webnovel

Prologue

(The Only Exception

- Paramore)

'When I was younger I saw my daddy

cry and curse at the wind

He broke his own heart and I watched

as he tried to re-assemble it

And my mama swore that she would never

let herself forget

And that was the day that I promised

I'd never sing of love

if it does not exist, but darling

You are the only exception

You are the only exception

You are the only exception

You are the only exception'

Katatapos lang ng concert namin dito sa Philippine Arena. Ang mga tao ay nagsisialisan na, ang iba naman ay nakasilong, naghihintay na tumila ang ulan at ng kanilang mga sundo.

Malakas ang buhos ng ulan simula pa kahapon. Muntik pang hindi matuloy ang concert namin dahil sa bagyo. Mabuti nalang at humina-hina ang bagyo kaya natuloy siya kahit papaano. May ibang hindi nakapunta ngunit marami ang pinilit na makapunta kahit baha sa kanilang lugar.

I adore those persons who will do everything just to see their idols performing in front of them but, at the same time, I pity them.

Just like the stars in the middle of the night. Its shining, it's beautiful and you want to catch them but, it will never fall.

And those persons who are waiting for the stars to fall, they were hopeless.

Siguro sa tingin niyo ay ang taas ng tingin ko sa sarili ko but, that's the reality.

Tuloy-tuloy lang sa pagbuhos ang ulan. Tila nakikisabay sa agos ng buhay na meron ako ngayon. Its sometimes fun but, sometimes is not.

Wala akong sinisisi kung bakit naging ganito ang buhay ko ngayon. Dahil sariling desisyon ko ang nagdala sa akin sa tuktok. Kung may sisisihin man ako, ako lang 'yon at wala ng iba.

Pero hindi ko inasahan na ganito pala ang pakiramdam ng nasa tuktok. Hirap kang bumaba at makihalubilo sa iba dahil maaaring ikasira iyon ng career mo.

"Ayan okay na, pwede na tayong umalis kuya Vic." pumasok na sa loob ng kotse ang manager namin pagkatapos nila ayusin ang mga gamit. Isinara niya ang pinto ng kotse bago siya umupo ng maayos.

Nilingon niya ako nang may ngite sa labi. Siguradong masaya siya dahil successful ang naging concert namin na matagal niyang pinroblema dahil sa bagyo. Masaya rin naman ako, hindi nga lang kasing saya ng mga kabanda ko.

"Okay ka lang?" tanong niya. Tumango lang ako bilang sagot at binigyan siya nang tipid na ngite. "Congrats sa inyo, ikaw nanaman ang usap-usapan sa social media. Siguradong bubuhos nanaman ang mga commercials at T.V shows mo."

Hindi naman na ako nag react. Wala naman akong magagawa. Para rin naman ito sa fans at sa career ko na pinaghirapan kong itayo.

Dito lang talaga ako nakakita sa Pilipinas ng singer na actor. Hindi naman ako si Daniel Padilla. Pero ano ba'ng magagawa ko eh nasa showbiz industry ako. Hayss...

Nagsimula nang umusad ang kotse. Mabagal ang takbo nito dahil maraming tao at kotse ang nakakalat sa kalsada. Sumandal nalang ako sa upuan at saka bumaling sa bintana. Nagsimula ng pumatak ang ulan sa bubong ng kotse pababa sa bintana. Malakas ang hangin at dinig ang paghampas nito sa bintana.

Nang mapadaan kami sa kumpolan ng mga fans na di kalayuan at nakasilong. Naagaw ang atensiyon ko ng isang babae na basang-basa at yakap ang album namin, tila takot na matuluan ito ng tubig ulan dahil baka masira. Ngunit kahit basa na siya ng ulan ay nakangite pa rin siya.

Bigla naman ako nakaramdam ng kakaiba. Naestatwa at hindi makagalaw. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko na tila gustong kumawala sa hawla. Pati ang pintig nito ay rinig na rinig ko na.

Those smiles, it makes my heart beats so fast.

Lalo pa akong na estatwa at napatitig sa kaniya nang magtama ang mga mata namin. But how? Tinted ang bintana ng kotseng ito, paanong nangyari na tila sinusundan niya ang titig ko habang umaandar ang sasakyan namin?

I feel the strange feeling in my heart... but, it fade soon when I realized that she's like those persons who are waiting for the stars to fall. That will never be going to happen.

'Maybe I know somewhere deep in my

soul that love never lasts

And we've got to find other ways to

make it alone or keep a straight face

And I've always lived like this,

keeping a comfortable distance

And up until now I had sworn to

myself that I'm content with loneliness

Because none of it was ever worth the risk

You are the only exception

You are the only exception

You are the only exception

You are the only exception'