webnovel

CHAPTER 3: Old Valentine

Trigger warning: This chapter contains language, violence, and sexual content.

You have been warned.

---

Sky's Point of View

"Ingat. See you tomorrow."

UGH! Hindi maalis sa isipan ko ang mensaheng pinadala sa'kin ni Luna.

Ibig sabihin ba no'n gusto niya ako makita bukas? Excited ba siya makita ako bukas? Wait-What the heck am I thinking? Siguro concern lang siya kasi naligaw ako or maybe, gusto niya rin ako?

Replyan ko kaya?

Ano magandang sabihin? I mean, 'di kasi ako magaling sa ganito. Noon pa man, wala pa akong naging karanasan sa pagkakaroon ng karelasyon.

"Nakauwi na ako. Salamat sa paghatid."

NOPE! Masyadong mahaba. Ang sweet. Paano kung isipin niya na gusto ko siya?

Teka nga. Ba't ba ako nag o-overthink masyado? Mensahe lang naman 'yan. Walang ibang meaning 'yan.

Wala na akong choice. Dun na ako sa expert sa ganito.

I stood up and sprint into my brother's room.

"Kuya." Tumabi ako sa kanya. Nagulat ako nang bigla niya akong hinampas ng libro sa mukha.

"Tangina naman, Sky! Matuto ka namang kumatok!" Inis na inayos niya ang kanyang lamesa dahil makalat.

"Sakit ha. Anyways. Ano pwede ireply rito? 'Di ko alam eh." Pinakita ko sa kanya ang message galing kay Luna.

"Pfft! Kahit di mo na replayan 'yan. Wala na. Panapos na ng conversation yan." Natatawang wika niya. Tinignan ko lang siya nang masama at saka lumabas ng kwarto niya.

I shouldn't have.

"Wait pre. Crush mo ba 'yan?" Biglang sulpot ni kuya sa tabi ko.

"Hindi. Gusto ko lang replyan sinabi niya." Humalukipkip ako at hinihintay siyang matapos mag-isip.

"Just in case na magkagusto ka na sa kanya-" tinakpan ko ang bibig niya. Gaya lang kasi ng dati, ipagagawa na naman niya ang pinaka weirdong paraan para makuha ko ang puso ng isang babae.

"The last time na nag advice ka sa'kin na yakapin ko out of the blue si Nina, nabusted ako at napahiya. Hindi natigil ang rumors sa'kin na pervert ako or some-shit. Kaya ayoko na niyan. Besides, hindi ko naman gusto ang babaeng 'yon. Gusto ko lang magreply. That's all," ani ko at saka nagdabog papasok ng kwarto.

That jerk.

"Bruh. Ang defensive mo." Narinig kong sigaw ni kuya sa baba.

Totoo naman. Gusto ko lang siyang replyan, so I can experience chatting with a girl I know. Marami rin namang nag me-message sa'kin, pero lahat sila ayokong replyan. Nakakangawit mga sinasabi nila. Ugh!

"Ye. Sleepwell." Reply ko sa message ni Luna. Hindi ko naman kailangan mag overthink dahil wala lang naman ang sinend ko. Some sort of a nice thank you or a reminder to sleep well.

"Wala lang naman 'yang sinend ko. It's nothing and siguro 'di na siya mag rere-"

Halos mapatalon ako sa gulat nang makita kong nag pop-up ang message ni Luna sa screen ng phone ko.

"Hahaha. Bakit gising ka pa?"

She replied.

Matutulog na ako. Baka kung ano pa masabi ko.

Nag vibrate muli ang phone ko nang nailagay ko na sa ilalim ng unan ko.

Message ulit ni Luna.

"1 am na oh. May pasok pa bukas. Natutulog na ako eh!"

Hala-

Ewan. Kairita. Matutulog na ako.

-,-

Maaga akong nag asikaso para maaga rin akong makapasok. Masyado nang mababagal mga sasakyan ngayon dahil gusto lahat isakay kahit ayaw naman ng iba. Mga tricycle talaga. Sasakyan pang dalawa, nagiging lima.

Sabay kaming umalis ni kuya ng bahay. Maaga rin daw kasi siya kinailangan para sa event ng school.

Teacher ng Music and Arts si Kuya. Kapag nasa school kami, gusto niya casual lang kami. Sabi niya tawagin ko raw siyang Sir Azu. Azuli kasi pangalan niya short for Azul. Gusto kasi ni mama na partner ang aming mga first name. Naniniwala kasi si mama sa magandag family bond pag magkadugtong ang first names namim. Blue Sky raw ang amin ni kuya. Mahilig kasi si mama tumingin sa langit no'ng bata siya.

Humiwalay ng landas si kuya nang makarating kami sa campus. Dumiretso na ako agad sa library para kuhanin ang mga gagamiting libro mamaya sa klase. Ako kasi ang nautusan ni Ms. Alonzo na kuhanin at dalhin ang mga libro sa classroom dahil siya ang first subject namin.

Dala ko ang tatlong kahon ng biology books na may lamang tig bente kada kahon. Ang bigat.

"Tulungan na kita diyan." Narinig ko mula sa malayo.

"Luna, good morning." Nginitian ko siya at pinakuha sa kanya ang isang box ng libro.

Tinulungan niya akong ilapag sa mesa ng mga upuan sa classroom namin. Gusto kasi ni Ms. Alonzo na pagpasok pa lang niya, dapat lahat may books na. Mauubos daw kasi oras sa pag d-distribute.

"Ganda ata ng gising mo ngayon ah," wika ni Luna.

"Nag good morning lang?" Nakataas kilay kong wika. Inirapan niya lang ako at umupo sa upuan niya.

"Panira ka ng araw, eh 'no?" Iritang wika niya. Nilapag niya ang bag niya sa lapag nang pabagsak at nilabas ang kanyang mga gagamitin.

Nagulat ako nang may biglang tumabi sa akin. Nilingon ko agad at nakita kong si Porsche na nakangiti sa akin.

Ibang iba na si Porsche. Gumanda at nagmukha na siyang dalaga.

---two years ago---

"SKY! May nag-iwan ng box sa desk mo. Galing sa girlfriend mo. HAHAHAHAHAAH!" Siigaw ng mga classmates ko. Lumapit ako sa mesa para tignan kung totoo nga.

Tumambad sakin ang isang box na puno ng chocolate at maliliit na papel. Mukhang mga mensahe ang mga ito.

"H-Hi. H-Happy Valentine's D-Day!" Narinig kong bulong ng kung sino sa likuran ko.

"P-Porsche! Sinabi ko na sa'yo noon. Wag ka nang mag abala pa sa mga ganito. Nasasayang lang pera mo sa'kin." Ani ko. Inayos ko ang laman ng mga kahon at inabot sa kanya.

"K-Kahit lang sana yung mga letters kuhanin mo. Valentine's naman." Yumuko siya at kinolekta ang mga papel na nasa kahon.

"Babasahin ko 'to. Papayag akong maging partner mo sa prom. Basta titigilan mo na 'tong pagbibigay ng kung anu-ano sa'kin. Malinaw ba tayo?" Kinuha ko ang mga papel na iniabot niya. Tumango at ngumiti siya bago umalis.

"Uy pre! Mukhang may nanalo na sa slot mo sa prom date ah?" Natatawang wika ni Jude.

"What do you mean, nanalo?" Takang tinginan ko sila. Natinginan sila at lumapit naman si Jude sa'kin.

"May pila kaya mga babae rito sa'yo," Bulong niya.

"Don't forget about the other girls," dugtong pa niya.

Inabot sa'kin ni Jude ang phone niya at nakadisplay ang mga nude pics sa kanyang mga gallery. Nanlumo ako nang makita ko ang mga pagmumukha ng ilan sa mga kaklase kong babae.

at bumulong "Masisira pangalan mo sa campus." Pinakita niya sa'kin ang isang s*x video. Nanlamig ako nang makita ko ang mukha ng lalaki-mukha ko.

"H-Hindi ako 'yan! Never kong ginawa ang kadiring bagay na 'yan!" Nangingilid na ang mga luha ko sa mga mata ko dahil sa kaba at takot.

"Thanks to my editor, James. Ilalabas ko 'tong s*x video mo kapag hindi ka tumupad sa usapan." He glared at me.

"Tinikman naming lahat 'yan ng mga tropa ko. Binayaran kami kapalit ng pag sayaw mo sa kanila sa prom..." He whispered. "Gan'yan ka ba ka-sarap para pilahan nang ganito?" He added.

"Better not to fuck up, dude." Huling wika niya at saka umalis.

Lumunok ako at tumango.

Ano ba ito? Nagbayad ng nude pics ang mga babae sa classroom namin makumbinsi lang nila akong isayaw sila sa prom? Pwede naman nila akong tanungin diretso. Ba't kailangan pa umabot sa ganito?

Binabasa ko isa-isa ang mga love letter na ginawa ni Porsche para sa'kin. Nakakatawa ang iba, 'yong iba naman nakakasukot.

"Tapon mo na 'yan!" Biglang kinuha ni Jake ang mga letters na ginawa ko at tinakbo sa labas. Hinabol ko siya hanggang sa makarating kami sa tapat ng basurhan. Binato ni Jake ang mga papel at binusan ng tubig.

Hindi ko magawang gumanti dahil ayaw ko ng gulo. Isa-isa kong pinulot ang mga papel. May mga naligtas, tapos ang mga sobre nabasa talaga kaya iniwan ko na sa basurahan.

"S-Sky?" Wika ng kung sino sa harap ko.

"P-Porsche! H-hindi 'yon ang iniisip mo," paliwanag ko. Nakita kong nangilid na agad ang kanyang mga luha at tumakbo palayo.

Hindi ako makapagfocus sa prom night namin. Wala si Porsche at may isasayaw akong 7 babae na nakita ko ang mga hubo nilang katawan sa litrato.

Lahat sila naisayaw ko. Hindi ako makaramdam ng kahit anong saya ngayong gabi. Diring diri ako sa mga babaeng nakasayaw ko. Habang sinasayaw ko ang ilan sa kanila, binubulungan nila ako ng mga dirty talks. 'Yong iba, sinasadya nilang ilagay kamay ko sa dibdib nila. Hindi ako makapiglas dahil nanonood sa'kin ang tropa ni Jude.

Natapos na lang ang gabi, hindi ko pa rin naisayaw si Porsche. Mula no'ng gabing 'yon, hindi ko na nakita si Porsche. Wala na akong naging balita tungkol sa kaniya.

Sinubukan kong kalimutan ang lahat at binaon sa lupa ang mga ala-alang iyon.

As much as possible, ayokong na eencounter si Porsche dahil ayokong umaasa siya sa'kin. Nasasaktan ako para sa kanya dahil hindi ko maibibigay ang pagmamahal na binibigay niya para sa'kin.

--,--

"Di ka pa rin nagbabago 'no?" Natatawang wika ni Porsche.

"Ah oo. Kumusta ka na pala?" Tanong ko. Ang awkward pa ng pagkakatanong ko sa kanya.

"Paasa ka pa rin." She smirked.

"Mukhang pati 'yang babaeng katabi mo pinapaasa mo rin." Tumawa siya nang malakas.

"N-No. Hindi ko siya pinapaasa. She's my girlfriend. Right, Luna?" Tinignan ko si Luna at kunwaring ngumiti.

Pumiglas siya sa pagkakahawak ko sa kamay niya.

"N-no. This must be a misunderstanding. Lalabas lang ako. Tinatawag na ako ni Bryan sa labas." Nagmadaling lumabas si Luna at sinalubong ang isang lalaki sa labas.

"How pathetic. Akala mo ba hindi ko alam na no'ng gabing 'yon sinayaw mo ang mga babaeng nagsend ng nudes kay Jude? Kasabwat mo si Jude sa gawaing 'yon! Kadiri ka. Nakakasuka ka." Dumampi sa mukha ko ang isang malutong na sampal.

"H-Hindi. Mali ka ng iniisip." Hinabol ko siya palabas.

"You're only making it worst. Besides naka-move on na ako. So get a life," aniya saka umalis.

Ano? Get a life? Naka move on? Eh siya nga 'tong biglang nang uungkat ng nakaraan, tapos may gana pang manakit.