webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 51

Pangalawang araw na ito at hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo. Hindi ko narin nakikita si Clifford at Robi sa bar. Bawat tibok ng aking puso ay nagpapakaba sakin. Sana ay mali ang kutob ko sana ay walang nangyaring masama sa pamilya niya.

Bumalik kami sa childrens park na pinasyalan namin noon. Nagyaya silang kumain narin ng ice cream kaya naiing-ganyo akong sumama. Bawat ngiti nila sakin ay binabalikan ko rin ito ng ngiti.

Ayaw kong mag emote at malungkot sa harap nila, ayaw kong pawiin ang mga ngiti nila sa labi. Sa pagkakataong ito ay ayaw ko munang pag-usapan si Matteo sa harap nila. Kailangan kong sumabay sa tawanan nila para naman maibsan ang pag-aalala ko kay Matteo.

"Night out tayo sa susuod na sabado," Sambit ni Ivony. Bilib na bilib ako sa kanya dahil nagagawa niyang tumawa kahit na hiniwalayan niya ng tuluyan si Josson. Naging masaya sya sa pagiging single.

"Ay go na go ako dyan!" Excited na singit ni Grace. Sumulyap sila sakin kong sang-ayon ba ako sa night na iyan.

"Sasama ako!" Ngiti ko sa kanila kaya unti-unti lumapad ang kanilang ngiti.

"Naku Maey dapat lang. Kasi nong nasa probinsya ka ay gabi-gabi kaming nag na'night-out" Ngumiti ako ng mahina sa sinabi ni Jessica.

"Huwag mo munang isipin ang mga problema mo. Mabuti pa ay subukan mo kayang uminom kahit kunti lang." Ningkit mata ni Erika. Hindi pa ako nakakatikim ng lubosan sa bagay na yan. Siguro ay titikim ako kahit kunti lang.

"Huwag kang mag-aalala Maey. Dahil sa umpisa lang yan mapait pero kalaunan ay siguradong masasarapan kana sa lasa." Singit ni Grace. Mukhang wala namang masama kong iinom ako. Tutal ay babae ang mga kasama ko.

"Sige susubukan ko." Sagot ko na ikinatuwa nila.

"Yes.... masaya to!" Malademonyong ngiti ni Jessica. Umiling ako saka nagpatuloy narin sa kinakaing ice cream.

Nagsimula ulit ang kabaliwan ng apat at naglaro ulit ito sa ground. Tulad ng ginawa nila dati. Hindi ko maiwasang tumawa nalang ng tumawa dahil hindi ko maisip na babalik sila sa pagkabata. Sila yung tipong matanda na pero isip bata parin. Dalawang oras din kaming tumambay sa park. Ang sarap ng hampas ng simoy ng hangin dito. Ang mga dahon ng punong kahoy ay sumasabay sa sayaw ng hangin. Tumingala ako sa langit habang pinapanunuod ang mga nagsisiliparang ibon. Saan na kaya sya ngayon? Ano kaya ang ginagawa niya ngayon? Bakit kaya hindi sya nagpaparamdam sakin ngayon? Ang daming katanongan na hindi ko magawang sagotin.

Nang sumapit ang hapon ay bumalik kami ng bar. Kanina pa ako kinukulit nito ni Rocky dahil na mimiss niya raw ako. Bumalik ulit sya sa Dubai para taposin ang trabaho niya dun. Isa na talaga syang magaling na Engineer. Siguro ay pag nakabahay ako sa kanya ako mag papagawa, napapangiti ako habang iniisip yun.

Pagkatapos naming magbayad kay manong tricycle driver ay ang pagparada ng isang maitim na kotse sa gilid ng bar. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil pamilyar sakin ang kotse. Nauna akong bumaba sa tricycle at dali-daling lumapit dun. Alam kong kay Matteo ang kotse na yon kaya sobrang lapad ng ngiti ko. Napahinto ako sa paglalakad ng bumaba ang isang lalake na isa sa mga gwardya ni Matteo sa bahay niya. Literal akong nanghina dahil akala ko ay si Matteo ang bubungad sakin.

"Maey kilala mo ba iyan?" Tanong sakin ni Ivony. Tumango ako bilang sagot. Hindi ako nagkakamali kilala ko si manong. Lumapit sya sakin na nakangiti.

"Magandang hapon po sainyo ma'am  Mary." Bati niya nito agad.

"Magandang hapon din Manong. Bakit po kayo napa rito?" Hindi ko alam kong anong pakay niya pero kinakabahan ako.

"Ma'am pinapasundo po kayo sakin ni sir Matteo." Lumapad ang ngiti ko sa sinabi niya. Ang ngiti koy hindi mapapawi dahil miss na miss ko na talaga si Matteo.

"Tika lang manong huh?" Hinarap ako ni Grace. "Sigurado ka bang kilala mo yan? Baka isa yan sa mga budol-budol gang at kikid'napin ka lang." Agad ko syang sinamaan ng tingin humalukip-kip ito na may tawa.

"Sorry po ma'am pero kanina pa kayo hinihintay ni Sir," Seryoso niyang sabi. Hindi ko alam kong bakit pinapasundo ako ni manong. Bakit hindi nalang sya ang pumunta dito. Gusto ko pa sanang magtanong pero masasayang lang ang oras pag ganon.

"Sige Manong sandali lang po huh? kakausapin ko muna ang mga kaibigan ko." Tumango ito saka naunang pumasok sa loob ng kotse. "Kailangan kong puntahan si Matteo, isa iyon sa mga gwardya niya."

"Sige. Mag-iingat ka huh?" Saad nila sakin saka ako tumango. Sumunod ako sa kotse.

Maging sa byahe ay hindi ko maiwasang mag-alala. Bakit hindi sya nag pakita sakin ng dalawang araw? bakit niya ako pinapunta sa kanyang bahay? Kong ano man iyon ay sana hindi masama ang balita. Na mimiss ko narin si Matteo at nangingi-babaw parin sakin ang tuwa at saya. Kahit dalawang araw lang iyon ay sobrang ko syang na miss. Gusto ko syang yakapin ng mahigpit ngayon. Gusto kong matikaman ang kanyang halik ulit. Bumuntong hininga ako saka sumandal sa backrest ng upoan. Panay sulyap sakin ni manong mula sa rear mirror ng kotse kaya hindi ko mapigilang hindi magsalita.

"Manong may problema po ba?" Umiwas agad sya ng tingin sa tanong ko. Binalik niya ang kanyang tingin sa harap.

"Wala naman po ma'am."  Buntong hininga niya. Hindi ko alam kong anong ekspresyon ang mukha ni manong kaya hindi ko nalang pinansin iyo.

Naaninag ko narin ang matayug na bahay ni Matteo. Ang ngiti ko ay umabot hanggang tenga. Gusto ko na syang makita. Panay sulyap ko sa labas ng bintana ng kotse.

Dali-dali akong bumaba ng kotse.

"Manong salamat po." Saad ko saka ko sya tinalikuran. Hinila niya ang braso ko rason kong bakit napaharap ako sa kanya. Nagulat ako sa ginawa niya kaya agad kong hinawi ang kamay niya mula sa braso ko. Kinakabahan ako sa titig niya sakin. "Manong? May problema po ba? Kanina pa kayo titig na titig sakin." Tinititigan niya lang ako. "Manong?" Ulit ko pero bumagsak lang ang mata niya sa sahig. Ang kaba saking dibdib ay sobrang bilis.

"Ma'am Mary sorry po sa lahat-lahat." Huli niyang sabi saka ito dali-daling umalis sa harap ko. Kumunot ang noo ko sa inasta ni manong. Hindi ko alam kong anong klasing sorry iyon. Bakit sya nag so'sorry sakin?

Pinilig ko ang ulo ko saka pilit na ngumiti. Pinihit ko ang maindoor ng bahay ni Matteo at bumungad sakin ang katahimikan. Luminga-linga ako sa paligid at mukhang wala sya sa dito sa ibaba. Napagpasyahan kong umakyat sa itaas. Siguro ay nasa dancefloor sya at nag-iinsayong sumayaw. Pinihit ko ang pintoan ng dancefloor at napagtanto kong walang ingay na musika. Kinakabahan ako!

Siguro ay nasa kwarto sya.

Oo tama!

Dumiretso ako sa kwarto niya. Bakit ako kinakabahan? iba yung kaba ko ngayon eh. Napakagat ako sa labi at pilit pinapakalma ang aking sarili. Nag dadalawang isip pa akong buksan ang pintoan ng kwarto niya. Kanina pa nanginginig ang tuhod ko sa kaba. Siguro ay senyales lang ito ng pagka miss ko sa kanya. Oo tama, namimiss ko lang sya.

Nagbuntong hininga ako saka tuluyang pinihit ang pintoan. Bumungad sakin ang itim na kama ni Matteo. Pumasok ako at napadpad ang tingin ko mula sa balcony ng kwarto niya. Ang puting kurtina ng veranda ay inihipan ng hangin. Nakatayo mula doon si Matteo habang  nakahawak sa railing ng balcony.

"Baby?" Dali-dali akong lumapit sa kanya sabay ng paglingon niya sakin. Niyakap ko sya agad ng mahigpit. Miss na miss ko na sya. Hindi ko maramdaman ang yakap niya pabalik sakin kaya bahagya akong humiwalay. Ang kanyang balikat ay bagsak. "Matteo? Okay kalang? May sakit ka ba?" Hinimas ko ang noo niya pero umiwas agad sya ng tingin. Hinawi niya ang kamay ko rason kong bakit ako napaatras. Nasaktan ako sa ginawa niya kaya hinuli ko ang mata niya para titigan ako. "Baby? Anong problema? Pinapasundo mo ako tapos-----,"

"Babe I'm done," Agad akong napalingon sa likuran. Ang dibdib koy sobrang namamanhid sa sikip. Ang bilis ng puso ko ay nag papabingi saking tenga. Naikuyom ko ang kamao ko sa galit. Si Venus na bagong ligo at tanging puting towalya lang ang nakabalot sa kanyang katawan. "Oh your here," Lumapit sya kay Matteo saka pinalupot ang kanyang kamay sa braso nito. Napaatras ako ng bahagya. Sumulyap ako kay Matteo at tanging blanko lang na ekspresyon ang mukha ang nakikita ko.

"Matteo anong ibig sabihin nito?" Naikuyom ko ang kamao ko sa galit.

"Hindi mo ba nakikita?" Mas lalo syang dumikit kay Matteo. "Nagkabalikan kami," dugtong niya na ikinahinto ng tibok ng puso ko. Hindi ko nalang namalayan na may luhang pumapatak sa magkabila kong mata. Ang sikip-sikip ng aking dibdib. Nanga-ngatog ang tuhod ko at tila hindi ko na maramdaman ang sahig sa ibaba. Ang luha kong patuloy ang agus sa sakit nag aking nararamdaman ngayon.

"Hindi ako naniniwala," Iling ko. "Matteo naman eh, huwag ka namang magbiro ng ganito. Diba pinapasundo mo ako sa gwardya mo para pumunta dito?" Halos hindi ko na sila makita sa luha kong patuloy ang patak. Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib.

"Blaaah! Blaah! Napaka elusyonada at assumera mo kasi. He just playing your feelings Mary. Don't assume that Matteo really loves you." Asar na sabi ni Venus. Naikuyom ko ang kamao sa galit. Ang ngipin kong nakagat ko sa inis.

"Hindi ako naniniwala sayo. Minahal ako ni Matteo at ramdam na ramdam ko yun." Bulyaw ko kaya lumapit sakin si Venus saka ako pinagtutulakan sa dibdib.

"Hindi ka niya mahal," Tulak niya sakin. "Kahit kailan hindi ka niya minahal. " Tulak niya ulit sakin. "Ako ang mahal niya at ako lang ang mamahalin niya habambuhay" Mas lalo niya akong tinulak rason kong bakit ako napaupo sa sahig. Ang luha kong hindi huminto sa kakaiyak. Nanatili akong nakaupo habang nakatuon ang tingin kay Matteo na blanko lang ang ekspresyon ng mukha nito.

"Matteo naman eh. Kong palabas lang ito lahat please hindi nakakatuwa. Ang sakit-sakit alam mo ba yun?" Hinawi ko ang mga luha ko. Ang titig niya sakin ay para bang wala na akong silbi para sa kanya. Gumapang ako dahil hindi ko kayang tumayo. Gumapang ako patungo sa kanya saka ko niyakap ng mahigpit ang magkabila niyang tuhod. Umiyak ako ulit saka tumingala para tignan sya. Nakayuko sya mula sakin at ni hindi ako magawang itayo. "Baby, alam kong minahal mo ako. Alam na alam ko yun. Diba sabi mo sakin mag tiwala lang ako sayo?" Hinahayaan kong tumulo ang luha ko. Halos hindi ko na sya makita sa mga luhang nakaharang saking mata. Umiwas sya ng tingin saka ito nag lakad rason kong bakit nabitawan ko sya. Pumasok sya sa loob ng kwarto kaya sumunod ako at pilit itinayo ang sarili. Niyakap ko sya mula sa likuran. "Please tama na...nasasaktan na ako sa ginagawa mo. Sabihin mo sakin, diba nag sisinungaling lang si Venus. Diba hindi totoo ang mga sinasabi niya. Mahal na mahal kita Matteo eh. Huwag naman ganito oh." Nakapikit ako habang sinasabi yun. Hinawi niya ang kamay ko mula sa dibdib niya pero binalik ko ulit iyon.

"Babe pwede ba paalisin muna ang babaeng yan. She's just wasting our time." Napakagat ako sa labi sa sinabi ni Venus. Hindi ako aalis hanggat hindi nag sasabi ng totoo si Matteo. Palabas lang ito lahat. Ayaw kong maniwala. "Shit....sabing umalis kana eh!" Hinila ni Venus ang buhok ko kaya napaatras ako sa ginawa niya. Sobrang sakit ng nararamdaman ko ngayon sabay ng mabigat kong nararamdaman. "Hindi mo ba ako naiintindihan? Hindi ka niya mahal ginagamit ka lang niya. At ikaw namang boba at gaga nag a'asume na mamahalin ka niya ng totoo," Sabi niya habang sinasabunotan parin ang buhok ko. Napapikit ako sa sakit at kirot ng aking ulo. Hindi ko alam kong saan ako humugot ng lakas para itulak sya ng malakas rason kong bakit napaupo sya sa sahig.

"Tama na!" Tulak ko. Nakabulagta si Venus sa sahig at agad itong nilapitan ni Matteo at tinulongan itong tumayo. Napahawak ako ng mahigpit saking dibdib. Ang ginawa niyang pagtulong kay Venus ay hindi niya nagawa sakin kanina.

"Get out!" Turo ni Matteo sa pintoan. Hinawi ko ang mga luha ko para mas makita ko sya ng lubosan. Hindi ako nag mamalikmata sa pagkakataon ito. Ako ang tinuturo niya para palabasin. "I said get out. Hindi ka ba nakakaintindi Mary? Get out of this room." Nakayakap sa kanya si Venus habang umiiyak ito. Sobrang sakit na talaga ng dibdib ko at halos hindi na ako makahinga. Ang sakit-sakit. Sobrang sakit!

"Matteo hindi mo ba talaga ako mahal?" Mahina kong sabi kaya umigting ang kanyang panga. Ang kanyang mukha ay napagkikitaang nagalit sya sa tanong ko. Lumapit sya sakin na kuyom ang kamao saka niya ako hinigpitan ng hawak sa may braso. "Stupid hard-headed!" Bagsak boses niya saka ako hinila palabas ng kanyang kwarto. Nasasaktan ako sa hawak niya sa braso ko.  Ang kanyang tingin ay nasa harap lang habang nag patianod ako sa hila niya.

"Matteo please. Nasasaktan ako!" Binabawi ko ang braso ko pero hindi parin ito lumiligon sakin. "Matteo mahal na mahal kita!" Mas lalo kong naramdaman ang higpit na hawak niya sa braso ko hanggang sa umabot kami sa parking lot ng bahay niya. Bumungad samin si Manong gwardya na naglilinis ng kotse kaya dali-dali itong lumapit samin.

"Ihatid mo sya pabalik ng bar." Humarap ako kay Matteo na luhaan parin.

"Hindi ako babalik dun hanggat hindi mo ako kinakausap ng matino." Umigting ulit ang panga niya sa sinabi ko.

"Umuwi kana!" Umiling ako sa sinabi niya. "I said go home," Bulyaw niya sakin kaya napaatras ako. Panay hawi ko saking luha sa sakit ng aking dibdib.

Niyakap ko sya ng mahigpit na mahigpit. Isinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib at gusto kong marinig ang tibok ng puso niya para sakin. Hinayaan niya lang akong yakapin sya.

"Mahal na mahal kita. Hindi ako mag sasawang sabihin sayo yon. Sabi mo sakin ipaglalaban mo ako sa sino mang haharang satin. Nangako ka sakin Matteo kaya nakasulat na yun sa pusot isip ko." Humagul-gol ako ng iyak. Miss na miss ko na sya. "Dalawang araw ka ng hindi nagpaparamdam sakin. Alam mo bang miss na miss na kita?" Dahan-dahan niya akong tinulak na para bang pilit niya akong nilalayo. Pumikit sya ng marahan saka ako tinititigan sa mata. Ibang-iba na ang titig niya ngayon kaysa noon. Kahit isa ay walang bahid na pag-aalala.

"Listen to me Mary." Buntong hininga niya saka ako hinawakan sa magkabilang balikat. "I dont love you anymore," Huminto ang ikot ng aking mundo. Para akong nahulogan ng bato sa ulo. "Mary, i dont love you. Hindi kita mahal at hindi kita minahal." Sinampal ko sya agad kaya napatigilid ang kanyang mukha. Hinabol-habol ko ang aking hininga dahil sa bilis ng tibok ng puso ko.

"Ang daya-daya mo naman." Sinuntok ko sya sa dibdib. "Gago ka minahal kita. Napaka gago mo Matteo. Ang daya-daya mo!" Sinuntok-suntok ko sya sa dibdib kaya hinuli niya ang magkabila kong kamay. Napahinto ako sa kakasigaw. Umagos parin ang luha ko sa sakit.

Ang sakit ng dibdib ko, nanghihina narin ang katawan ko.

"Oo gago na kong gago. But fuck Mary why you don't understand everything? I said i dont love you. Im just using you and your one of my fuck buddy. Did you understand?" Tinulak ko sya ng malakas sa dibdib. Naikuyom ko ang aking kamao sa binitawan niyang salita.

"Pagkatapos mo akong ihulog? Hindi mo pala ako sasaloin? Binigay ko sayo lahat-lahat pati na ang pagkababae ko. Ang daya mo naman Matteo. Ikaw ang lumapit sakin at hindi ako." Hinawi ko ang luha ko. "Tinitiis ko ang mga sinasabi ng ibang tao, dahil mahal kita. Wala akong pakialam sa sinasabi nila dahil alam kong mahal mo rin ako." sinuntok ko sya sa dibdib. "Mahal kita Matteo mahal kita. Naiintindihan mo ba ako? Ang sakit dito oh. Sobrang sakit dito." Turo ko saking puso ng paulit-ulit. Bawat salita ko ay wala lang para sa kanya.

"Umuwi kana," Hinila niya ulit ako sa braso pero agad ko iyong binawi. "How many times that i told you. Hindi kita mahal. I realize everything and i realize that i still love Venus." mas lalong bumuhos ang aking luha.

"Ang galing mo namang maglaro. Pati feelings ko ay nilalaro mo. Pag katapos mo akong gamitin ay iiwan mulang pala akong luhaan? Binuo mo ang mundo ko pero ikaw rin pala ang wawasak nito pabalik." Humagol-gol ako ng iyak habang panay hawi ko saking mga luha. Sobrang bigat na talaga ng dibdib ko. Ang sakit-sakit na at hindi ko na kayang tumayo pa.

"Im sorry Mary but I love Venus. I can't leave without here," Marahan niyang sagot kaya napaluhod ako.

Lumuhod ako sa harap niya habang bagsak ang magkabilang balikat. Hinahayaan kong tumulo ang aking luha. Intinayo niya ako mula sa pagkakaluhod pero nag mamatigas parin ako.

"Alam kong minahal mo ako. Nangako ka sakin na ako lang ang mamahalin mo. Nangako ka sakin na ipaglalaban mo ako. Nangako ka sakin na papakasalan mo pa ako. Alam mo bang umasa ako sa mga pangako mo? Matteo hindi mo naman yun sasabihin sakin diba kong hindi mo talaga ako mahal?" Lumuhod sya din sya sa harap ko kaya magkalevel na kami ngayon. Inabot niya ang kamay ko saka niya iyon hinawakan..

"Im sorry but my mind will never change. Nagsisi ako kong bakit sinabi ko pa sayo yon. I love Venus so much------"

"Tama na.....Tama na please....please....tama na. Ang sakit-sakit na Matteo eh. Ang sakit-sakit." Hinilamos ko ang mukha ko saka humagol-gul ng iyak. Parang dinudurog ang puso ko sa paulit-ulit niyang sinasabing Mahal niya si Venus. "Bakit mo nagawa sakin to. Bakit?" Naramdaman ko ang kamay niya sa mukha ko kaya hinawi ko iyon. Tinulak ko sya. "Hinulog mo ako sa bangin. Umasa akong sasaluin mo ko." Bulyaw ko sa kakaiyak. Halos hindi ko na mabuka ang bibig ko sa sakit ng nararamdaman ko ngayon. "Sana pala nakinig nalang ako kay Rocky. Sana pala ay umiwas nalang ako sayo." Humikbi ako sa sakit. Ang puso koy pahina ng pahina ang tibok. "Simula ng minahal kita sayo ko naranasan ang maging masaya ulit. Pero sayo ko rin pala maranasan ang masaktan ulit. Sobrang sakit Matteo!" Bumuntong hininga ako bago sya tinititigan ng masama. Ang kanyang titig ngayon ay ibang-iba kesa noon. "Salamat sa pananakit mo," Huli kong sabi saka dali-dali syang tinalikuran.

Tumakbo ako palabas ng gate habang hinawi ang mga luha saking mata.

"Wait.....Mary!" Narinig ko pa sya mula sa likuran ko ngunit hindi ko ito nililingon. "Mary," Hinila niya ang braso ko rason kong bakit bumuhos ng bumuhos ang mga luha ko sa mata. Ang kanyang perpektong mukha wala bahid na sakit at takot na tuluyan akong nawala sa kanya.

"Bitawan mo ako. Bitawan mo ako sabi!" Binabawi ko ang braso ko pero mas hinigpitan niya iyon ng pagkakahawak. "Ano ba Matteo. Diba ayaw mo na sakin? Bakit mo pa ako hinahabol?" Umigting ang kanyang panga sa sinabi ko. "Uuwi na ako kaya bitawan mo ko." Bigla niya lang akong binuhat kaya sumigaw-sigaw ako sa ginawa niya. "Ano ba sabing bitawan mo ako, hayaan mo na akong mag-isa Matteo." Sinuntok-suntok ko sya sa dibdib. Binuksan ni manong ang pintoan ng kotse saka ako pinasok ni Matteo.

"Manong take her home." nakagat ko ang labi ko sa kakaiyak. Umikot si manong saka sinimulang paandarin ang kotse. Sumulyap muli sakin si Matteo kaya nilabanan ko sya ng titig. Wala akong maramdaman sa titig niya kahit kunting pagmamahal manlang. "Stay away from Venus. Stay away from me and don't should ever come near us. Im sorry Mary, were done and Im done with you." Humagol-gul ulit ako ng iyak. Nangi-nginit ang buong katawan ko sa galit.

"Hindi mo ba talaga ako minahal?" Tanong ko na ikinaiwas tingin niya. Gusto kong marinig ulit sa kanya. "Please Matteo sagotin mo ako. Hindi mo ba talaga ako minahal?" Ulit ko na ikinasulyap niya sakin. Hawak niya ang magkabilang pintoan ng kotse habang tinititigan ako sa mata. "Gusto kong marinig na hindi mo na ba ako mahal nang sa ganon ay hindi na ako lalapit pa sayo." Mahinahon kong sabi na mas lalo niyang ikinagalit.

"Hindi kita minahal!" Diretsahan niyang sagot. Yumuko ako sa sakit. Ang mga luha kong pumapatak saking hita. Nahihilo na ako sa kakaiyak. Siguro tama na ito, tama na Mary. Sinasaktan mo lang ang sarili mo.

Sumulyap ako muli sa kanya. Isa-isa kong pinunasan ang aking mga luha.

"Salamat sa lahat. Salamat dahil sinaktan mo ako. Salamat huh? Siguro ay tama na ang marinig ko sayo 'to. Huwag kang mag-aalala hinding-hindi mona ako makikita pang muli. Hindi ko kayo gugulohin ni Venus. Ito ang pakakatandaan mo Matteo. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa nyo sakin ni Venus. Itong mga luhang ito, sisiguradohin kong babalik sayo to." Umiwas agad ako ng tingin bago unti-unting pinakalma ang sarili.

Narinig ko pa syang nagbuntong hininga bago tuluyang sinara ang pinto ng kotse.

Humagolgol ako ng iyak. Hinilamos ko ang mukha ko. Ang sakit-sakit eh. Akala ko minahal niya talaga ako ng totoo. Akala ko lalaban kami pareho. Pinaasa niya lang pala ako sa wala.

Hinding-hindi ko makakalimutan ang araw na 'to Matteo.

Continue...