webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 53

Umiiyak ako habang nakasakay ng bus. Kahit galing ako sa trabaho kanina ay pinilit kong umuwi agad. Kailangan kong umuwi at buti nalang ay pinayagan ako ni Clifford.

~Flashback~

Sabay ng paghulog ng phone ko ay ang patak ng aking mga luha. Ang bahay na kina ingat-ingatan ni Nanay at tatay ay nasunog. Nakatitig lang sakin si Ivony at tila literal na nagulat sa reaskyon ko.

"Maey anong nangyari? Sinong tumawag?" Hinawakan niya ang kamay ko kaya bumalik ako saking sarili. Sumulyap ako sa kanya saka humagol-gul ng iyak.

"Kailangan kong umuwi sa probinsya. Kailangan kong umuwi." Paulit-ulit ko saka hinilamos ang mukha. Mawala lang sakin ang lahat huwag lang ang bahay ng mga magulang ko. Iyon nalang ang natitira kong ala-ala sa kanila.

"Maey gabi na pwede bukas nalang?" Umiling ako sa sinabi ni Ivony. Tumayo ako agad sabay ng pagtayo niya.

"Ivony kailangan kong umuwi ngayon. Nasunog ang bahay namin sa probinsya kaya uuwi ako ngayon din." Bulyaw ko saka sya tinalikuran. Naramdaman kong sumunod sya sakin kaya dali-dali kong pinihit ang pintoan ng storage.

Bumungad sakin si Clifford na papasok sana sa loob.

"Nagamot mo na ba ang sugat mo?" Direkto niyang tanong saka ako tumango. Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon tinignan. Nakaramdam ako ng ilang sa ginawa niyang paghawak sa kamay ko. Hindi ko aakalain na ganito sya mag-alala sakin.

"Sir pwede ka bang makausap kahit saglit lang?" Diretsahan ko kaya dahan-dahan niyang binaba ang kamay ko. Tumango sya bilang sagot saka ito pumasok sa office niya na katabi lang ng storage room.

Sumulyap ako kay Ivony at tahimik lang ito sa gilid ko. Iniwan ko sya agad nang hindi nagsasalita.

"About Matteo and Venus?"

"Sir wala po akong pakialam sa kanilang dalawa. Gusto ko kayong makausap dahil magpapaalam sana ako sayo ngayon." Direkto ko kaya kumunot ang noo niya.

"Mary you don't have to quit this job for Matteo. I know you hurt pero may kontrata kang pinermahan dito." Umiling ako agad sa sinabi. Dyan sya nagkakamali.

"Sir hindi po ako aalis sa trabaho ko. Aalis po ako dahil gusto kong umuwi sa probinsya. Sir nasunog ang bahay namin at kailangan kong umuwi ngayon. Please sir Clifford hindi ito tungkol kay Matteo. Wala akong pakialam sa kanya." Sabi ko na ikinabuntong hininga niya. Tila may reaksyon syang gulat at halo-halong pag-aalala.

"Im sorry. Sige papayagan kitang umuwi I hope you'll back here for good. I like your performance Mary and im very disappointed dahil nadadamay ang trabaho mo dito dahil sa issue ninyo ng pinsan ko. I want you to stay here." Salaysay niya na ikinatahimik ko. Hindi ko alam kong pano ito nasasabi sakin ni Clifford. Kong marami naman syang makukuhang kapalit sakin.

"Sir babalik ako. Babalik ako para sa trabaho ko." Tanging nasagot ko at kalaunan ay pumayag narin sya.

~Fast Forward~

"Kailangan mo ba talagang umuwi ngayon? Hindi ba pwedeng ipag bukas mo nalang yan?" Malungkot na sambit ni Ivony. Humarap ako sa kanila na namamaga parin ang mata.

"Masasayang ang oras ko kong bukas pa ako aalis. Kailangan kong malaman kong sino man ang sumunog sa bahay namin." Sagot ko saka nagpatuloy saking ginagawa. Narinig ko pa ang iilang buntong hininga nila kaya hindi na ako muling umimik pa. Ayaw kong matagalan.

"Tinawagan ko si Diego." Singit ni Erika na ikinahinto ko. "Ihahatid ka namin sa Airport, at meron ka ng ticket." Direkto niya. Nakagat ko ang labi ko. Sa pagkakataong ito ay kailangan kong kapalan ang mukha ko. Sobrang swerte ko kay Erika.

"Maraming salamat Erika. Maraming salamat sainyo." Tumulo ulit ang luha ko sa sakit. Sabay nila akong niyakap kay mas lalo ako naiyak. Ang hirap masaktan ang sakit-sakit mapaglaruan.

~End Of Flashback~

Yakap-yakap ko ang aking sarili dahil sa lamig ng Aircon ng bus. Kanina pa ako humikbi ng iyak. Naalala ko ang nangyari kanina. Hindi ako magawang tulongan ni Matteo sa sugat ko sa kamay. Hindi niya ako magawang gamotin. Hindi nga niya magawang gamotin ang sugat ng puso ko. Ang sugat ko pa kaya sa kamay?

Pinapaasa ko lang ang sarili ko. Mahal na mahal ko sya. Mahal na mahal kaya hanggang ngayon umaasa parin ako.

Madaling araw na akong nakarating sa Gregoria. Tanging habal-habal na motor ang sinakyan ko patungo samin. Bawat bahay na nadadaanan namin ay hindi ko maiwasang umiyak. Ang ihip ng hangin ay humahampas saking mukha rason kong bakit ako mas lalong umiyak. Hindi ko alam kong naririnig ako ni manong sa hikbi ko dahil panay lingon niya sakin. Pinunasan ko ang mga luha ko saka pilit kinakalma ang sarili. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa malapit na akong makarating sa bahay namin. Ang sikip ng aking dibdib ay mas lalong sumikip.

"Manong dito lang po ako," Sabi ko saka niya hininto ang motor. Nag bayad ako ng sobra pa sa hinihingi niya. Hindi ko magawang tumingin kay manong dahil nakatuon ang tingin ko sa sunog na bahay namin.

Narinig ko nalang ang pag andar ng kanyang motor at pag-alis nito.

Ang bawat patak ng aking luha ay humaharang saking mata. Halos hindi ko na makita ang daanan dahil sa patuloy ang agus nito. Binaba ko ang isa kong bag saka lumuhod sa harap ng bahay. Napaluhod ako sa lupa saka hinimas ang tanging abu na naiwan sa bahay namin. Ang pira-pirasong mga gamit at sunog na lumang sofa. Ang iilang kahoy na nakatayo parin pero binabalotan ng itim na sunog na abu. Naikuyom ko ang kamao ko sa lupa. Naibaon ko ang kuko ko mula sa ilalim. Sinong gumawa nito sakin? Bakit nila sinunog ang bahay ng magulang ko.

"Nanay, Tatay patawad." Humagol-gol ulit ako ng iyak napayuko ako dahil sa sakit ng ulo ko ngayon. "Hindi ko nagawang protektahan ang bahay natin. Hindi ko nagawang alagaan ang bahay natin. Patawarin nyo ako nay, tay." Humikbi ulit ako. Ang hagolgul kong iyak ay umalingaw-ngaw sa paligid. Nakagat ko ang aking labi dahil gusto kong pigilan ang luhang umaagos sa mata ko. "Pagod na pagod na ako. Ang sakit-sakit nanay, tatay. Bakit nyo ako iniwan? Bakit nyo ako iniwang mag-isa? Ang hirap mag-isa, ang hirap-hirap." Paulit-ulit lang sumasagip sa isip ko ang nangyari sakin. Bakit ako pinaglalaruan ng tadhana? Bakit ako pinahihirapan ng ganito? Hindi ko kayang lumabang mag-isa. Hindi ko kayang mag pakatatag kong paulit-ulit akong nasasaktan nalang.

Nahihilo ako sa kakaiyak. Sobrang sakit ng ulo ko at parang binibiyak ito sa sakit. Ang aking mata ay unti-unting bumagsak sa bigat ng aking damdamin. Bumagsak ang katawan ko sa lupa sabay ng pagpikit ng mag kabila kong mata.

Naalimpongatan ako sa malakas na hampas ng hangin saking pisnge. Ang pamilyar na simoy ng hangin ay nagpapaalala sakin sa luma naming bahay malapit sa dalampasigan. Ang bawat ingay ng alon ay nagpapa antig saking puso. Dahan-dahan kong minulat ang aking mata at bumungad sakin ang puting paligid. Ang bintanang gawa sa kawayan habang inihipan ang puting kurtina ng malakas na hangin ay kay sarap tanawin.

"Gising kana pala," Nanlaki ang mata ko sa nakita. Ang puso ko'y unti-unting sumigla ng bumungad sakin ang pinakamamahal kong babae sa buhay ko. Isa-isang bumuhos ang luha ko sa sakit, tuwa at saya.

"Nay?" Agad ko syang niyakap ng mahigpit ng mahigpit. Humagolgul ako ng iyak sa sakit. Ang aking puso ay pahina ng pahina ang tibok. "Nanay," Hinimas niya ang likod ko ng ilang ulit. Ang aking pakiramdam ay unti-unting gumaan. "Nay bakit nyo ako iniwan, bakit?" Humagol-gul ako ng iyak sa balikat niya. Bawat patak ng aking luha ay isinisigaw ang sakit ng pagkawala nila. "Nay? isasama nyo na ba ako?" Dahan-dahang humiwalay si nanay sa yakap ko. Pinunasan niya ang iilang botel ng aking luha. Para akong nalalamin ngayon. Ang perpektong mukha ni nanay ay nagpapakitaan kong ako.

"Anak Mary. Hindi ka namin iniwan ng tatay mo. Hanggang ngayon ay nandyan kami." Tinuro niya ang puso ko. "Nandyan kami sa puso mo anak," Mas lalo akong umiyak sa sinabi niya.

"Nay pagod na pagod na ako. Please kunin nyo na ako.Gustong-gusto ko na kayong makasama ni tatay. Ayaw ko na pong mag-isa, ayaw ko ng masaktan nay. Ang sakit-sakit." Niyakap ko sya ulit ng mahigpit. Ang yakap at haplos niya ay na mimiss ko.

"Tahan na anak. Ayaw na ayaw namin ng tatay mo ang umiiyak ka. Patawarin mo sana kami anak. Lahat ng bagay na nangyayari sayo ngayon ay may rason." Malamig niyang sabi. Bawat salita ni nanay ay kay gaan. Humiwalay ako sa yakap saka hinawakan ang magkabila niyang kamay.

"Nay kunin nyo na ako. Ayaw nyo ba akong makasama? Hindi nyo ba ako na mimiss?" Hinimas niya ang pisnge ko kaya napapikit ako sa ginawa niya. Ang kanyang mata na kulay bahaghari ay kay sarap titigan.

"Miss na miss ka nanamin anak. Sobrang na miss ka namin ng tatay mo. Gustohin man namin na makasama ka pero may mga taong naghihintay at nagmamahal pa sayo. Kailangan ka nila anak." Umaagos parin ang luha saking mata. Sa sinabi niya sakin ngayon ay hindi ko alam kong meron pa ba.

"Wala na pong nagmamahal sakin nay. Iniwan na nila akong lahat. Kayo nalang ang nagmamahal sakin nay. Please gusto ko ng sumama sainyo. Isama nyo na ako!" Bawat patak ng aking luha ay hinahawi niya. Para akong batang inagawan ng candy. Paran akong bumalik sa pagkabata.

Ang bawat titig sakin ni nanay ay nakakasikip sa dibdib. Gusto ko syang matitigan ng matagalan at makasama habambuhay.

"Meron anak," Ngiti ni nanay saka lumingon sa likuran ko. Sinundan ko sya ng tingin saka bumungad sakin ang lalaking pinakamamahal ko. Ang kanyang tindig at laki ng katawan ay nagpapa-alala sakin. Dahan-dahan akong tumayo habang patuloy ang agus ng aking luha. Ang ngiti niya sakin ay sobrang lapad. Ang ngiti niya sakin na gusto kong masilayan araw-araw.

"Anak," Binahagi niya ang kanyang kamay saka ako tumakbo at niyakap sya ng mahigpit. Ang sikip at sakit ng aking dibdidb ay napunan. Parang bumalik sakin ang lahat. Ang pagsisikap ni tatay para lang kami mabuhay at may makain araw-araw. Ang ginawa niyang sakripisyo para samin ay hindi mapapalitan ng kahit sinoman at anoman. "Miss na miss kita anak," Hinalikan niya ang noo ko. Tumabi sa kanya si nanay saka ito tumitig sakin.

"Tay miss na miss na kita." Hinagod niya ang likod ko. "Tay sorry napabayaan ko ang bahay na itinayo nyo. Patawarin nyo po ako dahil hindi ko nagawang protektahan ang bahay natin.. Patawad tay!" Dahan-dahan niyang pinunasan ang mga luha saking mata. Kinulong niya ang mukha ko sa kanyang magkabilang palad.

"Wala kang kasalanan anak. Ginawa mo ang lahat para protektahan ang bahay natin. Huwag mong sisihin ang sarili mo. Anak Mary, Masayang-masaya kami dahil okay ka. Masaya ako dahil lumaki kang matatag at mabait." Umiling ako sa sinabi niya.

'Tay pagod na pagod na po ako. Hindi ko na po kayang mag-isa ulit.

Gusto ko na pong makasama kayo ni nanay." Unti-unti na akong huminahon. Sabay silang nagbuntong hininga ni nanay saka sabay nila akong niyakap ng mahigpit. Bawat yakap nila sakin ay sinulit ko.

"Hindi pa ngayon ang tamang oras anak. May kailangan ka pang malaman," Dahan-dahan akong humiwalay sa yakap nila. Hindi ko sila maintindihan. "Anak tandaan mo, kahit anong mangyari ay mahal na mahal kita. Mahal ka namin ng nanay mo."

"Hindi ko po kayo maintindihan tay," Kunot noo ko kaya nag katinginan sila ni nanay. Ang kanilang ngiti ay nag papalungkot sakin. Kinabahan ako!

"Kailangan nanaming umalis anak," Sumikip ang dibdib ko sa sinabi ni nanay. Niyakap ko sya ulit ng mahigpit. Ayaw kong umalis sila. "Mahal na mahal ka namin Mary."

"Nay huwag nyo akong iwan ulit." Hinimas niya ang likod ko rason kong bakit isa-isa ulit tumulo ang luha ko. Dahan-dahan nila akong binitawan na paatras. "Nanay? Tatay? Huwag nyo akong iwan please." Para akong hindi makagalaw ng binitawan nila ang kamay ko. Sumisigaw ako sa sakit ng unti-unti silang lumayo sakin. Ang mga luha kong patuloy ang daloy.

Paatras silang palayo sakin, paatras silang kumakaway sakin.

Ayaw ko ng mag-isa ulit. Ayaw ko!

"Mary,"

"Mary,"

"Mary gisingn" Bigla akong napaupo. Ang aking puso ay sobrang bilis ng tibok. Ang mga luha kong tumutulo parin. Bigla nalang may humawi sa luha ko. "Nanaginip ka lang. Tahan na, isang panaginip lang yun." Isa-isang pinunasan ni Nard ang luha ko. Nagbuntong hininga ako bago pilit kinakalma ang sarili. Nag palinga-linga ako sa paligid at napagtanto kong nasa isang kwarto ako.

"Nasan ako?"

"Nasa bahay ka. Kwarto ito ni Becky." Sagot niyang may pag-alala.

"Anong nangyari?" Marahan kong tanong. Tinititigan ko si Nard at may pagtataka.

"Nakita kitang nakabulagta sa lumang bahay nyo kanina. Buti nalang at napadaan ako." Buntong hininga niya. "Anong nangyari? bakit ka nahimatay kanina?"

"Hindi ko alam bigla lang kasing sumakit ang ulo ko," Hinimas ko ang noo ko dahil nararamdaman ko pa ang sakit.

"May mga pulis sa labas at mukhang may impormasyon tungkol sa nangyari sa bahay nyo." Mabilis akong sumulyap sa kanya. Dali-dali akong tumayo saka inayos ang sarili.

"Kailangan ko silang makausap," Tumango si Nard saka ito sumunod sakin palabas. Sabay napatingin samin sina ante at ninong kasama si Becky at tatlong pulis. Bahagya silang tumayo.

"Anak gising kana," Lumapit sakin si ante saka niya ako hinila. "Sila yung umaasikaso sa nangyari sa bahay nyo. May impormasyon silang nakuha kaya sila na pa rito." Sumulyap ako sa tatlong pulis saka ko nilahad ang aking kamay..

"Goodmorning po sir. Ako yung may ari ng bahay." Isa-isa kong bati sa kanila. Nagpakilala narin sila sakin at ganon din ako. Umupo kami para pag-usapan ang nangyari.

"Base po sa nakuha naming impormasyon sa kabilang baranggay. May napapansin silang itim na kotse na pabalik-balik malapit lang sa bahay mo. Naitanong din namin ang plate number ng kotse. Baka kilala nyo ang plate number ng kotse na ito." Nilahad sakin ng isang pulis ang itim a kotse mula sa larawan. Umiling ako agad dahil hindi ko alam.

"Hindi eh," Sagot ko.

"Pero Sir," Si ninong. "Yung nangyaring sunog sa bahay ng inaanak ko. Sinadya ba ito?" Kinabahan ako sa tanong ni ninong. Kong sinadyang sunogin ang bahay namin, sino namang gagawa nito?

"Sa nakuha naming resulta mula sa investigator ay sinadya pong sunogin ang bahay nyo ma'am." Nanlaki ang mata ko sa diretsahan na sagot niya. Narinig ko pang nagmura si Nard at Becky. "Kaya po kami na pa rito ay gusto po sana naming maitanong kong may kaaway ba kayong ibang tao o kaya may galit sainyo kaya nagawa niya ito sainyo?"

"Naku walang kaaway si Mary. Ang bait-bait nga niyan eh. Baka po naiinggit madami." Sagot ni Becky kaya agad syang binatokan ni ante. Sumimangot ito sa kahihiyan.

"Wala akong naalalang may kaaway ako. Nasa Manila ako at nagtatrabaho kaya wala akong masyadong nahahalubilong taga rito." Marahan kong sagot saka sila nag katinginang tatlo. Ilang segundo silang natahimik at para bang nag-uusap ang kanilang mga mata.

"Huwag po kayong mag-aalala ma'am gagawin po namin ang lahat para mahanap ang taong may kapakanan nito," Sambit ng lalakeng matabang pulis.

"Salamat po Sir. Sana ay mahanap nyo ang may gawa nito," saad ko saka sila tumayo.

"Sya nga po ma'am. May nakuha po kami sa bahay nyo at mukhang importanteng bagay po ito." May nilahad sakin ang pulis. Isang kulay itim na box. Naalala ko kay nanay ito.

"Kay nanay yan," Kinuha ko ang box na inilahad niya. Ang alam ko ay naglalaman ito ng mga sulat at larawan namin. "Salamat po Sir,"

"Maraming salamat po sainyo Sir." Nakipag kamayan si ninong at ante sa kanila. Hinatid namin sila palabas. Dumiretso sila sa patrol kasama si Ante at ninong.

Napaupo ako sa upoan na gawa sa kawayan. Bitbit ko ang box na binigay sakin ng pulis. Kinakabahan ako kaya dahan-dahan kong binuksan iyon. Unang bumungad sakin ang larawan nila nanay at tatay. Isa-isang tumulo ang luha ko. Ang dibdib ko'y sobrang sikip. Ang mga ngiti nila dito ay ang mga ngiti na nakita ko kanina saking panaginip.

Sana nalang pala ay hindi ako nagising. Mas gugustihin ko pang mamatay at makasama sina nanay at tatay kesa masaktan ng ganito. Humagol-gul ako ng iyak saka niyakap ang larawan. Ang hampas at ingay ng alon ay nagpapa-alala sakin sa kanila. Ang simoy ng hangin ay dumdampi saking pisnge. Pumikit ako ng marahan.

"Baklabesh," Naramdaman ko ang kamay ni Becky sa balikat ko pero hindi ko iyon pinansin. Hinahayaan kong tumulo ang luha ko sa sakit.

"Hayaan mo na natin sya anak," Si ante. Narinig ko pa ang iilang buntong hininga nila saka ito tuluyang umalis at iniwan ako.

Bawat patak ng aking luha ay sumisimbolo ng sakit at galit. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. Galit ako kay Matteo ngunit mas nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kanya. Mahal na mahal ko sya!

Kinuha ko ang phone ko at inulit-ulit binasa ang mga iilang mensahe niya sakin noon. Hindi ko magawang burahin ito dahil importante ito para sakin.

I love you damn much baby.

Goodmorning my baby. I really miss your hug and kisses. I want you to be here right now in office. Pagod ako sa trabaho pwedeng payakap saglit?

Dont skip your lunch please. Ayaw kong magkasakit ka. I'll be there at bar after this board meeting. I love you so much!

Pumatak ang aking luha sa screen. Halos hindi na makita ang iilang message dahil sa mga luha ko. Kailangan kong marinig ang boses niya kahit sandali lang. Kahit saglit lang naman!

Rocky Calling...

Nanlaki ang mata ko ng bumungad sa screen ang pangalan ni Rocky. Tumulo ulit ang luha ko. Kong sana ay nakinig ako sa kanya. Kong sana ay umiwas nalang ako kay Matteo, hindi sana nangyayari ito.

Nagdadalawang isip pa akong sagotin ang tawag. Nakagat ko ang labi ko bago sagotin.

"Hello," Pinipigilan kong umiyak. Natatakot akong malaman ito ni Rocky.

"Mary kumusta kana? Miss na miss na kita," Humagol-gul ako ng iyak. Ang mata koy bumagsak sa larawan nila nanay at tatay. Hindi ako okay Rocky. Hindi! "Mary umiiyak ka ba?"

"Rocky Im sorry," Napatakip ako saking bibig saka humagol-gul ng iyak. Ang sakit-sakit. Hindi ko matanggap.

"Anong nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Sinaktan ka ba ni Matteo huh? Tell me," Galit niyang sabi saka ito nagmura ng ilang ulit. Hinawi ko ang luha ko saka tumanaw sa malawak na karagatan. Hindi ko kayang kimkimin ang lahat ng to.

"Sana nakinig nalang ako sayo, sana sinunod nalang kita. Im sorry Rocky. Im sorry," Narinig ko ulit ang pagmumura niya sa kabilang linya. Galit na galit ang kanyang boses at tila gusto ng pumatay ng tao.

"Uuwi ako ngayon Mary. Kailangan kong harapin yang gagong Matteo na yan,"

"Rocky,"

Bigla niyang pinatay ang tawag kaya kinabahan ako. Ang bilis ng tibok ng puso ko ay nagpapakaba sakin. Dali-dali kong pinunasan ang aking luha. Kailangan kong bumalik sa Manila. Baka anong gawin ni Rocky kay Matteo.

Tumayo ako sabay ng pagkahulog ng box ni nanay. Isa-isang nahulog ang mga larawan namin. Ang mga lumang sulat na napagkakaalaman kong mga love letters iyon ng kabataan nila ni Tatay.

Napaluhod ako at isa-isang pinulot ang mga iyon. Napadpad ang tingin ko sa isang puting papel na may nakasulat sa malaki kong pangalan.

"Marylyn," bulong ko saka iyon pinulot. Bumalik ako ng upo sa kawayan saka dahan-dahang binuksan ang papel. Sulat ito ni nanay at kilalang-kilala ko ang sulat niya. Kinakabahan ako kaya sinimulan kong basahin ang sulat para sakin.

Dear Anak,

          Mary anak ko. Patawarin mo sana  kami ng tatay mo. Anak hindi ko alam kong pano sasabihin sayo ito. Natatakot kaming magalit ka  samin, natatakot ang tatay mo na baka mag bago ang pananaw mo sa kanya. Anak sana ay mapatawad mo kami ng tatay mo. Ginawa lang namin iyon dahil sobra ka naming mahal. Hindi ko alam kong pano sabihin sayo ito ng harap-harapan kaya sinulat ko nalang. Kong nababasa mo ito ngayon sana ay mapatawad mo kami. Matagal nanaming itinago sayo ito dahil natatakot ang tatay mo na mawala ka samin. Minahal ka niya na parang tunay na anak at higit pa sa hinahangad ng isang anak. Mahal na mahal ka namin ng tatay mo at sana mapatawad mo sya. Anak mary, hindi mo tunay na ama si tatay Goncillio mo. Ayaw kong sabihin sayo ito noon dahil napamahal ka na ni Goncillio. Kong sakaling mawala kami ng tatay mo pareho gusto naming maayos ang buhay mo Mary. Hindi ko alam kong dito pa nakatira ang totoo mong tatay. Ito ang address niya sa Manila. Kong mahanap mo sya anak, sana ay mapatawad niya rin kami ng tatay mo. Mahal na mahal kita Mary, mag-iingat ka palagi.

  

                            Nagmamahal,

                            Nanay.

Naikuyom ko ang kamao ko sa galit at sakit. Ang puso koy nagliligyab sa init at hingnanakit. Tumulo ang luha ko rason kong bakit nabasa ang papel kong hawak. Buong akala ko ay si tatay ang totoo kong ama. Buong akala ko ay lumaki akong buo ang pamilya.

Niluko rin nila pala ako. Lumaki akong nababalotan ng mga kasinungalin. Ang sakit-sakit pati magulang ko ay nagawa akong lukohin. Pero ganon paman ay mahal na mahal ko sila. Hindi ko alam kong anong rason kong bakit itinago nila sakin ito ng kay tagal. Si tatay Goncillio lang ang ama ko. Sya ang nagpalaki sakin at bumuhay. Kitang-kita ko kong pano naghirap magtrabaho si tatay noon. Wala na akong balak hanapin pa ang totoo kong ama. Wala na!

Continue...