunta na sila sa unang klase nila ngunit maraming nakatambay sa may pintuan. Tila may pinagkakaguluhan ang mga ito. Kung ano man iyon ay paniguradong nasa loob iyon ng classroom nila.

"Excuse me! Excuse me!" kahit babae ay malakas si Penny at sanay na sanay sa gitgitan. Kasunod niya ay si Gabriel na kyuryoso sa kung anong pinagkakaguluhan ng mga lalake dito. Maging ang mga taga-ibang section at course kasi ay nasa labas ng kanilang classroom.

Nang makapasok ang dalawa ay nakita nila ang umpukan ng mga kaklase sa bandang unahan. Hindi nila makita kung ano ba ang pinagkakaguluhan ng mga ito kaya lumapit pa sila doon para makiusyoso.

Pagkalapit nila ay doon nila nakita ang dahilan ng umpukan. Isang magandang babae ang nakaupo sa gitna ng mga kaklase nilang nag umpukan doon. Maalon at kulay brown ang mahaba nitong buhok. Agaw-pansin ang kaniyang kaputian. Maliit ang kaniyang mukha at walang hindi maganda roon. Ang kilay ay natural na makapal at maganda ang hugis, hindi na kailangan ng makeup para madepina iyon. Ang kaniyang mga mata ay tumerno sa kulay ng kaniyang buhok, ang mga pilik-mata ay mapipilantik at makapal, ang ilong ay tamang-tama ang tangos at laki, ang kaniyang mga labi ay mukhang natural ang pagiging mapula at mapintog.

Walang nagsasalita sa mga nakapaligid dito. Tila lahat ay napipi sa kagandahan nito. O marahil ay nararamdaman nila ang awra nito na nakaka intimidate gaya ng nararamdaman ngayon ni Gabriel. Parang isa itong estatwa sa museum na dapat lang hangaan, hindi makakausap, hindi pwedeng hawakan. Si Penny ang pinaka lumapit dito at unang nagsalita. 

"Hi! Transferee ka ba? Ako nga pala si Penelope, president ako ng klaseng ito." Pagpapakilala ni Penny sabay lahad ng kamay sa magandang babae. Tumingin ito kay Penny at ngumiti. Rinig ni Gabriel ang pag singhap ng karamihan ng masilayan nila ag ngiti ng babae. Maging siya ay hindi maikakaila na nagagandahan sa babae.

"Oo transferee ako. I'm Alessia. Nice to meet you, Penelope." Kahit ag boses nito ay napakaganda. Hindi matinis, buo at nakahahalina ang boses nito, parang nang aakit.

"Penny na lang itawag mo sakin."

"Okay, Penny." Tipid na ngumiti si Alessia at bumaling kay Gabriel na nasa bandang likuran ni Penny.

"Ah ito nga pala si Gabriel. Kaibigan ko." Pagpapakilala ni Penny sa kaibigan.

Hindi malaman ni Gabriel kung maglalahad ba siya ng kamay o hindi. Mabuti na lang at naunang maglahad ng kamay ag magandang transferee.

"Hi, Gabriel. It's nice to meet you." Nakangiti ito habang nakatitig sa mga mata niya. Tinanggap niya iyon at ngumiti.

"Nice to meet you, Alessia." Aniya ng tanggapin ang kamay nito na nakalahad.

Tila may bolta-boltaheng enerhiya ang dumaloy sa magkadaop nilang mga palad. Nagulat si Gabriel sa naramdaman kaya agad niyang binawi ag kanyang kamay na mukhang ikinagulat ni Alessia ngunit agad namang natakpan ng ngiti.

Pagkatapos nilang magpakilala ay sunod-sunod na ipinakilala ni Penny ag lahat ng nandoon sa silid. Hindi na muling ngumiti si Alessia at bahagya na lang tumatango sa mga ipinapakilala sa kaniya. Ang nakaka intimida nitong ere na Nawala noong nakangiti ito ay bumalik na.

Hindi pa tapos ang pagpapakilala ng lahat ng dumating ang kanilang propesor. Nagsibalik na ang lahat sa kanilang upuan. Si Penny sa kanan ni Gabriel at si Alessia sa kaliwa. Maging ag kanilang propesor ay hindi pinalagpas ng agaw-pansin na kagandahan ng transferee. Tinawag nito si Alessia at pinag self-introduction sa gitna ng klase. Tumalima naman ito at nagtungo sa harap.

"Hello everyone. I'm Alessia Bella. I won't take too much of Professor Landicho's time. Ask me three questions, I'll answer them." Nakangiti na siya ngayon. Para kay Gabriel ay weird iyon. Kaninang nagpakilala sila ni Penny dito ay ganyan ag ngiti niya. Noong nagpapakilala ang ibang kaklase sa kaniya ay mukha siyang hindi interisado. Ngayon naman ay mukha nanaman siyang palakaibigan at masayahing babae. Hindi nama iyon napapansin ng iba dahil halos lahat ay gustong magtanong dito. Ang daming nagtaas ng kamay.

Hindi naman nakakagulat dahil bukod sa dalawa lang sila ni Penny na babae sa klaseng ito, napakaganda niya pa at parang instant na crush ito ng lahat.

"Sige ikaw, Paul." Tawag ni Alessia sa kaklase nilang gwapo at matangkad. Ito ag pambato ng klase nila at ng buong College of Engineering sa university pageant.

"Natandaan mo agad, pangalan ko hehe." Mukhang tuwang-tuwa ito na naalala ni Alessia ang pangalan niya kahit na maraming nagpakilala dito kanina.

"Of course." Ngiti ni Alessia na lalong nagpangiti sa lalake.

"Ito tanong ko, ilang taon ka na?"

"20." Mabilis nitong sagot at saka nagturo ng panibagong magtatanong. Mukhang seryoso ito na hindi talaga siya magtatagal sa introduction na ito.

"Carlo." Tawag niya sa susunod na magtatanong.

"Gago pare kala ko ikaw lang natandaan, lahat ata ng pinakilala sa kaniya natandaan niya pangalan. Sayang special ka na sana hahaha." Kantiyaw ng kaibigan ni Paul sa kaniya. Mukha namang napahiya ang huli kaya wala na itong ibang sinabi.

"May boyfriend ka na ba?"

"Wala pa." simpleng sagot nito at tumawag ng huling magtatanong.

"Philip."

"Anong tipo mo sa lalake?" naghiyawan ang mga kaklase nila ng itanong iyon ni Philip. Ang lahat ay tila abang na abang sa isasagot ng dalaga.

"Basta tao." Sagot niya at agad na naglakad pabalik sa upuan niya sa tabi ni Gabriel.