webnovel

Prologue

Hindi ko alam kung bakit pa siya sumunod sa akin dito sa parking lot. Hindi pa rin ba malinaw sa kanya na ayaw kong makita yung pagmumukha niya?

"LYRA!" pag tawag nito sa akin pero patuloy lang ako sa paglakad.

Nasaan na ba kasi yung kotse ko?! I need to get out of this place immediately. Bubuksan ko na sana ang pinto ng kotse ko ng maramdaman ko ang pag hablot niya ng kamay ko, he's panting too much. Pagod much?

"Bitiwan mo ko" sabi ko rito gamit ang mababang boses ko.

His jaw clenched when he heard it, "Bakit mo ba ako iniiwasan ha?!" Miko said.

Hindi pa ba sapat ang dahilan na naiinis ako sa pag mu-mukha niya? Well, hindi naman yun valid reason dahil sa totoo lang ay isang magandang likha ang kanyang mukha.

"Do you still love me?" tanong nito.

Amfeeling naman nito, pag umiiwas sa ex ibig sabihin agad mahal pa din? Hindi ba pwedeng galit sa kanya o di kaya inis? Tss.

I smirk, "Naririnig mo ba yung sinasabi mo? Sa tingin mo ba mamahalin pa rin kita pag tapos ng ginawa mo sa akin?"

He slowly let go of my wrist. Mukhang na gulat siya sa sinabi ko pero mas mabuti ng diretsohin ko siya. Ayoko na talagan makita o maka-salubong man siya.

"Now, can you please get out of my way?" inis kong saad.

Akala ko ay aalis na siya pero bigla na lang niya akong isinandal sa kotse. Ayaw talaga mag pa daig nito. Ano pa bang gusto niya?

"Oo nga naman. Bakit nga mo nga ba ako mamahalin? E after ng break-up natin may kalampungan ka" Miko said.

Ano bang sinasabi nito? Writer ba siya? Ang galing naman niya gumawa ng kwento.

"If that's what you think, well I don't fucking care anymore! Umalis ka na nga!" pilit ko na tulak dito.

Mas lalong na galit ito sa sagot ko sa kanya. Well, wala naman na talaga akong pake sa iisipin niya.

"So you really kissed someone else, huh?! You're a slut!" agad ko siyang sinampal.

"Don't speak if you don't know anything" tumulo ang luha ko at na nginginig ang kamay ko sa galit.

Ang sakit marinig ang salita na yun mula sa kanya, tila ba ay hindi niya ako kilala. Did he really believe those rumors?

"Tandaan mo Mico, ikaw yung nang-iwan, nanakit at nagsabi ng masasakit na salita sa ating dalawa. Kaya pwede ba umalis ka na? Don't ever show up again!"

Kahit na matatamaan ng pinto ng kotse ko ay binuksan ko na ito para maka-alis na dito. Hindi ko kayang mag tagal sa isang lugar kasama siya. Tuloy-tuloy ang pag patak ng mga luha ko habagng tinatahak ang daan pabalik sa bahay ko.

I know someone who can make me calm. Pagbukas ng pinto ay siya agad ang sumalubong sa akin.

My savior hugs me.

"I miss you a lot" agad ko siyang pina-ulanan ng halik.

Siya ang dahilan ko kung bakit ayaw ko na makita si Miko.

Next chapter