webnovel

THE SEARCH: Beryl

Due to the tumultuous event happened in the 2nd District, a young thief with an extrasensory perception got lost in the Palace. A palace where the Monarchs, the phenomenal Prince, and the great echelons live. The place where elites are loved, and homeless people like her are not welcomed. Status is important in the kingdom of Eufrata. Paupers can't even step into the palace. Bad luck or as it is, the Kingdom is looking for the precious stones. So in order to get out safely and save her fellow paupers, she needs to escape. But she only have two options; Sneak out and be killed by the sentries or join the team and look for the stones. She's stuck in a dangerous struggle and grievous mission. She needs to choose. She lives no Queen nor a princess, she doesn't belong to any royalties. She isn't great as the echelons, she ain't elite either. She doesn't live a normal life, she is not just a normal girl. Because she belongs to the lowest group in kingdom. She is a pauper. But she is extraordinary. Her perception is supernatural, and she is more than that. Will she be able to survive in a breathtaking atmosphere between elites and paupers? Is there a chance for a hopeless romantic between a pauper and an elite? How is she going to survive if she finds out that her capabilities are more than of what she expected? Will she survive when THE SEARCH begins?

MyName_IsNoOne · Fantasy
Not enough ratings
53 Chs

5

CHAPTER FIVE

Thief

"People of 2nd District, calm down! Everything will be alright, hayaan ninyo at hahanapin namin ang mga taong iyon. Mga masasamang tao! Kamatayan ang nararapat sa kanila! Ang lahat ay inuutusang kumalma!" patuloy na saad ng Duke, kanina lamang ay wala nang nakikinig sakanya ngunit pagkasabi niyon ay muling nagsigawan ang mga tao.

Sumang ayon sila sa sinabi ng Duke.

Kamatayan ang nararapat sa amin.

Ang mga taong tahimik lamang kanina ay nagulo na rin dahil sa pwersahang pagpipilit ng mga guwardiya sa taong naroroon na huwag tumakas. Hindi sapat ang sinabi ng Duke upang tuluyang huwag matakot ang mga naroroon dahil sa nalaman nilang nangyaring nakawan.

Maaaring ang iniisip nila ngayon ay napasok sila ng mga masasamang tao kaya naman kinakailangan nilang makatakas.

"Stand up!" nagulat ako ng maagaw ako ni Marcus sa kamay ng mga guwardiya.

Tumayo ako ngunit muli lamang akong naagaw ng nasuntok kong bantay.

Shit.

"No, you must go now! You guys go! Ihatid mo si Laura, ingatan mo siya!" sigaw ko kay Marcus ng hindi ko na maabot ang kamay niya.

Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, at sa oras na yaon ay kinakailangan kong mag desisyon.

Isang desisyon na magpapabago ng buhay ng lahat.

Isang desisyon na ikaliligtas nina Marcus at Laura.

Ngunit desisyon na ikapapahamak ko.

"Verulia!" sigaw ni Marcus ngunit patuloy lamang akong nahila ng guwardiyang animo'y galit na galit saakin. "Verulia!" sigaw muli ni Laura.

Naguguluhan na ako, at nagsisimula nang mabuo ang takot sa aking puso. Kapag nagpatuloy ito lahat kami ay mapapahamak.

Hindi ako sinukuan ni Marcus, kinuha niya ang aking kamay at patuloy akong hinila sa guwardiya. Nananakit na ang katawan ko dahil nabubunggo na rin ako ng maraming tao.

Gamit ang aking buong lakas ay itinulak ko ang guwardiyang may hawak sa akin at tumalon papunta kay Marcus.

"Stop being stubborn!" galit na wika ni Marcus habang hawak ako patakbo sa kanyang sasakyan.

Everything went wrong.

"Verulia!" Laura is crying. Hawak hawak niya ang kamay ko habang tinutulungan akong makaangat tungo sa sasakyan.

Nanghihina man ay pilit akong sumakay sa likod ng sasakyan.

"Marcus! Marcus dumudugo iyong tuhod ni Verulia!" natatakot na sigaw ni Laura kay Marcus na handa nang magmaneho sa sasakyan.

Shit.

It's now swollen.

Hindi ko ito pinansin noong nasa loob kami ng shop kanina hanggang makarating kami sa lugar na ito, mukhang mas lalong lumala ang sugat ko ng hindi ko pinapansin.

"Ouch shit!" napapikit ako ng mariin nang madulas ako sa likod ng sasakyan at tuluyang nahulog sa lupa.

"Verulia!"

My vision became blurry. Tuluyang nanghina ang mga tuhod ko. I keep on receiving kicks from different people. Wala silang pakialam sa mga natutumba, they only think about themselves.

"Laura, take care of yourself please. Take care of my lola for me." nanghihina kong saad matapos akong mahulog sa sasakyan.

Patuloy paring nagkakagulo ang mga tao, nahinto narin sa pagsalita ang Duke dahil wala na muling nakinig sa kanya.

"Verulia, no! I'm sorry, please come with us! Veluriya! Verulia!" iyak ni Laura, ngunit umiling ako. Mas lalo lamang silang mapapahamak kung ipipilit nilang makasama ako.

"GO HOME!"

"Arghhh!" iyak ko ng hilahin akong muli ng guwardiya. Wala itong pakialam kung nasasaktan man ako, hinihila lamang ako nito papalayo sa sasakyan ng mga kaibigan ko.

Mula sa driver's seat ay nakita kong sumilip si Marcus.

"Take care of Laura please.."

Alam kong naintindihan ito ni Marcus. Nanghihina si Laura na umiiyak sa likod ng sasakyan habang tinitingnan akong hindi niya maabot-abot.

"Laura.. take care of my lola."

I'll be back, I promise.

"Marcus!" sigaw ko bago niya buhayin ang sasakyan, hindi na siya nakatingin sa akin, nasa loob na siya ng sasakyan, ngunit alam kong naririnig niya ako.

"Marcus, iuwi mo nang maayos si Laura! Trust me this time, please!" buong lakas kong sigaw habang hatak hatak ako ng guwardiya.

"Son of a bitch you will not get off this time from me!"

"Arghh!!" sigaw ko ng hilahin niya ang buhok ko at patulak akong ipinasok sa malaki nilang sasakyan.

Nagsimula na ring umandar paalis sa ikalawang distrito ang sasakyan ni Marcus.

With Laura crying at the back and Marcus driving his automobile away from the district, away from me, I felt happy. Alam kong kahangalan ang maging masaya pa ako sa gitna ng gulong ito ngunit masaya nga ako.

At least they'll be going home, even without me.

Makakauwi sila, kahit na hindi ako kasama.

In the midst of my chaos, I'm happy they left me.

"I found the thief.." saad ng guwardiyang may hawak sa akin sa kapwa niya mga bantay.

Lahat ng mga ito ay napalingon sa akin.

Napapapikit ako ng mariin.

Is this my end now?

---

A/N: Let me know your thoughts about this chapter please :>