webnovel

The Unknown Runaway Bride

Receiving a call before your special day would definitely change your destiny. This is not just a typical runaway bride but it's for you to find out of the mystery behind.

ALIENE · Teen
Not enough ratings
7 Chs

Runaway 2: Girl In The Mirror

"Ella . . . anak, wake up na baby, please." Isang napakalungkot na tinig ang narinig ko, nag-eecho siya at unti-unting naglalaho.

* * * * * * *

"For God sake! What the hell just happened to Cindy, Dania?!"

"I don't know, Mama."

"Why so sudden na bigla-bigla nalang siyang tatakbo sa kanilang kasal? Eh mahal nila ang isat-isa diba?"

"Maybe Cindy is not yet ready?"

"Not yet ready? Di nga niya matago ang saya niya before the wedding. At alam naman natin na natural lang manerbiyos siya pero wala akong makitang ibang dahilan kung bakit siya aatras sa kasal nila."

"At bakit naman siya ganon umakto kanina? Parang hindi siya si Cindy, may sumanib ata sa kanya that time. OMG!"

"Baka nga. Pero duh, simbahan yun."

"Will you stop you too?! Merry! Jane! Get out!"

"This is so embarrassing, Dania! How can we explain this to people?!"

"Mamita, calm lang po muna. Hindi pa natin alam kung ano ba talaga ang nangyari kay Cindy. And I hope magising na siya ngayon."

Ang ingay naman. Nag upgrade na ata yung alarm clock ko at boses ng mga tao yung naririnig ko. Kelan pa nagpa-install si tatay nito? Grabe ah.

"Cindy . . ." Boses ng lalaki, at wow ah, ang sexy ng boses. Landi alert.

Naramdaman kung may humawak sa kamay ko at hinalikan ito. Shemay! Nakuryente ata ako! Ano ba. Teka, tama ba yung narinig ko? Cindy? Am I still dreaming?! Nooooooooo. Pasimple kong kinurot ang legs ko. Ouch! Masakit ah. Di ako nanaginip ngayon? Pati yung wedding? Oh noooooooooo.

Ano ba, ano bang nangyayari sakin? Di ko sila kilala. At nasan na ang mga baliw kong kaibigan? Pagnakita ko yung dalawang yun, makikita nila, ha! Di na sila masisikatin ng araw, gagawin ko silang bampira. Mwahahahaha! Charot lang.

Okay, back to the scene. Anong gagawin ko? Kelangan kong makauwi na, baka hinahanap na ako ni tatay, lagot ako nito.

Narinig kong bumukas-sara ang pinto.

"Good day po sa inyo Mrs. Fernan."

"Good day too Dr. Agoncillo. So what's the result of my granddaughter's health?" Boses ng matanda.

"Based on the results, wala naman pong matinding serious fracture na natamo ni Cindy. Except lang sa gasgas sa kanyang forehead, walang impeksyon na nakuha at naagapan naman namin ito. Asahan lang ang magiging trauma at reaction niya if magigising na siya."

"Okay doc, thank you very much." Boses ng babae.

"Kelan po siya magigising doc?" Boeses nung guy na hawak-hawak parin ang kamay ko. My gosh, bitaw na, pasmado pa naman ako.

"Mga maya-maya na siguro. At mag-uunder go pa kami ulit ng test if magigising na siya. Sige po Mrs. Fernan."

"Alright doc."

Bumukas-sarado ulit yung pinto. So nasa ospital pala ako. Gusto ko nang umalis dito, nagugutom na ako, promise.

"Cindy . . ." Okay, this is it pancit. Umuubra naman to sa tatay ko, baka sa kanila rin.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko, ang kinis ng kisame. Tingin sa left side, nandon yung guy na medyo nakayuko hawak-hawak yung kamay ko at hindi alam na gising na ako. May babae rin around 30's na pabalik-balik sa kanyang nilalakaran, para siyang natatae. At yung matandang prenteng nakaupo sa couch na seryosong nag-iisip.

Pasimple akong umubo. Shemay, tuyo yung lalamunan ko. Ilang araw ba akong tulog dito?

"Cindy!" Masayang tumingin yung guy sakin, damn, why so charming? Hinalikan na ulit yung kamay ko. Nako ha, sumusobra ka na sa panananching. Nakuha narin yung atensyon nung iba sa kwarto.

"Wait lang Cindy ha, I'll be back. Mamita, tita, tatawagan ko lang si Dr. Agoncillo."

"Okay Christian, thank you." Ngumiti muna siya sakin bago lumabas ng room.

"We're glad your awake now dear." Yung babaeng nasa 30's.

Tumayo narin yung matanda at lumapit sa hinihigaan ko. Hala, nakakatakot siya. Parang galit na galit yung mukha.

"Cindy, are you really awake now?" Ay hindi, hindi. Bulag ba tong matandang to? Di obvious? "Explain everything you did five hours ago!" Pabulyaw na sabi ni tanda, with laki-laki mata pa. Nakakatakot talaga siya. Well sanay naman ako sa mga ganitong eksena, kontrabida lang ang peg niya.

"Mama, not now please. She's not in the right condition now. Papahingain muna natin siya, at tayo narin, umuwi muna tayo at magpahinga narin." Buti patong isa.

"Stop commanding me, Dania. And you Cindy, hindi ko palalagpasin ang ginawa mong eksena."

"Cindy . . . are you okay now dear? May masakit ba sayo?" Bahid sa mukha ang pag-alala niya.

Okay, wala nang atrasan to. Gorabels.

"Sino po kayo?" Sakto naman talaga ang sinabi ko, sino sila.

Gulat na gulat sila sa sinabi ko. At timing ng pagkasabi ko, bumukas rin ang pinto at pumasok yung Christian at Doctor.

"Cindy? What did you say?" Ay, bingi rin pala itong matandang to.

"Sino po kayo?" Sino ako? Sasabihin ko pa dapat yun pero wag na, gasgas na ang line na yan.

Nganga silang lahat, except sa doctor na busy na tumingin sa kanyang papeles.

"Doc, what is the meaning of this?!" Si tanda na nag he-hysterical na.

"Okay Cindy, wala kabang nakikilala o naalala maski na isa sa kanila?" Yung doctor lumapit sakin at may ginawa kung ano anong test. "Tignan mong mabuti sila."

Tinignan ko naman isa-isa. Si babaeng dear na alalang-alala ang itsura. Si tanda na kanina pang nakakunot ang uno, hindi ko alam kung nag-alala rin. And lastly yung Christian na may lungkot sa mata, at yung itsura na parang binagsakan ng langit.

"Wala po." Wala naman talaga.

"Okay, wala ka bang naalala sa mga nangyayari five hours ago?" Ang daming tanong, gutom na ako.

Umacting akong masakit ang ulo. May benda pala ako. Pinisil ko at ouch! Masakit nga, grabe siguro yung pagkahulog ko sa hagdan.

"Masakit po ulo ko doc."

"Sige, magrelax ka muna at gagawa ulit kami ng test." Lumabas na yung doctor.

Umiyak na talaga yung babaeng dear.

"Huhuhuhu, Cindy . . . Hindi mo ba talaga kami naalala dear?" Nakakaawa siya.

"Cindy, I'm so sorry for what happened to you." Yung Christian na mangiyak- ngiyak na rin. "This was supposedly our wedding day." Wow, para talaga siyang inlove na inlove kay Cindy.

"Oh gosh, so much happening." Si tanda, stress na stress na nakaupo sa couch.

"Say something dear."

"Na . . . nagugutom po ako . . ."

"Okay, ako nalang po ang kukuha ng food tita."

"Sige, thank you Christian."

Habang naghihintay sa food ay napapatitig ako sa mukha ng babae, ngayong ko lang napansin, parang familiar siya sakin. Napansin ata niya na napatitig ako.

"Hmmm." Ngumiti siya. "My name is Dania, I am your mother, Cindy. And she is your mamita. That guy is Christian, your future husband. I hope na hindi magtatagal ay maalala mo rin kami." Habang sinasabi niya yan ay mangiyak-ngiyak siya. Gusto ko siyang yakapin. Hindi ko kasi narasanan ang magkaroon ng nanay. Kaya mahal na mahal ko ang tatay ko eh kasi kinaya niya akong buhayin ng mag-isa lang. Kung asan ang nanay ko? Wala na siya.

"Nasan po ang papa ko?" Out of nowhere ay natanong ko nalang bigla. At medyo naschock rin siya, di alam kung sasagot o hindi.

"Cindy -" Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Christian na may dalang foods.

"Kumain napo muna tayo, mamita, tita."

"No, I will go home now. I-update niyo nalang ako. I will visit later." Ayun ni tanda.

"Ihahatid ko na po kayo mamita." Ani ni Christian.

"No need, nandiyan narin naman si July."

"Di po pupunta dito si papa, mama?" Ay nako, pareho ata tong mamita at july na to. Perfect match sila. Parang walang mga paki.

"Okay mama, pero sasama po ako sa baba." Bumaling si mother Dania sakin. "I will be back, alright?" Tumango naman ako. Napakasweet niya, ang sarap sa pakiramdam na magiging nanay ko siya. "Christian, ikaw munang bahala kay Cindy ah?"

"Sige po tita." Mga 1 minute na ata ang lumipas after lumayas nung dalawa. Nakatitig lang yung Christian sakin na parang ang daming niyang gustong sabihin sakin. Nakakailang na. Tumingin ako sa foods na nasa table. Napansin niya siguro at tumalima na, inihanda na yung pagkain.

"Ahhh . . ." Sinusubuan niya ako. Ano ba yan, parang bata lang.

"Ahm, okay naman ang kamay ko. Ako nalang."

"No, I insist. Now eat." Edi eat. Tahimik lang kami pareho. At yung nguya ko lang ang naririnig namin sa room. One word, awkward.

Bigla nalang kaming nabulabog sa mga pumasok. Tatlong babae. Yung dalawa ay girly look, while ang isa ay simple lang pero intimidating.

"Cindylou!" - Girly1

"OMG!" - Girly2

Ang isa ay tahimik lang na nagmamasid, sakin. Naalala ko yung dalawa kong baliw na kaibigan. San na kaya ang mga yun? Mga walang silbi hindi man lang ako hinanap o tinatawagan.

"My gosh girl, grabe yung ginawa mung eksena kanina. Nagtrending na sa twitter, facebook, instagram, at ibinalita na sa t.v patrol!" Si OMG girl na kulang nalang ay magwala.

"Yes Cindylou, pati na gma, bbc, all networks of the universe!" Shocks! Binalita? So kitang kita ang mukha ko, patay talaga ako sa tatay ko, oh nooooo.

"Ano ba, ang Ooa niyong dalawa. Nacontrol naman ni lolo Marcel yung mga press." Sabi nung intimidating girl. Parang siya lang ang matino sa kanilang tatlo. Bumaling siya kay Christian. "How is she?" Pwede naman siya sakin nalang diretso magtanong diba.

"She can't remember anything."

"What?"

"OMG!"

Favorite line ata nila yan.

"Cindylou, you can't remember us? How could you forget your oh so lovely cousins?" Ang OA lang ng reaction nila ha.

"Yeah, and beautiful and sexy cousins." Si omg girl na nagpopose pa na parang model. "Tell me, what is my name?" Napalayu ako kasi parang hahalikan na niya ako sa sobrang lapit ng mukha niya. Tomboy bato?

"I don't know." Shocks, bigla nalang silang nag-iiyak na parang bata with padyak-padyak pa.

"Guys, just calm down. Hinintay pa natin ang results ng test niya." Tumingin siya sakin. "Cindy, this two are Merry and Jane, your cousins. And that is Pauline, my cousin." Mary Jane? Sa marijuana yata pinaglihi tong dalawang to kaya parang sabog kung umakto. "Kaya papahingahin muna natin siya."

"Sige Cindylou, we will be back later, pagaling ka ah." Nakapout pang sabi ni Jane.

"I will tell you the whole story of your life couz para maalala mo lahat, or susulat ako mismo sa mmk, okay?" Baliw talaga. Ngumiti at tumango nalang ako kay Merry.

"Sige Chris, see you later Cindy." Paalam ni Pauline at ngumiti na rin.

Okay, back to awkwardness again.

"Ahmm, nasan pala tayo?"

"Andito sa Agoncillo Hospital, sa baguio."

"Ah, okay." What?! "Baguio?! BAGUIO?!" Nagulat siya sa bigla kung pagtaas ng boses.

"Yeah, dito sa baguio ang wedding sana natin, at honeymoon narin. Plano natin tong dalawa, na maganda kung dito tayo ikasal kasi memorable rin ang lugar nato satin." Ngumiti siya ng may alinlangan.

Holy freak, pano ako napunta dito, eh taga cebu lang ako? I can't take this anymore. Gusto ko nang umuwi. Pano naman ako uuwi? Ang layo layo ng cebu, pero bahala na si Darna.

"Ahmm, gusto ko munang magpahinga. Pwede mo ba akong iwan muna? Para makapag isip-isip narin ako kung pano ako tata - " Este, muntik na yun ah. "Ahh . . . para matandaan ko kayo." Alanganin akong ngumiti.

"Huwag mo munang pilitin na makaalala, okay? Sige magpahinga ka muna." Inayos niya ang unan ko at tinap na parang pinapahiga ako. Humiga naman ako. Pero di parin siya umaalis. "Sige tulog kana, di kita iiwan." Bingi ata to eh, di narinig na iwan niya muna ako. Alright, tulog-tulogan tayo.

1 minute . . .

2 minutes . . .

Parang nakakatitig lang siya sakin habang ako ay nagkukunwaring natutulog. Ay nako naman, go away na please.

3 minutes . . .

Wala ba siyang balak?

Teng teng teng, tunog ng phone, sa kanya ata.

"I will be back, my love. Sleep tight." *Tsup* Kyaaaaaaah! Hinalikan niya ko! Hinalikan niya ko! Sa pisnge, okay, ang OA lang ng reaction, hehe.

Bumukas-sara ang pinto. Yes! Finally, wot wot wot, napasayaw ako ng very very light.

Tumayo na ako. Habang nilibot ko yung room ay tangay-tangay ko yung dextrose. Tumingin ako sa bintana. Nalula ako sa taas ng building nato, mga nasa 5th floor ata ako ngayon. Pumasok muna ako ng banyo, diretso on ng faucet at mumog, naghilamos narin. Tumingin ako sa salamin.

O.M.G!!!!!!!!!

Teka, ako parin naman to ah. Medyo nagmature yung mukha ko. Maganda parin. Yung maikli kong buhok ay halos bewang ko na. Feel ko tumangkad ako ng mga 2 inches.

OMG, OMG, OMG! Nagtime travel ba ako ngayon? At nasa future ako ngayon? Oh nooooooo!

I need to get out of here.