webnovel

Chapter 1.1

"Your father's dead," sabi ng stepmother ko paglabas niya ng kotse. "At wala ka na ring karapatan tumira rito."

Malakas ang ulan pero naririnig ko pa rin ang malakas na tibok ng puso ko.

"P-pero hindi pa ko nakakapag-paalam sa kanya?" iyon lang ang nasabi ko. Hindi ko kasi pwedeng iwan ang mga anak ko. Hindi rin nila ako papasakayin sa sasakyan kung sumama ako kanina.

"Lumayas na kayo. Ayaw ko nang makita ang mga pagmumukha niyo sa bahay namin," sabi pa niya na parang hindi pa mabigat sa 'kin na nawalan ako ng ama kaya kailangan niyang dadagdagan.

My regret and grief were suddenly replaced by my fear for my triplets. Where would we go? Hindi pa sapat ang pera ko.

Bigla ko rin naisip ang ama nilang nasa Pilipinas. . . siguro naman nakalimutan na niya ko. Hanggang ngayon ay nasa puso ko pa rin ang takot na baka kunin niya sa 'kin ang mga bata. He's a powerful man, he can take whatever he pleases.

"Take those pests with you! You're the cause of our misfortunes!"

Pinigil ko na lang ang luha ko. Hindi ito ang oras para magluksa o umiyak.

"Ano, Elaine?" sabat ng anak ni Darcy, ang stepsister ko. "Are you going to leave with those feet or do we have to throw you out?"

Simula pa lang ay alam kong ayaw na nila sa 'kin. Mas ipinakita lang nila iyon no'ng nagkasakit ang ama ko at bumagsak ang negosyo nito. Mabuti nga at nandito rin si Layla, ang half-sister ko. Siya lang ang naging kakampi ko at tumuring sa 'king pamilya maliban sa ama ko. Hindi ko siya nakikita ngayon kaya siguro ay naiwan siya sa ospital.

"Aalis kami," sagot ko. Pagod na rin naman ako sa trato nila sa 'min. "Pero para lang maalala niyo, karapatan ko rin tumira sa bahay ng ama ko. May karapatan din ako sa pera niya. Anak niya pa rin ako."

"Anak?" Darcy scoffed. " Anong klaseng anak ka? Wala ka pa ngang nararating tapos nagpabuntis ka na sa kung sino!"

Hindi kung sino ang tatay ng mga anak ko. Kung tutuusin ay sa mas malaking bahay pa nga sana sila nakatira. Kaso natakot akong baka lumaki sila sa magulong pamilya at hindi makatanggap ng pagmamahal sa ama nila. Kaya lumayo kami, kaya tinago ko sila.

"But I took responsibility. It was my hard earned money that fed and clothed my children and me. All I asked from my dad was shelter while I get back on my feet. Don't forget that I helped with the bills when father's health declined and the business went downhill. The money I used to help this family was supposed to give my sons and I a place to live."

"It was only right that you helped out! You were living in our house!"

"And how dare you talk to my mom like that?" Mila suddenly intervened. "Your father's money are all gone. His business now belongs to my uncle. Even the house belongs to mom now."

"Kaya nga aalis na kami. Hindi namin pagpipilitan ang sarili namin dito." Wala akong choice, kailangan kong umuwi ng Pilipinas. Alam kong hindi titigil ang dalawang 'to at baka saktan pa nila ang mga bata.

"Mommy!" bigla kong narinig ang boses ng anak ko kaya napalingon ako. Umiiyak ang tatlo habang nakasilip sa pinto. Mukhang natakot sa pagtatalo namin.

Agad kong dinaluhan ang mga bata. Dinala ko sila pabalik sa kwarto at binihisan laban sa ulan. Mabilis din akong nag-impake ng mga damit namin at pagtapos ay pumunta na sa gate.

"Huwag kang hihingi ng tulong sa 'min dahil wala kang makukuha," paalala pa ni Mila bago kami umalis.

Sakay ng taxi ay dumeretso muna ako sa kaibigan ko. Siya rin ang tumulong samin makapunta sa airport at makauwi sa Pilipinas.

Matapos ang limang taon ay babalik na 'ko. Paglabas pa lang namin ng eroplano ay bumungad sa 'kin ang malaking litrato ng fiancée ni Leon.

Isang modelo ang mapapang-asawa ni Leon, bagay sa katulad niyang may-ari ng isang kompanya. Kaya sana hindi na niya malaman ang tungkol sa mga anak namin.

"Ang ganda ni Miss Ava."

Napalingon ako sa lalaking nagsalita sa gilid ko. Nakasuot siya ng pormal na damit, parehas ng suot ng kasama niya.

"Oo nga. Buti na lang tumigil na si boss sa paghahanap do'n sa Elaine," sagot naman ng isa.

Nanlaki ang mga mata ko nang banggitin nila ang pangalan ko. H-hinanap niya 'ko? Bakit? Hindi naman niya alam na buntis ako.

Humigpit ang hawak ko kay Leo at Alaine. Si Alaine na kamukhang-kamukha ng ama niya, si Leo na sa 'kin naman nagmana, at si Elijah na kamukha namin.

"Leo, wag bibitiw kay Eli," sabi ko habang nagmamadaling lumayo sa dalawang kalalakihan.

Nang lumingon ako para tignan sila ay nakakita ako ng pangatlong lalaki, isang pamilyar sa 'kin. Nagkita na kami noon, siya 'yong kasama ni Leon sa bar. Nagtama ang tingin namin kaya agad akong kinabahan.

Sana hindi niya ako nakilala...

Paglabas pa lang namin ng airport ay agad kong sinakay ang mga bata sa taxi. Ito ang unang beses nila sa Pilipinas kaya mukhang manghang-mangha pa ang tatlo habang nakadungaw sa bintana.

"Mommy, it's hot. Is it summer here?" tanong ni Alaine.

"It's always summer here," natatawa kong sagot. Hindi sila sanay dahil hindi ganito ka-init sa Amerika.

"When snow?" tanong ni Eli.

"Walang snow rito, Eli. Pero malamig kapag Christmas."

Sumimangot ang dalawa at napa-ngiti na lang ako dahil ang cute pa rin nila. Buti na lang nandyan sila.

"But this time, tayong apat na lang sa house. Wala nang magagalit kapag naglalaro kayo."

Simula nang pumatong ako ng eighteen ay hindi na sinuportahan ni papa ang pag-aaral ko. May iniwan siya sa 'king condo bago siya umalis papuntang Amerika, kasama ang bago niyang pamilya. Pero hanggang do'n na lang. Sabi niya pwede naman ako magsabi kung kailangan ko ng pera, pero pakiramdam ko ay wala na akong karapatan.

Madalas kapag nakakausap ko si Darcy noon ay nararamdaman ko na ayaw nila akong maging parte ng pamilya. Kaya nahiya na 'kong manghingi.

Kaya simula no'ng eighteen ako ay ako na ang nagbabayad ng gastusin ko sa school, tuition, at bills. Parang tuluyan na 'kong nawalan ng magulang. Sinubukan nila akong ibaon sa limot, na para bang parte na lang ako ng nakaraan at hindi ng pamilya nila. Alam kong abala si papa at masaya siya sa bagong pamilya. . . kaya siguro madali akong nakalimutan.

Hiyang-hiya ako no'ng nanghingi ako ng tulong sa kaniya. Buti na lang at parang naaalala niyang bigla na may anak pa siyang naiwan sa Pilipinas. Pumayag siya agad na makitira kami do'n.

"Mommy, where's grandpa?"

Napalingon ako kay Leo. Malungkot ang maamong mata nito, para bang alam na niya ang sagot pero kailangan pang marinig mula sa 'kin.

"Uhh. . ." saglit akong natigilan at hindi alam ang sasabihin. Ngayon ko lang ulit naalala na wala na nga pala si papa, ako na lang talaga mag-isa. "Ano, Leo. . . Kasi. . ."

Alam kong maraming panahon siyang wala sa buhay ko at kinaya ko naman. Pero iba pa rin kasi kapag alam mong may magulang ka pa. Ngayon kasi. . . wala na talaga at hindi man lang ako nakapag-paalam. Masaya kami nung buhay pa si mama kaya hindi ko rin magawang magalit kay papa no'ng naiwan ako mag-isa.

Nang tignan ko ang mga bata ay naghihintay pa rin sila ng sagot. Paano ko ba sasabihin sakanila?

"We won't see grandpa for awhile. Nasa heaven na kasi siya, kasama si lola niyo. Mas mabilis kasi siyang gagaling do'n, mas magiging happy si grandpa niyo kapag magaling na siya," paliwanag ko habang nagpipigil ng luha.

Alam ko hindi pa nila gaanong naiintindihan pero alam kong alam nila na hindi na namin makikita pa si papa.

Eli and Leo's lips curved downward while they looked up at me. Halatang naiiyak na sila pero tumango pa rin bilang sagot sa sinabi ko. No'ng una ay nakatingin lang sa 'kin si Alaine, pero nang makita niya ang itsura ng mga kapatid ay nalungkot na rin ang mukha nito.

Nang magsimulang umiyak si Leo ay sumunod na rin ang dalawa. Siguradong mabigat para sakanila ang mga pangyayari, kaya hindi ako pwedeng umiyak. Kailangan nila ako.

"Tahan na. Anong gusto ng babies ko? Ice cream? Malulungkot 'yon si grandpa kapag umiiyak kayo."

"Is daddy in heaven too?" tanong ni Alaine.

Isang tanong nanaman na mahirap sagutin. Umiwas ako ng tingin upang mag-isip, pero saktong nakita ko nanaman ang imahe ng babaeng papakasalan ni Leon.

Marami talagang billboard si Ava, at parang isang paalala sa 'kin ang mga iyon ng pagkakamaling nagawa ko. Pero kung hindi ako nagkamali, siguro tuluyan na 'kong mag-isa ngayon. Wala siguro ang mga anak ko. . . pero sana hindi na lang siya.

I knew that giving in to what he wanted was trouble, but I still ended up in bed with him. Pero hindi ko inakalang may babae na sa buhay niya at balak pa niyang pakasalan 'yon. Tapos ako pa ang babaeng ginamit niya para lokohin ang kasintahan niya noon. No'ng malaman ko 'yon ay agad kong pinagsisihan ang gabing pinagsaluhan namin.

Gano'n siyang klase ng lalaki kaya hindi ko siya magagawang pagkatiwalaan, lalo na sa mga anak ko. Dapat kasi una pa lang ay tinatak ko na sa isip ko na pansamantala lang ang interes niya sa 'kin at hindi dapat ako naapektuhan no'n. To him, everything that happened between us meant nothing.

Pero. . . bakit niya ako hinanap? Mali lang ba ang pagkakarinig ko?

Hindi ko talaga alam kung paano sasabihin sa mga anak ko na hindi nila makikilala ang daddy nila at kung bakit.

"Alaine, wala siya ro'n. Sasabihin sa inyo ni mommy kapag malaki na kayo, at saka nandito naman si mommy. Love na love ko naman kayo ha? Mag-a-ice cream pa nga tayo, 'di ba?"

"Mommy, chocolate ha," sabi ni Eli.

"Cookies and cream!" sigaw naman ni Alaine.

"Me too, mommy. Cookies and cream po," si Leo.

Tumango agad ako. Mabuti na lang at nabaling din agad ang atensyon nila sa iba.

Bumaba kaming tatlo sa harap ng dati kong condo. Maliit iyon para sa tatlong bata, pero hindi pa sapat ang pera ko para maghanap ng ibang lugar.

May convenience store malapit sa condo kaya bumili muna ako ng ice cream para sa tatlo. Tinikman pa nga ni Alaine ang ice cream ni Leo kahit parehas naman sila ng flavor.

Nang makarating kami sa condo ay excited nilang nilabas ang mga laruang dala nila. Nag-order na lang ako ng pagkain dahil 'di pa ko nakakadaan sa grocery at mga gutom na kami.

While we were unpacking, I heard a knock on my door. Naisip ko agad ang pagkaing inorder ko, kaya kinuha ko ang wallet ko at agad na binuksan ang pinto.

Agad akong natigilan nang makita ko kung sino ang nasa likod ng pinto.

"Elaine, do you remember me?" tanong niya. Sumilip siya sa likod ko kaya pati ako ay napalingon.

Nakita ko si Alaine na nakatingin sa 'min. Biglang nanlambot ang mga tuhod ko.

"Wow, he looks like a younger version of Leon."