webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 42

Maaga akong nagising para sa byahe ko ngayong araw pauwi ng probinsya. Buti nalang talaga at pumayag si Clifford sa pag-uwi ko. Apat na araw lang naman akong mawawala kaya susulitin ko ang araw na iyon para mamasyal sa probinsya namin. Na mimiss ko ang pagtitinda ng mga sariwang gulay at isda sa palengke.

Lalo na ang dagat at puting buhangin. Halo-halo ang nararamdaman ko ngayon. May halong lungkot at saya. Lungkot? Dahil hanggang ngayon ay wala paring paramdam si Matteo siguro ay kailangan ko ng kalimutan ang nararamdaman ko para sa kanya. Kailangan kong tanggapin na isa lang ako sa nilalaruan niya. Nagagalit at naiinis ako sa kanya. Kagabi ko pa ito iniisip, pagbalik ko dito sa Manila ay hindi na ako lalapit sa kanya muli. Masaya? Syempre madadalaw ko ulit si Nanay at Tatay sa simenteryo. Kailangan ko ring ipaayos at lagyan ng kisame ang puntod nila. Na mimiss ko ang baryo namin lalo na't malapit na ang ka fiestahan sa nayon.

Kanina pa nakabusangot ang tatlo habang tinutulongan akong ayusin ang mga dadalhin ko pauwi.

"Ma mimiss ka namin kahit apat na araw lang iyan," Mangiyak-ngiyak na sabi ni Ivony.

"Babalik naman ako agad," Nakangiti kong sagot. Narinig ko ang iilang buntong hininga nila kaya nalungkot ako.

"Huwag mona kaming aalahanin, mag enjoy ka sa bakasyon mo." Sambit ni Jessica. Tumango ako bilang sagot. Nasa gilid sila ng kama habang ako ay isa-isang nilalagay ang iilang damit sa bagpack.

"Pano si Matteo? Baka hanapin ka niya samin?" Bigla akong napahinto sa ginagawa ko. Napaupo ako sa kama bago suminghap ng iilang hangin. Wala na akong pakialam sa kanya iyon ang nasa isip ko ngayon, pero sabi ng puso ko mahal ko parin sya.

"Bahala na..... Wala na syang magagawa. Babalik ako dito para sainyo hindi para sa kanya," Taas kilay kong sabi kaya sabay-sabay silang pumalakpak. Kumunot ang noo ko sa ginawa nilang iyon.

"Amazing!" si Ivony.

"Palaban," si Grace.

"Pero deep inside nasasaktan." Agad syang binatokan ng dalawa. Umiling ako saka tumawa ng mahina.

"Okay na sana eh. Sinabi mo pa yong totoo." Bulyaw ni Grace. Sumulyap ako kay Erika na busy sa kakapindot ng kanyang phone. Tinaas niya ang kanyang ulo kaya nahuli niyang nakatingin sya sakin. Bahagya itong ngumiti kaya binalikan ko rin ng ngiti. Hindi ko alam kong kailan kami naging okay ni Erika dahil bigla niya lang akong pinansin ng hindi ko namamalayan.

"Nandyan na sya," Saad niya na pinagtataka ko. Tumayo ito saka naunang lumabas ng silid. Nandyan na sya? Sino?

"Sinong nandyan?" Kunot kong tanong sa tatlo. Ngumiti lang ito bilang sagot saka nila kinuha ang dalawa kong bag.

"Tayo na..... Ihahatid ka namin." Ani ni Grace saka ako hinila sa kamay.

"Tika lang huwag nyo na akong ihatid gagastos pa kayo ng pamasahe eh." Hinila ko ang kamay ko ngunit nagmamatigas parin si Grace. Lumingon ako sa likuran at nakangiti lang si Ivony at Jessica sakin. Anong meron?

Hindi ko na nagawang pumalag at nag patianod sa hila ni Grace. Nakasalubong pa namin sina Aylana sa main door kasama ang mga kaibigan nito. Huminto kami saglit bago naglaban ng titig. Kusa silang sumuko sa titigan namin kaya agad namin silang nilagpasan.

May isang maitim na ferrari mula sa gilid ng bar at isang lalaking matangkad habang kausap nito si Erika. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko kilala kong sino man ang lakaking yon.

"Erika," Kumaway si Grace. Sabay silang dalawa lumingon samin. Medyo may katandaan na sya ngunit hindi ipagkakaila na gwapo.

"Honey sila yung sinasabi ko sayong mga kaibigan ko. Si Jessica, Ivony, Grace at si Mary sya yung ihahatid natin sa airport." Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Erika. Isa-isa ko silang tinignan ngunit ngiti lang ang ibinalik nila sakin.

"Airport? Sa Barko lang ako sasakay Erika." Nagtaas sya ng kilay sa sinabi ko.

"Maey huwag ka ng pumalag. Mabuti pa hali kana sa loob, baka ma late ka pa sa flight mo." Hinila ako ni Grace mula sa likoran ng driver. Dali-dali niyang binuksan ang pintoan saka ako tinulak mula sa loob. Sumunod din ang lalaki at si Erika sa loob. Nasa gilid ng driverseat si Erika. Sumulyap sya samin ng panandalian saka ito ngumiti sakin.

"Para naman makabawi ako sa lahat ng kasalanan ko sayo. Naisip kasi namin kong mag ba'barko ka dalawang araw kang mag papalutang sa dagat, kaya mag airplane ka nalang. Huwag kang mag-alala sa ticket nakabili na kami." Saad niya saka binalik ang tingin sa harap. Halos hindi ako makapagsalita.

Tinignan ko ang tatlo at nakatitig lang ito sakin. Hindi ko alam kong pano ko mapapasalamatan si Erika.

May mga katanongan akong gumugulo saking isipan. Kong hindi ako nagkakamali ay boyfriend ni Erika ang lalaking ito. Pero medyo matanda na sya kompara samin. Siguro ay nasa 40's na sya.

Nagsimula ng umandar ang kotse kaya mas pinili kong manahimik nalang. Panay ang sulyap ko tatlo.

"Grace?" Tawag ko. Lumingon sya sakin na nakangiti. Gusto ko ng kasagotan dahil sila lang naman ang mas nakakakilala kay Erika. "Boyfriend ni Erika?"

"Oo.....Apat na taon na nga sila eh. Tska matandang mayaman yan." Bulong niya saking nakangiti. Apat na taon? Ganon sila katagal? Napangiti ako sa narinig. Wala sa edad ang pagmamahal, at kitang-kitang ko sa mga ngiti ni Erika kong gano sya ka seryoso sa lalaking ito.

Napaka swerte naman ni Erika dahil tunay syang minahal nito.

Napangita ako bago sumandal sa backrest ng upoan. Naalala ko ang phone ko kaya dali-dali ko iyong kinuha sa bulsa. Bagsak ang magkabila kong balikat dahil wala parin hanggang ngayon. Ang puso ko ay parang ikinuyom sa galit. Nakagat ko ang labi ko bago napagpasyahang kunin ang sim mula sa phone. Binaliktad ko iyon bago sinara ulit ang phone. Wala namang silbi kong nakabukas ang phone. Wala naman syang text kaya mas mabuti ng tuluyan ko nalang syang kalimutin.

NAIA AIRPORT. First time kong makasakay ng eroplano kaya kinakabahan ako. Pilit kong kinakalma ang aking sarili dito sa loob.

Nagsimula ng umandar ang plane kaya panay ang pikit ko saking mata. Inaalala ko nalang ang mga mukha ng mga kaibigan ko kanina. Hindi ko alam kong matatawa ba ako o iiyak dahil pinipigilan nila akong umalis na para bang ilang taon akong mawawala. Halos napapalingon na yung ibang passenger dahil sa sobrang ingay ng mga kaibigan ko habang sinasabi nila yung."Mag-iingat ka Maey, huwag mong kalimutan yung tsokolate namin huh?"

Hindi ko alam kong bakit nila sinasabi iyon. Gusto kong humalak-hak sa mga oras na iyon pero di ko magawa dahil nahihiya ako sa ginawa nila. Sa probinsya lang naman ako uuwi at hindi ako mag a'abroad. Minsan nga naiisip ko ang sarap magkaroon ng kapatid katulad nila na kalog at sobrang kulit.

Napadungaw ako sa labas ng bintana ng maaninag ko ang Ozamis Airport. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko dahil sa namimiss ko ang probinsya namin. Kailangan kong sulitin ang apat na araw ko dito. Nang makababa ako ng plane ay para akong nabunotan ng iilang tinik. Sobrang sakit sa pwet kahit isang oras at kalahati kalang naman nakaupo. Paglabas ko ng Airport ay may iilang motor, taxi at sidecar ang nakahalera. Panay pilit nilang sumakay ako sa sasakyan nila.

"Manong sa bus station po." Dali-dali syang tumayo saka kinuha ang bag kong dala.

"Maam 100 pesos po papunta dun kasi mag-isa lang naman kayo. Para naman dire'diretso na yung byahe natin." Dali-dali niyang sabi kaya naningkit ang mata ko. 35 pesos lang naman pero ang laki ng pinatong niya. Siguro ay mas okay narin iyon kaysa maghintay pa sya ng iilang pasahero. Nang sa ganon naman ay makauwi ako ng maaga.

Napagpasyahan kong sumakay nalang papuntang bus station. Pagdating dun ay agad akong sumakay ng bus papuntang Gregoria. Ang lugar namin ang tinaguriang Sppoted beach. Province of water areals ang lugar na iyon. Merong waterfalls, white beach at iilang swimming pools. Marami ring torista ang dumadalo lalo na pag araw ng ka fiestahan.

Isang oras bago ka makarating sa Gregoria. Sumakay ulit ako ng sidecar. Hindi na kasi maaring pumasok ang bus dahil hanggang bus stop lang iyon.

Isa sa mga paborito kong tambayan dito ay ang agus ng lawis. Hanggang dibdib lang ang tubig ngunit sobrang lamig dahil sa kumulo ang tubig mula sa ilalim nito.

"Manong dito lang po ako," Saad ko sa tricycle driver. Tinititigan niya ako at kanina ko pa napaghahalata yon.

Binayaran ko sya higit pa sa hinahangad niya. Bumaba ako saka niya kinuha ang dalawa kong bag sa likod ng side car. Panay parin ang titig niya sakin kaya napagpasyahan kong mag salita agad. "Manong? May problema po ba?"

"Eh kasi ano hija.... Kamukha mo yong anak ng mag asawang Montano." Bahagya akong ngumiti sa tanong niya.

"Oo manong ako nga.... Ako yung nag-iisang anak nila." Tawa ko ng malapad na ikinagulat niya.

"Sinasabi ko na nga bae eh. Medyo hindi na kasi kita naalala hija, dahil siponin ka pa noon pero ngayon?" Tinititigan niya ulit ako mula ulo hanggang paa. "Dalagang-dalaga kana. Kamukhang-kamukha mo ang nanay mo." Mangha niyang sabi. Kinuha ko sa kanya ang dalawa kong bag pack.

"Naku Manong salamat huh? Sige po maiwan ko na muna kayo. Salamat po sa paghatid." Tuluyan ko syang tinalikuran saka nagtungo sa tapat ng bahay.

Huminto muna ako bago tumingala sa harap. Ang bahay namin ay gawa sa kahoy ngunit matibay. Ang malaking bintana mula sa harap ay medyo maalikabok narin. Itinulak ko ang kural na gawa sa kawayan saka tuluyang pumasok sa loob.

Habang paakyat ako ng hagdanan ay sobrang sikip ng didbib ko. Si Nanay at Tatay ang naalala ko pag apak ko palang sa sahig. Kinuha ko ang susi sa bulsa bago binuksan ang kandado. Dahan-dahan kong tinulak ang pintoan mula sa kaliwa at kanan kong kamay. Bali dalawa ito na paurong.

Tumambad sakin ang ma alikabok na paligid. Ang bawat kagamitan ay nakatalukbong ng iilang puting kurtina. Siguro kong normal lang ito sa mga ibang tao ay natatakot na sila.   Nagmumukhang hunted house ang bahay namin ngunit sa ganon paman ay wala naman akong nararamdaman na takot kundi tuwa at saya.

May dalawang kwarto kami at pinagitnaan ito ng lumang piano ni Tatay. Hinimas ko iyon saka isa-isang gumawa ng musika. Tinaas ko ang noo ko ng mapadpad ang tingin ko sa mga larawan namin mula sa pader. May namumuong luha sa mata ko sabay ng pagsikip ng aking dibdib.

Nagtungo ako sa sala ng malapit sa pintoan. Ang mga larawan naming naka tayo pa sa mahabang mesa at iilang trophy ko sa pagsali-sali ng pageant ay nandidito pa. Kinuha ko ang larawan ni Nanay at Tatay. Ang kaninay luha kong namumuo ay isa-isang pumatak. Hinahayaan ko lang iyong pumatak sa larawan nila. Ang hirap mag-isa lalo na pag nasasaktan ka. Walang yayakap sayo at walang kang makausap. Ang hirap mawalan ng magulang kaya pilit kong mag pakatatag sa sitwasyong ito.

"Nay, Tay.... bumalik na po ako." Hinawi ko ang luha saking pisnge. Napahikbi ako ng iyak. Sobrang sikip ng dibdib ko. Ang hirap mag-isa nanay, tatay. "Diba sabi ko sainyo noon babalik akong buo. Pero nagkamali pala ako Nay, tay. Bumalik ako na wasak parin ang puso." Niyakap ko ang larawan bago umupo sa isang upoan na gawa sa kahoy. Humarap ako sa malaking bintana at kitang-kita mula dito ang nag lalakihang puno sa labas. "Masakit pala ang magmahal Nay, Tay. Masakit magmahal pag-iisa kalang. Masakit magmahal ng taong may mahal palang iba. Pero alam nyo kong ano ang mas masakit? Yung iwan ka ng walang dahilan." napahagolgol ako ng iyak. Bumuhos ang mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Naiing-git ako sa iba. Naiingit ako dahil may pamilya sila. Alam kong masama ang mainggit ngunit iyon ang nararamdaman ko ngayon. Hindi madaling mag-isa lalo na't pag wala kang karamay sa lahat ng pagsubok mo sa buhay.

Napapikit ako habang dinaramdam ang simoy ng hangin. Ilang sandali lang ay na pagpasyahan kong tumayo at naisipang maglinis. Binuksan ko ang aking kwarto at bumungad sakin ang puting kama at kurtina mula sa bintana.

Nilapag ko bag saka isa-isang binuksan ang binta saking kwarto. Nagbihis narin ako ng komportableng damit. Sinikop ko ang aking buhok nang sa ganon ay hindi sagabal saking mukha.

May sarili kaming posu mula sa ibaba ngunit kailangan mo pang dumaan sa hagdanan. Noon nagagalit si Tatay dahil lagi akong nadudulas sa hagdanan sa kakaigib ko araw-araw. Kumuha ako ng balde at nagsimulang mag igib sa posu.

Ingat na ingat akong umakyat sa hagdanan kahit naka paa lang ako.  Nagsimula na akong maglinis sa bawat sulok ng bahay. Mula sa bintana, pader at upoan. Pinunasan ko narin ang mga larawan namin. Napadpad ang tingin ko sa Tv at hindi ko alam kong gagana pa ito.

Pagkatapos ay nagsimula na akong maglinis sa sahig. Kinuha ko narin ang puting kurtina sa iilang bintana para palitan iyon. Isang oras akong natapos mula sa kwarto hanggang sala. Nagtungo ako sa kusina at nagsimula naring linisin ang bawat sulok. Mula sa mga kagamitan ng pagluluto at iilang kagamitan naka display lang.

Kalahating oras din akong natapos.

Kinuha ko ang iilang mantel at kurtina sa mesa para labhan. Bumaba ako saka iyon nilagay sa malaking planggana. Siguro ay bukas ko na ito lalabhan.

Hingal na hingal akong sumandal sa posu. Hinahayaan kong pumatak ang aking mga pawis saking katawan. Luminga ako sa daan at may iilang napapadaan ang lumilingon sakin. May mga kapitbahay naman ako ngunit medyo may distansya ang layo.

Tumingala ako sa bahay at sobrang gaan sa pakiramdam. Tila nabuhayan ang bahay ng malinis ko iyon. Ang sarap tanawin dahil malinis at maaliwalas na ito.

"Mary?" Binalik ko ang tingin sa daan ng bumungad sakin si Aleng Rosa na nakadungaw sa kural. Literal akong nagulat kaya dali-dali ko syang pinagbuksan. "Mary hija? Ikaw ba yan?" Literal din syang nagulat habang tinititigan ako mula ulo hanggang paa.

"Aleng Rosa kumusta po?" masaya kong tanong. Napatitig sya saking mukha. "Pasensya na po aleng Rosa. Kagagaling ko lang sa paglilinis. Medyo nadumihan ang aking mukha." Ngumiti sya ng malapad bago tinignan ang tyan ko na halos makita ang puson sa ikli ng damit.

"Mas lalo kang gumanda hija, yong pisnge mo ang pula-pula. Manang-mana ka sa nanay mo." Hinawakan niya ng pisnge ko kaya hinayaan ko sya.

"Naku aleng Rosa salamat po." Sagot ko ng pangiti. Bigla syang natahimik bago sinulyapan ang bahay namin.

"Naku hija buti nalang at umuwi ka. Naaawa na kasi ako sa bahay nyo. Nagmumukhang katakot-takot simula nong wala ng tumira dyan." Takot niyang saad. Ngumiti ako bago sumulyap sa bahay namin.

"Oo nga aleng Rosa eh. Buti nalang talaga ng sa ganon eh malinisan ko. Siguro kailangan kong kumuha ng taga pag-alaga ng bahay kahit sweldohan ko nalang buwan-buwan." Sagot ko agad. Titig na titig parin sya sakin na para bang pinag-aaralan ang bawat sulok ng aking lakatawan.

"Bakit ka nga pala umuwi? Balita ko eh maganda ang trabaho mo sa Manila." Kunot noo niyang may saya.

"Anibesaryo ni Nanay at Tatay sa susunod na araw kaya po ako umuwi. Babalik din ako aleng Rosaa hindi ako mag tatagal dito." Bigla syang tumahimik sa sinabi ko. Ang kanyang mata ay naging maamo.

"Naaawa na talaga ako sayo hija. Sa kabila ng napagdaanan mo eh nanatili kang matatag. Kumusta ka na ba? Okay ka naba ngayon?" Hinawakan niya ang balikat ko. Tumango ako bilang sagot. Okay na ako at tanggap ko na ang pagkawala ni Nanay at Tatay.

"Baklabesh?" Lumingon ako sa likuran ni aleng Rosa ng bumungad sakin si Becky isa sa mga kaibigan ko dito. Isa syang bakla na hanggang ngayon ay hindi alam ng kanyang pamilya.

"Becky?" Nanlaki ang mata ko sabay ng pagtakbo niya. Niyakap niya ako ng mahigpit kaya halos hindi ako makahinga sa yakap niya.

"Oh my ghad bakla mas lalo kang gumanda." Tinapik niya ang pwet ko kaya narinig ko ang hagik-ik ni Aleng Rosa.

"Sige Mary huh? Iwan ko muna kayo." Ani niya.

"Sige aleng Rosa salamat po," Tuluyan niya kaming iniwan. Binaling ko ang tingin kay Becky na ngayon ay nakatitig parin sakin.

"Bakla ka nakaka-inggit na yang ganda mo huh. Uma'upgrade." Pagmamaktol niya bago ako hinampas sa balikat.

"Aray naman nakakarami ka na Beck ah." suway ko na ikinatawa niya. "Hindi ko naman kasalanan ang pagiging maganda." Taas kilay ko kaya naningkit ang mata niya. Humalak-hak ako dahil sa itsura niya ngayon.

"Tika lang? Kailan ka lang dumating?" Ani niya.

"Kaninang umaga lang." Napadpad ang tingin ko sa uniporme niyang pulis. "Nag-aaral ka?" Gulat kong tanong. Sumimangot sya saka nag iinarteng umiiyak pa.

"Naman eh..... Sige tawanan mo ako." Pagmamaktol niya kaya humalakhak ako. Hindi ko bukod aakalain na mag pu-pulis sya.

"Bakit ano bang mali sa kurso mo? Criminology diba?" Pagtatama ko kaya mas lalo syang sumimangot.

"Alam mo namang criminology inulit mo pa." Mangiyak-ngiyak niyang sabi. Mas lalo akong natawa!

"Sinusigurado ko lang naman. Baka kasi stewardess Hahaha." Halakhak ko.

"Nang-aasar ka naman eh," Iritasyon niyang sabi. Inakbayan ko sya saka sya kiniliti-liti sa tagiliran. Tawa sya ng tawa sa ginawa ko. Isa sya sa nag papaganda sakin tuwing may sinasalihan akong pageant.

"Becky na miss kita." Nag katitigan kaming dalawa. Nagtaas sya ng kilay sa sinabi ko. Napadpad ang tingin niya sa dibdib ko kaya naningkit ang mata ko.

"Bakla dinag dagan mo ba yang dibdib mo? Mukhang lumalaki ah." Agad ko syang sinuntok sa may balikat dahil sa sinabi niya. Napangiwi sya sa ginawa ko.

"Hindi ahhhh... Sadyang pinagpala lang talaga ako." tawang-tawa sya sa sinabi ko.

"Tika lang bakla alam ba ni Nanay na nandito ka na?" Kunot noo niya. Umiling ako bilang sagot. "Naku sigurado akong matutuwa iyon. Sumama ka sakin at pupuntahan natin sya sa palengke." Hinila niya ako kaya agad kong binawi ang aking kamay. Napakati sya sa kanyang batok. Dadalhin niya akong nakaganito ang damit?

"Magbibihis lang ako saglit. Gusto mong umakyat muna sa itaas?" napangiwi sya sa anyaya ko. Natawa ako!

"H-Hinda na baka kasi-----" tumingala sya sa bahay namin. "Natatakot ako eh. Dito nalang ako mghihintay." natawa ulit ako sa sinabi niya.

Dali-dali ko syang tinalikuran saka umakyat sa itaas. Suot ang kulay puting tshirt at maong short ay mas lalong pumangibabaw ang kaputian ko. Napatitig ako saking sarili mula sa salamin. Malaki nga pinagbago ko simula nong nag Maynila ako.

Napadpad ang tingin ko sa may gilid ng kama. Umupo ako saglit saka iyon inabot. Binaliktad ko ang sim at sigurado akong marami ng mensahe galing sa mga kaibigan ko.

Napagpasyahan ko iyong buksan saka binalik sa dating pwesto ang simcard. Kinakabahan ako habang unti-unting sumignal ang phone. Hindi ko alam kong bakit ganito kalakas ang tibok ng aking puso.

Napakagat ako saking labi. Ilang sandali lang ay isa-isang sumulpot ang iilang message.

From Ivony:

Maey bakit hindi ka ma contact? Nasa Lanao ka na ba? Gosh Maey yung boyfriend mo nakauwi na. Galing sya dito sa bar. Besh.....nagwala at hinahanap ka.

From Grace:

Maey huhu si papa Matteo inaway kami dito. Kanina pa sya galit na galit dahil umalis ka ng walang paalam.

From Jessica:

Shit.....boyfriend mo pinagalitan si Sir Clifford kong bakit raw pinayagan kang umalis na wala syang ka alam-alam. Nagwawala at lahat ng pagmumura ay sinabi na sa buong mundo.

From Erika:

Pinagalitan kami ng gwapo mong boyfriend. Kaya sinagot-sagot ko sya. Sya pa yung may ganang magalit eh ikaw yung niluko niya.

Bagsak ang magkabila kong balikat sa sakit. Ang puso koy unti-unting pinalilibotan ng galit. Ang mata koy may namumuong luha ulit. Napapikit ako at unti-unting pinoproseso ang lahat. Sya pa ang may ganang magalit? Akala ko ba ay niluluko niya lang ako. Bakit ngayon ay hinahanap niya ako? Pagkatapos ng lampongan nila ni Venus sa Macao? Ngayon babalik sya sakin ulit? Ano ako? Sardenas? Bubuksan lang pag nagsawa na sa ibang putahe.

Mag-tiis ka dyan. Galit ako sayo, niluko mo ako at alam kong ikakasal kana sa fiance mo. Kakalimutan at iiwasan na kita Matteo kaya kahit anong gawin mo at kahit gano pa kita kamahal ay pilit ko iyong tatanggalin sa puso't isip ko.

Typing...

Pasensya na kong nadamay pa kayo. Sabihin nyo nalang na wala na akong pakialam sa kanya. Tapos na kami at haggang doon lang yon. message sent to all.