webnovel

Chapter 8

Chapter 8

"Kurt."

Mahina pero alam kong rinig niya ang pag banggit ko ng pangalan niya, ang tibok ng puso ko ay biglang bumilis kumpara kanina pero ang nararamdaman ko ay galit at awa sa sarili ko. Galit sa kanya dahil sa ginawa nilang panloloko sa akin at awa sa sarili ko dahil ang tagal ko na niwala sa kanila.

"What happened?" nag-aalala nitong tanong bago tuluyan na lumapit sa pwesto ko. Marahan na lumabas si Leah para bigyan kaming dalawa ng privacy pero mabilis kong hinawakan ang kamay niya bago pa man siya makalayo sa pwesto ko.

"Leah, paalisin mo siya please?" pag mamakaawa ko rito. Halata ang pag aalinlangan n'ya tumingin sa akin bago niya tuluyan na tinignan si Kurt pero parang wala siyang naramdaman at nanatiling naka-tayo pa rin sa harap ng higaan ko.

"Kurt, lumabas ka muna baka makasama pa sa kalagayan n'ya pag nag pumilit ka." Paki-usap sa kanya ni Leah pero nanatiling nakatingin lang s'ya sa akin at nag tatanong ang mga mata niya.

Tinaliwas ko ang paningin ko sa tingin niya, habang ang mga kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa kamay ni Leah sa tabi ko.

"Anong nangyari Love? Tell me, please?"

Love?

"I was raped." Maigsi kong sabi at muling nag simula ang pag tulo ng mga luha ko.

I was raped. Paulit-ulit nila akong binaboy sa isang gabi na 'yon, walang sawa nila akong ginalaw habang nakapiring ang mga mata ko at walang magawa kundi ang umiyak lang ng umiyak. I was raped sa mismong araw na malaman ko na niloloko ako ng taong akala ko ay mahahalin at hindi ako lolokohin, I was raped. I was raped.

Paulit-ulit at hindi mawala sa isip ko ang lahat sa nangyari ng araw na 'yon, lahat ng sakit at galit ay naipon sa puso ko na naging resulta na mga luha na lumalabas na sa mga mata ko ngayon.

"I-i was raped kurt, I was raped." Umiiyak kong sabi.

"s-sino?" umiling lang ako sa kanya at tinakpan ang mukha ko.

"Palabasin mo na s'ya Leah, please?" bumitaw ako sa pag kakahawak kay Leah bago siya lumapit kay Kurt na ngayon ay tulala na rin sa sinabi ko, wala na siyang magawa at walang angal na sumunod sa pag tulak sa kanya ni Leah palabas ng kwarto.

Iyak lang ang kaya kong magaawa ngayon, hindi ko alam kung kalian ako kakapit at kung saan pa ako kakapit sa panahon ngayon. Buti na lamang ay nandito pa si Leah sa tabi ko para bantayan ako, ilang minuto lang ay pumasok na rin si Leah kasama nito si Aizen na may hawak na isang papel bago lumapit sa akin.

"Sayang ang mga araw na mawawala ka sa trabaho, sign this. Pinagawa ko ang secretary ko ng sick leave sayo ng isang buwan para hindi masira records mo, ako na rin ang bahala rito." Sabay abot nito ng papel at ballpen sa akin. Mabilis ko 'tong pinirmahan nang hindi binabasa, wala na ako sa sarili ko.

"Don't worry about sa bayarin dito sa Hospital, ako na ang bahala total ay kaibigan ka naman ni Leah." Sabi nito bago kinuha ang papel na hawak ko.

"Aizen" tawag ko rito ng akma na s'yang tatalikod sa pwesto ko.

Hindi ko s'ya close kahit pa na boyfriend siya ng kaibigan ko, ngayon ko lang rin siya naka-usap tungkol sa personal na bagay katulad ng ganito. Nahihiya ako dahil isa pa s'ya san a istorbo ko ngayong araw.

"Isang favour. Hindi bilang boss kundi kaibigan ng girlfriend mo, wag na wag niyo ng papasukin dito si Kurt please?" seryoso kong sabi sa kanya.

"Pwede naman mas lalo na girlfriend ko na pala ang kaibigan mo." Ngisi niyang sabi bago tinignan si Leah na ngayon ay pulang-pula ang mukha. Tumalikod na siya at lumabas ng kwarto, muli na naman na tahimik sa loob samantala si Leah ay wala pa rin imik.

"Nakakahiya girl, hindi ko pa naman s'ya boyfriend!" sabi niya bago tinakpan ang mukha niya na ngayon ay pulang-pula na.

"Akala ko ba'y sasagutin mo siya kagabi?" umiling naman siya bago ako hinampas sa braso.

"Hindi na tuloy, dapat ay mamayang gabi pa." sabi niya, bago nag mukmok sa unan.

Napangiti nalang ako sa kanya, alam ko kasi na gusting-gusto niya si Aizen simula palang ng una pero puro pakipot ang ginagawa niya.

Nang sumapit ang hapon ay nag paalam na si Leah na uuwi na at babalik nalang kinabukasan, hindi na rin sila tumuloy sa date nila ni Aizen dahil sa kalagayan ko ngayon. Napangiti nalang ako ng mapakla ng maiwan ako mag-isa.

Muling bumalik lahat na kamalasan ko sa buhay, namatay ang papa ko bago pa man ako isilang samantala ang mama ko naman ay maagang namatay dahil sa cancer, ng college ako ay pinag ka-isahan ako ng mga sarili kong kaibigan at ngayon naman ay niloko ako ng dalawang tao na importante sa buhay ko. Tao na akala ko na hindi ako lolokohin pati na rin ang nangyaring panggagahasa.

Ang sakit ng dibdib ko, sobrang sakit habang paulit-ulit na sinasaksak ang puso ko sa lahat ng emosyon na nasa loob-loob ko. Hindi ko na kaya, hindi ko na kaya pa mabuhay. Bat kasi puro kamalasan nalang ang nangyayari sa buhay ko?

Tahimik lang ako, nakatulala sa buong kwarto ng isang nurse ang pumasok sa loob na may dalang bulaklak at mga prutas.

"Para daw po sa inyo." Nakangiti nitong sabi bago inayos 'yon sa lamesa na katabi lang ng higaan ko.

"Kanino daw po galing?"

"Sa isa daw po sa may-ari ng hospital nanggaling maam, inabot lang po kasi 'to sa akin ng boss naming." Tumango nalang ako sa sinabi niya, siguro ay galing it okay Aizen. Siya lang naman ang kilala ko na may-ari ng hospital na 'to.

Nag text nalang ako kay Aizen para mag pasalamat sa mga pinadala niya.

Nang muling may pumasok sa pinto ng kwarto ko, si Kurt.

"L-love?" tawag nito sa akin bago nilapag ang bitbit niya.

"Anong ginagawa mo rito?" malamig kong sabi sa kanya, kita ko naman ang pag guhit ng sakit sa mga mata niya.

"Kain ka na, dinalhan kita ng poborit—" hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya at pinutol ko na agad.

"Lumabas ka na, salamat." Sabi ko na ikinatungo ng ulo niya.

Sinunod naman niya ang sinabi ko at iniwan nalang ang pag kain na dala n'ya, kasabay ng pag labas niya ng kwarto ay kasabay din ng pag tulo ng luha ko.

Bat kasi ang sakit?