webnovel

The Virgin Mary

-COMPLETED BOOK [1]- NBSB? No boyfriend since birth Oo,yan ang kahulugan sa probinsyanang Katulad ko. Never been touch, Never been kiss. Sabi nga ng NANAY ko sakin. THE BEST GIFT OF A MAN OF HIS WOMAN in THE WEDDING DAY IS THE VIRGINTY. Pero yung iba ginawang Monthsary gift, Anniversarry gift, O kaya birthday gift.. Pero lahat yun nagbago. Kinalimotan ko na ang sinabi ng nanay ko non, yung bagay na kina ingat-ingatan ko ay mawawala nalang bigla at naglaho.. Siguro nagmahal lang ng sobra, Kaya pati kaluluwa binigay na.. Pero isa lang ang bagay ang natutunan ko. VIRGIN ka man o Hindi. Kong mahal ka talaga ng isang tao. Tatang-gapin ka niya ng buong-buo. -VIRGIN MARY- Written by: Mommy_J

Mommy_J · Urban
Not enough ratings
62 Chs

KABANATA 22

Kanina ko pa naririnig ang pagmura ni Rocky. Sobrang bilis ng pagtakbo ng kotse niya dahil sa iritasyon. Hawak-hawak ko ang pajama ko sa takot dahil ito ang kauna-unahang makita ko syang galit. Napapikit ako saglit bilang pawala ng takot. Naramdaman kong tinititigan niya ako kaya bahagya akong lumingon sa kanya.

"Im sorry," Una niyang salita kaya unti-unting nawala ang takot ko. Dahan-dahan naring bumagal ang takbo ng kotse niya kaya nagbuga ako ng iilang hininga.

"Nagagalit lang ako dahil nakita kitang sumasama sa kanya." Dugtong niya kaya nakagat ko ang labi ko.

"Im sorry Rocky." iyon lang ang tangi kong maisasagot dahil hindi ko rin alam kong anong isasagot. Pinaglalaruan ko ang kamay ko dahil sa wala rin naman akong masabi.

"Ginugulo ka ba ni Matteo?" Agad akong umiling sa tanong ni Rocky.

"Nag-uusap lang kami. Hindi niya ako ginugulo.." Direkto kong sagot kaya lumingon sya sakin ulit. Narinig ko ang buntong hininga niya tsaka sya nagpatuloy sa pag dadarive. Pinark niya ang kotse sa isang coffeeshop.

Hindi sya nagsalita tska lumabas ng kotse at umikot patungo sakin. Pinagbuksan niya ako ng walang imikan at tanging titigan lamang. Pumasok kami sa shop tsaka nagtungo sa counter.

"Goodevening maam / sir welcome to Nicz coffeshop."

Humalukip-kip ako sa gilid ni Rocky at hindi ko magawang tignan sya.

"Two chocolate shakey and one slice frost cake. Samahan mo narin ng water." Saad niya sa counter.

Nagsimula syang maglakad kaya sumunod ako sa kanya. Naghila sya ng isang upoan tsaka tumingin sakin. Dahan-dahan akong umupo dun na hindi nagsasalita. Hindi ko alam kong anong sasabihin kong kanina pa sya tahimik. Nag-simula na akong mailang. Umupo sya sa kabila ng hindi ako tinitignan. Alam kong marami syang katanongan pero hindi ko magawang masagot. Hindi ko mabasa ang ekspresyon ng kanyang mukha dahil blanko ito.

Nagseselos kaya sya? Iyon ang unang sumagip sa isip ko.

"Ayaw kong makita kang sumasama kay Matteo." Bagsak boses niya bago ako tignan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko dahil may usapan kami ni Matteo.

"Magkikita parin kami, dahil pumupunta sya sa bar." Sagot ko na ikinabuntong hininga niya.

Dumating na ang order namin kaya naputol ang usapan namin. Bawat kilos ko ay tinititigan niya. Kinakabahan ako sa mga susunod niyang tanong kaya tinapangan ko ang sarili ko.

"Hindi mo kilala si Matteo, Mary. Baka isang haplos niya lang ay bibitaw kana." Nagulat ako sa sinabi niya kaya agad akong napatingin sa kanya. Sobrang higpit ng hawak ko sa baso sabay ng malakas na pintig ng puso ko. Bakit niya nasabi sakin yan ngayon.

"Mag kaibigan lang kami Rocky." Baling ko kaya hindi niya parin wina'wala ang titig sakin. Alam kong binabasa niya ang kilos ko kong nagsasabi ba ako ng totoo.

"Sana ay mali ang kutob ko." Tipid niyang sagot bago ininom ang kape. Yumuko ako sa huli niyang sinabi. Pinagitnaan kami ng katahimikan kaya nilibang ko ang sarili ko sa kinakain kong cake. "Mary?" Dahan-dahan kong inangat ang ulo ko at nakita ko ulit ang Rocky na kilala ko noon. Naging maamo na parang pusa. "Im sorry for saying this. Nag-aalala lang ako sayo dahil ayaw kong masaktan ka."

Napangiti ako sa sinabi niya. Ayaw niya akong masaktan pero nasasaktan na ako noon pa. Matagal ko ng itinago ang nararamdaman ko para sa kanya.

"Alam kong nag-aalala ka. Salamat Rocky dahil hindi mo parin ako pinapababayaan." Naramdaman ko ang kamay niya sa kamay ko kaya narinig ko ulit ang tibok ng puso ko.

"Kaibigan kita at mahal kita, Mary." Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa huli niyang sinabi.

Kaibigan kita at mahal kita. Pwedeng baliktarin. Mahal kita dahil kaibigan kita. Masakit sa pandinig pero pilit ko itong hindi dinididdib.

"Kaibigan ko rin si Matteo, pero hindi ko naman hahayaang sa kanya ka mapunta." Dugtong niyang sabi. Hindi ko na magawang sumagot dahil sa naiinis ako sa sarili ko. Kong hindi ko sana pinagbigyan si Matteo ay hindi ako mahihirapan ngayon. Kailangan kong iwasan si Matteo para kay Rocky. Pero hindi ko naman pwedeng bawiin ang usapan naming dalawa.

Hindi ko na sinagot si Rocky. Nang matapos kaming magkape ay hinatid niya ako pabalik sa bar. Inihinto niya ang kotse tsaka binaling ang tingin sakin. Gusto ko syang kausapin tungkol kay Kria pero natatakot akong magsalita.

"May sasabihin ako," Sabay naming dalawa kaya nakaramdam ako ng kaba. Hindi ko alam kong anong sasabihin niya.

"Mauna kana!" Direkto kong saad tska sya nagbuntong hininga. Napahawak ang higpit niya sa manebela at kitang-kita iyon. Binalik niya ang tingin sakin na may bahid na lungkot. Nasasaktan ako sa titig niyang malumanay.

"Wala na kami ni Kria. Wala ng kasal na magaganap." Mahina pero may bahid na sakit. Parang kinurot ang puso ko sa sinabi ni Rocky. Parang dobleng balik sakin dahil sa mukha niya ngayon.

"Rocky Im sorry," Tanging nasabi ko. Hindi ko alam kong pano sasabihin sa kanya ang narinig kanina kong nasasaktan na sya ngayon. Mas masasaktan sya lalo kong ganon.

"Bakit ka nag so'sorry? Mas okay narin yung nag hiwalay kami. Matagal ko ng napapansin na may iba sya. Dalawang taon kaming nagsama kaya nasasaktan ako kahit papano." Mahina niyang sabi. Hindi ko alam kong malulungkot o dapat akong sumaya. Ito naman ang gusto ko diba? Ang bumalik ang oras niya sakin. Pero bakit ako nasasaktan? Sobrang sikip ng dibdib ko.

"Ano yung sasabihin mo sakin?" Iba niya sa usapan. Nakagat ko ang labi ko dahil dapat sabihin ko sa kanya ang narinig ko kanina pero hindi ko naman alam na kabaliktaran ang naging sitwasyong ito.

"K-Kasi. Nasa bar si Kria kanina kasama ang mga kaibigan niya. Yun lang naman ang sasabihin ko." Utal kong sagot tsaka sya nagbuntong hininga.

"Huwag na natin syang pag-usapan. Pumasok kana sa loob!" Lumapit sya sakin tsaka ako hinalikan sa noo.

Tumalon-talon ang puso ko sa tuwa dahil sa halik niyang yun. Nanghihina ang tuhod ko dahil sa simpleng halik niyang iyon. Bumaba ako sa kotse niya tsaka niya tuluyang pinaandar paalis. Titig na titig ako sa paalis niyang kotse kaya napahawak ako ng mahigpit sa dibdib. Rocky, malabong mangyaring maging kita dahil sa nangyayari saming dalawa ni Matteo. Ang dami ko ng kasalanan sayo Rocky.

Dali-dali akong  pumasok sa loob ng bar. Bumungad sakin si Clifford, Robi at Matteo na umiinom mula sa counter. Sabay silang napalingon sa direksyon ko tsaka nag-iwas ng tingin si Matteo.

"Oh Mary gabi na pero gumagala ka parin?" Natatawang tanong ni Robi.

"Alone?" Taas kilay ni Clifford tsaka ako dahan-dahang lumapit sa kanila.

"Kasama ko si Rocky." Sagot ko kaya lumingon ulit sakin si Matteo. Kita sa mata niya ang galit. Ang kanyang adams apple na nagpupumilit.

"Oh our Rocky boy dating my waitress again!" Natatawang sabi ni Clifford. Lumagok ng alak si Matteo tsaka ko narinig ang kanyang munting tawa. Napalingon si Clifford at Robi sa kanya na may malaking question mark sa mukha.

"Whats funny dude?" Kunot noo ni Robi kaya bahagya syang tinapunan ng masamang tingin ni Matteo. Hindi ko alam kong bakit sya tumatawa. Alam kong galit sya kanina kaya hindi niya ako magawang tignan ng diretso.

"Nothing im just laughing." Sabay tingin niya kay Clifford. Naikuyom ko ang aking kamao sa galit. "And I never thought he was already a cheap guy now.  Pinagpalit niya si Kria sa isang waitress lang? And its sounds incridible." nanlaki ang mata ko sa narinig.

"Bakit mo nasabi yan dude? Hindi cheap si Mary." Sagot ni Robi. Nasasaktan ako sa bigkas ng bibig niya ngayon. Ano bang problema niya sakin at sinasabi niya ito ngayon?

"She is," Sabay tingin niya sakin kaya nang giit ako sa galit. "Cheap items have many buyers."

May namumuong luha sa mata ko dahil sa sinabi niyang iyon. Nasasaktan ako dahil sa pambabato niya. Oo waitress lang ako at trabahante lang ako, hindi naman siguro makatarungan kong pag sasalitaan niya ako ng masakit na salita.

"Im sorry Mary. Matteo is drunk. Dont mind him. He lost himself." Natatawang sambit ni Clifford kaya yumuko ako. Gustong pumatak ng luha ko pero pinipigilan ko lang ito.

"Im just telling the truth. She's with me lastime and now? She's with another man. " Bagsak boses niya bago ininom ang alak ng bote sa isang lagok lang. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Sobrang sakit ng dibdib ko.

"Dude stop it Mary is hurting," Pigil sa kanya ni Clifford kaya nakagat ko ang labi ko sa sakit.

"What!? She is just a waitress and i can do whatever i just. If i could fired her for this job! Why not diba?" bulyaw niya tsaka ako tinignan ulit.

Pabalik-balik ang adams apple niya sa galit sabay ng kanyang magulong buhok dahil sa iritasyon. Umiwas ako ng tingin dahil gusto ng pumatak ng luha ko sa sakit. Kaya niya akong itanggal sa trabahong ito? Tatang-gapin ko. Pero sana bigyan niya ako ng rason kong bakit nagagalit sya sakin ngayon at sa harap pa talaga ng kaibigan niya.

"Mary you can go upstair. Pasensya na lasing lang talaga tong gago na 'to." Seryosong saad ni Clifford tska akong tumango.

Binalik ko ang tingin sa kanya at nahuli kong may ngiti sa kanyang labi. Iniwas ko agad ang tingin ko tsaka dali-daling umakyat sa taas. Bago pa ako nakaapak sa unang palapag ng hagdan ay tumulo na ang luha ko.

Hinayaan ko iyong tumulo sabay ng masakit kong dibdib. Humikbi ako sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Alam kong nagalit sya sakin dahil sa nangyari kanina. Pero sana naman kinausap niya ako.

Cheap? Yan naba ang tingin niya sakin? Ang sakit at galing pa talaga sa bibig niya. Oo nga pala mataas sya kaysa sakin kaya kaya niya akong tapakan ng ganon-ganon nalang.