webnovel

TVMAE 21

Chapter 21:

Owner

Few Months Later

Lyn POV

"Kitang-kita ka na talaga baby," sambit ko habang tinitingnan ang reflection ko sa salamin. Nakasuot lamang ako ng sports bra habang hinihimas ang tiyan ko. Ilang buwan ka na anak.

Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang sinagot ko si Evans at isa lang ang masasabi ko, ang suwerte ko na nagkaroon ako ng kagaya niya.

Kinuha ko ang tela na pambalot ko sa tiyan ko, binalot ko ito ng sakto lang para di masyadong mahalata ang umbok nito. I need to this para di mahalata ng mga tao, lalo na kay Evans.

I wore a peplum top and drawstring pants. Yeah for how many months ito lagi ang outfit ko. Yeah right, you are right I'm hiding my baby bump.

I grab the scarf and inayos sa leeg ko, sinigurado ko talaga na mahaba ang matitira sa dulo. Hahayaan ko lang ito na nakalantad sa harapan ko para di mapansin ang tiyan ko.

And lastly kinuha ko ang blazer ko medyo malaki laki para matago talaga, hayyss sorry baby for doing this to you.

"Hanggang kailan ka magpapanggap Lyn,"

Napahawak ako ng dis-oras sa lababo nang biglang sumulpot si Joli sa likuran ko. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Uso kumatok sis?" Inis kong tanong sa kaniya para mabalewala ang tanong niya. Alam kong naiinis na ang mga 'yan sa akin kaso di lang nila masabi-sabi. Alam kong concern sila sa akin, sa baby pero katawan ko pa naman din ito kaya ako ang masusunod, it's my choice.

"Bakit pa ako kakatok kung nakabukas na naman ah," pabalang niyang sagot para mairapan ko siya at humarap ulit sa salamin.

Ayan, ang layo na kanina. Parang naging normal lang, parang okay lang. Without knowing behind, this is a secret beneath.

"Hanggang maging handa akong harapin at sabihin sa kaniya," buntong hininga kong sagot sa kaniyang tanong kanina habang nakatingin pa rin sa salamin.

"Ayan 'yan ang lagi mong sinasagot eh, kailan ka ba magiging handa Lyn?" Tanong niya ulit para makaramdam ako ng inis. Aishh bakit ba hindi nila maintindihan? Ayaw ba nila na maging masaya ako?

"Basta ako na ang bahala," kagat labing sagot ko sa kaniya. Grabe naman pala kapag ang pag-ibig ang umeksena hayysss.

"Ilang buwan mo na ba kasing ginaganyan 'yan, we're concern sa health status ni baby," sabi niya naman para humarap ako sa kaniya. Aishhh hindi naman siguro, di naman masyadong mahigpit.

"Pagsasalitaan mo na naman ba ako?" Tanong ko sa kaniya pabalik dahilan para bumuntong hininga ito. Ikailang ulit na lang kasi, paulit-ulit na silang nagtatanong.

"Nahh we're just concern. Good luck!" Straight niyang sagot at saka lumabas. Hayyyss!

Magkikita kami ngayon ni Evans, gagala raw kami, yieeeee gusto ko talaga paggumagala kami, awiittss!

Pagkatapos kong mag-ayos lahat, lumabas na ako at nagmamadaling bumababa sa hagdan, kanina pa kasi naghihintay si Evans sa labas. Di kasi nagsabi na gagala kami, ayan tuloy hintay well.

"Hey Lyn, ingat,"

"Please be careful, "

"Atat sobra,"

"Grabe parang di naman b---

"Hep hep hep, bibig mo Jane pakisara," putol ko sa sasabihin niya. Alam naman nilang nandiyan si Evans sa labas tapos di nag-iingat sa mga binibitawang mga salita.

"Malala ka na talaga Lyn." Narinig kong bulong ni Elle na as if hindi ko narinig dahilan para umarko ang kilay ko.

"May sinasabi ka ba Elle?" Harap harapan kong sabi habang palapit sa kaniya. Anong malala na ako? Ano'ng ibig sabihin niya? Baliw ako?

"Tumigil ka nga Lyn, we're just concern, just go and be happy, " eksena ni Annah na nagtutunog na tinataboy ako? Shakkk!

"Ilang linggo na ngang di ka nagpapa-check up sa doctor mo sis, wala ka ng monitoring, your prenatal?" Sambit naman ni Joli na parang naiinis na ewan. Alam ko naman ang mga 'yan eh, bakit kailangan pa nila akong pagsabihan.

"And guess what today is your monitoring day tapos uunahin mo pa ang lumabas kayo ng boyfriend mo? Girl mag-isip ka naman," napantig ang tainga ko dahil sa sinabi ni Grace. Bakit anong sa tingin niya? Di ako nag-iisip? Wala akong isip? Five months pa lang naman ang tiyan ko ahh.

"Di mo ba iniisip ang baby mo ah? Kung anu-ano na ang pinaggagawa mo diyan para lang takpan. Baka kung ano na ang epekto niyan sa kaniya, naku Lyn pakiusap magpatingin ka na," pakikiusap ni Annah dahilan para matinag ako at napaupo sa sofa dahil nanghina ang mga paa ko.

"Lyn please kahit para sa baby na lang," dagdag pa ni Annah. Bakit pa kasi sa lahat ng tao ako pa ang nakaranas nito.

"Nag-alala na kami sobra, everytime na gusto ka naming kausapin, palagi ka namang busy ahh, please do think naman sa batang dinadala mo," Grace.

Bakit ako? Inaalala ba nila ang nararamdaman ko? Sumuporta nga sila sa ano'ng desisyon ko, sumuporta naman na di galing sa bukal na loob.

"If only Isaac know about this," Napaangat ako ng tingin kay Joli ng magsalita ito. Isaac? Sinong Isaac?

"Joli shut up!"

"What the fudge sis!"

"Bakit mo arghhhhh!"

"JOLINA!!!"

Napatingin ako sa kanila ng nagtataka. Ano'ng alam nila na di ko alam? May tinatago ba sila?

"Maybe this is the right time para malaman na niya," kibit-balikat niyang sagot. Ang malaman ang alin?

"Malaman ang ano?" Nagtataka kong tanong sa kanila. At saka sino ba 'yang Isaac na 'yan? Anong mayro'n sa kanya?

"Alam na namin kung sino ang may-ari ng ano basta 'yong naupuan mo grr!" Nandidiring sabi ni Jane.

Ano? Alam na nila? Kailan pa? Bakit ako wala? Saklap naman!

"HUH? KAILAN PA? AT SAKA PAANO?" Di ko napigilang magtaas ng boses. Nakakainis kasi, kung iisipin mas ako ang kailangan makakaalam ehh tsk!

"The day when we told everything to Joli," Grace. Langya noon pa? Ang tagal na noon ahh? Kung di pa nag-open up si Joli di ko ito malalaman. Ang galing nila sobraaaa!!!

"I'm the one who escorts you at that time. We witnessed that two creatures went out to that cubicle kung saan ka umihi. It sounds gross!" Joli explained. Aishhhh! So matagal tagal na nila itong alam tapos ako aishh!

"Bakit ngayon niyo lang ito sinabi sa'kin huh?" Tanong ko at tiningnan sila isa-isa, ano ba ang rason nila? Langya lang, nakakabanas sobra!

"Pakitanong nga sarili mo Lyn, pakitanong nga kung bakit nga ba di namin nasabi at di mo nalaman agad," sagot ni Elle ng diretso. Bakit nga ba? Bakit ba Lyn?

"Mula nang dumating si Evans sa buhay mo siya na lang lagi ang nakikita mo,"

"Wala ka ng paki sa iba kung hindi ikaw at si Evans lang, wala ka ng paki sa baby mo,"

"Palagi ka na lang busy, busy saan? As usual kay Evans na naman,"

"Grabe ka pala magmahal Lyn sobrang sagad,"

"Kawawa naman 'yang dinadala mo, naipit sa sitwasyon niyo,"

"Nadamay, napabayaan,"

"I-balanse mo naman Sis!"

"Para'ng nag iba ka na eh,"

Nakikinig lamang ako sa kanila habang nilalabas nila ang sama nilang loob sa akin habang inahayaan ang mga luha. Nagbago ba talaga ako? Binago ba ako ni Evans o binago ko ang sarili ko para sa kaniya?

Grace POV

"Ako na ang bahala kay Evans," sabi ko sa kanila at saka lumabas ng diretso. Ayaw kong makikitang umiiyak na naman sila dahil na naman sa kalagayan na ito. Nakakaimbyerna na.

Ayaw kong makita ang pagmumukha ni Lyn na parang gusto niya pang makasama itong lalaki niya kaysa magpatingin sa kalagayan niya. Oo gustong gusto namin na magkaroon siya ng lovelife, na may lalaking magmamahal sa kaniya, pero hindi namin akalain na ganito ang magiging epekto sa kaniya, ang self centered siya magmahal. Wala na siyang pakialam basta masaya siya kapiling ang minamahal niya pshhh!

"Wazzup Zander girl, where's Lyn?" Bati niya sa akin ng makita niya ako paglabas ng gate. Nakaupo ito sa kanyang Honda Gold Wing GL1800 motorcycle, oo kapag lumabas silang dalawa, kadalasan nagmomotorsiklo lamang sila. Ikailang ulit na naming pinagsabihan si Lyn na makakasama 'yon sa pagbubuntis pero ewan, sadyang nanaig ang pagmamahal pfftt!

"Sorry dude, Lyn can't come," sagot ko sa kaniya dahilan para magbago ang expression niya.

"Why? May nangyari bang masama? Is she okay? Can I see her? F*ck!" Nag-alala niyang sabi. By his reaction makikita mo kung gaano kahalaga si Lyn para sa kanya. Alam ko kung gaano kabait si Evans, botong boto ako sa kaniya, pero ibang usapan na pagdating sa baby.

"No, she's good. Don't worry, may emergency lang kaming gagawin kaya so sorry," paliwanag ko sa kaniya. Kitang-kita ko kung paano siya nanlumo at parang any time iiyak ito. Awwwww so sweet and sincere.

"You sure? Bakit di siya ang nagsabi sa akin nito? Bakit di siya ang lumabas?" Sorry Evans napakarufok kasi ni Lyn sa iyo. Ano na lang kaya magiging reaksyon mo pag nalaman mo ang kalagayan ni Lyn ngayon.

"Yes I'm s------

*Bzzzttttttt!!!*

"Excuse me," sambit niya sa akin at saka sinagot ang phone niya. Ayttt!

"Yess? What? Okay, okay I'll be there in a minute," rinig kong sambit ni Evans habang kinakausap ang caller. Luhh ano'ng nangyari?

"G-grace I need to go home, j-just please do take good care with her. I'll call her later." Natataranta niyang sabi habang nagmamadaling isuot ang helmet at sumampa sa motorsiklo niya.

"Yeah whatever, you okay?" Tanong ko pabalik sa kaniya.

"Yeahhh," sagot niya saka pinaharurot ang motorsiklo. Hohh! Ano'ng nangyari kaya sa kan'ya? Sana okay lang.

☆♡☆♡☆♡☆♡

"Halos isang buwan ka ring di sumulpot dito Miss Sanchez," ani ng doktor ng pagkaupo nang pagkaupo ni Lyn. Galing sila sa prenatal room kung saan tiningnan ang tiyan niya. Siyempre pumasok din kami lima, concerned citizens kasi ammmp! Buntot kami ni Lyn ehh!

"Sorry Doc," tanging sambit ni Lyn. Nandito lang kami sa likurang bahagi nakikinig sa kanilang dalawa.

"Ano'ng gusto mong unahin ko bad news or good news?" Tanong ni doktora para kabahan ako shakkkk! May bad news, 'yan kasi ehh ang tigas ng ulo. May Evans lang kinalimutan na ang pagiging ina.

"G-good news na lang p-po,"nauutal na sagot nito. Nakuuuu!!!

"Are you sure?" Kumpirma ng doctor. Naku doctor po ba kayo? Ang daming alam. Kitang kinakabahan na, may pa-suspense pa with matching pangiti-ngiti pa talaga.

Hindi sumagot si Lyn kaya napangiti na lang ang doctor, ammp!

"Well the good news is, despite of your very young age ang stability ng pagbubuntis mo ay okay lang. While the bad news is that you're experiencing a counterproductive of your bump. Iwasan na po natin na magsuot ng mga masisikip na mga damit lalo na sa ibabang parte dahil nakakaapekto ito sa paglaki ng bata. Bumaba ang health condition mo, hindi mo na siguro iniinom ang mga vitamins na ibinigay ko sa'yo Miss Sanchez?"

O-O

O-O

O-O

Sabi na nga ba ehh, nakakaapekto talaga iyong mga ginagawa niya hayyssss buti na lang malakas kumapit si baby. Naku Lyn kailangan mo na talagang magpa-baby shower aishhhh, i-publiko na natin 'yan.

Lalong lumaki ang problema kasi may Evans na ehh, hayyssss ipit na ipit. Kailangan na talagang malaman niya ito.

"Please be careful sa mga kinakain mo, hindi natin masasabi na ang sitwasyon ay ganiyan lang palagi. Bumalik kayo next, next day para sa monitoring pa rin," matalinghagang sabi ng doktor.

Totoo nga naman, hindi sa lahat ng sitwasyon ganiyan at ganito ang magiging mangyari o magiging resulta. Lahat ay temporary lamang, walang constant. Sana malinawan na si Lyn, magtiwala lang siya kay Evans magiging okay din ang lahat, sana nga.