A/N)
This is the First Story of EDELBARIO Boys.
Sumasabay ang malakas na agus ng ulan saking mga luhang patuloy ding umaagos.
Pangungulila at sakit ang nararamdaman ko ngayon. Pilit kong ayaw maniwala ngunit nagigising lang ako sa katotohanang wala na si Nanay at Tatay. Iniwan nila akong wasak at nag-iisa na di umano'y ayaw ko ng mabuhay pa.
Kalilibing lang ni Nanay kahapon kaya hanggang ngayon ay nagluluksa parin ako sa sakit. Hindi ko manlang napansin na matagal na niyang itinatago sakin ang sakit niyang iyon. Sakit sa puso na ganon din ang ikinamatay ng Tatay ko noon.
Ang hirap at ang saklap ng nangyari sakin ngayon. Ang hapdi ng aking puso ay dumadaloy saking isipin at paulit-ulit na ipina paalala saking sarili na wala na si Nanay at Tatay.
Nakatayo ako sa harap ng puntod nila sabay ng mga luhang sumisimbolo ng pag-tanggap. Basang-basa na ako sa ulan at tila alam niyang nasasaktan ako ngayon at sumabay pa sya saking paghihinagpis.
"Nay,Tay. Alam kong masaya na kayo sa piling ng Diyos. Wag na po kayong mag-alala sakin. Pilit ko pong bubuohin ang sarili ko at magpakatatag. Mahal na mahal ko po kayo. Salamat sa pag-aruga at pagmamahal na sainyo ko lang po naramdaman. Ma mimiss ko kayong dalawa. Paalam Nanay at Tatay." Sabay patak ng mga luha ko na agad kong pinunasan.
Ayaw na ayaw nila akong umiiyak dahil doble ang sakit na nararamdaman nila. Hinimas ko ang lapida ni Nanay at Tatay sa huling pagkakataon.
Marita Floora Montano
Goncillio Montano
Paulit-ulit kong binabasa ang pangalan nilang dalawa. Ngayong ulila na ako ay wala na akong ibang maaasahan kundi ang sarili ko lamang.
"Anak Mary, kailangan mo ba talagang umalis?" Tanong ng kapitbahay namin na si Aleng Marta. Matalik na kaibigan sya ni Nanay at Tatay. Naging kaibigan ko rin ang mga anak niya.
"Kailangan ko talagang gawin ito Ante. Kailangan kong maghanap ng trabaho. Wala na po akong maaasahan ngayon kundi ang sarili ko lang po." Sagot ko habang inaayos ang maleta. Kanina pa gustong umiiyak ni Ante subalit pinipigilan ko lang iyon.
"Pwede ka naman sa bahay Anak," anyaya ni Ante. Nakakaingganyo subalit nakakahiya.
"Huwag na po Ante, nakakahiya po. At isa pa po kailangan kong matutong tumayo sa sariling sikap. Okay lang po talaga ako, Ante." nakangiti kong sagot. Lumapit sya sakin at hinawakan ang magkabila kong kamay.
"Ito numero ko iyan. Tawagan mo ko pag kailangan mo ng tulong huh?" Sabay bigay niya sa maliit na papel na may numero.
"Maraming Salamat po ante." Niyakap ko sya ng mahigpit sa huling pagkakataon.
Bago pa ako umalis ay minabuti ko munang manatili sa bahay ng ilang oras. Lumibot muna ako saglit sa buong bahay namin. Ang mga masasayang ala-ala namin ni Naynay at Tatay ay dito namin sinimulan.
Mariin kong pinunasan ang patak ng luha saking pisnge. Isang simpleng bahay na luma at gawa sa matayug na kahoy na galing pa sa Lola't Lolo ni Tatay. Ma mimiss ko ang bahay na ito. Babalik ako dito ng buo. Babalik ako dito na may ngiti ulit sa labi gaya ng dati.
Isinara ko ang pinto bago tumingala sa harap ng bahay. Sobrang bigat ng damdamin ko ngayon. Kaya ko kaya ang lahat ng ito? Marahan akong nagbuntong hininga.
Nagsimula na akong maglakad dala-dala ang lumang maleta ni Nanay. Sumakay ako ng tricycle papuntang terminal patungong Manila.
"Manong salamat po." saad ko sa tricycle driver at binigyan ito ng saktong bayad.
Luminga-linga ako sa paligid at tila hindi makapaniwala na aalis ako sa bayang kinagisnan ko. Masakit man isipin at tang-gapin ngunit kailangan kong lumaban dahil walang pirmanente dito sa mundo. Lahat nawawala, umaalis at iiwan kang may sakit, saya at luha.
Hinila ko ang lumang maleta at tumulak narin pasakay ng barko patungong Manila.
Hindi ko alam kong saan ako magsisimula dahil wala akong kakilala o kamag-anak sa Manila. Makikipagsapalaran ako sa malayo na walang dalang sandata kundi ang paniniwala ko sa Diyos, at ang mga ala-ala na bitbit ko sa bayan namin.
Dumungaw ako sa railing ng barko. Sumabog ang buhok ko dahil sa malakas na hangin na humahampas saking mukha. Mariin kong dinaramdam ang simoy ng hangin. Ang hirap mag-isa. Wala kang karamay at wala ka manlang makakapitan saiyong mga panghihinakit.
Nagsimula ng umandar ang barko. Natatakot at kinakabahan ako. Ano kayang mangyayari sakin sa Manila? Kong ano man ang kahahantungan ko roon. Diyos ko, kaw na pong bahala sakin. Patnubay at gabay ang hiniling ko sainyo.
Dalawang araw akong nakasakay sa barko na pa lutang-lutang sa dagat.
Sa wakas ay nakarating narin ako sa kahantungan. Mabilis kong inayos ang aking gamit bago ang sarili. Dali-dali akong bumaba ng hagdanan ng barko. Kasabay ko ang iilang masasayang pamilya na tila galing sa bakasyon. Biglang sumikip ang dibdib ko. Kong sana buhay pa sila Nanay at Tatay ngayon? Siguro wala na akong hihilingin pa kundi manatili sa tabi nila habang buhay.
Nagdadalawang isip pa akong tumapak sa sahig ng Manila. Iginala ko ang aking panigin sa buong paligid. Maingay, maalikabok, mainit subalit lahat ng tao ay nakangiti. Ganito pala sa Manila. Kahit nahihirapan ay pilit nilang ngumingiti.
"Nandito na ako kailangan ko itong ituloy. Kaya ko to," bulong ko saking sarili.
Hinila ko ang maleta at sumulong sa dagat ng mga tao. Wala akong payong at nararamdaman ko na ang sakit ng init na dumadampi saking balat. Napahinto ako sa isang glass wall ng isang restaurant.
Tinignan ko ang sarili ko sa salamin. Mas lalong pumula ang magkabila kong pisnge dahil sa init ng araw. Ang balat kong maputi ay namumula narin at tila mahapdi.
Nilapag ko ang maleta sa sahig saka ginawang pony tail ang mataas kong buhok. Nagmana ako kay Nanay na natural at bagsak ang buhok. Sa kanya ko rin namana ang mestiza kong balat at mapupulang pisnge.
Buti nalang at nagmana ang tangkad ko at tangos ng ilong kay Tatay. Bigla akong napangiti dahil sa naalala ko sila ulit. Yung mga panahong pano sila magkulitan na parang bata. Kong pwede lang ibalik ang dati, ngunit malabo lang 'yong mangyari.
Nagpatuloy ako sa paglalakad. Saan kaya ako pupunta ngayon?
Buti nalang at may naipon akong pera sa pag sali-sali ko ng beauty contest sa iilang baranggay samin. Kinuha ko rin ang ipon ng mga magulang ko at sakto lang ito para makahanap ng panandaliang tirahan bago ako humanap ng trabaho dito. Kailangan kong magtipid para sa pang araw-araw na kakainin.
First year college lang ang natapos ko. Hindi ko natapos ang pag-aaral ko dahil iyon sa pagkawala ni Tatay. Sa puntong ito ay magsisimula ako sa mababa. Hindi madaling maghanap ng trabaho dito. Kailangan kong mag sikap.
Yumuko ako at tinignan ang luma kong dollshoes. Mag tatlong taon na ito sakin. Regalo ito ni Tatay nong 18th birthday ko. Kahit gusto ng kumain ng sapatos ko ay pilit ko parin itong dinidikitan ng shoes glue. Hindi ko kayang itapon ito, dahil ito nalang ang naiwang alala sakin ni Tatay.
Sumisikip lang ang dibdib ko pag naalala ko si Nanay at Tatay. Wala sa sarili akong naglakad sa daan kahit sobrang init ang sumasalubong sakin.
"Ouch," Bumalik ang diwa ko ng may nabangga akong isang babae.
"Sorry," yuko ko. "I'm sorry Ma'am, hindi ko sinasadya." paulit-ulit kong yuko. Nakakahiya ang unang tungtong ko sa Manila.
"Tumingin-tingin ka naman sa dinadaanan mo." bulyaw niya. Bahagya akong napayuko sa kahihiyan. Titig na titig sya sakin na may galit sa mukha. "Cheap," huli niyang sabi saka ito tuluyang umalis.
Iniwan niya akong nakahalukip-kip sa daan. Sinundan ko sya ng tingin at mukhang mayaman at arogante ang babaeng iyon.
Pasakay sya ng kanyang mamahaling kotse. Napasinghap ako sa huli niyang sinabi. Tama sya isa lang akong cheap.
Bigla akong napadilat sa nakita mula sa kabilang kanto. Isang kalenderya? Dali-dali akong naglakad patungong kanto bitbit ang luma kong maleta.
"Excuse me Miss," tawag ko sa isang babae na mukhang ka edad ko lang. Hindi niya ako napapansin dahil sa busy sya sa mga iilang costumer na namimili ng ulam. "Excuse me Miss. Pwedeng magtanong?" sa wakas ay napansin niya rin ako.
"Ano po iyon ate?" baling niya sakin head to toe.
"Kailangan ko kasi ng trabaho baka kulang kayo," ani ko. Bahagya syang natawa.
"Naku sorry ate at kumpleto na kami. At saka," Sinusuri niya ako ulit mula ulo hanggang paa. "Hindi ka bagay dito masyado kang maganda." Kunot noo niyang saad na may panghihinayang.
"Ana," sigaw ng isang matabang babae na mukhang may-ari ng kalenderyang ito. Nakakatakot ang mukha niya.
"Pasensya na ate kailangan ko ng magtrabaho." dali-dali syang umalis. Kinabahan ako ng lumapit sakin ang matabang babae. Nakapamewang sya sa harap ko.
"Kong naghahanap ka ng trabaho doon ka sa club. Siguradong matatanggap ka dun." saad niya bago ako tinalikuran.
Hindi pa ako nababaliw para magtrabaho sa isang club. Hinila ko ulit ang maleta at pumunta sa kabilang kanto kong saan merong malaking grocery store. Sana ay matanggap ako dito. Kailangan ko lang talaga ng matitirahan lalo na't gutom na ako.
"Excuse me Miss. Pwedng magta--,"
"Hindi kami naghahanap ng katulong. Sa club ka nalang dumiretso." Putol niya sa sasabihin ko.
"Pasensya na po," yuko ko. Bagsak ang magkabila kong balikat sa pagod.
Hinila ko ulit ang maleta. May nakita akong maliit na ihaw-ihawan sa kabila. Dali-dali akong naglakad sa mainit at mausok na daan. Lumapit ako sa isang matandang lalaki.
"Excuse me po Sir," tinignan niya akong may ngiti. Hindi ko alam mukhang nasa 60's na ito. Bagama't mukhang malakas pa.
"Anong maipaglilingkod ko sayo binibini?" pormal niyang wika. Ngumiti ako. Hindi ko lubos maisip na ganito sya ka pormal.
"Nagbabasakali lang po sana. Baka kasi nangangailangan kayo ng katulong? Naghahanap po kasi ako ng trabaho." salaysay ko.
"Oo kulang nga kami eh." Bigla akong napangiti sa sinabi niya. Lumapit sakin ang matanda at hinawakan ang braso ko pataas pa baba. "Kailangan mona ba talaga ng trabaho?" bigla akong umatras sa ginawa niya. Hindi ko aakalaing ganito ang matandang ito.
"Manuel!" isang mapayat na babae ang palapit samin. Nakasalamin ito. Kinabahan ako sa titig niya sakin. Dali-daling lumapit sa kanya ang matandang lalaki.
Kong hindi ako nagkakamali asawa niya ito.
"Honey," Lambing niyang sabi saka inakbayan ang asawa. "K-kasi naghahanap sya ng trabaho. Baka gusto munang katulong?" Utal na sagot ng lalaking matanda. Sinamaan sya ng tingin ng asawa niya.
"Pasensya na hija. Hindi kami nangangailangan ng katulong. At isa pa!? Sa ganda mong iyan ay dito ka lang sa ihaw-ihawan magtatrabaho?" humalukip-kip ako sa sinabi niya. "Siguro ay bagong dayo ka dito sa Manila noh?" Nakapamewang niyang sabi.
"Opo, Ma'am, " Yuko kong sambit na may takot.
"Lahat ng mga babaeng katulad mo na dayo dito sa Manila ay sa club dumidiretso. Doon ka nalang mag apply tutal maganda ka naman sigurado akong kikita ka nang malaki doon." nakagat ko ang labi ko sa sinabi niya.
Bakit ba? Sa lahat ng napupuntahan ko ngayon ay club ang lagi nilang inirerekomenda.
"Pasensya na po sa abala, Ma'am. Salamat nalang po," Yuko kong sabi. Tatalikod na sana ako ng bigla syang nagsalita ulit.
"Kong ayaw mo sa Club, don ka nalang sa isang bar malapit dito. Mukhang nangangailangan sila ng waitress don," umaliwalas ang mukha ko sa sinabi niya.
"San po?" nakangiti kong tanong. Sa pagkakataong ito ay makakakain narin ako. Lumapit sya sakin.
"Straight mo lang yang daan na yan, kumaliwa ka at may makikita kang seven-seven store at sa kabilang kanto dyan ang Sweet Bar. Mayayaman ang pumupunta dyan baka maka jackpot ka ng matandang ma pera." salaysay pa niya. Napailing ako ng may ngiti.
"Salamat po talaga Ma'am." sobrang saya ko bago sila tinaliuran.
Trabaho ang hinahanap ko at hindi matandang mayaman.
Nagsisimula na akong maglakad. Nilingon ko pa ang mag-asawa at tila nag-aaway sila ng dahil sakin. Bigla akong sumimangot. Hindi ko sinasadyang mag-away sila. Sinundan ko 'yong sinabi niya. Waitress lang naman diba? Wala naman sigurong
masama sa pagiging isang waitress.
Mas okay na iyon kaysa Club na buwis buhay ang kapalit. Gutom narin ako. Pangako ko saking sarili pag matanggap ako sa bar na iyon ay kakain ako ng marami.
Pagdating ko duon ay namangha ako sa nakita. Isang mataas at malaking building ang bumungad sakin. Sweet bar? Sana lang ay maayos ang patakaran nila dito.
Napasinghap ako.
Tinulak ko 'yong pintoan at bumungad sakin ang malawak na dancefloor. Ang mga naglalakihang stereo at ibat-ibang ilaw ng disco light. Ang mga kagamitan sa loob ay sigurado akong mamahalin. Mula sa mesa hanggan sa sofa. Tumingala ako dahil sa malawak na lobby mula sa itaas. Bumagsak ang mata ko sa isang mini stage. Sigurado akong dyan nagpapatutog ang Dj. Hindi pa ako nakakapasok sa mga ganitong lugar.
"Excuse me," bigla akong napatalon ng may magsalita saking likuran. Tumambad sakin ang isang baklang sobrang kapal ng make-up. Baka ito na ang may-ari kinakabahan ako.
"Magandang araw po." masaya kong bati.
"Anong atin?" Taas kilay nito. Sa pagkakataong ito ay nakaramdam ako ng takot.
"Mag aapply sana ako ng trabaho,"
"Hindi kami nangangailangan ngayon. Pwede ka ng umalis." Biglang gumuho ang mundo ko sa sinabi ng bakla. Hindi pa ako nakakakain at hindi ko narin alam kong saan ako matutulog nito.
"Kahit ano pong trabaho Sir. Sa maintenance o kaya'y janitress baka pwede po." bahagya syang nag-taas ng kilay.
"Correction. Ma'am not Sir," taas kilay niyang sabi. Humalukip-kip ako.
"Pasensya na po Ma'am." Yuko ko ulit.
"Bakit di ka nalang sa club dumiretso? Siguradong kikita ka ng malaki doon. Sa ganda mong iyan? Siguradong pagkikitaan." namilog ang mata ko sa sinabi niya.
"Pasensya na po Ma'am. Hindi po lahat ng ganda ay ginagamit para magkapera. Mas gugustohin ko pang magutom kesa ganong klaseng trabaho. Salamat nalang po." sambit ko. Bahagya syang nag taas ng kilay at tila nagalit sa sagot ko.
"Oh sya! Makakaalis ka na." taboy nito.
Malalim akong nagbuntong hininga. Wala na akong magagawa at mukhang hindi ako tanggap dito.
Bago pa ako tumalikod ay kusang bumukas ang pintoan sa harap. Bumungad sakin ang dalawang matangkad na lalaki. Napatitig sila sakin na may ngiti subalit hindi ko na iyon pinansin. Gutom na ako at wala na akong oras ngumiti. Napayuko ako at nagsimulang maglakad. Hinang-hina na ako sa pagakakataong ito.
Rinig na rinig ko pa ang pinag-uusapan nila.
"Oh Shelo may bisita ka pala?"
"Good morning, Sir." napahinto ako sa paglalakad. Sir? Hindi kaya sya ang may-ari ng bar na ito? "Hindi ko po sya bisita, sir. She is just asking for a job." sagot nito.
Napasinghap ulit ako at hahawakan sana ang door knob ng--
"Wait lang Miss," dahan-dahan akong humarap sa kanila. "Hindi mo ba sya tinanggap Shelo?" saad ng lalaki sa bakla.
"Hindi po Sir Clifford. Kumpleto na po tayo diba?" sabi ni Shelo. Humalukip-kip ako ng lumapit sakin ang isang lalaki. Sobrang tangkad nito at sobrang puti pa.
"Stay here Miss." hinila niya ang braso ko at hinayaan ko lang sya. Sa pagkakarinig ko ay Clifford ang pangalan niya.
Humalukip-kip ako sa harap nila.
"So, may I know your name?" Ngisi nito. Naglahad sya ng kamay na agad kong tinanggap.
"Marylyn Montano, Sir." sagot ko.
"Nice to meet you, Mary. I'm Clifford Croxx Edelbario the owner of this bar." tama nga ako sya nga ang may-ari ng bar na ito. Ngumiti ako ng malapad kailangan kong umayos.
"Hi miss Marylyn." Lumingon ako sa isang lalaki na kasama niya. Natawa ako sa narinig. "I'm Robi Yranklin Edelbario, I'm his cousin." nakipagkamayan ako sa kanya.
"Hello po, Sir." ngisi ko subalit may kahihiyan.
Ngayon ko pa na ipagtanto na gwapo silang dalawa. Mula sa tindig at ayos ay sumisigaw ng karangyaan. Bawat galaw at bigkas nilang dalawa ay sumisigaw ng kayaman sa buhay.
"Pretty woman like you will work here?" Tanong ni Robi sakin.
"Kailangan ko po talaga ng trabaho, Sir." sagot ko.
"Oh I see dayo kalang siguro dito noh? Probinsyana girl, maybe." tanong ni Clifford na nakapamewang.
"Opo, Sir." ngisi kong sagot ulit. Kayilangan kong maging masiyahin para naman matanggap nila ako.
"Nice. So welcome to my bar, Mary.
We need you, and I'm sure our customers will come back to you again and again." nagulat ako sa sinabi ni Clifford.
"Po, Sir?" gulat ko. Nagtawanan silang dalawa ni Robi. Hindi ko naintindihan. Akala ko ay waitress o di kaya'y tagalinis? "K-Kong ganon---," nga-nga ko.
"Mary, ang ibig sabihin ni Sir Clifford. Babalik at babalik ang mga costumer gabi-gabi dito dahil may maganda kaming waitress. Kong iniisip mong pagbibinta ng katawan ang trabaho mo dito? Nasa sayo lang iyon kong gusto mong sumama sa mga costumer na makikilala mo gabi-gabi," wika ni Ma'am Shelo. Napabuntong hininga ako.
"Sorry, Ma'am. Pero trabaho lang talaga ang gusto ko. Wala po akong balak sa mga ganyang bagay." sagot ko na ikinatahimik nilang lahat.
"Nice, I'd rather be like that. Oh sya Shelo ikaw na ang bahala kay Mary. Ipakilala mo narin sya sa mga kasamahan niyang waitress." ani ni Clifford. "Mary, we will talk later. May pag-uusapan lang tayo." tapik nito saking balikat. Tumango ako bilang sagot. Nagpaalam ang dalawa bago ito umakyat sa itaas.
Kinabahan ako sa pagkakataong ito ay kailangan kong maging positibo. Alam kong malinis ang trabaho dito.
"Sumama ka sakin," taas kilay ni Ma'am Shelo. Sumunod ako sa kanya paakyat ng hagdanan.
Sana ay maganda ang pakikitungo nila sakin dito. Kaya mo ito Mary, kailangan mong maging matatag