CHAPTER 8
Lucresia's Point of View
1 Year Ago...
"Happy 17th Birthday Lu!!!" kasalukuyan akong naka-upo sa salas ng aming bahay nang may marinig akong nagsalita. Nakita ko si Joe na may dalang tulips—ang paborito kong bulaklak.
"OMG! Thank you, babe!!!" Sinalubong ko siya ng mahigpit na yakap.
"Do you like it???" Umalis ako sa aking pagkakayakap sa kaniya at kinuha ang mga bulaklak.
"You really know what is my favorite!" I said. "But yeah, thank you for this!" Pasasalamat ko sa kaniya at hinalikan siya sa labi.
"Come with me?" Kinuha niya ang aking kamay at hinatak ako palabas ng bahay. Gulat na gulat naman ako sa kaniyang ginawa.
"W-wait, where are we going???"
"Somewhere far from here" He said and he winked at me. Sumakay na kami sa kaniyang kotse at nagsimula na siyang magmaneho.
Alas-dose ng madaling araw ngayon at ibig sabihin, birthday ko na. Wala akong ideya kung saan kami pupunta ni Joe basta't ang alam ko lang ay gusto ko siyang makasama sa araw ng kapanganakan ko.
Nag-drive thru muna kami sa Mcdonalds dahil ang sabi niya ay mahaba ang aming biyahe.
Habang nagmamaneho si Joe, sinusubuan ko siya ng pagkaing binili namin. Ang maganda pa ay ang kalmado ng kalsada, walang traffic.
"Be honest to me, where are we going?" Naka-ngiting tanong ko sa kaniya.
He looked on my eyes seriously. "Just wait my princess, we will be there in a few" at ibinalik niya ang kaniyang atensyon sa daan.
3 Hours Later...
"Babe, we're here!" Naalimpungatan ako kaya minulat ko ang aking mata. Nakita kong nakatingin sa akin si Joe. Hindi ko pala namalayan na nakatulog ako.
Tumingin ako sa labas ng kotse at madilim pa kaya tinignan ko ang cellphone. Alas-tres pa lamang ng umaga.
"Nasaan tayo???" I asked him but he didn't respond. Bumaba siya sa kotse kaya sinundan ko siya. Pagkababa, sumalubong ang malamig na hangin sa aking balat.
"We're here in Tagaytay!" Sabi ni Joe at isinuot saakin ang isang jacket. Pinagmasdan ko ang paligid at nandito kami sa isang mataas na bahagi ng tagaytay kung saan tanaw ang Mt. Taal. Napansin ko rin ang mga ilaw mula sa iba't-ibang lugar.
"I LOVE THIS---" hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang pagkatalikod ko, nakita ko si Joe na nakaluhod sa harap ko.
"Lucresia. I'm not proposing to you since we're still young. But I just want to let you know I love you eternally. I want to be my wife not now but soon." Nakita kong may hawak-hawak siyang singsing na mukhang vintage.
"This ring witnessed my love for you. I hope you will take care of this since this from my great grandmother. She passed this until my mom received this. I want you to pass this also to our future son." Sinuot niya ang singsing saaking daliri. Hindi maipaliwanag ang aking nararamdaman at reaksyon ngayon. Ang bilis ng tibok ng aking puso.
"You'll be the last girl I will love and I want you to be my partner until death and to our next life." Hindi ko na napigilan ang sarili ko at niyakap ko siya ng mahigpit. Nagsimula na rin bumagsak ang aking mga luha.
"Joe, thank you for loving me. I have nothing to wish because God gave you to my life" Sabi ko habang umiiyak.
~*~
Minulat ko ang aking mata nang marinig ang isang pamilyar na music piece ni Claude Debussy. Nakita ko si Joe na pumasok sa kwarto habang may dala-dalang mga pagkain.
"Good morning babe! Breakfast for you!" napa-upo ako sa kama at inilagay niya rito ang bed table na naglalaman ng breakfast. Typical breakfast such as hotdogs, bacons, rice, and a milk.
"I feel like a princess!" Sabi ko sa kaniya habang inaayos ang aking sarili.
"Of course! It's your day and I need to serve my princess!" He responded. Kinuha niya ang fork at sinubuan ako ng bacon. Feeling ko tuloy bata ako.
"Be ready for my second surprise!" He said and I became curious. Ano na naman kaya naisipan nitong lalaking ito?
Nagpatuloy na ako kumain habang nagke-kwentuhan kami. Nandito kami sa isang hotel dito sa Tagaytay. I really the weather here! This is my first time though!
Pagkatapos kumain ay nag-ayos na ako ng sarili ko. Joe doesn't want me to put a lot of makeup kaya simple lang ginawa ko. Simple lang din ang suot ko. A black long sleeve, cardigan from Gucci, a denim pants and sandals from Hermes.
Nag-checkout na kami sa hotel at nagpunta sa parking. Sumakay kami sa kotse at nagsimula nang magmaneho si Joe.
Napansin kong halata sa kaniyang mukha ang excitement kaya nae-excite rin ako sa pupuntahan namin.
Lumipas ang halos isang oras na biyahe at natunton na namin ang balak puntahan ni Joe. Bago kami bumaba, nilagyan muna ako ni Joe ng blindfold. Ano na naman kaya pasabog nito?
Nagsimula na kami maglakad habang inaalalayan niya ako. Wala talaga akong ideya kung nasaan kami.
"Nasaan na ba tayo???" inip na tanong ko sa kaniya dahil nahihirapan na ako maglakad. Ramdam ko kasing umaakyat kami ng hagdan.
"Chill, we're getting closer" He said.
Mayamaya ay nagsalita uli si Joe at narinig ko ang excitement sa kaniyang boses. "Alright! We're here!" Tinanggal niya na ang blindfold sa aking mata at nagulat ako sa aking nakita.
"Where are we?"
"To a church" he said at hinila ako papasok sa loob ng simbahan. Namangha ako sa exterior ng simbahan na ito dahil gawa siya sa bricks.
"This is Transfiguration Chapel of Caleruega. This is where our wedding will happen" nakangiting sabi ni Joe habang pinagmamasdan ko naman ang interior ng simbahan.
"This is quite small but I don't want our wedding to be grande. Okay nang masaksihan ng iilang tao ang precious day of our life"
"I chose this chapel because it's simple. At dinala kita rito ngayon para ipangako na papakasalan kita dito kahit anumang mangyari. Dito natin sasabihin ang wedding vows para sa isa't-isa." He added. Nagsimula na namang mangilid ang luha sa aking mata. Hindi ko alam bakit ganito ang ipinaparamdam ni Joe saakin.
"Lucresia, this is for you. This is a thousand reasons why I love you" Ibinigay saakin ni Joe ang isang jar na puno ng mga papel. "I want you to read that whenever you feel sad. I want you to know there is Joe who loves you more than anyone could do." Kinuha ko ang jar at niyakap ko siya habang naiyak ako...
"I think you will be the one I end up with"
End of Flashback
~*~
Pinunasan ko ang luha habang kasalukuyang binabasa ang mga sulat ni Joe saakin. lahat ng ibinigay saakin ni Joe ay nanatiling nakatago.
Kasalukuyan akong naglilinis ng aking kwarto nang makita ko sa isang box ang mga ito. Naglalaman ito ng mga binigay saakin ni Joe gaya ng liham, tuyo na bulaklak, mga litrato at ang singsing na ibinigay niya saakin.
Ang dami niyang pinangako saakin pero hindi naman niya tinupad ang mga iyon. Ako namang si tanga, paniwalang paniwala.
Biglang nagvibrate ang phone ko at alam ko na kung kanino galing 'yon. Kay anonymous number...
5th Rule – Get ride the relationship reminders
Don't regret throwing it. It doesn't deserve your tears. It's good for you to don't remember the past
What a timing. Manghuhula ba itong sender na ito? Bakit alam niyang naiyak ako?
Binuhat ko ang kahon na naglalaman ng mga ibinigay saakin ni Joe. Ibinukod ko lang ang singsing dahil sa malayo ko ito itatapon.
Lumabas ako ng kwarto at nagtungo sa backyard. Nang makarating ako dito, inilagay ko sa incinerator bin ang laman ng kahon at binuhusan ito ng gas.
"It's the time to let go all the remnants you gave" kinuha ko ang posporo at inihagis sa incinerator. Nagsimula na ito magka-apoy at unti-unting nasunog ang mga gamit.
Habang pinagmamasdan ko ang apoy, hindi ko namalayan ang pagtulo ng aking luho. Kasalukuyan ko kasing nakikita ngayon kung paano matupok ang litrato naming dalawa kung saan hindi maipaliwanag kung gaano kami kasaya noong araw na 'yon...
Ilang saglit ang lumipas at namatay na ang apoy. Wala na ang mga alaalang ibinigay saakin ni Joe. Abo na lamang ang lahat nang 'yon.
~*~
Tapos na ang mga klase at wala naman gagawin kaya napag-desisyunan ko nang mauna sa mga kaibigan ko. Ngayon ko kasi balak itapon ang singsing na ibinigay ni Joe saakin.
This would be mean but I don't care. Alam kong pinamana ito sa kaniya ng kaniyang mom. I know na galing din ito sa lola ng lola niya.
I don't want this to gave back to him. Super sakit ng ginawa niya saakin and he doesn't deserve a second chance.
Sumakay na ako sa aking kotse at nagdrive papuntang Manila. Medyo mahaba ang biyahe pero babaybayin ko pa rin maitapon ko lang ito.
1 hour later.
Sunset na. at kitang-kita dito sa Manila Bay ang paglubog ng araw. Nandito ako kasalukuyan naka-upo malapit sa bay. Pinagmamasdan ang kalmadong tubig habang inaalala ang mga pangakong binitawan ni Joe.
Kanina pa ako umiiyak dito dahil hindi ko pala kayang itapon ito. Para bang nakokonsensiya ako bigla. Inalagaan ito ng mga naging may-ari samantalang ako itatapon ko lang dahil ipinagpalit ako ni Joe sa ibang babae.
"You f*cking moron!" Sabi ko habang humihikbi.
"Are you okay?" Nagulat ako sa biglang nagsalita at umupo sa aking tabi. It's Israel...
"What are you doing here?! How did you find me?" I asked him while wiping my tears.
"Here. And for your information, I'm not here because of you" Ibinigay niya saakin ang kaniyang panyo at kinuha ko naman ito.
"I did something here and it's driving me nuts. How about you, why are you here?" tanong niya saakin at nagsindi siya ng isang yosi.
"I'm just trying to get rid of this" napatingin siya sa aking hawak na singsing.
"Hmmm. That was Joe's ring, right? Why don't you throw it anyway?"
"I can't" Mahinang sagot ko sa kaniya. I saw him in my peripheral vision that he looked at me.
"You know what if you will keep it, it will still remind you the memories you made with him"
"But this came from his great grandmother" I said.
"Joe broke the promise. He broke the rule. And I know they will understand. They want a girl who will wear it with happiness and love" na-realize ko ang kaniyang sinabi at tama naman.
"Just throw it and you will feel better" he said while he's staring to the beautiful sunset.
Bumuntong hininga ako at tumayo sa kinauupuan ko. Bumwelo ako ng konti at inihagis ko ang singsing. Good thing, medyo malayo ang narating ng singsing kaya tuwang-tuwa ako.
"YAAAAY! I DID IT!!!" Sigaw ko kaya napatingin saakin si Israel. Nakita kong nakangiti rin siya. Ibang ngiti. Parang may kumurot bigla sa aking dibdib.
"I told you! You can do it!" He said and he raised his hand a sign for high five.
Inilapat ko ang aking kamay sa kanyang palad at para bang nakuryente ako kaya napahawak ako sa palad ko.
"Since you did it, here. This is my treat!" Naglabas siya sa kaniyang bag ng isang stypor at dalawang cass na beer.
Binuksan ko ang stypor at nagulat ako sa nakita ko.
"Kwek-kwek?" Naguguluhan kong tanong.
"Yes. Hindi ka ba nakain nito?" Nagulat ako sa kaniyang sinabi.
"This is the first time I heard you speaking in tagalog!" I said. Para bang ang sexy ng boses niya kapag tagalog ang gamit niyang language.
"I used tagalog only to my close friends" napatingin ako sa kaniyang sinabi. Nakita ko siyang nakangiting nilalagyan ng suka ang kwek-kwek.
Am I his close friend?
"Hey you want this or nah?" Napabalik ako sa reyalidad nang bigla siyang magsalita.
"This is my favorite Filipino street food. How about you?" He asked me.
Habang binababad ko ang kwek-kwek sa suka, nagsalita ako. "Same. This is my favorite too!"
"Oh really! Then let's cheers!" kinuha niya ang canned beer at nag-cheers kami.
Hindi namin namalayan na gabi na. napasarap ang kwentuhan namin dito sa Manila bay...