webnovel

The Rapist Son

"She's a rape victim."

Writeinsilencee · Teen
Not enough ratings
11 Chs

Chapter 5

Chapter 5

"BINABAYARAN KAYO NG MAAYOS DITO KAYA AYUSIN NIYO RIN ANG TRABAHO NIYO!"

Pikit mata na pumasok ako sa loob ng office ng mga marketing at isang malakas na sigaw agad ang tumambad sa akin. Ang boses ay halata mo'y galit nag galit dahil dahil sa lakas ng boses pati na rin sa diin ng pag kakabigkas nito. Ang mga empleyado naman ay naka-yuko lang habang pinapagalitan sila.

"Love?" kuha ko sa atensyon nito bago nilapitan.

Kita ko naman ang gulat sa reaksyon niya ng marinig ang boses ko. Ngumiti ako sa secretary niya ng lagpasan ko 'to at yumuko rin siya bilang pag galang. Rinig naman ang pag bugtong hininga ng ilang emplyedo ng malaman na nakarating ako.

"Bakit na naman sumisigaw ka dyan?" tanong ko sa kanya bago kinapit ang kamay ko sa braso niya. "Kumalma ka na nga."

Ilang beses itong bumugtong hininga at napahilamos ang kamay sa kanyang mukha bago tuluyan na nag padala sa hila ko sa kanya, walang paligoy-ligoy ay mabilis ko siyang dinala sa office niya habang ang sekretarya naman niya ay mabilis rin na nakasunod sa amin.

"Stay, titimplahan kita ng kape." Tumango naman 'to bagi hinalikan ang likod ng palad ko.

Mabilis naman na nag timpla ako ng kape niya habang s'ya ay naka-sandal ang ulo sa isang sofa.

"Ano ba ang nangyari, ang sabi mo lang kanina ay may kailangan kang puntahan na meeting tapos maabutan kita na falit na galit sa mga emplyedo mo?" agad ko ng kape niya sa lamesa.

Hindi naman s'ya mabilis magalit mas lao na pag mababa lang ang dahilan kaya naman ay sigurado akong malaki ang naging pagkakamali ng mga emplyado n'ya.

"Nagkaroon ng problema, imbis na matutulungan na kita para sa preparations ng kasal mukhang magiging Malabo pa." Halong panghihinayang ang kanyang mga boses pati na rin ang pag hingi ng tawad.

"'yon lang ba? Wag mo na intindihin ang kasal natin, malayo pa 'yon tsaka iilan nalang naman ang mga kailangan natin asikasuhin dahil mostly ay ang mama mo na ang nag aayos."

"Pero hindi pa rin tama, ako ang nag-aya sayo ng kasal sabay ako pa ang wala sa preperasyon?"

"Naiintindihan ko, promise." Taas ang kanang kamay na sabi ko sa kanya bago hinalikan s'ya sa labi.

Ilang minuto naman s'yang tumahimik bago hinilot ang kanyang sentido na para bang malaking problema ang nangyari, wala akong alam sa pag mamanage ng kompanya kaya naman ay hindi ko siya matulungan ganon na rin ang bigyan siya ng payo.

"Bat ka nga pala pumunta dito, love?"'

"Bakit bawal na ba kitang bisitahin?" nilagyan ko ng halong pag tatampo ang boses ko na agad naman niyang nahalata.

"Hindi naman sa ganon, I mean may pasok ka ngayon diba?" tumango ako sa kanya.

"Meron nga, nag under-time ako para punatahan ka rito, ayaw mo ata."

Sa totoo niyan ay pinilit ko tapusin lahat ng mga trabaho ko sa office para puntahan s'ya, mas lalo ako naging negative ng sabihin sakin ni Leah tungkol sa issue naming ngayon. Nag babakasali rin ako na sabihin niya ang tungkol sa nag tetext sa kanya ng hating-gabi.

"Date tayo?" aya ko sa kanya at nilaparan ang ngiti ko.

Akmang sasagot na sana siya ng isang ingay ang agad na nag patigil sa kanya, may tumatawag.

Tinaas niya ang cellphone niya, unregistered number ang tumatawag sa kanya at sigurado ako na ang nag text sa kanya kagabi ang tumatawag sa kanya.

"Sorry love, sa susunod nalang promise. May kailangan akong puntahan ngayon para kitain."

"hindi ba pwede na gawin nalang yan bukas?" tatampo kong tanong pero umiling lang s'ya.

Bagsak ang balikat ko ng bumaba ako sa sasakyan niya ng uhatid niya ako sa malapit na mall, kailangan ko muna mag relax at ikalma ang sarili sa pag ooverthink. Ayaw ko naman naman na mag away kami dahil sa overthink na 'yan pero gusto ko rin na gumaan ang pakiramdam ko.

Pag pasok ko sa mall ay mabilis ako pumunta sa shop na Cup of Grace, ang sarap ng choco overload nila na-offer kahit mura lang ay sulit na sulit na.

"Choco overload. 20% sugar, Preets." Sabay abot ko ng bayad ko.

Ilang minuto na pag hihintay ay nakuha ko na rin ang order ko bago naupo sa isa sa malapit na salamin sa shop nila kung saan kitang-kita ang mga tao na dumaraan.

"Where are you?" mabilis na nireplyan ko siya at sinabing naka-uwi na ako, hindi niya naman malalaman na nandito pa rin ako sa mall.

Ilang minuto akong nag stay doon at nang makaramdam nang lamig ay lumabas na rin ako, sana pala ay dinala ko nalang ang laptop ko para mag send ng mga emails.

Habang nag lalakad ay napansin ko ang babies section, ang cute ng mga damit na maliliit na para sa maliliit na sanggol, I cant wait na mag karoon na din nang sariling pamilya at mabigyan ng maayos na pamumuhay ang lahat.

"Preets?" nilingon ko naman ang tumawag sa pangalang ko.

Isang malaki ang tyan ang nakangiti sa akin, habang ang kamay ay nasa kanyang tyan at ang isa naman ay kumakaway sa pwesto ko.

"Sarah?" mabilis s'yang tumango at lumapit sa pwesto ko.

"Sabi ko na nga ba ikaw 'yan, bat ka nandito buntis ka na rin ba?" excited nitong tanong.

"Ay hindi no, hindi pa nga ako kasal. Ikaw, ang laki nan g tyan mo" mangha kong sabi habang nakatingin sa tyan niya.

"Eight months na ako ngayon para sa baby girl, ikaw? Kalian mo balak tumatanda ka na, sino na ba ang boyfriend mo ngayon?"

"Si Kurt, hindi naman kami nag hiwalay dalawa." May ngiti na sabi ko sa kanya nang biglang bumalisa ang mukha niya.

"May problem aba?"

"hindi, wala, bigla lang sumipa si baby sa loob ng tyan ko." Sabay pilit na ngiti niya, mabilis ko naman siyang inalalayan at ilang minute lang ay dumating na rin ang asawa niya kaya humiwalay na ako.

Nag patuloy nalang ako sa pag-iikot mag-isa ng maisipan ko na manuod ng sine, total ay maaga pa naman para umuwi. Nakabili naman ako agad ng ticket dahil walang pila pero dalawang tao ang naka-agaw sa atensyon ko.

Dalawang tao na hindi ko aakalain na magagawa 'to.