webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 87 - A SHOCKING DISASTER HAPPENED TO WINEBERRY INC.

CHAPTER 87 - A SHOCKING DISASTER HAPPENED TO WINEBERRY INC.

---------

DON ALBERT SMITH POV

While at my office ng Winberry Inc. ay ilang mg reports ang natanggap ko mula sa mga tao sa sa warehouse na nagdedeliver ng aming produkto sa iba't ibang mall dito sa bansa.

"I recieved a lot of messages today, Don Albert. Regarding sa ilang trucks na hindi nakapag deliver ngayong araw dahil sa ilang gulong ng truck natin ay nabutas sa hindi malamang dahilan. Actually, Don Albert hindi lamg basta butas dahil wakwak umano ang gulong ng truck natin maging ang mga reserba nating gulong ay hindi nakaligtas. Heto ang ilan sa mga litrato, Don Albert." paglalathala ni Assistant. Arthur tungkol sa tigil operasyon ng ilang warehouse ng Wineberry.

Nagulat ako nang makita ko litrato na ipinakita sa akin ng Assistant ko. Talagang sirang sira ang mga gulong.

Hmm. Hindi kaya isa itong pananabotahe? Pero sinong siraulo naman ang gagawa nito sa akin? Apat sa Anim na warehouse namin dito sa Manila ang nabutasan ng gulong.

Kataka taka din dito, ay hindi din man lang nakita sa CCTV ang pangyayari.

"Arthur, sabihan mo ang mga officers natin na bukas na bukas ay magkakaroon tayo ng isang meeting. Wala ni isa ang maaaring hindi dumalo. Kumuha ka ng bus kahit ilan basta masigurado lang na lahat ng empleyado ay dadalo sa meeting natin bukas." seryosong sabi ni Don Albert.

Hinihinala ko na inside job ang mga nangyare. Kaya habang nag memeeting kami bukas ay papaimbestigahan ko sa mga pulis ang maaaring ebidensya na isang inside job nga ang naganap na pangbubutas sa gulong ng ilan kong mga truck. Sinisigurado ko na mananagot talaga ang may gawa nito sa akin.

Maya maya lamang ay dumating na ang aking Isabel my love sa aming office. Habang busy naman ako sa computer dahil nirereview ko ang pinasang footage ng CCTV sa apat naming warehouse.

"Hmm. Ano Albert? Mas maganda ba sa akin yang computer mo para hindi mo mapansin ang kagandahan ko?" bungad ni Madam Isabel nang makaupo ito sa sofa nang hindi man lang pinapansin ng asawa.

"Im sorry, my love. Of course, I know you are there pero serious matter kasi itong ginagawa ko ngayon. May siraulong sumaboteha sa mga truck ng warehouse ko." pagbubunyag ni Don Albert sa kanyang asawa tungkol sa naganap sa apat niyang warehouse.

"What? Anong pananbotahe naman ang ginawa?" gulat na tanong ni Madam Isabel at biglang lumapit sa desk ng kanyang asawa.

"Look, a total of 50 Trucks ang apektado sa pangbubutas ng gulong sa warehouse namin. And a total of 400 tires ang binutas ng siraulong gumawa nito!" galit na galit na sabi ni Don Albert.

ETHAN SMITH POV

Kumakaen kami ng tanghalian nang biglang pumunta ang kaibigan namin na si Lucas kasama ang kanyang girlfriend na si Mica. Kaya tuwang tuwa nanaman ang buntis na para bang ngayon lang ulit nakakita ng tao.

Well, siguro nasasawa na siya sa mga mukha namin kaya even Jessica is asking her to stay here in our house. Pero umuwi na muna si Jessica dahil nga una sa lahat, kung lilipat siya dito ay kailangan na niya munang mag impake.

"Kamusta bro? Pasensya na ha hindi kami nakakadalaw sayo madalas kasi alam mo naman itong si buntis medyo maselan na sa amoy. Buti nga ngayon nabawas bawasan na." wika ni Lucas kay Ethan na kakatapos lang kumaen.

"No problem bro. Naiintindihan ko naman. Tsaka, lagi din naman kayong nag tetext eh. Sapat na yun bro." tugon ni Ethan sa kaibigan.

"Beshie, kaya pala kami nandito kasi babalitaan namin kayo." wika ni Mica habang nakikipapak ng ulam na tinola nila Ethan.

"OMG! What's that beshie?" naeexcite na tanong ni Penelope.

"Babae ang anak namin ni babe(Lucas)." pagbunyag ni Mica na lubos na ikinatuwa ni Penelope.

PENELOPE THOMPSON POV

"Grabe! I am so excited beshie. Halos magkasunudan lang tayo no? Nauna lang kayo." nakangiting sinabi ni Penelope na dahilan ng pagtawa nina Lucas at Mica.

"Of course hon, ikaw ba naman ang maiwan sa resort. Hahaha." biro ni Ethan kina Lucas at Mica.

Napailing nalang ako at natawa dahil naalala ko na dahil sa dami na din ng pangyayare ay nalimutan ko na kung paano ako sinet up ng mag jowa na to. Well, wala naman akong pinagsisihan dun.

Binalita din sa akin ng beshie ko na ibinenta niya na pala ang lupa kung saan nakatayo ang resto bar na business niya dahil hindi niya na din naaasikaso pero plano naman daw ni Mr. Lee na ilagay nalang sa resort namin ang concept na bar ng beshie ko.

"Kamusta naman ang pagbubuntis mo beshie? Malikot na din ba ang anak mo?" tanong ni Penelope sa kaibigan.

"Hindi nga e, babaeng babae beshie. Mana sa akin, mahinhin." biro ni Mica.

"Pero beshie grabe ang selan ko nung mga nakaraang buwan. Alam mo ba palagi akong nabibwisit sa asawa ko? Marinig ko nga lang boses niya gusto ko nang sakalin. Pero ang twist dun beshie, gusto ko naman siyang nakikita araw araw. Grabe yung anak ko. Malamang kamukhang kamukha nito yung bwisit niyang ama." pagkwento ni Mica tungkol sa pagdadanas niya sa kanyang pagbubuntis.

"Ganun ba, buti nalang yung kambal ko hindi ganyan. Pero maka Daddy. Gustong gusto ang boses niya. Kahit nga madaling araw pinapakanta ko yan, kahit naliligo ako gusto ko kumakanta lang siya kahit nga kumakaen kami minsan. Hahaha. Wala namang palag yang asawa ko. Tignan mo mamaos maos siya ngayon hahaha." pagkwento naman ni Penelope ng side niya sa kanyang pagbubuntis sa kambal.

ETHAN SMITH POV

Matapos ang aming kwentuha at kamustahan ay nag aya na ding umuwi sina Lucas at Mica. Sinamahan ko na sila sa labasdahil itinuro ko kay Lucas ang daan para madali silang makalabas ng subdivision.

"Oo bro dito kayo dadaan sa may kaliwa, tapos kakanan. Tapos derederecho na yun. Yung kabilang side kasi kung saan kayo pumasok matatagalan pa kayong makauwi dahil traffic ang way diyan paglabas niyo ng subdivison." paliwanag ni Ethan kay Lucas na nakasakay sa kanyang sasakyan samantalang si Ethan ay nasa labas naman ng kanilang bahay.

---------

SOMEONE'S POV

Sa di kalayuan ng bahay nila Ethan ay may nagmamanman pala dito. Dalawang hindi kilalang lalaki na nakapwesto sa may madilim na side ng subdivision. Gamit ang teleskopyo ay tinitignan nila ang bawat kilos ng Doctor.

"Ahh yan pala yung sikat na Doctor. Pogi pala talaga." pagdedescribe ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki na nagmamanman kay Ethan na nasa labas ng bahay.

Pak!

"Aray! Bakit mo naman ako hinampas!"

"Ga*o kaba?! Yang kabadingan mo umiiral nanaman ha. Yari ka kay boss pinapatingin nga tayo dito para malaman kung saan siya mismo nakatira!" galit na sabi ng isa sa dalawang hindi kilalang lalaki.

"Maka judge ka naman! Eh pano makumpirma na si Perpek Doctor yan? Mamaya maling tao pala edi lalo tayong nayari kay boss. Ikaw talaga engot ka din e. Kaka gym mo lumiit tuloy yung ut--"

"Sige ituloy mo! Siraulo ka talaga, hindi ko alam bakit ikaw pa ang pinares sa akin. Manmanan mo nalang! Nabibwisit nako sayo!"

Kaya balik sa pagmamanman ang dalawang mga hindi kilalang lalaki. Medyo lumayo ng distansya ang isa na humaling na humaling kay Ethan.

"Hmm. Nakakainis medyo may depekto ata tong teleskopyo ko. Mapuntahan na nga yung mokong na yun."

Sa di kalayuan ay naabutan niya ang kasama niya na nagmamanman.

"Positive! Eto nga yung Doctor na pinapahanap ni boss! Ayan oh nakangiti pa hala wag ganon. Perpek na perpek grabe. Yung smile niya oh tapos hala ka! tapos naka boxers lang na orange? Hala grabe oh. Naka white shirt tapos mamusce muscle din pala siya! Okay, Dr. Ethan Smith, nakatira sa parehas na subdivision ng boss namin, confirmed!"

Pak!

"Bwisit ka ang sakit non!" wika ng isa sa dalawang hindi kilalang mga lalaki habang hawak hawak ang bumbunan nito.

"Tara na! Narinig ko na lahat. Grabe ka kung maka describe. Yan ang sasabihin mo kay boss ah. Mukhang tandang tanda mo na eh. Kukumpirmahin lang kung si Ethan Smith yung nakatira sinama mo pati kulay ng damit at boxers niya! Tara na!" nakasimangot ng sabi ng isa sa dalawang hindi kilalang mga lalaki.

At nag alisan na nga ang dalawa na mga hindi kilalang lalaki sa subdivision na iyon.