Someone's Pov
"Excuse me. Dad." Tawag ko sa kanya habang siya ay nakikipag socialize sa mga kakilala niya. Nag-excuse muna siya. At tumingin sakin na nagtatanong.
"What? Alam mong may kinakausap pa ako." Sabi niya halatang galit. I sighed.
"Labas lang ako."Sabi ko pero pinigilan niya agad ako.
"No. Your not going anywhere. Baka nakalimutan mong may plano tayo? Wait for my signal and Go after Her" Sabi niya at umalis. nakita ko naman na iba na naman kinakausap niya. Napailing nalang ako. At bumalik sa mesang inuupuan namin kanina. and then I saw Her. walking with her future.
She's Walking like nothing happened to her 1 year ago. Smiling like there's no problem in her mind. Talking to other people while that other people are hiding behind the mask. i smiled when she looked at my direction. She smiled back.
Kung hindi niya lang sana ako anak. Hindi ko gagawin ang utos niya. I'm sorry my precious lady.
i'm really sorry Hera....
Hera's Pov
Alas tres kami ng hapon dumating sa palasyo nila clover. nang dumating kami inasikaso naman kami agad ng mga maid ni clover. Nakakabagot na nga sa kwarto kasi mag isa lang ako. Sila Fatima,Clarissa at hema mag kasama sa isang kwarto kaya ang saya lang nila. SILA lang. bakit naman kasi napagisipan ng clover na yun na ibahin yung kwarto ko eh. sumimangot nalang ako. Humanda si clover mamaya sakin! -.-
Padabog akong nagliligpit ng mga gamit ko sa Walk in closet . nakakainis! Grrrr.. minsan ko lang makasama sila tima at risa sa kwarto pinaghiwalay pa. -.-
Pagkatapos kong magligpit, naligo muna ako kasi malapit nang gumabi. dali-dali naman akong naligo at para maayusan nadin ng mga kinuha ni Fatima na hair and make-up artist. Light make up lang ang ginawa nila sa mukha ko and they curled my black hair sa dulo at ginawang pony tail.
Pagkatapos akong ayusan. May pumasok naman agad na dalawang maid para tulungan akong isuot ang Gown ko. (Ball Gown ni Hera with her Crown).
I was busy watching my self in the mirror ng may kumatok sa pintuan at bumukas ito. bumungad naman sakin ang mukha ni clover na sobrang lapad ang ngiti sakin. He's wearing a White long suit with Peacock Feathers design. Clover is a Cute-Handsome Prince.
He is so cute when he's smiling ,Handsome when serious, and Totally Scary when his mad. Tsk. Too scary. He has Gray eyes. Long blonde hair pero hindi yun sagabal sa kanya actually naging mas attractive pa siya. He has a perfect body. Kaya total package na. And you know what? He has his own pet. Her name is muffle. Cutie little Kitty. And wait why i am explaining his appearance or so whatever? may kasalanan pa to sakin eh!
"Hoy anong ngini-ngiti mo diyan?! Alam mo bang hate na kita kasi hindi moko sinama sa iisang kwarto kasama sila clarissa?" Sabi ko sabay irap sa kanya. Tumingin nalang ako ulit sa salamin. Natawa naman siya sa inakto ko. At Pumunta siya sa likod ko at bumulong.
"You know how special you are and i'm willing to give you everything so that my Queen will be happy" bulong niya at diniin pa talaga ang my Queen. Naramdaman ko namang uminit ang paligid. pinaypay ko muna ang sarili ko at hinarap siya.
"Then i don't want to be special. Ano yun? Special child?!" Mataray kong sabi sa kanya, tumawa naman siya at hinawakan ang kamay ko. Natigilan naman ako.
"Actually this is not your real room. Dito lang kita pinatuloy para madali lang ang entrance natin" sabi niya at kumunot naman ang noo ko. He sighed. "I'll explain later. Now we'll have to go" hinatak niya naman ako agad palabas sa room na yun.
Nang makarating kami sa social hall nila na dito siguro hinanda ang kaarawan niya. narinig ko naman na may babaeng nagsalita sa loob.
"Let's welcome Prince Clover the Birthday boy together with her Fiancé Queen Hera of Aleha kingdom" kasabay nun ang pagbukas ng pintuan. Ano daw?! Hindi pa nag sink in sa utak ko eh. Wait.... ano?! Fiancé?! At kelan pa ako naging fiancé ng kupal nato.
"Hey!" Natigil naman ako sa kakaisip ko ng tawagin ako ni Clover. Tinignan ko naman siya ng masama. He chuckled. "Sabi ko naman sayo. i'll explain later my Fiancé" ngumisi naman siya at hinatak nanaman ako papunta sa mga kakilala niya kaya napilitan akong magsalita. Bakit ba ang hilig manghatak ng isang to?! Tsk.
Habang busy pa si clover naguusap sa mga kakilala niya. nilibot ko naman ang paningin ko . Nakita ko naman si fatima na lumalamon haha. Fatima as always. Si clarissa naman nasa tabi niya lang at nakayuko. Sleepy Head. Nakita ko naman si Hema na tahimik lang umiinom ng wine niya. Napangiti naman ako nang makita ko ang lalaking matagal ko ng hindi nakita. Silver.
Tumingin ako sa dalawang lalaki na busy naguusap. Magpapaalam lang ako na gusto kong pumunta sa mga kaibigan ko kaya umexcuse muna ako.
"Uhm excuse me" sabi ko at natigil naman ang paguusap nila at tumingin sakin. Ngumiti ako at binalingan si Clover. "Punta lang ako sa mga kaibigan ko" bulong ko sa kanya, Tumango naman siya then he kiss my cheeks. Natulala pa ako at tignan sana siya ng masama pero busy na ulit siya. napailing nalang ako papalapit sa mga kaibigan ko.
Nang makaupo ako sa bakanteng upuan ng mesa nila fatima. Tumingin naman silang lahat sakin at ngumiti.
"Ow kamushta angsh shoon to vi mishish Deavore?" Lumalamon na tanong niya. Nairap nalang ako. Humahagikhik pa si clarissa at hema. Kaya sinamaan ko sila ng tingin tumahimik naman sila. hindi ako boplaks. Para hindi maintindihan ang mga sinasabi ni fatima.
"Pinag-kaisahan niyo pa talaga ako ano?! Siguro kumampi kayo agad kay clover!" Sabi ko at umiwas sila ng tingin. Tsk. Mga defensive talaga. Pagkatapos nun nagbangayan pa kami ulit at natigil lang kami nang marinig namin magsalita ulit ang babae kanina para sa Royal Ball.