webnovel

Chapter 6

[boooooooooog! ]

Isang malakas na pag sabog ang sumira sa kalahati ng bahay ni Lolo bago tuluyang gumuho at bumagsak saamin ang mga kahoy na mabibigat ay biglang bumulong si Lolo ng;

Tiiiimeeee! sabay hawak sa lumang Relo!

[ woooooooooooommmm! ] isang malakas na tunog at biglang Tumigil ang mga bagay, oras at tao pati mga kaaway ay di nakaligtas ako lang na nasa likod ang nakakagalaw at nakakapag isip ng mga Oras na Iyon.

"alasyete trenta'y tres tungo alasnuebe bente dos ! buhawi Labas. "

Isang malakas na Buhawi mula sa Timog Kanluran ang lumabas at Nilipad palayo ang lahat ng masasamang tao lahat sila ay bumagsak at nag talsikan mula sa mataas na pagkakalipad dahil sa buhawi.

Sabay hila saakin si Lolo patakbo palayo mula sa lugar na pinangyarihan at kanyang sinabi na "kailangan na nating makaalis dito dahil alam na nila kung nasaan na tayo at baka dumating na ang kanilang Pinuno,"

ang lahat ay nakatigil parin habang kaming dalawa ay tumatakbo palayo.

"Timmmmme." Isang nanghihinang bulong na bigkas ni Lolo ang lahat ay bumalik sa dati at biglang nag galawan ulit anglahat ng bagay pati puno at marami oang iba na nakapaloob sa 30 metro, habang kami ay tumatakbo palayo ako'y manghang mangha sa mga nakita ko "kaya pala Beloy Dakila ang bansag ng mga tao sa kanya, ang kakayahan niyang White Spell ay tunay na walang kaatulad at di matatawaran. "

habang kami ay tumatakbo, patuloy na nanghina ang aking Lolo hanggang siya ay napaupo na lamang.

"Lo! , Lo! wag kamunang susuko, kailangan kanpa namin para sa misyon at mithiin ng Puting Lahi." ang sabi ko kay Lolo.

dadalhin kita kay Tatang lumaban ka Lolo, kailangan ka pa ng ating Lugar konting tiis nalang at malapit na tayo kila Tatang.

"ay Sus Ginoo!" gulat na expression ni Tatang.

ipasok mo dito sa loob ang iyong dakilang Lolo at akin na siyang gagamutin dagdag ni Tatang.

"Wala bang nakasunod sa inyo dito Ben?" tanong ni tatang.

"wala pong nakasunod saamin Tatang lahat po sila ay natalo ni Lolo nang ginamit na niya ang kanyang abilidad," sagot ko.

"tila naubos ang lakas ng iyong Lolo sa mga pangyayare kanina iho, damang dama ng aking presensya ang pag baba ng kanyang panloob na enerhiya," wika ni Tatang

"Siguro nga po Tatang, napakalakas pala ni lolo at yung mga ginawa niya kanina diko maiisip na pwede palang mangyari ang mga ganoong bagay." sagot ko.

"Oo naman ang Lolo beloy mo Ben ang pinaka pinuno nating Puting Lahi, siya lang naman ang nag iisang biniyayaan ng kakayahan na manipulahin ang oras at gamitin ang espirtu ng mga numero." sagot ni Tatang.

"ibig sabihin si lolo ay parang may Telekenesis na kayang pahintuin ang Oras at manipulahin ito?" tanong ko.

"Oo Ben, tumpak ang iyong Lolo ay may kakayahang mag manipula ng Oras at Hangin, ang iyong Ama naman na si Jovan ay may kakayahang mag manipula ng apoy at manggamot din, ang iyong Ina naman ay may kakayahang makapag manipula ng tubig na nag bibigay buhay, ang ating lahi ay biniyayaan ng Bathala ng ibat ibang abilidad para mag hatid ng kapayapaan para sa sangkatauhan," sagot ni Tatang.

"Woooow! nakakamangha naman pala ang ating lahi Tatang, ako ay lubusang natutuwa sapagkat ako ay bahagi ng tinatawag na Puting Lahi! ako pala ay tagapag ligtas din at malakas," wika ko.

"Oo Ben ang problema lang ngayon ay diko na masasabing kaya pang lumaban ng Lolo mo ulit dahil sobrang hina na niya, kailangan na niya mapasa saiyo ang lahat ng kaalaman sa pag mamanipula ng di tayo mag karoon ng marami pang problema." sagot ni Tatang.

"Tara na! ok na ako, ready na ako haha! wag na nating patagalin pa," tuwang tuwa kong sagot.

"Ben hindi mo pa talaga naiintindihan," sagot ni Tatang.

"aba anong di ko naiintindihan? hindi pa ba ako pwede? mahina ba ako masyado? ano ba sabihin mo sabihin mo tatang ng malaman ko!" sagot kong nagagalit.

"Ben! , pag naipasa na saiyo ng Lolo mo ang buong kaalaman niya sa pag mamanipula ang Lolo mo ay mawawala na ng tuluyan, dahil ang dahilan na lang kung bakit pa siya nabubuhay ay di niya pa naipapasa sa iyo ang aklat at abilidad ng pag mamanipula," sagot ni Tatang.

"Ang iyong Lolo ay marami ng beses sinundo ng bathala ngunit siya ay patuloy na nakikipagbuno para sa kanyang buhay dahil di niya pa naipapasa sa iyo ang dapat niyang ipasa, pero ngayong ikaw ay nandirito na sa tingin ko ito na ang tamang panahon para humarap na ang iyong dakilang Lolo sa pinagmulan niya," dagdag ni tatang.

"ako ay naluha sa lahat ng narinig kong kwento, tila diko yata kaya na makita ko na ang lolo ko ay mawawala ng dahil saakin, ayoko ng ganun!," galit kong salita.

"ngunit Ben ang nakasaad sa propesiya ay dapat mangyare, alam na ng Lolo mo na darating ang senaryo na ganito at matagal na niya yung pinag handaan. kaya wag mo sana hadlangan ang nararapat na mangyare sapagkat para sa buong sangkatauhan ang gagawin mong desisyon Ben!" , sagot ni Tatang.

Ano na nga kaya ang mga susunod na Mangyayare?

Anong kakayahan kaya ang makukuha ni Ben sa kanyang Lolo?

mas marami pang matinding pangyayare ang Magaganap sa Time Manipulator.

Akin pong ipagpapasalamat kung Iboboto niyo po ang ating Kwento.

pwede po kayo magbiwan ng Komento or Suggestion para sa ikagaganda ng Storya. :)

Salamat po sa Suporta!

Godbless

xXkanjieXxcreators' thoughts