webnovel

THE PINK STENO DIARY (Completed Novel)

May malungkot na pinagdaanan si Miyaki sa kanyang nakaraang pag-ibig kung kaya naman natatakot na siyang sumugal pa sa pag-ibig. But Callix Jesh is really determined to grab the heart of his only love, and no one other than Miyaki. Sa pag-usbong ng natatanging pagkakaibigan nila ni Miyaki, muli na kayang iibig ang puso ni Miyaki? Muli na kaya niyang isusugal ang lahat? Kahit pa magbalik ang taong lubusang sumugat sa puso niya?

JhaeAnn_16 · Teen
Not enough ratings
40 Chs

Eleven

(EIAS Campus)

(Miyaki's POV)

Baking class namin ngayon at magbe-bake kami ng chocolate crinkles. Buti na lang at hindi by group or by pair ang ginawa sa amin, kundi, baka pinagpupukpok ko na ng rolling pin ang mga kaklase ko. (hehehe.....trip lang ni author na isali sa script itong violent reaction ko.)

Dinemonstrate nung teacher namin ang paggawa ng chocolate crinkles. Madali lang naman pala. Buti na lang at mahilig akong mag-bake sa bahay. Dahil doon, madali akong nakasunod sa instructions ng teacher namin.

Binigyan kami ng two hours to finish the baking. After that, isa-isa naming pinatikim kay teacher yung finished product namin. Binigyan niya kami ng grades base sa lasa at presentasyon ng crinkles. Matapos mabigyan ng grade, nagtikiman na sila ng crinkles ng isa't isa. Balak pa nga nilang tikman yung gawa ko pero agad ko na itong isinilid sa jar. Itatago ko na sana yung crinkles na gawa ko nang biglang may nagsalita sa likod ko.

"Miya, sayo na lang itong crinkles na gawa ko." Napalingon ako at nakita ko si Callix na may dala-dalang jar ng chocolate crinkles.

"Salamat Cal." at kinuha ko ang chocolate crinkles. "Eto, sayo na rin." sabay bigay ko ng crinkles kay Callix.

"Oh thank you Miya." and he smiled at me. I smiled him back.

Matapos naming magbigayan ng mga crinkles namin ay nauna nang umalis ng kitchen si Callix dahil may practice pa sila sa gymnasium.

Ilalagay ko na sana ang jar sa bag ko nang may lalaking lumapit sa akin. Si Leeward.

"Hey, that looks nice. Ang taas ng nakuha mong grades kanina. May I have some?" 

"Sure!" sabay bigay ko sa kanya ng isang pirasong crinkles.

Tinikman ito ni Leeward at kitang-kita ko na sarap na sarap siya sa gawa ni Callix.

"Hmm! It tastes so good! Penge pa ah!" at kumuha pa siya ng isa bago siya umalis. Ako naman ay nangiti na lang sabay tago ko ng crinkles sa bag ko.

Nang tapos na ang lahat ay nag-volunteer akong tulungan si teacher sa pag-aayos ng mga gamit niya habang nagsilabasan na ang mga kaklase ko para kumain sa cafeteria. Napansin ko si Monique Khanne Bernardo na hindi pa rin tapos mag-bake. Sinabi ko kay teacher na hindi pa yata tapos mag-bake si Monique pero sabi namin ni teacher na tapos nang mag-bake si Monique at naipa-check na rin sa kanila. Nagbilin pa si teacher na samahan ko si Monique hanggang sa matapos siyang mag-bake. 

Grr! Kainis! Gutomguts na ako eh!

Tinignan ko si Monique habang gumagawa siya ng crinkles at halata sa mga kilos niya ang pagkataranta at pagkadesperado niya sa ginagawa niya. Mali mali pa nga ang procedure niya sa paggawa. Seriously, galing ba talaga ang babaing ito sa pamilya ng mga chef?

Nag-scoop si Monique ng flour at tinaktak niya ito bago niya ibinuhos sa mixing bowl.

"Mali." ang pabulong na sabi ko pero narinig yata ni Monique.

Napabuntung-hininga si Monique at pabalabag niyang inilapag ang mga baking utensils sa mesa habang nakamamatay ang taas ng kilay niya sa akin. "Sige tutal ikaw ang magaling sa ganitong mga bagay." she said sarcastically.

Dahil nakakatakot palang kalaban itong si Yamashita-este si Monique ay hinabaan ko na lang ang pisi ng pasensya ko. Nag-scoop ako ng flour. "Para masukat mo yung tamang measure ng flour, wag mong tataktakin. Instead, use the spatula to heap the flour." at tinanggal ko ang sobrang flour gamit ang spatula.

Nagulat ako dahil very attentive siya sa pakikinig sa akin. Itinuro ko pa ang ilang mga steps at talagang nakikinig siya ng mabuti.

Nang mailagay ko na ang crinkle batter sa oven ay napatingin siya sa akin. "I really wonder Miyaki. Bakit eksperto ka sa mga ganitong bagay although you're a lesbian."

"Bakit? Di porke't tomboy ay hindi na marunong magbake?"

"Kaya pala nagustuhan niya yung gawa mo."

"Si Callix ba ang tinutukoy mo?"

"No. Si Leeward."

Saktong tumunog na ang time bell ng oven, agad kong tinignan kung luto na yung crinkles. Ayos, luto na rin ang crinkles.

Inilabas ko na ang bagong lutong crinkles sa oven at saka ko na ito ipinatong sa cooling rack. Kumuha si Monique ng isa at napangiti. "I really wonder, it's just an ordinary crinkles compared to the crinkles at the bakeshops and patisseries." tinikman ni Monique ang gawa ko and she also satisfied to taste. "Pero napakasarap nito! Ito na ang pinakamasarap na crinkles in my whole life. Tell me, how did you do it?" ang halos mamanghang tanong ni Monique sa akin.

"Wala. Wala akong ginawang kakaiba dyan noh. Tsaka kasi, minsan, masarap kapag may effort. Yung pinaghihirapan ba. Kasi, mas higit na magugustuhan ng isang tao ang isang bagay kung pinagpapaguran at hindi galing sa bulsa." at bigla akong napatahimik sa sinabi ko. Waah! Ikaw talaga Miyaki, napakapakialamera mo talaga, ni di mo pa nga alam ang buong pangyayari eh!

Sinubukan ko pang humingi ng sorry kay Monique pero nakita kong napangiti siya at sinabing, 

"Thank you Miya. I'll do my best." at lumabas na siya sa kitchen.

What's happened in this country?

May pagkaweirdo rin pala ang F8 sometimes!