webnovel

Chapter 7

Lyn's PoV

"What are you doing here?" Tanong ko ngunit parang robot lamang itong naka tingin sa akin. Lumapit ako sa kanya at winagayway ang kamay ko sa harapan nya ngunit wala pa rin itong epekto.

Kaya naman napa irap na lang ako sa hangin at nilayasan na lang siya doon. Kakaiba talaga ang lalaki na iyon. Para siyang robot na dinala nang tao upang takutin ako.

Umorder na lamang ako nang fries at water bago kumain at pumunta na nang classroom.

"Natulog kana naman ba?"

"Yep!" Ngiting sambit ko.

"Tss, tigilan mo na nga yung nerd na iyon. Hindi maganda tingnan para sa iyo, sis." Wika ni Krisha.

"Ano ba namang meron? And I don't care, hindi naman ako maghihirap kapag nilapitan ko siya ano." Pairap na sambit ko ngunit mahina lang.

"Kahit na, iba kapa rin dito sa school. Sa labas at sa loob ay sikat ka-tayo." Si chloe naman ang nag salita.

"No way, ah basta ako nang bahala doon-"

"Dahil nga sa'yo kaya sumikat iyon e." iiling iling na sambit ni Chloe.

"Chloe is right, dahil nga ayaw mo nang mga away ay pinagtatanggol mo lagi ang biktima." Dugtong ni krisha.

"Aishh! So sikat na pala, ano pa bang problema ninyo? I think there is no problem to do that. Dahil nakuha nya ang interest ko so, kakaibiganin ko lang sya." Kibit balikat na sambit ko.

"Hindi paba kami sapat?" Pag d drama ni Krisha

"At maghahanap-"

"Good afternoon class, meron kayong bagong kaklase." Nilingon naman ni Ma'am ang nasa labas. "Please, come in."

Nagulat ang lahat pati ako nang makita si nerd sa unahan. Matapos nyang banggitin ang pangalan nya ay umupo ito sa unahan ko.

Naramdaman kong nilingon ako nang dalawa kong kaibigan at sabay na umiling. Nang matapos ang dalawang subject at pang last na ay natanaw ko ang walis.

Lumapit ako doon at nilingon si Krisha. "Gunting please." Bulong ko sa kanya na agad naman nitong binigay.

Ginupit ko ang walis nang kakapiranggot at tuwang tuwa naman akong bumalik sa upuan ko. Dahil busy sa kanya kanyang ginagawa ang kaklase at kaibigan ko ay napag tripan ko ang nerd sa unahan ko.

Ipinasok ko sa taenga nya ang walis na ginupit ko ngunit parang hindi man lang ito nakakaramdam. Maya maya pa ay nahuli nito ang kamay ko na ikinagulat ko at dahan dahan akong nilingon.

"Stop doing this sh*t." Mahinahong sambit nya na agad kong itinango kaya naman binitawanan na nito ang pulso ko.

Pagbalik ko nang upuan ay saktong pag dating nang lalaking teacher at napa quiz at discuss ito. Hanggang sa uwian nang 7:30 ay dumating na ka agad ang sundo nang mga kaibigan ko.

"Ingat kayo."

"Ikaw rin." sabay nilang sabi at umalis na ang mga sasakyan nila at iniwan akong mag isa.

Nakita ko naman ang mga tropa nang basket ball papalabas nang gate. Nag tanguan lamang kami at nagsi uwian na sila.

Teka nga.. bakit wala pa yung driver ko kanina at si !Nerd? Hmm naka uwi na kaya sila?