webnovel

TRW 3

Hindi naging maayos ang buhay ni Cailer after that night. Natuto siyang kumayod para sa sarili at para sa batang dinadala niya. Matapos ang gabing iyon umalis siya sa bahay ngagulang ng walang paalam. Kinuha rin niya ang lahat ng gamit niya sa bahay ng parents nila, as in lahat mula sa kama, study table, cabinet, damit, libro jewelries, at marami pang iba. Nalaman niya kasing five days na mawawala ang kanyang mga magulang at kapatid dahil sa isang convention na kailangan nilang puntahan, kaya naman sinulit niya na ang paglimas sa kwarto niya.

Sinulit naman talaga niya ang lahat, mula sa lalaking mahal na mahal niya mula high school hanggang sa sarili nilang bahay.

Walang imik na pinagmamasdan siya ng kanilang mga katulong. Bakas rin ang awa sa mukha ng mayordomang itinuring niyang pangalawang ina. Ito ang unang nakaalam ng nararamdaman niya para kay Edrian at ito rin ang unang nakaalam ng pinagdaanan niya para maitago ang sakit mula ng inanunsyo ni Edrian ang panliligaw sa kanyang nakakatandang kapatid.

Ibinenta niya ang mga gamit na maaaring pagkakitaan at itinira laamng ang mga kakailanganin niya sa bagong bahay na lilipatan niya. Winid-draw niya rin ang lahat ng laman ng atm card's niya, maging ang trust fund na para sa future niya. Kailangan niya itong gawin dahil alam niyang malaman ng mga ito na lumayas na siya ng tuluyan ay puputulin ng kanilang ama ang sustentong nakukuha niya. Sa oras na mangyari iyon at hindi pa siya gumawa ng counter measure mapipilitan siyang umuwi at masaktan muli.

Lahat ng iyan natapos niya bago pa sila makabalik ng bansa. At bago pa niya ko mahanap. Ilang milyon din ang perang hawak niya kaya naman todo ang pag iingat ang kanyang ginagawa. Hindi niya pa alam kong paano ito palalagay sa bangko ng hindi magagalaw ng mga magulang niya.

Tatlong buwan matapos ang pagpapakalayo at pananahimik niya, 'don niya nalaman na buntis siya. Muntik na siyang matanggal sa trabaho dahil dito. Hindi niya naman kasi talaga alam na buntis siya o mabubuntis agad. It was her first, kaya anong malay niya?

"Hoy bruha, binigyan ka ng leave ni boss. Gaga ka talaga! Buntis ka palang bakla ka buhat ka pa ng buhat!"

"Eh sa hindi ko naman kasi talaga alam, kaya pwede ba Agnea? Nahihilo pa ko kala mo."

Bigla na lang kasi siyang nawalan ng malay sa gitna ng pagse-serve sa isang customer. Buti na lang at nasalo siya nung nasa kaliwa niyang lalaki. Malaki rinang pasasalamat niya sa customer na sumalo sa kanya kundi baka nabagok na ulo niya o di kaya naman ay mapahaamk ang batang nasa sinapupunan niya.

"Hay nako ka Cailer! Hindi ko alam gagawin ko sayong bakla ka! Isang linggo binigay ni boss sayo. Mag-report ka pa rin bukas para hindi ka naman masyadong clueless sa mangyayari sayo pagbalik mo sa restau." Kahit kailan talaga napakadaldal ni Agnea.

"Opo, Nay." Natatawa niyang sagot sa kaibigan na ikinasimangot nito. Asar talo talaga 'to pag tinatawag na 'Nay' o 'Nanay'.

"Ako tigil-tigilan mong bakla ka. Baka makalimutan kong buntis ka at iuntog kita sa pader!" Tinawanan niya na talaga ito ng pagkalakas lakas. Alam niya naman di siya nito sasaktan.

Mabilis lumipas ang isang linggo kaya naman balik trabaho na siya ulit. Hindi na siya waitress sa ngayon dahil nga sa nangyari sa kanya nung isang linggo. Sa cashier siya nilagay ng Boss niyang sumpungin. Nako kung di lang siya gwapo, nako talaga!

"Cailer, 3" hingi nito sa kanya ng chit ng table 3. Oo ganito lang pala ginagawa ng mga cashier sa Restaurant nila. Ang hayahay bes!

"Right away." Nakangiti niyang tugon sa kasamahan sa trabaho.

"Cailer sa office daw ni Boss ngayon na." Ha? Ano nanaman bang problema ng gagong iyon?

Nagpaalam na siya sa kasamahang cashier at pumunta na sa office ni gago. Baka kasi bulyawan siya ulit mahirap na.

"Yes, Sir?" Wala nang katok katok basta na lang siya pumasok. Aba madali lang naman siya lusutan ngayon eh.

"Hindi ka ba marunong kumatok?!" Nanggagalaiting tanong nito, okay? Anong ginagawa niya?

"Kumatok naman ako Sir hindi mo po ata narinig kasi diba may kausap kayo sa telepono?" Pa-inosente niyang sagot. Umupo na rin siya sa visitor's chair. Aba nangangalay na siyang tumayo at entitled siyang umupo agad kasi buntis siya.

"Sinong tatay ng batang dinadala mo?"

Nagtatakang napatingin siya sa kanyang amo, anong kinalaman ng pinagbubuntis niya sa trabaho?

"Bakit?" Mataman niyang sagot sa lalaking kaharap. Ilang araw na rin mula ng bumalik siya. Marami ba ang nakakapansin sa pagiging mainitin ng amo niya.

"Cailer, sino?" Ulit pa nito.

"Mawalang galang na Sir pero kung sino man ho ang tatay ng baby ko wala na ho kayo 'ron. Personal na bagay na ho ang tinatanong niyo."

"Madali lang naman sabihin kung sino ang putang inang ama nyang dinadala mo ah!" Galit na galit na sigaw nito sa kanya. Ano bang karapantan nitong malaman kung sino?

"Wala ka na ho 'ron. Kung wala ka na pong itatanong, Excuse me Sir."

Just like that she lost her job. She don't know what's into him to do those things, She've seen him mad before but it was so strange of him to be like that. He wasn't the kind of man that will meddle on someone else business.

Kasalukuyan siyang nagliligpit ng mga gamit ng bumukas ang pinto at niluwa nito ang isa sa naging kaibigan niya sa restaurant.

"Bakla anong nangyari? Dinig na dinig sa kitchen ang boses ni Boss. Ngayon lang iyon sumigaw ng gano'n." Maingat nitong tanong. Hindi naman lingid sa kaalaman niya nà may nalalaman si Agnea sa nangyayari kaya no use of lying.

"He keeps on asking me who's the father of my unborn child and I can't disclosed that information on anyone"

As she finished talking she halt and then face Agnea. "Do not worry for me. I can handle myself, see you when I see you."

She left without bidding her goodbye to the other employee's and she did not go back to claim her salary and her separation pay. It wasnt she cant go but she decided to not go for she dont want another fued to fire if they come to face again.