webnovel

Chapter 25

Chapter 25

Flashback

Mag-isa lang akong kumain sa mcdo, wala akong gana makipag kaibigan pag tapos ng lahat ng nangyari. Hindi ko na alam ngayon kung sino ang dapat pag katiwalaan, nakarating na rin sa parents ni Kurt ang paninira ni Raven at sa ginawa n'yang kwento na pineperahan ko si Kurt.

Alam kong galit sila sa akin ngayon at ang tanging naging sandalan ko nalang ay si Kurt at maniwala sa sarili ko na kakayanin ko kahit wala akong kaibigan na masasandalan.

"Pwedeng maki-share?" tinignan ko ang lalaki na nakatayo sa harap ko.

"Sige lang po," nakangiti kong sabi bago tumutok ulit sa pag kain ko.

Puti ang uniform niya at base sa logo na nakakabit sa uniform niya ay nag aaral siya sa magandang paaralan na malapit lang samin.

"Medtech ako, hindi nursing." Napatingin naman ako agad ng sabihin niya 'yon pero nakangiti na s'ya sa akin. Lumabas tuloy ang pantay-pantay niyang ngipin.

"Hindi naman ako nag tatanong,"

"Pero sa mata at mukha mo nag tatanong ka, nag aaral ako ng human behaviour ngayon at alam mo hindi ka mahirap pag aralan." Diretso niyang sabi. "Napapansin ko na ikaw lang lagi mag-isa sa side na 'to at ikaw lang rin ang kumakain."

Napangiti ako ng mapakla bago muling sumubo at natulala sa harap kung saan may mga dumadaan na mga sasakyan pati na rin ang mga stuyante na masayang nag tatawanan sa labas.

"Wala akong kaibigan," simple kong sagot.

"Impossible, may kasama ka dito madalas na tatalong babae at isang bakla tapos wala kang kaibigan?"

"Hindi ko naman sila naging totoong kaibigan. Ako lang ang nag turing sa kanila ng ganon, tsaka kaibigan lang naman nila ako pag nakaharap pero pag nakatalikod na ako lahat sila may nasasabi na sa akin." Malungkot kong sabi.

"Sayo nalang" sabay lagay niya ng isang ice cream sa side ko.

"'yong kapatid kong babae lagi nag papabili ng ice cream pag malungkot siya o na stress, kaya sayo nalang." Nakangiti niyang sabi. Tahimik lang ako kumain ganon din siya at hindi na ako nag salita pa.

Dahil makupad talaga ako sa lahat ng bagay ay nauna siyang matapos kumain at nakatingi nalang sa akin.

"Ikaw ba't ikaw lang mag isa kumain?"

"Hindi ko kailangan ng kaibigan, madalas sa kaibigan nag hahatakan lang pababa pero hindi ko naman nilalahat. Katulad mo ikaw rin nag sabi may nasasabi sila sayo sa tuwing nakatalikod ka pero alam mo sa pag aaral naming kaya nagiging ganyan ang tao dahil nalalamangan sila."

"ganon ba?"

"Hindi ka naman masasaktan kung iniwasan mo na maattached sa kanila tsaka base naman sa kwento mo at sa tawanan nila sa taas ay masaya sila na wala ka."

"Alam mo Mr. Medtech ang daldal mo,"

-------------

"Naalala mo 'yon?" natawa ako ng mahina bago tumango sa kanya.

"Ba't nga ba hindi kita nakilala agad?" natatawa kong tanong sa kanya bago sinubo ang Ice cream na nasa lamesa. Papunta kami ng OBgyne ngayon at dahil pumayag si Leah na samahan niya ako ay heto sako ngayon.

"Siguro dahil mas lalo akong naging pogi?" pabiro niya, natawa naman ako ng malakas sa kanya.

"Kamusta ka na pala?"

"Hindi ko masasabi na maayos. Ilang araw nalang kasal ko na pero ngayon mag isa kong sinasarili ang problema, nabuntis ako ng isang rapist. Na rape ako pag tapos kong makita na niloloko ako ng Fiancee ko pati ni Raven," sabi ko bago tumingin sa labas.

"Raven? 'yong kwinekwento mo sa akin dati na sinisiraan ka sa room at pinagkalat na pineperahan mo boyfriend mo?" tumango ako sa kanya bago mapaklang ngumiti.

"Nag kayos kaming dalawa, ngayong taon lang pero hindi ko alam na nag kikita pala sila dato ng boyfriend ko tapos ngayon pilit niya kaming sinisira." Tumingin ako sa kanya bago tumingin sa ice cream na hindi niya ginagalaw.

"Ikaw? Bat bigla ka nalang na wala dati, alam mo bang hinihintay kita?"

"Talaga? Sorry, lumipat ako ng ibang school dahil naging exchange student ako. Hinahanap kita sa facebook pero hindi kita mahanap dahil nickname mo lang ang alam ko." Paliwanag niya.

"Ayos lang, may nakasama naman ako kahit papaano pero syempre inaabangan pa rin kita doon. Kaya pala nang nakaraan ay naiisip ko na pamilyar ang mukha at boses mo 'yon pala!" sabay agaw ng ice cream niya.

"Akin nalang?" sabay taas ko ng ice cream niya.

Tumango nalang siya at nakatingin lang sa akin. Simula una palang na nakilala ko siya ay siya lang ang nakaintindi sa akin bukod kay Kurt ay isa siya sa nag papaya at nag tuturo sa akin kung paano makalimot at kung sinong mga tao ang pwedeng makatulong sa akin.

"Lets go, baka nandon na ang docotra." Tumango ako sa kanya bago inubos ang ice cream na nasa baso.

Hindi naman kami nag tagal sa check up at pinayuhan ako na wag masyadong ma-stress dahil medyo mahina ang kapit ng bata, niresetahan din ako ng pangpakapit at vitamins ko.

"Hindi mo sinabi na may asawa ka na pala, kalian kayo kinasal?" tanong ni Dra b ago kami lumabas. Kita ko naman ang pamumula ng tenga niya at agad niya rin naman tinakpan.

"Ate, hindi ko siya asawa." Sabi ni Mr. Medtech.

"Naku, Dylan. Itatanggi mo pa, tatawagan ko na mamaya sila lolo." Natatawang sabi ng doctora.

"Walang ganyanan, ate." Napatawa nalang si Doctora bago ngumiti sa akin.

"Mag ingat ka sa bawat galaw mo, wag masyadong ma-stress at ang mga nireseta ka sayo wag mong kalimutan inumin."tumango-tango naman ako.

Marami pa siyang paalala at hindi mawawala ang pang aasar niya kay Dylan, nalaman ko na walang kaibigan na babae si Dylan kaya ganon nalang mang-asar ang pinsan niya.

Lumabas na lang kami na pikon ang mukha ni Mr. Medtech.

Dylan Cruz. Ayan ang pangalan niya, bagay na bagay sa itsura pati na rin sa ugaling biglang nawawala at susulpot kung saan.

"Pag pasensya mo na 'yon, pinsan ko. Pinipilit na kasi ako mag asawa sa pamilya naming."

"Ayo slang, halatang jolly ang pinsan mo."

"Wag ka masyadong lumapit don, baka mahawaan ng kadaldalan ang anak mo."