webnovel

Chapter 8 - Mikaela & Rake Story

THE CONVERSATION WENT WELL. They strategize kung paano huhulihin si Bernadeth at ang mga kasabwat nito. Hindi nila parehas gustong isangkot si Mikaela hangga't maaari.

They barely touched their food. Parehas silang nag aalala. Ito na daw ang bahalang magpadakip sa mga suspect. Pero hindi pa rin siya sigurado. He wants to drive down to Tarlac just to check.

"Ate Mik don't want to involve mom and dad because she wants them safe at ayaw niya nagaalala ang mga ito. I could have a heart attack kasi ako palagi ang nagchecheck sa kanya. Do you know what are the troubles na nasangkutan niya before?"

"Kakasimula palang niya nun sa business. I was studying. Sinundo niya ako nun. Naghahanap siya ng susupplyan ng farm products namin. She closed the deal at may humarang sa aming mga lakaki."

PALIKO SILA SA SHORT CUT SA VERGARA PAUWI NG ZARAGOZA NG HARANGIN SILA NG ISANG TOYOTA FORTUNER. Agad na bumaba ang dalawang lalaking nakaitim at may takip ang mukha.

"Ate Mik!" Natatarantang sabi ni Andrew.

"Relax and focus. Dial uncle Rod's private number. Put the phone on silent and let him hear everything. I am going out don't go out of the car kahit anong mangyari."

"Anong kailangan niyo?" Tanong ni Mikaela ng makalabas ng sasakyan."

"Hindi sinabi ni boss na tisay pala baka pwedeng galawin muna natin no?" Sabi ng isa at nagtawanan ang mga ito.

"Ikaw itigil mo ang deal mo sa Pacific kung ayaw mong may masamang mangyari sayo!" Babala nito sa kanya.

"Kung ayaw ko anong gagawin niyo sakin?"

"Sinong boss niyo? Si Luis ba?" Tanong niya ang tinutukoy ay ang dating supplier ng Pacific.

"Magkanong binayad sa inyo ni Luis tatapatan ko lubayan niyo lang ako." Sabi pa niya.

"Dalawang libo kaya mo ba?"

"Ang mura naman ng buhay ko! May kalalagyan talaga yang Luis na 'yan!" Galit na sabi ni Mikaela.

"Paano mo nalamang si sir Luis ang boss namin?" Sabi ng isa

"Ang fortuner na 'yan ang gamit niya nung nakita ko siya sa sm. Kayo 'yung driver slash bodyguard niya. Ikaw si Arcenio at ikaw si Arnel."

Naalarma ang dalawa at akmang susugurin siya ng masipa niya si Arnel. Bumaon ang takong ng boots niya sa dibdib nito kaya napasigaw ito sa sakit. Sinipa niya itong muli kaya napahiga na ito sa kalsada. Ang tinawag niyang Arcenio ay susugod rin, nakaiwas siya at inundayan ito ng suntok sa tagiliran nito. Nang mahawakan niya ang braso nito'y sunodsunod ang sipang ginawa niya sa tagiliran nito.

Naitali nila ang dalawa at hinintay nila ang pagdating ng mga tao ni General Castillo. They filed a case against Luis pero inurong rin nila and solved it peacefully. They had a written agreement that he will never interfere on her business not ever again. She gained respect from every businessmen at nakagawa ng ingay iyon sa industriya.

She was tagged as the lady danger and no one dared to touch her until a year ago. Napunta sa kanya ang mata ng mga npa.

NAKINIG LAMANG SI RAKE SA BAWAT KWENTO NI ANDREW AND THROUGH ANDREW'S WORDS AY LALO NIYANG NIRESPETO SI MIKAELA.

"I call her ate but she's more like a mother to me. Alam mo ba pinakain, dinamitan, binigyan ng matutulugan at pinagaral niya ako. Naramdaman kong mahal na mahal niya ako. I owe her my life. I am considering it my second life when she found me. Akala ko talaga nuon mamamatay na ako sa gutom, na wala na akong mapupuntahan but there she is. She's my angel and I will pay my debt for the rest of my life."

"Thank you, kuya Rake. I owe you one for keeping my family safe and welcome to our family." Those were their parting words at nasa isip pa rin iyon ni Rake.

He found out how much Andrew loves Mikaela and their family. Pahapyaw rin itong nagkwento kung paano ito napunta sa poder ni Mik.

DUMAAN PA SI RAKE SA OPISINA NI GENERAL ALONSO. Sinabi niya sa heneral ang lahat ng napagusapan nila ni Andrew. He planned on telling Mikaela if not tonight tomorrow.

"Go home hijo. Relax nasa loob kayo ng base there's really nothing to worry," sabi nito.

"Thanks sir. Lalabas kami tonight. Business and pleasure," sabi niya.

"Will Mario come with you?" Tanong nito.

"I am not sure if his girlfriend was invited. He will be there if that's the case. He drunk too much last night," sabi niya sa heneral.

"Be careful hijo," bilin nito kaya tumango siya.

Pagdating ni Rake sa bahay ay nasa kusina ang mommy niya at si Mikaela. Pasado alas tres na nuon. Mukhang nagbabake ang dalawa.

"We're baking, hijo." Natutuwang sabi ng mommy niya ng halikan niya ito sa pisngi.

Sumungaw rin ang daddy niya na may dalang brown sugar mula sa storagr. Naka ae prone ang tatlo. Parang estudyante ang magulang niya at teacher ng mga ito si Mikaela.

"Kumain ka na ba?" Tanong ni Mik sa kanya ng makalapit siya rito at halikan niya ito sa labi.

"Yes had a lunch meeting. Matagal pa ba yan?" Tanong niya.

"Medyo. 1 hour top. Tumawag si Joshua to remind me about the poker game," sabi niya.

"You really agreed?" Dugtong pa ni Mikaela.

"Yes. I've heard you played well on your previous games," sagot niya.

"No not really." Tipid na sagot ni Mik.

"Meron ka bang hindi alam gawin?" Tanong niya.

"I can't fly a plane," natatawang sabi nito.

"So 'yun lang pala ang lamang ko sa'yo?" Natatawa ring tanong niya.

"Siguro?" Alanganing sabi niya.

"Alam mo hindi naman talaga ako magaling sa lahat ng bagay. It just happened that I knew a little of everything. Knowing something on every field made me a catch. Marami akong advantages especially sa business ko. It helps to know how to play golf when I am dealing with men. A billiard game and darts will also come in handy."

"Poker game's something Joshua wants. Have played once with my dad. Nagkataong gusto iyon ni Josh and I need to indulge him before dahil nga gusto ko siyang gawing partner. It's fun when I am winning," sabi niya.

"Itong gusto ko sa negosyo. We can always mix business and pleasure. So much different when you're only employed. It's all business and no play."

"Dad, mixed it well until it gets floppy," sabi nito na ang tinutukoy ay ang chocolate icing.

"I am paying for our game," sabi niya sa nobya.

"My proud boyfriend. I know you can provide for me and I thank you for that."

"Anything for you, boss!" Sabi niya at kinabig ang nobya para yakapin.

"Mas matamis pa kayo sa cake," kantyaw ni mommy Rose.

Ngumiti lang sila at naghiwalay na. Kinuhanan ni Mik si Rake ng ae prone at pinatulong ito sa pagbabake. They're all having fun lalo na nung titikman na nila ang icing.

Ang kinabigla niya ay ang pagsawsaw ni Rake ng mismong kamay niya sa chocolate icing na diretsong pinalanding nito sa mukha niya.

"Baby! This is not funny! You are so annoying!" Sabi niya kaya lalo itong natawa at nagtatakbo palayo sa kanya.

Hinabol niya ito and wrestle him. Matutumba na siya ng saluhin siya nito. She landed on top of him that's the time she got even at hinilamos ang kamay na puno ng icing sa mukha nito.

Nasa ganoon silang pwesto habang nagtatawanan ng batiin sila ni mommy Rose.

"Ang mga batang ire kung magharutan kalamo mga teenager pa," natatawang sabi nito.

"Let them be. It's really good if they know how to have fun. They will never grew tired of each other," sabi ng daddy ni Rake na kinangiti nila.

They started washing up matapos ang harutan nila. Tinapos na nila mommy Rose ang cake.

MAGAALAS SIYETE NG NAKAHANDA NA SILA UMALIS. Inayos ni Rake ang sarili he's wearing a white long sleeve and red tie under a black three piece formal suit. Maayos na ang itsura miya at gwapong gwapo na siya sa sarili ng bumaba siya upang hintayin si Mikaela.

Muntik ng malaglag ang panga niya ng makita ang dalaga. She's wearing a burgundy medium length sexy formal dress. Plunging ang neckline nuon at bare back pa. May slit iyon sa kanan na halos umabot sa kalahati ng hita nito. Parang nagkulang ang tela dahil hindi pare parehas ang haba ng laylayan nuon.

Her hair's tie in a messy bun with strands free leaving her an extra alluring look. Tumaas rin ito ng tatlong pulgada dahil sa pula ring strappy sandals nito. On her left hand is the same white hand carry purse na dala dala nito sa mga meetings nito.

Nilapitan siya nito at pinahid ang tagiliran ng labi niya.

"Akala ko may tumulo," kantyaw nito na kinangisi niya.

"You look really gorgeous with that dress sweetheart," sabi niya sa dalaga.

"Thank you. You look dashing with that suit. I am drooling too," nakangiting sabi nito.

He reached for her hand at inalalayan ito patungo sa sasakyan nito. He wants to photograph her with her car kaya pinapwesto nito ito sa gilid ng kotse nito.

"Dyan ka lang," sabi niya at lumayo rito.

"What?" Nakakunot noong sabi nito.

Humakbang siya ng ilang metro palayo rito and captured her with the car. Mukha itong modelo dahil napakakinis nito at tumangkad rin ito dahil sa sapatos nito.

"Let's get going!" Aya niya ng makatapos siya sa pagkuha ng larawan.

"Let's take a selfie first!" sabi nto kaya natawa siya.

"Just like the old times eh?" Kantyaw niya sa nobya.

"Yes the mandatory selfie," sabi nito at kinuha ang cellphone nito.

Before she can click the camera ay nakaakbay na siya rito. It's different from their first selfie together dahil ngayon lumapit talaga siya ng todo sa dalaga.

"Are we being clingy here baby?" Kantyaw ni Mikaela.

AGAD SILANG SINALUBONG NG VALET DRIVER NG MIDORI. They agreed to meet at the hotel's restaurant first before they play.

Nang makarating sila sa meeting place ay nandoon na ang lahat at sila nalamang ang hinihintay. They're sitting in a long table. Nasa kanan si Arquiles katabi nito ang sekretarya nitong si Janine. Kaharap ni Arq si Mario na katabi si Jeanella. Sina Blare at Joshua sit next to Janine while Aika and Marven sit next to Jean.

Mikaela sit beside Marven at inukupa ni Rake ang kabisera.

"Hey it's nice meeting the two of you," nakangiting bati ni Mikaela kina Marven at Aileen.

Habang pumipili ng order ay nagsimula na nilang pag usapan ang negosyo dahil sinimulan na agad iyon ni Rake. Ngayon lamang narinig ang boyfriend niyang magsalita ng tungkol sa negosyo.

"You can start selling your firm Fonatanillas. My girl's dying to hear about your service," sabi nito na kinatawa nila.

"Well mukhang na feed niyo na siya. What's the project Mik?"

"It's not a big project but I am very keen to details," sabi ni Mikaela and showed her sample layout na nasa cellphone niya.

"This is fine architecture. Architect ka ba?" Tanong nito.

"No," she smiled.

"Let's just say holding company ako. I am diversified," dugtong niya.

"Let's see," sabi nito at inayos ang salamin.

Nilabas nito ang sariling telepono at may mga files na tiningnan.

"I have the same project area which cost 500k," sabi nito.

"I am dying to hear the discount Fontanillas," Mikaela flashed a very sweet smile na kahit mga langgam ay mangingilo.

Rake saw how Marven turned a little red at medyo natameme ito.

"I gave Rake a 20% discount when I did a project for him. I can give you the same," sabi nito kaya ngumuso ang girlfriend niya.

"I actually wanted 30% Marven. Can you consider? I really wanted to get your service and I am looking forward to more projects within the area if given the chance." She said at halatang nagpapacharming.

Mukhang nadala naman ang binata. Lumunok pa ito before he agreed.

"Let's sign the contract tomorrow. I want to start constructing on Monday," sabi ni Mikaela.

"This soon?" Tanong ni Marven.

"Yes. I want to operate in a month but if you can't make it we can adjust of course. Wala ka namang masyadong gagawin rito. More on repairs and few changes lang."

"Alright can you email me the file?" Tanong nito.

"Sure. There sent," sabi ni Mik.

Marven dialed his secretary's number. Inutusan nito ang sekretarya nitong ihanda ang actual price ng project. Nagbilin rin itong ihanda ang contract na naglalaman ng attendum na 30% discount.

Napunta sa negosyo ni Rake ang usapan ng mga ito. Nalaman ni Mikaela kung gaano kayaman ang boyfriend niya. He has investment on resort, bar and restaurant.

He blushed when Arq asked about the hacienda.

"Ano bro ipupush mo na ba 'yung hacienda mo?" Si Arq.

"Someone's getting in the way dude," natatawang sabi ni Joshua.

"Have you found out about your competition dude?" Tanong ni Arq.

"Yes but let's keep it low baka mausog," natatawang sabi ni Rake.

Dumaan lang ang topic tungkol sa hacienda kuno ni Rake. Wala rin naman siya sa posisyon para magtanong kaya di muna nag usisa si Mika. Napunta sa kanya ang topic.