webnovel

THE RIGHT WAY TO LOVE (novella/Filipino)

Nagkamali ng kuwartong pinasukan si Reeze, nagkamali siya ng inakit na binata, at naibigay niya ang sarili sa isang lalaking hindi niya kilala. Ang mas mahirap pa, nakikipag-deal si Marcus, ang nabiktima ng pagkakamali niya, na magpanggap silang mag-boyfriend sa loob ng three months kapalit ng importanteng bagay na nasa kamay nito. Walang emotions, laru-laro lang ang usapan nila. Kaso na-in love siya sa binata. May mas tatanga pa ba kay Reeze?

shylZ · Urban
Not enough ratings
8 Chs

A Game

SA ISANG cafe sa tapat ng Benidez Hotel nakipagkita ang walanghiya. Nakapuwesto ang lalaki sa dulong mesa, nakatalikod. He wore a mint green polo shirt and Reeze couldn't help but admire how sexy his back was. Parang ang sarap yapusin.

"Umayos ka, Reezelda!" sita niya sa sarili saka humakbang patungo sa kinaroroonan ng lalaki. Taas-noo siyang umupo sa tapat, dumekwatro at tumingin sa malayo. Nang wala siyang marinig na salita mula sa lalaki, bahagya niyang binaba ang sunglasses at sinilip ito. Nakangisi ito. Tuluyan na niyang tinanggal ang sunglasses at ipinatong iyon sa mesa.

"Nice seeing you again, Reeze."

Plastik siyang ngumiti.

"I didn't know what you like so I just ordered you an orange juice," sabi nito nang dumating ang isang waitress at nilapag ang mga refreshers sa mesa.

"Ang memory card?" Inilahad niya ang palad.

The guy smirked and leaned against his seat. Pinigil niya ang singhap. Mapa-dilim o mapa-liwanag, ang guwapo pa rin nito. Ibang-iba ito sa mga lalaking naka-date niya noon. Hindi sa mga panget ang mga iyon. In fact, they were all good-looking and yummy. Pero ang isang ito… nakaka-intimidate na ewan. May aura kasi ito na parang anak ng aristokrata. The man's short thick hair was groomed well, giving him a neat and refreshing look.

"'You think I'll hand it over to you just like that?" anito.

"Eh bakit nakipagkita ka kung wala kang balak ibigay sa 'kin 'yon?"

He smiled sweetly. So sweet she wanted to murder him! Kahit matigas ang habas ng jawline ng lalaki, lumilitaw ang boyish angle nito sa tuwing ngingiti. He's got dark and playful eyes, thick lashes and patrician nose. Mamula-mula ang mga labi. She blushed at the thought of his sensual lips kissing every inch of her body.

Pasimple niyang inalug-alog ang ulo.

"You look different today. Still pretty, though. Pero noong gabing 'yon, sobrang lagkit mong makatingin sa 'kin."

Napakurap siya. "Huwag mo ngang maipaalala ang nangyari."

"Why not? You're the one who came into my room and seduced me."

"Paano mo pala nalaman?"

"'Yong tungkol sa patago mong pagkuha ng video?"

Tumango siya.

Nang dumukwang ang lalaki sa mesa, nalanghap niya ang mamahaling pabango nito. He smelled of sweet wood and wild grass. "I'm not stupid, Reeze. Napansin ko na ang cam n'ong mapalapit tayo sa rack. That morning, nauna akong nagising sa'yo. I checked the camcorder and snatched the memory card. Siguro ang pagkakamali mo lang ay natulog ka nang mahimbing. Masyado ka yatang napagod." He winked at her and she stopped herself from wanting to smack his good looking face.

"Pero akala ko tulog ka—" Kumunot ang noo ni Reeze. "So you were just pretending that you're asleep?"

"Uh-hum. Then narinig kong may kausap ka sa labas."

"At sinong hotel staff ang nagsabi sa'yo nang tungkol sa 'kin?" Malaman lang niya ang pangalan ng mahadera, ipapasisante niya iyon kay Martha agad-agad!

The bastard's small, breathy chuckle startled her. "'You think I can really find someone who has your info in that short span of time? I've checked your contact info from your phone. Nakita ko 'yon sa isang pouch—kasama pa ang susi na ginamit mo. If I'm not mistaken, that's the master key, right? How did you get it?"

She gritted her teeth. "Alam mo bang invasion of privacy ang ginawa mo?"

"Yeah, just like entering the room without the guest's permission." He scoffed. "I can sue the hotel, you know."

Bigla siyang kinabahan. Paano nga kung gumawa ito ng paraan para mademanda ang Benidez Hotel? Patay na.

"But I won't do it because I had too much fun."

She glared at him.

"Tell me why you did that," maawtoridad na sabi nito.

"Ipakita mo muna sa 'kin ang memory card!" utos niya.

Inilabas nito ang isang maliit na transparent case mula sa bulsa ng pantalon. Nasa loob ang memory card ng camcorder ni Martha. Sinubukan niya iyong abutin pero mabilis inilayo ng lalaki sa kanya ang case.

"Easy. Hindi mo 'to makukuha nang ganoong kasimple. Malay ko ba kung saan mo balak gamitin ang video. Kung may balak kang siraan ako, siguradong kilala mo ako. And what's your goal?"

"Una sa lahat, hindi kita kilala. Ni hindi ko nga alam ang pangalan mo eh."

"Really, huh?" He fixed her with a scrutinizing stare. Noon lamang niya napansin na medyo pagod ang mga mata nito. Puyat ba ito lagi? Stressed siguro ito sa trabaho o sa kung ano mang pinagkakaabalahan ng ugok na ito. Pero kahit ganoon, lutang na lutang pa rin ang pagkaguwapo nito.

"I'm Marcus. Marcus Santillez."

Marcus… Pati pangalan, cute. Kainis. Nagtanggal siya ng bara sa lalamunan. "Well, hindi ako interesadong malaman kung sino ka. Ang importante lang sa 'kin, makuha ko 'yang memory card. Malay ko rin kung anong balak mong gawin d'yan. Wala akong tiwala sayo. Kung gusto mo, babayaran na lang kita. Magkano ba?" Hinalungkat niya ang wallet sa handbag. Makukuha kaya ang lalaking ito sa isang libo?

"Sa tingin mo, madadala mo ako sa pera?" bagot na wika ni Marcus. "Nah. I already have much of that."

Muli niya itong sinuri ng tingin. Mukha naman talagang rich kid ang lalaki, nagbaka-sakali lang siya. "Then what do you want?"

"Unless you tell me your goal for doing this, I won't consider giving this back to you." Sumeryoso na si Marcus. Hindi naman niya masisisi ang lalaki dahil wala itong alam sa nangyari. Hindi nga lang talaga niya alam kung paano magpapaliwanag dito. She didn't like the feeling of looking stupid in front of other people. Lalo pa sa taong ito.

Binasa niya ang labi. "Kapag sinabi ko sa'yo ang totoo, ibabalik mo na ba sa 'kin 'yan?"

Marcus shifted in his chair. "Depende. Kapag katanggap-tanggap ang paliwanag mo, baka. If not, I might be forced to play a game with you."

"A game?" Napamaang si Reeze. Marcus smiled cryptically and crossed his solid arms. She continued, "Fine. I'll tell you. The truth is, nagkamali lang ako ng pasok sa kuwarto mo." Hinintay niya ang reaksyon ni Marcus, pero blangko ang mukha nito habang nakikinig sa kanya. "H-hindi naman talaga dapat ikaw ang…"

"Are you telling me na ibang lalaki dapat ang plano mong akitin? But the thing is, dahil nalasing ka, nagkamali ka ng pasok ng kuwarto at inakalang ako 'yon?"

Sunud-sunod siyang tumango na parang batang tinanong kung gusto niyang mag-Jolibee. "Exactly!"

"Sa tingin mo, maniniwala ako?"

Bumagsak ang mukha niya. "Pero 'yon naman talaga ang nangyari."

He rubbed his brow. "If you're really that stupid, then it might be possible." Ouch! Sakit n'un ah!

"Gusto mo ng paliwanag 'di ba? Binigay ko na sa'yo," aniya.

"It's not convincing." Marcus pursed his lips and slowly shook his head.

Sa sobrang inis, madali niyang dinampot ang cellphone niya.

"Calling someone?"

"Tatawagan ko ang pinsan ko at ipapakausap ko sa'yo. She's Martha Benidez, ang anak ng may-ari ng hotel na 'yon. And let me tell you this, kakainin mo 'yang sinabi mong hindi convincing!"

He smirked. "Go ahead. Call a witness."

Inirapan niya ito. "Hello Martha?"

"Busy ako ngayon Reeze, saka na tayo mag-usap."

"Wait. Sandali lang—Hello?" Oh that witch! Babaan ba siya ng telepono?

"Ano na?" Nang-aasar na tumingin sa kanya si Marcus.

"Look, Marcus." She licked her lip again.

"Don't do that!" mabilis at matigas nitong sabi nang mapatingin sa mga labi niya. She grinned to herself. Pero mabilis din niyang ibinalik sa issue ang atensyon. This was no time for flirting. "Nagsasabi ako sa'yo nang totoo. That night, nakainom lang ako. Ni hindi ko na nagawang basahin nang malinaw ang room numbers kaya ang kuwarto mo ang napasok ko. "

"Hmm…"

"Ano pa bang paliwanag ang gusto mo?" Napipikang naipalo niya ang kamay sa mesa. Wala siyang pakialam kung napalingon sa kanila ang ilang customers na naroon. "Fine, sasabihin ko na sa'yo lahat-lahat." Para lang matapos na ito, lulunukin na niya ang pride niya. Ikinuwento niya kay Marcus ang lahat ng tungkol sa sex scandal-whatever-plan ni Martha. Pati ang dahilan kung bakit napapayag siya sa gusto nito. "Siguro naman, maniniwala ka na."

Hindi sumagot si Marcus. Kiniling lamang nito ang ulo at pinag-aralan siya ng tingin.

"Hoy, sinabi ko na ang lahat sa'yo. Ibalik mo na sa 'kin ang memory card at magkalimutan na tayo!"

Umiling-iling ito. "I can't forget what happened. Or you."

Pinamulahan siya. "'Just think of it as another one night stand of yours, will you?"

Tahimik itong sumimsim ng red tea.

Kumuyom ang dalawang kamay niya. Malapit nang maubos ang pasensya niya sa lalaking ito. Still, she took a deep breath. "Okay, ganito na lang. I-delete natin ang video. Kita dapat nating pareho—"

"Let's have a deal," putol ni Marcus at tumingin nang diretso sa kanya.

"What deal?"

"Be mine, and I'll be yours."

Napabuga siya ng hangin. "Ano bang kalokohan 'yan?"

"We'll be seeing each other exclusively in three months. After that, I'll give you back the memory card. Pareho naman yata tayong single and available, so this could work."

"Paano kung sabihin ko sa'yong may boyfriend na 'ko?"

"I don't think so, Reeze. If you're seeing someone special, in the first place, hindi ka papayag sa plano ng pinsan mo. And the way you seduced me last night? I know you're the kind of woman who doesn't do serious relationships."

Tameme siya. Daig pa niya ang nakahubad sa harap nito.

Itinaas ni Marcus ang tatlong daliri. "Three months. Sa akin ka lang. You can't flirt with other guys. Same with me. Any form of intimacy is allowed. Any. Physical. Contact." There was a hint of naughtiness in his beaming eyes.

Any form of intimacy? There was no way in hell she would sleep with him again!

"Ayoko!" mariing tanggi niya. "Nagkakamali ka kung iniisip mong ako ang tipo ng babaeng madaling pasunurin ng lalaki. You don't know me, Marcus Santillez."

Nanghahamon ang tingin ng binata. "Are you afraid that you'll fall for me?"

"Not a chance!"

"Then agree with me. I'm also curious… Can you make me fall for you?"

"Oh please!" She flipped her hair. "Men go crazy over me. Kaya lumayo ka na sa 'kin habang maaga pa."

"How about you prove it? Let's play a game of whoever falls in love first." Marcus leaned forward again, his fingers crawling up to her knuckles. Heat surged through her veins and she hated it. Hindi niya mailayo ang kamay sa takot na isipin ni Marcus na may talab iyon sa kanya.

"I'm not playing this game with you." Pinanatili niyang matigas ang himig.

"Just three months, Reeze. Maging akin ka sa loob ng tatlong buwan."

"Never!" Inis siyang tumayo saka nag-walk out. Imbyerna siya habang naglalakad sa labas. Ang kapal ng mukha ng Marcus na iyon para makipag-deal sa kanya. She's Reezelda Anne Alonzo, for Christ's sake! Wala pang kahit sinong lalaki ang nagtagumpay na solohin siya.

Napahinto siya nang may biglang maalala. "Shit. 'Yung MC!" Madali siyang bumalik sa cafe, pero wala na si Marcus doon. Wala ito kahit saan.

Her phone rang. That son of a bitch!

"Looking for me?" sagot nito mula sa kabilang-linya.

"Where are you?"

"Just somewhere. Pinapanood ka."

Napalinga-linga siya sa labas, pero hindi niya makita ni anino ng damuhong. "Ibigay mo sa 'kin ang memory card!"

"I already gave you a chance earlier. Pero nag-walk-out ka. But I'll give you a day to think about it. Call me once you have an answer. If it's a no, abangan mo na lang ang pagsikat mo sa internet."

"You beast!"

"Pero kapag oo ang isinagot mo, I'll promise na mage-enjoy ka sa piling ko." Binabaan siya nito ng telepono. Muntik na niyang maibato ang cellphone sa panggigigil.