webnovel

The Story Of You And Me (The Last Book) GxG COMPLETED

She is a famous lawyer. A gorgeous, smart, brave and seductive young lawyer, to be exact. Siya ay si Alice Saavedra, mas nakilala pa dahil madalas, mga sikat na celebrity ang kanyang nagiging kliyente. Ngunit sa kabila ng pagiging matagumpay nito sa kanyang career at buhay, ay mayroon pala siyang tinatagong lungkot sa kanyang puso. Sa madaling salita, isa siyang hopeless romantic. And worst of all, she is waiting for someone to come back to her life. Isang tao na matagal na siyang piniling kalimutan. Raven Delo Santos, she is not as famous as the others. Ngunit sa puso ni Alice, siya parin ang panalo. She came from a rich family. The sole heir of all the wealth of her parents. Na muling mag babalik sa Pilipinas para gampanan ang kanyang tungkulin bilang taga pagmana. Sa muling pagbabanggaan ng kanilang mga mundo, mayroon pa kayang second chance na naghihintay para sa kanila?

Jennex · LGBT+
Not enough ratings
16 Chs

Chapter 4

Now playing: I want to know what love is by Mariah Carey

Alice

Huwebes na ngayon, napaka bilis lamang lumipas ng mga araw. Ngunit kahit na bago lamang nagsimula ang school year, napaka rami na agad ang aming gagawin na mga reports at takdang aralin.

Well, ganoon talaga ang buhay estudyante. Kailangan paghirapan ang bawat subjects para maka graduate.

Biyernes na bukas at maraming kailangang gawin at basahin mula sa libro na ibigay na takdang aralin, pero heto ako. Kagagaling ko lamang muli sa aking part time job mula sa isang restaurant. Isa akong taga hugas ng mga plato roon, taga linis ng buong kitchen pagkatapos nila itong gamitin.

Tinanggap ko na ang trabaho, hindi naman mabigat. Isa pa, isa hanggang tatlong oras ko lang naman iyong gagawin, may sahod na akong makukuha. At tuwing Huwebes, Sabado at Linggo lamang akong mag duduty roon. Hindi ba ang saya?

Hindi ko mapigilan ang mapahikab noong maramdaman ko ang pagod at antok. Malalim na rin pala ang gabi.

May oras pa kaya akong makapag review? Tanong ko sa sarili.

Pero hindi na bale, dadaan na lamang siguro ako sa convenience store para bumili ng 3 in 1 coffee. Pampagising lamang ng diwa habang nag-aaral. Sigurado akong bukas pahirapan na naman sa pag gising.

Hindi na rin ako nagtagal pa sa loob ng convenience store, agad na rin akong lumabas noong mabayaran ko ang aking kailangang bilihin.

Habang naglalakad na pauwi, noon naman may biglang huminto na sasakyan sa aking unahan. Hindi na ako magtataka pa kung sino iyon dahil kilala ko kung sino ang may-ari nito.

Napahinto ako sa pag hakbang habang naiiling.

Wala na ba talaga siyang ibang ginawa kung hindi ang lumakwatsa? Tanong ko parin sa sarili.

Bumukas ang pintuan ng kotse nito at iniluwa siya noon. Hindi ko naman mapigilan ang mapalunok dahil sa nakikita ko ngayon.

Hayyyy. Bakit ba ang ganda parin niya kahit na simpleng t-shirt lamang ang suot nito at fitted jeans. Tapos, kahit naka tsinelas lang siya, mahahalata parin ang pagiging mayaman niya. Iyon nga lang, halata rin na nang galing lamang siya sa kung saan. Malamang sa malamang eh tumambay lang na naman ito.

Mabilis na napa iwas ako ng tingin noong malapit na ito sa akin. Hindi ko rin mapigilan ang mapatikhim.

"B-Bakit ka nandito? Tapos mo na ba ang mga assignment mo?" Tanong ko na parang nanay. Amp!

Dahil sa itinanong ko ay hindi nito napigilan ang mapa ngisi at tignan ako ng may halong pang-aasar.

"Wag kang feeling," Bungad niya dahilan upang mapanganga ako.

Ano raw? Ano bang pinagsasabi ng babaeng ito? Tss!

"At saang parte sa sinabi ko na naging feeling ako? Aber?" Naiinis na tanong ko sa kanya at mag wawalk out na sana nang mabilis niya akong mapigilan sa braso.

"Nandito ako para kunin 'yong utang mo sakin." Muling wika niya.

Hindi ko na naman mapigilan ang mapatirik ng aking mga mata, bago kumuha ng pera mula sa bulsa ng aking pants.

"Oh!" Sabay abot ko sa kanya ng pera ngunit tinitigan lamang niya iyon.

"Hindi ba ito ang pinunta mo rito?" Tanong ko na nauubusan na ng pasensya. Naiinip na rin na makaalis na dahil marami pa akong takdang aralin na gagawin.

Bakit ko ba kasi kinakausap ang babaeng ito? Masyado na ba siyang boring sa buhay at walang ibang magawa?

Ngunit nanatili lamang itong nakatitig sa kamay ko. "Hindi ba ang sabi ko, ililibre mo ako?"

Hindi ko naman mapigilan ang mapa buga ng hangin sa ere. Tatanda yata ako ng mabilis dahil sa kanya.

"Wala akong oras, okay? Pwede bang next time nalang? O hindi kaya, sa school. Hindi naman kita tatakasan eh." Pagkatapos ay napataas pa ako ng aking kanang kamay tanda ng pangako sa kanya.

This time, siya naman ang napatirik ng kanyang mga mata. Sandaling tinitigan niya rin ako sa aking mukha dahilan upang makaramdan ako ng pagkailang kaya mabilis akong napa iwas ng tingin.

"Fine." Tipid na sagot nito at pagkatapos ay mabilis na itong tumalikod mula sa akin pabalik sa kanyang sasakyan.

Nawewerduhan naman at muling napapailing na tinignan ko siya habang naglalakad papalayo. Noong nasa loob na siya ng kanyang kotse, kumaway pa ito ng huling beses sa akin bago tuluyang pinasibad ang kanyang sasakyan.

Hindi nagtagal ay muling tinahak ko na rin ang daan pauwi sa aking boarding house.

Pagdating ko, sisimulan ko na sana dapat ang aking mga gagawin ng bigla na naman akong tinawag ng kalikasan.

Hays! Ano ba naman yan. Pambihira!

-----

"Ayoko niyan."

"Ayoko ko rin niyan."

"Pagkain bang matatawag yan? Ayoko niyan."

"Iba nalang, please. Yung mabubusog naman ako."

"Sinabi ng ayoko niyan---"

"ANO BA?!" Inis na saway ko sa kanya.

Nang gigigil na sa inis na napapikit ako ng aking mga mata dahil kanina pa ako pabalik-balik sa table niya.

At ang sumunod na hindi ko inaasahan na gagawin nito ay ang walang alinlangan na binuhos sa aking harapan ang binili kong pagkain. Ubos na ang 500 pesos ko para sa pag bili ng makakain niya. Sana naman sapat na iyon bilang kabayaran ng utang ko mula sa kanya.

Aba! Pinaghihirapan ko ang bawat perang nakukuha ko ano? Dugo, pagod at pawis ang puhunan ko tapos ganon lang ang gagawin niya?

Isa pa, sinabi ko bang bayaran niya para sa akin ang mga 'yun? Hindi naman diba?

"Nasisiraan kana ba?!" Medyo napataas na ang aking boses kaya agad na pinagtinginan kami ng ibang estudyante na kumakain din dito ngayon sa Canteen. Pati na rin sina Lila. Ganoon din si Sarah mula sa kabilang table.

"Wala bang matino at maayos na pagkain sa school na ito?!" Tanong niya at agad na tumayo. Pagkatapos ay napabuga rin ng hangin sa ere.

"Edi sana hindi ang school na ito ang na pili mong pasukan. Marami namang private schools dyan na pasok sa standard ng kaartehan mo." Pahalang na sagot ko sa kanya. Ngunit tinignan lamang ako nito ng malamig sa aking mga mata.

"Bakit hindi ang parents ko ang tanungin mo." Sarkastikong sagot niya.

Halos may lumabas ng apoy mula sa aking ilong habang tinitignan siya na ngayon ay naglalakad na papalayo.

Sayang 'yung ganda niya! Napaka demonyo naman ng ugali. Argh!!

Sa inis ko eh nawalan na rin ako ng gana sa pagkain ng pananghalian. Kaya imbis na makisama sa aking mga kaibigan ay mas ginusto ko na lamang ang magtungo sa library. Mukhang mas kailangan ko rin ng tahimik na paligid.

Pagdating sa library, agad na nagtungo ako sa pinaka paborito kong spot rito. Kung saan walang masyadong mga estudyante ang napapadaan.

Inilabas ko mula sa aking bag ang libro na hanggang ngayon ay hindi ko parin tapos basahin. Nasa kalagitnaan na ako ng isang chapter, noong may umupo sa aking tabi at may inilapag na isang slice ng cake sa aking harapan.

"Raven, pati ba naman dito?" Naiiling na wika ko.

Hindi na mukhang badtrip ang mukha niya, pero ako, naiinis parin ako sa kanya.

"Alam kong hindi ka nag lunch kaya naisipan kong bilhan ka nalang niyan." Tugon nito sa mahinang boses.

At kailan pa siya naging concern sa akin? Tanong ko sa sarili.

Pero hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lamang sa aking pagbabasa.

"Look, Alice. I'm sorry, okay?" Dagdag pa niya bago napahinga ng malalim. "H-Hindi na kita kukulitin pa."

"Good." Wika ko sa inis parin na tono. "Kaya pwede bang iwanan mo na ako rito?" Ibinalik ko sa kanya ang bigay nitong cake at muling ibinalik ang mga mata sa libro.

Ang buong akala ko eh aalis na siya pero nanatili parin ito sa aking tabi. Kahit na hindi sa kanya natutok ang mga mata ko, alam kong sa akin siya nakatingin dahil nararamdaman ko iyon.

Hindi ko naman tuloy mapigilan ang makaramdam ng kaba. Siguro dito na niya ako bubugbugin o kaya sasapakin.

Mali ba na sumasagot ako sa kanya? Ganon ba?

Magsasalita na sana akong muli ng unahan niya ako.

"What are you reading?" Biglang tanong nito sa akin atsaka umurong ng konti dahilan upang magdikit ang aming mga balat.

Hindi ko mapigilan ang mapalunok at ang mapasinghap ng lihim.

"Novel?" Patanong na sagot ko naman.

"What genre?"

"R-Romance." Damn. Bakit ako nautal?

"Ohhh. You love romance." Sabay ngisi na sabi nito. "What is the story about?" Dagdag pa niya.

"Tungkol sa babaeng nahulog sa isang bad boy." Sagot kong muli.

Teka nga, bakit ba nagiging interesado siya sa binabasa ko? At umaarte na para bang close kami. Tss! Isa pa, bakit ko ba sinasagot ang mga nonsense questions niya?

"Wala bang....bad girl sa kwento?" Rinig kong muli na tanong niya.

"Huh?"

"I mean, hindi ba sinabi diyan kung paano nahulog ang isang good girl sa bad girl?" Tanong nito dahilan upang mapakunot ang noo ko dahil sa medyo naguluhan.

Muli akong nag angat ng tingin, dahilan upang magtama ang aming mga mata at tumagal iyon ng ilang segundo.

"Parang...." Napahinto ito sandali. "Ikaw at ako?" Seryoso ang mukha na sabi nito habang naka tingin din ng diretso sa mga mata ko.

Ngunit sa halip na magpadala sa mga banat niya eh, napatawa na lamang ako. Para na rin pagtakpan ang nagbabadya na pamumula ng mga pisngi ko.

Halatang nabigla ito sa naging reaksyon ako. I knew it. Isa iyon sa mga gawain niya para mahulog ang mga babae sa kanya. Pero hindi ako katulad sa kanila. At hinding-hindi ako magiging isa sa kanila.

Noong unang beses ko pa lamang nakita si Raven, alam kong isa siyang gay. Ewan ko ba, kung bakit ang lakas ng radar ko pagdating sa mga ganoon.

Kung paano siya ngumiti, tumingin, magsalita at kung paano kumilos, alam ko na. At kahit na tignan lamang niya ako, alam ko na rin.

"Raven Delo Santos, walang ganoong kwento. Okay?" Natatawa na sabi ko. "We? Not gonna happen." At muli kong ibinalik ang aking mga mata sa binabasang libro.

Hindi na siya muling kumibo pa. Napansin ko na lamang na wala na rin ito sa aking tabi, ngunit iyong cake na bigay niya ay nandoon pa.

Napatitig ako ng ilang segundo sa aking tabi kung saan ito nakaupo kanina bago napa iling.

Bakit feeling ko maling sinabihan ko siya ng ganoon? Bakit pakiramdam ko rin, kailangan ko siyang kilalanin pa?