webnovel

The Transferee In The Bully's Heart (HIGH SCHOOL SERIES 1)

Logline: This is an epic story of a beautiful rose that's filled with thorns, Jesse Benitez. And a butterfly but has sting like a bee, Klein Fuego.

reinytchiro · Realistic
Not enough ratings
7 Chs

PROLOGUE

"The butterfly that has sting like

a bee and the beautiful rose that's

filled with thorns, were alone together."

𝑬𝒑𝒊𝒈𝒓𝒂𝒑𝒉

"What the he-! Hindi mo ba nakikita ang dinaraanan mo? O sadyang tanga ka lang para hindi ako mapansin? O baka naman nagpapapansin ka sa'kin?! Huh, oh ito na! I'm giving you the freaking attention you're wanting for! Grrr, such a pathetic stupid guy. Natapon pa tuloy ang chocolate drink ko!"

"E-excuse me miss? I'm not an attention seeker. Ni-hindi nga kita kilala. At para sabihin ko sa'yo bago ka magsabi ng kung ano-ano diyan, ikaw 'yung tanga-tangang naglakakad na parang pagmamay-ari mo 'tong hallway. At tsaka mukhang 'yung mata mo wala sa katinuan. Hindi ko rin kasalanan na natapon 'yang iniinom mo. Bakit, ako ba may hawak niyan in the first place? Hindi naman 'di ba? Tch, you're the one that must be called stupid."

"Aba't! Ikaw pa talaga may ganang mag-walk out?! Ang kapal ng mukha mo! Mukha ka namang kalyo na may nana na may sugat na may almoranas na may... ah basta, mukha kang unggoy na may kidney failure!"

"Suggest ko lang, huwag ka tumahol d'yan. Sayang effort. Dun oh, try mo samahan 'yung guard mag bantay para naman may sense 'yang ginagawa mo."

"I'm not a dog!"

"Well I'm not sure about that, kase oh tignan mo, may talent ka sa pagkahol, so you look like one... By the way, ayoko na paglaanan pa ng oras 'yung gaya mo, I have to go. At sa susunod huwag mo isisi sa iba 'yung katangahan mo, hindi lahat ng tao kaya kang pagpasensyahan."

-

"Good morning class, parating na 'yung transferee ngayong araw. Siguro nasa office na 'yon, kaya sana pagdating niya ay bigyan natin siya ng warm welcome. Is that clear class?"

"Crystal clear."

"Oh sakto ayan na pala siya. Pasok ka Mr. Fuego."

"Ms. Benitez, ano ba't nakayuko ka d'yan?! Nandito na 'yung bagong kaklase n'yo kaya umayos kayong lahat. Sit properly!"

"T-teka, ikaw?!"

"Kung minamalas ka nga naman."

"Hoy unggoy na may kidney failure! Anong gina- ah! Bakit ba nandito ka?! Kainis! Maam, alam niyo po ba, 'yan! 'Yang lalaking 'yan tinapon ang chocolate drink ko!"

"So, dog pound pala 'to? Akala ko classroom. Ganyan ka ba talaga kapapansin? Mula sa hallway sigaw ka ng sigaw. Nasira mo na nga araw ko. I'm exhausted of hearing your freaking bark, so, could you please shut your freaking mouth? Hindi ka nakakatuwa."

"First of all, hindi required na matuwa ka. And it's not my purpose, to make someone happy? To make you happy? Hell no!"

"Mr. Fuego, Ms. Benitez, pwede bang kumalma kayo?"

"Hindi po ma'am. Hangga't nakikita ko 'yung annoying face niyang mukhang unggoy na may kidney failure na 'yan, hindi ako kakalma! Grrr!"

"Ako rin ma'am. At tignan niyo naman, looks like may isang bakante na lang na upuan at sa tabi pa niyang tangang 'yan. Sa tingin niyo ba uupo ako diyan? Tch!"

"Fine! Ms. Benitez! Mr. Fuego! Labas! Ke-aga-aga nag-aaway kayo! Doon kayo sa labas umupo! Hindi kayo pwede pumasok hangga't hindi kayo nagkakabati!"

"Fine."

"Asa ka ma'am na makabati kami niyang unggoy na 'yan. Grrr!"

-

"Hoy ikaw unggoy ka, kasalanan mo kung bakit tayo nandito sa labas, eh!"

"You know what, huwag mo ko kausapin. Bukod sa naaalibadbaran ako sa'yo, baka masungalngal ko sa'yo 'tong buong upuan sa maingay mong bunganga."

"Sige isungalngal mo sa akin basta ba ihahambalos ko muna sa'yo!"

"Ms. Benitez. Sige na naman, manahimik ka na. Wala naman akong pake sa mga sinasabi mo. Ang sakit sakit na ng tenga ko!"

"Mananahimik lang ako, sa isang kondisyon."

"Fine, sabihin mo kung ano."

"Halikan mo ang sapatos ko."

Sa sobrang inis ay napilitang tumayo si Mr. Fuego at naglakad papalapit kay Ms. Benitez. Mabilis niyang hinawakan ang mukha ni Ms. Benitez. Inabot niya ito at agad na idinampi ang malambot niyang labi sa labi ni Ms. Benitez. Parehong bumilis ang pintig ng mga puso nila nang maramdaman ang halik ng isa't-isa. Kumalas si Mr. Fuego pakaraan ng ilang segundo at humarap ito na may malamig na mukha kay Ms. Benitez.

"Now, shut up."

:')))