webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 32

"Gosh, Maey. Bakit hindi ka umuwi kagabi?" si Ivony.

"Omg saan ka natulog kong ganoon?" si Grace.

"Sana mali ang kutob ko, sana ay mali ang iniisip ko ngayon." Si Jessica.

Nahilot ko ang noo ko sa bawat bigkas ng kanilang bibig. Pagod na pagod ako tapos ito ang bubungad sakin. Hindi ko sila pinansin at pinatuloy ang pagliligpit ng mga labahan kong damit. Bawat kilos ko ay tinititigan nila, siguro ay naghihintay sa mali kong galaw. Kahapon pa sila ganito simula nong hinatid ako ni Matteo.

"May nag-iba talaga eh." Inangat ko ang ulo ko tsaka tinignan si Grace. Ang kanyang mukha na may malaking question mark na tila gusto ng kasagotan sa bawat tanong sakin.

"Oo nga noh? Napansin nyo?" Ani ni Jessica at tila sang-ayon sa iniisip ni Grace.

"Confirm." Palak-pak na saad ni Ivony habang umiiling. Pinadpad ko ang tingin kay Erika na nanunuod rin sa galaw ko.

"Blooming?" Si Grace.

"Check!" Sabay ni Jessica at Ivony.

"Fresh?" Si Grace.

"Check na check," Sabay ulit ni Jessica at Ivony na may expression sa mukha.

"Glowing?" si Grace.

"Check na check na check!" Sabay palakpak ulit ni Jessica at Ivony.

"Compelling?" Si Grace.

"Check na check na check na check." Mas lalong lumakas ang boses ng dalawa habang kumembot-kembot.

"Fiercing?" Si Grace.

"Check na check na check na check na check." Tumayo na sila ngayon habang pinalakpak ang kamay at kumembot pa ng kumembot.

Gusto kong tumawa pero dahil sa bigat ng katawan ko ay hindi ko magawang ngumiti sa kanila.

"Growing, changing and striving. Iba ang alindog ng isang Mary ngayon eh. Ang iyong awra na lumiliwanag saming mga mata, Ganon yun besh!" Ngiting aso ni Grace kaya tuluyan na akong umupo sa kama.

"Maey? Sinuko mo na ba ang bataan mo?" Napaubo ako sa seryosong tanong ni Ivony. Hinimas-himas ko ang leeg ko dahil sa nangu-nguyang lalamunan. Halos lumunok ako ng iilang laway dahil sa kaba at bilis ng tibok ng puso ko.

"Alam nyo, ang isip bata nyo sa mga katanongan na iyan. Para kayong mga baliw." Sabay kaming napalingon kay Erika na ngayon ay nakatayo sa harap namin. Inayos niya ang sarili niya tsaka nagtungo sa banyo.

Sumimangot ang tatlo kaya napailing ako. Siguro ay masyadong makulit lang si Jessica, Ivony at Grace.Narinig ko ang iilang buntong hininga nilang tatlo kaya hindi na ako muling bumaling pa. Hindi na sila ulit nagsalita kaya napagdesyonan kong humiga at magpahinga.

Siniksik ko ang sarili sa kumot. Medyo naging masilang narin ang nararamdaman ko mula sa ibabang bahagi. Kanina ay umihi ako, pero hindi ko magawang ilabas lahat. Sobrang hapdi parin.

Hindi ko alam kong pano ako nakatulog ng mahaba kong sobrang ingay ng mga kasamahan ko dito sa loob. Hinihila parin ako ng antok sa kabila ng tawanang naririnig ko. Gusto kong idilat ang mga mata ko pero sobrang bigat at bumabagsak lang ito pabalik. Nakatulog ako ulit!

"Gosh sabay kaming pumasok ni sir Matteo kanina."

"Sobrang gwapo niya noh. Siguro ay ang sarap himasin ng kanyang abs na halos pumuputok."

"Ahh nanindig ang mga balahibo ko sa sinabi mong iyan. Napaka swerte naman ni Mary. Kong ako sa kanya hindi na ako mag papaligoy-ligoy pa. Susungkaban ko na si sir Matteo ng walang pag alinlangan."

"Kyaah.... Kahit isang gabi lang at okay lang sa akin na iwan niya ako pagkatapos."

Kumunot ang noo ko sa mga naririnig sa silid. Kinurot ko ang mag kabila kong mata tska dahan-dahang umupo sa kama. Sumulyap ako sa gilid at napagtanto kong wala ang mga kaibigan ko rito. Tinignan ko kong saang direksyon ang narinig kong nag-uusap kanina.

Nahuli kong isa-isang nag sialisan ang mga kasamahan kong babae ng makita nila akong gising. Siguro ay minsan narin silang nangarap tulad ko. Pero ayaw kong palakihin ang ulo ko simula nong naging kami ni Matteo. Oo masaya ako pero hindi ibig sabihin ay kailangan kong umasta na mataas dahil boyfriend ko na si Matteo. Gusto ko ng normal na relasyon, at patas. Yon lang naman ang hinahangad ko.

Bago ako tumayo sa kama ay inabot ko ang phone sa maliit na mesa mula sa gilid ko. Kumunot ang noo ko dahil sa iilang misscalled at message galing kay Matteo. Namilog ang mata ko sa nabasa.

From: Matteo

Tulog ka pa raw?

Hihintayin kitang magising para sabay tayong mag lunch.

Still sleeping?

I ditch my work, I really miss you.

Im so mad now Mary. I want to go there and torried you while you asleep. But i can't , its girls room.

I love you. Can you please wake up, naghihintay ako sa baba.

Nakagat ko ang labi ko sa nabasa.Ang sarap sa pakiramdam kong pag gising ko ay bubungad sakin ang ganito ka sweet na message niya. Mahal ko si Matteo at hindi ko iyon ipagkakaila. Tuluyan na akong nahulog sa kanya at naging alipin narin ako sa sarili kong huwisyo. Naiisip ko si Rocky pano kong malaman niya? Hindi ko alam dahil naging masaya ako kay Matteo ngayon, tila nakalimotan kong mag'alala kay Rocky.

Ngayon ko pa naramdaman ang kasiyahang ito. Siguro ay pag-bibigyan ko lang ang sarili ko. Kakausapin ko nalang sya pagbalik niya dito sa pinas. Sana ay matanggap niya amg relasyon namin ni Matteo.

Naligo ako saglit. Pagkatapos ay nagbihis narin ako. Nag suot ako ng plain short at pulang spageti strap. Sobrang tahimik ng silid at tanging idlip lang ng mga kasamahan ko ang maririnig. Siguro ay gumala ang apat at hinayaan lang nila akong matulog magdamag. Napagpasyahan kong bumaba agad.

Hindi ako makakapag reply kay Matteo dahil wala naman akong load. Pagbaba ko ay bumungad sakin ang mga kaibigan kong nagtatawanan kasama si Clifford, Robi. Kumunot ang noo ko sa nasaksihan. Nandito lang pala silang lahat. Napadpad ang mata ko kay Matteo na busy sa kakapindot ng kanyang phone. Nakagat ko ang ngipin ko sa galit. Sino naman kaya ang katext niya?

Suminghap ako tska tuluyang bumaba ng hagdanan. Sabay silang napalingon sakin pati rin si Matteo na agad ibinaba ang phone at ibinalik sa kanyang bulsa. Talaga lang huh? Mukhang nagulat pa yata sa nakita.

"Oh gising na pala ang prinsesa." Natatawang saad ni Grace kaya sumimangot ako. Hindi ko magawang tignan si Matteo kahit gusto ng mata ko na sulyapan sya kahit saglit lang.

"Mukhang napagod." Wika ni Robi na may hawak na wine. Tumawa ng malakas si Clifford kaya panay ang titig ng mga kaibigan ko sa kanya. Siguro ay nabighani sila sa isang tawa ni Clifford na ngayon palang nila nakita.

Umiling ako tsaka tumabi kay Ivony mula sa couch.

"Ang aga nyo para sa inuman na yan!" Isa-isa kong tingin sa kanila. Ito ang unang beses na makita kong nakipaghalubilo si Clifford at Robi sa mga kaibigan ko. Hindi kasi sila nakikipag-usap sa ibang waitress dito.

"Niyaya kami ni Sir Clifford, kaya hindi namin matang-gihan." Kilig na sagot ni Jessica at nahuli kong nagtutulakan sila ni Grace sa ilalim ng mesa.

Hindi ko matiis ang mata ko at tuluyan na akong sumulyap kay Matteo na katabi si Clifford at Robi. Nakagat ko ang labi ko dahil pumipindot nanaman sya sa phone niya. Ang sakit ng aking dibdib ay sinabayan ng aking pag sumamo na sana ay nasa akin ang atensyon niya ngayon. Sino kaya ang katext niya? bakit kaya busy sya sa kakayuko para lang pumindot ng pumindot. Nagseselos na ako dito.

"Wala ba kayong mga boyfriend?" Tanong ni Robi sa apat.

"Naku sir Robi, wala kaming oras sa mga ganyang bagay. Dagdag lang yan sa sakit sa puso." Sagot ni Ivony na ikinalaki ng mata ko. Talaga lang huh? Wala talaga? Kong makapag I love you sa phone ay kulang nalang langggamin sa kilig.

"Oo nga eh... Kahit na nga ako ay ayaw ko munang mag kaboyfriend." Sagot ni Grace na ikinagulat ko naman. Ang galing!

Natawa ako sa sinabi ng mga kaibigan ko. Ngayon single sila dahil kaharap nila ang mga gwapong nilalang na ito. Pinigilan kong tumawa ng malakas. Sumulyap muli ako kay Matteo na nakatitig na sakin ngayon. Ang kanyang titig na para bang pinag-aaralan ang kurba ng katawan ko. Umiwas ako ng tingin bago umirap sa kanya, nangi-nginit ang pisnge ko.

Kong may katext ka, edi mag busy-busyhan din akong pumindot sa phone ko kahit walang load. Kinuha ko ang phone sa bulsa at bumungad sakin ang iilang text galing sa kanya. Inangat ko ang ulo ko at sinulyapan syang muli. Nakatitig sya sakin habang nilalagok ang baso ng alak.

From: Matteo

Can you get your phone and read my message.

Are you seducing someone Mary? Can you please change your clothes.

Im gonna licked you now, if you refuse me.

Go upstairs and change your clothes.

One, Mary..

Two..

Three..

Get your phone now...

I can see your cleavage over here, and i dont wanna anyonelse see it. That's only mine.

FUCK! Mary Im so deeply mad now and i will take you home.

Please change it now. That is for my eyes only.

Mabilis kong binaba ang tingin ko saking dibdib. Mabilis ko ring itinaas ang dulo ng damit dahil kitang-kita nga ang cleavage ko.

Sinulyapan ko sya muli at nahuli ko syang nakasimangot habang nakatuon ang tingin sakin. Bagsak ang magkabila niyang pinge dahil sa busangot niyang mukha. Napangiti ako ng bahagya kaya tumaas ang kilay niya.

"Hoy!" Tinusok ako ni Ivony sa tagiliran kaya napatuwid ako ng upo. "Kanina ka pa nakangiti dyan, para kang baliw." Nakagat ko ang labi ko tska sila isa-isang tinignan. Ang mga ngiti ni Clifford at Robi ay nagbibigay sakin ng kilabot. Alam ko ang iniisip nila at iyon ay nababasa ko. Oo nababasa ko kong gano sila natatawa samin ni Matteo.

"Akyat muna ako." Tumayo ako at muling sinulyapan si Matteo na walang ekspresyon ang mukha nito.

"Huh? bakit? matutulog ka ulit?" Kunot noo ni Grace.

"Magbibihis lang. Babalik din ako!" Tuluyan ko silang tinalikuran at narinig ko pa ang tawanan nila.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil sa text ni Matteo. Mali pala ako ng iniisip kanina. Kaya pala busy sya sa kakapindot ng phone niya dahil lang dito. Sobrang lapad ng ngiti ko habang iniisip ang nakabusangot niyang mukha. Ang sarap lang sa pakiramdam dahil may nag ki'care sayo.

Pagpasok ko sa silid ay agad akong pumili ng t-shirt. Napagpasyahan kong suotin itong kulay puti na may drawing na alon ng dagat. Dali-dali narin akong bumaba at bumalik sa kanila.

Nandon pa sila sa sofa pero nakatayo na si Clifford at Robi. Tinignan ko si Matteo na ngayon ay nakangiti na sakin. Siguro ay masaya na sya dahil balot na ang katawan ko.

"Ano deal?" Saad ni Robi. Tumabi ulit ako kay Ivony.

"If i won, the ZEZ company will be mine?" Hamon ni Clifford. Hindi ko alam kong anong pinag-uusapan nila at mukhang may pustahang nagaganap.

"Sure, pag ako ang manalo, magiging akin ang bar mo." Hamon din ni Robi kaya humalakhak si Clifford.

"The question is, kong matatalo mo ako?" Hambug nitong sagot. Kinikilig ang mga kaibigan ko habang ako ay nagtataka. Ganito pala mag pustahan ang mayayaman pati kompanya ay kayang ilaan.

"Omy gosh sir, manunuod kami sainyo. Kami ang cheerleading Squad nyo." Taas kamay ni Grace at mukhang excited na excited. Tinignan ko si Matteo na naka number four ang upo habang pinaglalaruan ang baso ng alak.

"What do you think dude?" Baling ni Robi kay Matteo at nagkibit lang ito ng balikat.

"Oh come on dude, ipusta mona ang kompanya mo para sa larong ito." Hamon ni Clifford kaya nilagok ni Matteo ang alak tska binaba ang paa na nakatukod sa hita. Tumayo sya tsaka ako sinulyapan muli. Kumunot ang noo ko dahil sa titig niya sakin. Huwag mong sabihing pupusta din sya?

"My company It's too small. Lahat ng kayamanan ko ay ipupusta ko sa larong iyan. If i win? Magpapakasal kayo sa babaeng pipiliin ko." Hamon ni Matteo kaya nanlaki ang mata ng dalawa. Kinilig ang apat sa gilid ko at tila hinahangad na sana ay sila ang piliin ni Matteo.

Nagkatinginan pasandalian si Clifford at Robi at mukhang seryoso ang bawat titig nila. Hindi ko alam kong laro lang ba ito o totohanan dahil sa mukha palang nila ay hindi ito isang aliwan lang.

"great, deal." Sagot ni Robi.

"Just what Robi said, deal." Sagot ni Clifford.

"Then, lets the game begin." Hamon ni Matteo habang nakakatitig parin sakin.

"Girls pwede kayong sumama samin. May gym sa kabilang town at doon kami maglalaro." Dali-daling tumayo ang apat kong kaibigan na para bang hinahabol sa tuwa.

Tumayo rin ako at mukhang sasama ako sa aliwan nila. Lumabas kami ng bar habang nauna ang tatlo. Patungo kami sa parking area.

"Sinong sasakay sakin?" Unang salita ni Robi na ikinalag-lag ng panga ng apat. Gusto kong tumawa pero nakatitig sakin si Matteo kaya di ko magawa.

"Ako sir!" Taas kamay ni Ivony at Erika. Ngayon ko pa nakita na ganito ka kalog si Erika. "Then, come with me." Sumunod ang dalawa sa kotse ni Robi at narinig ko pa ang kanilang bulongan.

"Gosh sasakyan daw natin si Sir." Hagik-ik ni Ivony kaya tumawa si Grace at Jessica sa gilid ko.

"Baliw na talaga," Iling na sagot ni Grace.

"Kayong dalawa, sakin kayo sumakay." Anyaya ni Clifford kaya nagtutulakan ang dalawa sa saya. Sinulyapan ko si Matteo at nahuli kong nakangiti ito. Siguro ay napansin niya ang kabaliwan ng mga kaibigan ko. Pumasok sila sa kotse at naiwan kaming nakatayo sa labas ni Matteo.

Naramdaman ko nalang ang kamay niya sa bewang ko kaya may nararamdaman ulit akong sensayon sa sistema ng katawan ko. Hinila niya ako papalapit sa kanya rason kong bakit nagtama ang dibdib namin. Sobrang init ng pisnge ko dahil sa umaawang niyang labi.

"Lets make a deal." Ngiti niya sakin kaya tinaasan ko sya ng kilay.

"Kasali ako?" Simangot kong sabi kaya hinimas niya ang magkabila kong pisnge. Tumingala ako dahil sa tangkad niya.

"Yes....dahil pag may deal tayong dalawa ay gaganahan akong mag laro. And I have the reason to win." Nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya kaya umiwas ako ng tingin.

"Anong deal iyan?" Hamon kong titigan pabalik. Ngumiti sya ng malapad at mukhang may balak syang iniisip. Iyon ay nagpapakaba sakin.

"I want to try some harmony from you, Mary." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Ang pintig ng puso ko ay nagliligyab ng iilang apoy saking dibdib. Hawak niya parin ang bewang ko at mas lalong inilapit ang katawan niya.

"Pano kong hindi ka manalo sa dalawa? " Taas kilay ko kaya umawang ang labi niya sabay ng igting ng panga nito.

"They will never win as long as  you cheer me up later." Halos dumugo ang labi ko sa kakagat kanina pa.Bakit kailan pang mag postahan? kong may nangyari na saming dalawa.Pero kailangan ko syang hamonin pag ganoon.

"Pano nga kong hindi?" Ulit ko kaya tinaasan niya ako ng kilay.

"Trust me, I will win this game for you." dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ko kaya napapikit ako.

"Okay deal. Pag matalo ka walang sex na mangyayari." Natatawa kong  sabi kaya mas lalo syang napahamon.

"You ought to take me this huh? Well, makikita mo mamaya. Magiging akin ka buong gabi, Mary. Wether you like it or not." Huli niyang sabi tska ako hinila papasok ng kotse niya.

Naiisip ko palang iyon ay mukhang mananalo sya sa larong ito. Maglalaro sila ng basketball at iyon ay nakaka ingganyong panuorin. Hindi ko pa nakikitang maglaro ang tatlo kaya mukhang masaya ito.

Kahit matalo at manalo si Matteo ay sa kanya parin ang bagsak ko. Sa kanya ako at sa kanya parin ang huli kong pagsusumamo.