CHAPTER 16:
First Day
LYN POV
Nagising ako dahil sa sinag ng araw na pumasok sa silid ko. Kinusot-kusot ko muna ang mata ko bago umupo. Nilibot ko naman ang paningin ko sa mga kasama ko. Di ko maiwasang mapangiti ng makita silang ganiyan.
Nasa lapag kasi sila natulog pero may foam namang nakalatag, nagsisiksikan silang tatlo doon habang nakaharap sa kanila ang electric fan. Nakatulog kaya sila ng maayos? Ang suwerte ko talaga dahil mayro'n akong sila. Alam nilang di sila sanay sa ganito pero para sa akin ginawa nila.
Napahawak ako sa bunganga ko ng nagbaliktaran na naman ang sikmura ko, umayy wag naman sana ngayon grrr! Wala akong magawa kung hindi lumabas sa kuwarto at mabilis na humarorot paputang banyo. Buti na lang nagkataon na walang tao.
Hingal na hingal ako matapos kung mailabas ang dapat mailabas, langya talaga ang hirap ng ganitong sitwasyon. Inayos ko ang iilang hibla ng buhok ko sa likuran ng tainga ko, ang aga-aga pero ang lalaki na ng pawis ko, wala pa nga akong ginagawa pagod na agad grrr!!!
Umupo ako sa inidoro at minasahe ang aking sintido, hanggang kailan ba ako magkakaganito? HUHUHUHU
*tok tok tok*
Nawala ang pagkahilo ko ng may kumatok sa pintuan, jusmeyy ano'ng gagawin ko? Kinakabahan ako umayyy talagaaa!
Natataranta akong tumayo at nilinis ang kalat, umayyyy!!!
"Inday ikaw ba 'yan? Nagsusuka ka ba? Okay ka lang?" Mas dumoble ang kaba ko ng marinig ko ang boses ni inay sa labas, HUHUHUHU ano na? Narinig niya pala, ano'ng gagawin ko? White lies? Helllpppp!!!
"A-ahh, w-wala po nay, may ano lang, may nalagay sa bibig ko, oo 'yon nga may nalagay tapos d-di bet ng s-sikmura ko," pikit mata kong sagot sa kaniya. Pasensya na Papa Jesus.
"Siguro epekto rin ng biyahe ninyo, pagkatapos mo diyan, punta ka agad sa kusina para makapagkape ka, para malagyan ng init ang tiyan mo," bilin niya lang. At sa ikalawang pagkakataon, pumikit na naman ako. Buti kinagat, muntik na 'yon ahhh.
Inayos ko muna ang sarili ko, kinagat-kagat ang sariling labi para di magmukhang putla ito, alam kong walang sikretong di nabubunyag, walang usok na makikimkim, alam ko naman na malalaman at sasabihin ko ito sa kanila kaya nga kami ay naririto. Pero wag muna now, maya-maya na. Masyado pang maaga para manira ng araw aytt!
"Opo," sagot ko na lang sa kaniya at narinig ko naman ang foot steps niyang papalayo. Nakahinga ako ng maluwag at inayos na ang sarili ko. Di ko pa rin maiwasan manginig jusmeyy!!!
Lumabas na ako na may pag-iingat. Pumasok na ako sa loob at do'n ko nakita ang mga kapatid ko na nakabihis na ng school uniform habang kumakain na ng almusal.
"Ate Lyn, gumanda ka yata lalo ngayon," bungad sa akin ni Makoy, ang bunso namin. Tumawa na lang ako sa sinabi niya. Nasa ikatlong baitang na ito ng elementary.
"Oo nga Makoy, nakakaganda ba do'n te?" Segunda naman ni Jannah, ang ikalawa sa bunso. Nasa first year level na ito sa high school, malapit na magdalaga.
"Maganda naman talaga ako dati pa ahh," sakay ko sa mga sinasabi nila. Pfft maganda ba ako? HAHAHAHA.
"Asusss si ate, may jowa ka na ba?" Tanong ni Makoy. Aba't ang daming nalalaman nitong batang 'to, may lahing marites yata 'to ammp.
"Naku bilisan niyo ng kumain diyan," sabi ko na lang. Wala naman din akong masasagot sa tanong niya. May jowa ba ako? Diba wala ammmp!
Napangiwi ako ng maalala ko ang date ko pag-uwi ko ammmmmp.
"Ohh bat ka namumula diyan ate ahh? Blush yata 'yan eh, yiieee may naisip siya awiieee," asar sa'kin ni Jannah, langya mga bata talaga ngayon ang daming nalalaman.
"Tigilan niyo na nga ang ate niyo, may fresh milk diyan Lyn," usal ni inay para timigil sila kakaasar pero tinitingnan naman akong nang-aasar ammmp.
"May dala rin kami nay nasa sasakyan," sabi ko naman sa kaniya. Di pa kasi nalabas ang dala namin kagabi.
"Ate sabi ni mama may mga magaganda ka raw kasama," ohh kita mo, napaka chix boy talaga nitong bunso namin. Naku talaga.
"Oo pero wag ka ng umasa do'n may mga asawa na 'yon," asar ko ring litanya sa kanya akala niya ahh.
"Kasama niyo pa rin ba si Ate Grace?" Tanong ni Jannah habang nililigpit na niya ang kanyang plato. Nakapunta na kasi si Grace dito, naisama ko siya dati.
"Hindi, hindi ko siya kasama may gagawin kasi siyang importante," sagot ko sa kaniya habang naglalagay ng fresh milk sa baso.
"Ahhh sayang naman," buntong hininga niya. Nagiging close kasi sila ni Grace, mahilig din kasi sa mga bata 'yon.
"Oo, sure naman na magkakasundo kayo ng kasama ko ngayon, tulog pa kasi sila, mamaya pag-uwi niyo pakilala ko sila sa inyo, kaya maaga kayong uuwi mamaya," sabi ko sa kaniya para ikangiti niya.
"Nasaan pala si itay nay?" Baling ko kay inay habang nagluluto, ano kaya ang niluluto niya, hmm bangooo.
"Ano po ba'ng niluluto niyo?" Tanong ko ulit habang inaamoy iyon. Ang amoy nito katagalan nagiging mas mabaho na ito. Jusmeyy wrong move grrrr!
"Nasa baryo tiningnan niya 'yong baboy na bibilhin, sinigang na baboy," sagot niya. Tinakpan ko ang ilong ko at uminom ng gatas, ayaw ko sa amoy nito HUHUHUHU.
"Bakit bibili kayo? Anong mayro'n?" Tanong ko ulit habang pinipigilan ang sikmura, umayyy!
"Naku Inday nakalimutan mo na ba ang petsa ng fiesta dito sa atin?" Tanong niya pabalik para makapag-iisip ako. Ayy oo nga pala, ganitong buwan pala ang fiesta dito, sorry naman.
"Ayy o-oo n-nga," piyok kong sabi dahilan para lumingon si inay. Di ko mapigilang tumakbo ulit sa banyo.
Pagkadating ko sa banyo ay agad kong nilabas ang dapat ilabas langya.
*Dug dug dug dug*
Nanginginig at nangingiyak akong sumusuka habang maraming tumatakbo sa isip ko, jusko naman.
Napasinghap ako nang may humahagod sa likuran ko, makakalusot pa ba kaya ako nito?
"Ilabas mo lang lahat 'yan," naiyak ako lalo ng marinig ko ang boses ni inay sa likuran ko. Paano na?
"N-nay, so-sorry nay," humihikbi kong sabi sa kaniya habang pinupunasan ang bibig ko na nakatalikod pa rin sa kanya.
"Umayos ka diyan, saka na natin pag-uusapan 'yan," nagulat ako sa sinabi niya. Anong pag-uusapan namin? Alam niya ba? Kung oo paano?
Nagmumog ako agad ng pagkalabas ko, di ko kayang salubungin ang mga mata ni inay, kahit pigilan ko di ko maiwasang nanginginig.
Umupo ako ulit sa inuupuan ko kanina at ininom ang gatas habang wala sa huwisyo. Nakaalis na rin pala ang mga kapatid ko. Lagot na talaga ako nito!!!
"N-na---
"Alam ko kung ano ang sasabihin mo," putol niya sa sinabi ko para kabahan na ako ng todo. Babae rin kasi siya, naranasan niya din ito kaya alam niya.
"GOOD MORNING," Napaangat ako ng tingin ng pumasok silang tatlo sa kusina, gising na pala sila. Thanks God, save by them.
"Kaya ba kayo nandito dahil 'yan ang sadya niyo? Akala ko naman dadalaw kayo sa piyesta," parang huminto ang mundo ko ng di natinag si inay sa presensya nila. Nakuu!!!
Kaninang nakangiti nilang bungad ay napalitan ito ng gulat saka umupo malapit sa'kin, na-gets na rin nila kung ano ang nangyayari.
"Nag-iba ang porma ng baywang mo, lumaki ang dibdib mo saka nagkalaman-laman ka na, unang kita ko pa lang sa'yo kagabi, nakita ko na, alam ko na," sambit niya habang nakayuko lamang ako. Ito na nga ba ang sinasabi ko, ang matinding observation ng mga babae.
"N-nay p-pero---
"Pero ano? Naku talaga Lyn 'yan na nga bang sinsabi ko *hik*" putol niya sa sasabihin ko na pumiyok sa huli, naiyak si Inay.
"N-nay makinig ka m-muna sa amin," nauutal na sabi ni Jane. Hindi lumingon si inay sa amin, nakatalikod lamang ito, nakaharap sa niluluto niya.
"N-nay wag po kayong magugulat sa sasabihin namin, n-nay wala pong ginawa si Lyn do'n kung hindi kaharap lang ang mga libro niya, nag-aaral. Ni hindi nga 'yan sumasama sa gala namin at higit sa lahat lumalayo siya sa mga lalaki," Elle.
"Nagising na lamang siya na buntis na pala siya ng di niya nalalaman," Annah.
"Sabi ng doctor ng last check up niya, confirm na buntis siya, magdadalawang linggo na ang tiyan niya," Elle.
"Tapos nagpa-checked po kami sa gynecologist, positive po na malinis si Lyn, walang bakas po na may nangyayaring s-sexual intercourse," Jane.
"Kaya po sinamahan namin si Lyn dito sa inyo dahil di niya alam paano kayo kakausapin," Annah.
"Natatakot po siya sobra sa inyo," Elle.
"Sana po, huwag niyo po siyang itaboy, di niya po ito gustong mangyari," Jane.
"May records and proofs po kami sa sinsabi namin," Elle.
"Tapos sabi ni Lyn na, may tanyag daw dito na manghuhula try niya daw ipahula kung bakit nararanasan niya ang lahat ng 'to." Annah.
Wala akong ibang magawa kung hindi humahagulgol ng iyak habang dinig na dinig ko naman ang paghikbi ni inay. Buti na lang nandito sila, dahil di ko talaga alam paano, wala akong lakas loob para sabihin sa kanila, mas nangunguna ang takot at kaba ko.
Lumingon si mama habang pinapahiran ang mga luha,
"N-aku I-inday, ano bang p-pangyayari iyan. M-mahabaging Diyos ano po ang nangyayari sa panganay ko," di makapaniwalang sabi ni inay habang lumapit sa'kin at niyakap ako ng mahigpit.
"N-nayyyyy," yakap ko pabalik sa kaniya habang rumaragasa ang mga luha, gumaan ang pakiramdam ko ng nalaman niya na rin ang nangyayari sa akin.
"SIGURADUHIN NIYO LANG NA DI KAYO NAGSISINUNGALING! SASAMAHAN KO KAYO SA KANIYA!"
Napatigil ako sa pag-iyak at napahawak kay inay ng mahigpit habang nanginginig, bakit naman ganito ang nangyayari sa revelation na ito, nakaka-heart attack.
"SA MAKALAWA PA ANG BALIK NI INANG SINAG DITO KAYA HUMANDA KA TALAGA SA AKIN INDAY PAG NAGSISINUNGALING KAYO!" Alam kong galit na galit ito dahil sa pamamaraan ng pagsasalita niya. Di pa rin ako kumalas sa yakap ni inay. Kahit nagsasabi man ako ng totoo di ko pa rin maiwasang manginig. Si Inang Sinag ang tawag namin sa manghuhula.
*Boogsh!*
Napasinghap kami nang sinara ni Itay ang pintuan ng napakalakas saka umalis ulit. Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ng mga kaibigan ko.
"Shhhh, everything will be okay,"
"Tahan na, makakasama 'yan sa baby,"
"Hushhhhh na sis,"
"No worries, pag talagang magaling at mahusay 'yang manghuhula na sinasabi niyo, wala tayong ikakatakot dahil alam nating nasa tama tayo," sambit ni Annah para maiyak ako lalo. Salamat talaga nandito sila para damayan ako, nagkaroon ako ng lakas loob dahil nandito sila sa akin.
"T-thank you so muchhhhh guyss," humikbing sabi ko sa kanila. Iyan lang talaga ang masasabi ko, isang napakalaking salamat sa kanila. Hindi nila ako iniwan. Alam niyo 'yung lumalakas ang loob mo dahil may mga taong naniniwala sayo na masasandalan mo kahit anong oras mo sila kailangan. Ano'ng nagawa ko para magkaroon nga ganitong mga mababait na kaibigan. Ang saya-saya sobra, nakakataba ng puso.