webnovel

CHAPTER 11: Sorry

Luna's Point of View

Lagi mo akong napapakilig Sky ha.

Crush ko na yata ang isang 'yon. Nako! Kapag nag sleepwell sa'kin ang lalaking 'yon mamaya, matutulog ako habang buhay.

"JESUS CHRI----"

Hinampas hampas ko si Jude nang bigla niya akong akbayan. Ang lalim ng iniisip ko, tapos biglang sumusulpot ang isang 'to.

"Gulat na gulat. Ano ba kasi 'yang nginingiti-ngiti mo diyan? Para kang lasing." Ginulo niya ang buhok kong magulo na. "Kailangan mo nga talaga ng kape. Sabog ka na eh."

Eh?

Oo nga pala. Magkakape pala kami ng isang 'to. Simula no'ng niyaya kong magkape si Jude, araw-araw na kaming nagkakape. Naging close kami dahil sa pagkakape.

"Sige. Maghihilamos ako ng kape," wika ko.

"May bago ka bang alam na coffee shop? Marami na naka alam ng secret spot natin." Ani Jude

Yeah right. Napansin ko ngang marami na nagpupunta sa shop na 'yon.

"Tara lakad-lakad muna tayo. Baka may makita pa tayong iba." Aya ko sa kanya.

Kung saan-saan kami napunta para lang makahanap ng coffee shop. Lahat kasi ng pinupuntahan namin, may mga estudyante na. Mukhang naging trend na ang cafe rito sa lugar na ito ha.

Nagulat ako nang bigla akong akbayan ni Jude. Napatingin naman siya sa reaksyon ko.

"What? We're friends right?"

Inalis ko ang kamay niya. "Y-Yes. But I don't like touching."

Nilagay niya ang kamay niya sa kanyang bulsa. Nilabas ko ang phone ko para tignan kung anong oras na dahil kanina pa kami nagpalakad-lakad ni Jude.

"Jude, 6:45 na. Baka hinahanap na ako ng yaya namin sa bahay."

Huminto siya sa harap ko at tumingin. He bit his lower lip and pouted. Napangiwi ako sa ginawa niyang reaction.

"Duh. Kailangan ko nang umuwi kasi baka masermunan ako ni Ate Rosie. Wala na akong guitar lessons kay Sky kaya bawal na ako umuwi nang late." Binulsa ko ang phone ko. Nong may sessions pa kami ni Sky, ayos lang daw na ma-late ako ng uwi kasi sinabi kong maraming responsibility si Sky sa school kaya may pagkakataong late kami nakakarating ng bahay.

Tumango siya. "Okay. Gusto mo ba hatid na kita?"

"As if alam mo bahay nila." Wika ng kung sino sa likuran namin.

Napalingon ako at nakita kong nakapamulsa ang mokong na si Sky. Naka pambahay siya at may bitbit na plastic galing supermarket.

"Bida-bida ka rin minsan 'no?" Narinig kong inis na sambit ni Jude.

Kinuha ni Sky ang kamay ko at hinatak palayo kay Jude. Hindi ako makapagsalifa dahil sobra akong nagulat sa ginawa niya.

"Sige Luna. Next time na lang tayo mag kape." Sigaw ni Jude mula sa malayo. Lumingon ako at nakita ko siyang kumakaway at saka tumalikod.

Huminto si Sky sa paglalakad at binitawan ako.

"You're going out with that guy?" Mahinang wika niya. Nakatalikod siya sa'kin.

"Niyaya niya ako magkape. That's all."

Humarap siya sa'kin at seryosong tumingin sa'kin "Sinabi ko na sa'yo noon pa na wag ka nang lalapit do'n?"

"And who are you to tell me that? He's my friend. One of my best friends." Mariin kong sagot.

Naging mabuti naman sa'kin si Jude. Never siyang nagpakita sa'kin ng masamang intensyon. Lagi niya akong tinutulungan sa mga bagay na nahihirapan ako. Lagi niya akong sinasamahan sa lahat ng ginagawa ko, at kahit nag-confess siya sa'kin, hindi niya pinagsiksikan sarili niya sa'kin. Hindi ko maintindihan kung bakit pinalalayo niya ako kay Jude.

"W-who am I?" Nakita kong lumungkot ang kanyang seryosong mukha kanina.

Tumalikod siyang muli at naglakad nang mabilis.

Shocks.

Hinabol ko siya at tahimik na naglalakad sa tabi niya. I think he's pissed. Hindi niya ako dinapuan ng tingin nung tinapik ko ang bakikat niya. Seryoso lang siyang nakatingin sa daan.

Tumingin ako sa oras at nanlaki ang mata ko nang makita ko ang oras. Naku! Mukhang mahahambalos ako nito ni mama. Ayaw ni mama ang sumusuway sa mga bilin niya. Kapag nalaman ni mama na late akong umuwi, baka maging grounded ako sa gadgets. Can you believe it? 18 na ako pero gano'n pa rin sila sa'kin? HAHAHA.

Nauntog ako sa likod ni Sky nang bigla siyang huminto.

"Nasa tapat ka na ng bahay namin. Umuwi ka na."

Tumango ako at dali-daling naglakad. Hindi ko na nakita ang bahay nila. Hindi ko na rin natandaan ang daan dahil madilim na ang paligid.

Galit kaya sa'kin si Sky? Baka magtampo sa'kin 'yon. Mali ako ng nasabi. This is so bad. Baka hindi na niya itutuloy ang libreng guitar lessons na sinasabi niya. I-text ko na lang kaya siya ng sorry at sabihin ko na friends kami? The truth is, I consider him as my friend. Nabigla lang talaga ako sa nangyari kanina. Kahit na hindi maganda pakikitungo sa'kin minsan ng taong 'yon, he's still a friend for me.

After what happened earlier. Pakiramdam ko may gusto na ako sa Sky na 'yon---I mean sino'ng hindi mag kakagusto sa taong 'yon? He's tall, goodlooking, tapos matalino. I felt special kasi 'yong mga ginagawa niyang panti-trip sakin pakiramdam ko sa'kin lang niya ginagawa---or am I being assuming lang? Heh! Bahala na.

7:45 nang makauwi ako sa bahay namin. Hindi naman ako napagalitan ni Ate Rosie at hindi rin daw niya ako isusumbong sa parents ko dahil tumulong naman ako sa gawaing bahay pag uwi ko. Tuwang-tuwa siya no'ng nang alok ako ng tulong, eh.

Matapos kong magbihis, humiga ako agad at kinuha ang phone ko. Nakakita ako ng video sa Facebook ng Minecraft gameplays at bigla akong na enganyong maglaro.

Binuksan ko ang pc ko at ni-load ang Minecraft app. Tagal ko nang hindi nabibisita ang server naming ito ni Sky. Pinangalanan namin itong Luna and Sky's server dahil para madali raw malaman na ito ang aming server.

Napangiti ako nang makita ko ang magandang world na ginawa namin ni Sky. Kahit naka survival mode lang kami, nagawa naming makalikha ng magagandang bahay.

Hehe. What if totoo ito? Tapos dalawa lang kami ni Sky.

The heck? Kung anu-ano na pumapasok sa utak ko.

"Sky scraper joined the game"

Napasamid ako nang makita ko ang isang player na nasa harap ko. Si Sky 'to ha? Paano naman niya nalaman na nandito ako ngayon? Dumapo ang mata ko sa isang yellow text sa chat box. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko na animo'y kakawala na sa pagwawala.

"Let's talk."

"Sa discord while playing?" Reply ko.

"Yes."

Binuksan ko ang discord app ng pc ko at pumasok sinagot ang call niya. Tahimik lang siya at hindi nagsasalita. Sumusunod lang siya nang sumusunod sa'kin gaya ng ginagawa namin sa buong game. Bibigyan ko siya ng mga gagamitin na tools, tapos bibigyan niya ako ng mga pang gawa ng gamit. Pareho kaming tahimik at walang nag initiate ng topic sa aming dalawa. Kaya naman nag desisyon na akong magsalita.

"Sorry." Bulong ko.

Hindi siya nagsalita. Pakiramdam ko tuloy galit sa'kin ang isang 'to. Umabot kami ng dalawang oras na naka-call pero walang nagsasalita. Things getting awkward na.

"Hindi ko alam na best friends kayo ni Jude." Bigla niyang salita sa kabilang linya.

Nagseselos ba siya? Like, kung hindi ano ba pake niya kung lagi kami magkasama ni Jude?

Naku, Sky. Kung type mo ako, pakibilis ang confession. Baka bawiin ko pa crush points ko sayo. Hmp!

"See you tomorrow, Luna."

Sumabog ang dibdib ko sa nadinig ko. It's not that much, pero nakikiliti ang mga tenga ko sa sinabi ni Sky.

Kailangan may gawin ako bukas. I need to give him a gift. I'm going to express my genuine concern as his friend.

Napatingin ako sa gitara at bigla kong naalala na bukas na ang last day ng foundation week! Dahil last day na bukas, magkakaroon ng maraming live performances ng mga teachers at iba pang mga students. I will try to make a thank you card kay Sky at ibigay sa kanya. Sana naman mabawasan inis niya sa'kin.

Kinuha ko ang phone ko nang biglang mag vibrate ito. Bumulaga sa'kin ang message mula kay Jude.

"Can't wait for you to watch me perform tomorrow."

Wow! Sabi na, eh. Hindi lang matalino ang Jude na ito. Talented din.

"Jude Aguirre sent a voice message"

Pin-lay ko ang voice clip na sinend sa'kin ni Jude.

You're my angel

Angel baby, angel

You're my angel, baby

Baby, you're my angel

Angel baby, angel

Naramdaman ko ang pag-init magkabilang pisngi ko matapos marinig ang magandang boses ni Jude sa clip. Hindi ako makapaniwalang may angking talento ang isang 'to.

Isa pa nga.

Muli kong pinakinggan ang clip. Hindi ko namalayang napahawak ako sa pisngi ko. Ang sarap sa tenga! Save ko nga ito.

Wait.

"WHAT THE HECK, LUNA?!"

Binalikan ko ang call namin ni Sky sa discord. Nanlaki ang mata ko nang makita kong nando'n pa rin si Sky sa channel namin. Naglalaro pa rin siya at open pa ang server namin sa Minecraft. Narinig niya kaya 'yon?

For fuck's sake.

"Ano meron diyan, Luna?" Narinig ko sa kabilang linya.

"Wala. Tulog na tayo. Akala ko naman nag leave ka na."

"I like you, Lu---"

"Ano? Ang choppy mo."

"I said. I. LIKE. YOU."

Natigilan ako sa pagpipindot ng mouse matapos kong marinig 'yon. Tama ba ang narinig ko? I Like you?

"Weh! Paano ko masisigurado na hindi mo ako pinagti-tripan?" Wika ko.

"Well, ikaw lang ang babaeng makakausap ko nang ganito."

"Eh?" Wala sa sariling banggit ko.

"Oo nga."

Napakagat ako sa labi ko. "Say it again?"

He cleared his throat and whisper through the mic, "Gusto kita, Luna."

Sa kaba ko, binunot ko ang desktop ko nang hindi shina-shut down. Binagsak ko ang sarili ko sa kama at nagsisigaw sa unan.

"AAAAAAAARRRRRGHHHHHHH!!!!!!!"

Paano ako haharap sa kanya nito bukas? Dalawang lalaki na ang nagkakagusto sa'kin. Nakakaganda ah.

Hindi ko muna sasabihin sa akin. Titignan ko muna na hindi mo ako pinagti-tripan, Sky.

Gusto rin kita, Sky pero ayoko muna magpaka-kampante sa sinabi mo. Ayoko mag mukhang tanga kapag nag-confess matapos mong umamin sa'kin.

Napangiti ako nang mag message sa'kin si Sky.

"Goodnight, dipshit."

[Song Title: Angel Baby - Troye Sivan]