webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 76 - THE MYSTERIOUS GUY REAPPEARED

CHAPTER 76 - THE MYSTERIOUS GUY REAPPEARED

--------

PENELOPE THOMPSON POV

Nakarating nako ng mall. Pumunta agad ako sa botika dito at dinamihan ko na din ang bili para hindi na ako pabalik balik at para makasigurado na din.

Pagkabili ko, nag test na agad ako.

At OMG! 2 lines?

Hindi ko mapigilan ang mga luha ko. Thank you po Lord. Kaya pala ganito ang pakiramdam ko. Sobrang weird ko kasi lately. At akala ko na ganito lang talaga pero yun pala nagdadalang tao na ako. Hindi na ako makapag hintay para malaman ng asawa ko to.

Pero hindi ko din maaaring mapalampas ang kinecrave ko ngayong umaga. Ang kwek kwek. Kaya nag punta na ako ng food court.

Pag punta ko, tumayo na muna ako dahil tinitignan ko pa ang mga pagkaen na maaari ko pang bilhin.

Hanggang sa..

Merong humawak sa braso ko!

"Huh? Sino ka?" habang pilit na pumipiglas sa pagkakahawak ng lalaki.

"Penelope, wag mo nang ilaban. Masasaktan ka lang? Wag mo din subukang sumigaw masasaktan ka. Umakto ka lang ng normal." pananakot ng lalaki.

Hindi na ako nanlaban dahil natatakot akong saktan niya ko lalo na't buntis ako.

Inalis ng lalaki ang sumbrero niya at laking gulat ko.

"Jacob?" nanlalaki na mga mata ni Penelope.

"Tumpak, Penelope. Hindi ka pa din talaga nagbabago. Ang ganda ganda mo oh." habang hinahawakan ang mukha ni Penelope.

ETHAN SMITH POV

Dumiretso ako sa may foodcourt dahil alam ko na dun lang naman ang may bilihan ng street foods na kinecrave nga daw ng asawa ko ngayon sabi ni Nurse. Austin.

Hinubad ko din yung uniform ko para hindi din ako mapansin.

Hanggang sa nakarating na ako, pero malayo pa lang nakikita ko na.

Ang asawa ko, kasama ang isang lalaki. Hawak niya ang mukha ng asawa ko. Kahit ang kamay hawak niya din.

Sinigurado ko na munang nakuhanan ko sila ng litrato. Hanggang sa hindi ko na mapigilan ang sarili ko at napatakbo ako papunta sa kanilang dalawa.

Ang layo ng bwelo ko, at galing ako sa likod ng lalaki na may hawak sa asawa ko.

Kaya isang solid na suntok ang naibigay ko sa lalaking iyon.

Sapul ko ang kanang mata niya at napatumba siya. Sabay hatak sa asawa ko at sabay kaming tumakbo papalabas ng mall. Naireport ko na din siya sa guard at sinabi nga sa akin ni Penelope na si Jacob nga ang lalaki na yun.

Dumiretso na agad kami sa office ko. Sinara ang pinto. At dala na ng init ng ulo ko, hindi ko na nacontrol ang sarili ko at napag salitaan ko ng masasakit na mga salita ang asawa ko.

"You disappoint me Penelope. Alam mong never kong naging issue yang ex mo. Pero anong ginawa mo? Sinamantala mo talaga? At nakipagkita kapa huh? Bakit mahal mo pa din ba siya hanggang ngayon? Edi sige, magsama kayo!!" galit na galit na sinabi ni Ethan sa kanyang asawa.

Pagkatapos kong sabihin yun ay bigla naman akong sinampal ni Penelope.

"Wala kang alam Ethan. Bago mo ako pagsalitaan ng ganyan, sana alamin mo muna ang totoong nangyare. Hindi yung bumabase ka lang sa kung ano lang ang nakita mo. Ayoko na Ethan. Aalis na lang ako." umiiyak na sinabi ni Penelope.

Matapos nun ay bigla na lamang umalis si Penelope.

Naiwan akong mag isa sa office ko at walang ginawa kundi umiyak.

PENELOPE THOMPSON POV

Lumabas ako nang umiiyak nung time na yun tumakbo ako papalabas ng hospital. Gamit gamit ko ang sasakyan ni Ethan at umalis papunta sa bahay ng mga magulang ko. Dun na muna ako mag iistay habang pinag iisipan pa kung babalik paba ako kay Ethan.

nakadating na ako dito sa bahay ng parents ko pero bago ako bumaba nag ayos muna ako ng sarili ko mamaya may makakita sa akin na umiiyak isumbong pa ako kila mommy. Pero sakto naman pagpunta ko sa bahay, tanging si Ate Isay na bagong katulong nila Daddy lamang ang nandun dahil kaka alis lang daw ni Mommy kasama si Bethina. Sobra na talaga akong nagugutom, at wala naman akong gustong pagkaen dito sa bahay kaya nagpabili nalang ako kay Ate Isay.

" Ate pwede ko po ba kayo utusan? may gusto po kasi ako kainin ngayon."

" Opo ma'am, Ano po ba yun ma'am? ibibili po kita wala naman po kasi akong gagawin." wika ni Ate Isay.

" Pwede po bang ibili ninyo po ako ng kwek kwek, Siomai, Kikiam, at fishball?"

"Okay po ma'am, sige po. May malapit lang naman po ditong bilihan lalakadin ko na lang po." tugon ni Ate Isay.

" Maraming salamat po Ate, wag ka mag alala libre kita kahit ano gusto mo bilin mo lang. Sabayan mo na din akong kumaen. Eto oh." pag abot ni Penelope ng isang libo kay Ate Isay.

"Hala ang laki naman po nito ma'am. Maraming salamat po ma'am, aalis na po ako." masayang sabi ni Ate Isay na papaalis na.

After 20 mins nakadating na din agad siya dito. Nasa gate pa lang si Ate Isay naaamoy ko na yung pinabili ko. Naglalaway na agad ako.Yum!

Kaya nung pagbigay niya sa akin ng pinabili ko naka ready na agad yung plato at kanin ko. Tuwang tuwa ako habang kinakaen ko lahat ng pinabili ko. At pagtapos ko kumaen, medyo inaantok naman ako. Naku, mukha atang tataba ako a.

Naghintay lang ako like almost an hour bago matulog.

ETHAN SMITH POV

Habang nag iisip isip ako sa may office ay pinuntahan naman ako ni Jessica at binalita niya nga sa akin na magkakaroon kami ng another urgent meeting kaugnay sa ilalaunch namin na malaking car dealership business. Nagkakagulo daw dahil ang dalawa sa lima kong business partner ay nais na mag pull out sa aming business. Kaya mamayang gabi lamang ay kailangan ko nang lumipad papuntang California para maayos agad ang gusot na ito.

Lumabas agad ako para puntahan ang asawa ko at makapag paalam na din. Ngunit pagsilip ko sa kwarto nila, wala ang asawa ko dun tanging si Daddy, Nurse. Austin, at Bethina lamang ang nandun. Lumabas din daw si Mommy Patricia kaya wala siya sa room na yun. Pag alis ko, ay agad ko namang pinagtanong sa guard dahil maaaring lumabas ang asawa ko. At sabi nga sa akin na umalis nga daw at gamit niya ang sasakyan ko.

Napabuntong hininga nalang ako. Labis akong nag aalala sa kanya, saan kaya pupunta yun? Sakto naman na nakasalubong ko si Mommy Patricia sa may elevator galing parking lot.

"Mommy, hinahanap ko po kasi si Penelope, alam niyo po ba kung nasaan?" pag aalala ni Ethan na nanginginig pa habang nagsasalita.

"Ninenerbyos naman ako sayo Ethan, bakit asan ba siya? Hindi ko din alam kung nasan ang anak ko. Wala naman sa bahay namin, kakapunta lang namin ni Bethina dito pero may naiwan kasi ako sa sasakyan kaya umalis ako saglit. Bakit nag away ba kayo?" pag aalala din ni Mommy Patricia.

Kaya umamin na ako kay Mommy Patricia tungkol sa nangyari kanina.

"Ano ka ba naman Ethan, ikaw nga ang pinakasalan ng anak ko, bakit mo naman iisipin na may namamagitan sa kanila ng ex niya?"

malumanay na sinabi ni Mommy Patricia kay Ethan.

"Hindi ko naman maiwasan na magduda Mommy, dahil nakipagkita nga po siya sa ex niya." umiiyak na sabi ni Ethan.

"Alam mo kasi yung ex niya kasi na yun ay napaka possesive talaga. Eto ha, nagkakapasa nga yung anak namin dun kaya ayaw na ayaw namin dun sa tao na yun. Tatanga tanga nga lang si Penelope nung time na yun dahil ayaw niya pang pakawalan hanggang sa nahuli niyang nakikipagtalik yung ex niya sa ibang babae sa mismong condo niya pa. Tuwang tuwa nga kami ng Daddy niya nang malaman namin na naghiwalay na sila." pagbunyag ni Mommy Patricia.

"Alam mo Ethan anak, wala kang dapat ipagduda sa anak ko na yun. Naniniwala akong ikaw lang ang mahal nun noon pa. Alam mo ba kung bakit? Diba sabi ko nga na nagkakapasa siya? Alam mo ba ang dahilan ng pasa niya?" tanong ni Mommy Patricia.

"Ano po yun, Mommy?" habang nag pupunas ng kanyang luha.

"Ikaw ang dahilan, Ethan. Madalas ka nilang pinag aawayan dahil lagi kang pinapanood ng anak ko sa mga news, bumibili pa ng mga magazine mo yun updated pa siya every month. Nagtataka nga ako dahil hibang na hibang siya kay Perfect Doctor at malaman laman ko na matagal na pala kayong magkakilala. Eh time na yun hindi ko naman alam na magbestfriend na pala kayo noon. Sa isip ko nga dati na suntok sa buwan yang kahibangan ng anak ko dahil napakatayog mo nga. Paano magkagusto sayo yun sabi ko nalang sa isip ko. Kaya nga laking gulat ko na nang makita ko kayo sa hospital na magkasama tapos inalalayan mo pa siya. Sabi ko nga, aba may spark ang dalawa na to a. Tsaka mukhang type ni Perfect Doctor ang anak ko. Tapos yun nga, binunyag ng anak kong si Patrick na noon pa pala kayo magkakilala simula bata tapos pinaghiwalay ng tadhana. Tapos ngayon ay pinagtagpong muli at nagpakasal pa diba? Ano ang ibig sabihin nun Ethan? Sa tinagal tagal ng panahon, pinaglayo na kayo't lahat ending kayo pa din pala ang magkakatuluyan? Sa tingin mo yang mga bagay na yan ay kaya pang maipagpalit ng anak ko?" maluhaluhang tanong ni Mommy Patricia.

"I'm sorry po Mommy." sabay yakap ni Ethan kay Mommy Patricia.

"Pasensya kana din Ethan anak ha. Hindi naman sa pinagtatanggol ko ang anak ko, pero saksi kasi ako at kilalang kilala ko din ang anak ko. Mahal na mahal ko kayo ni Penelope. Ethan anak. Bat di mo pala siya tawagan?" tanong ni Mommy Patricia.

"Yung nga po Mommy e, naka off po ata ang phone niya hindi ko po matawagan."

"Ahh ganun ba? Teka lang, tawagan ko si Yaya Isay at baka nandun sa bahay."

Habang tinatawagan ni Mommy Patricia ang yaya nila ay may tumawag din sa akin si Mr. Griffin, ang isa sa mga business partner ko sa Auto Paradise.

5 mins after that call, sinabihan ako ni Mommy na nandun nga si Penelope sa bahay nila at natutulog daw ito ngayon. Gusto ko sana syang puntahan kaso urgent na urgent na talaga ang meeting namin na kailangan ko nang lumipad ngayong mga oras na to. Kailangan ko kasing maisettle ang business sa lalong madaling panahon dahil napaka laki na ng nainvest ko ganun na din ng mga kasama ko kaya ganito nalang ang pag aalala ko.

Nagpaalam na ako kay Mommy Patricia na aalis muna ako dahil sobrang urgent nitong meeting. Hindi ko din malaman sa ngayon kung gaano katagal ang ilalagi ko dun dahil may kailangan talagang ayusin.

Magkikita kami ni Mr. Griffin sa may airport dahil susunduin niya ako gamit ang private jet niya.

Hindi man lang ako nakapag paalam sa Asawa ko ng personal, alam ko sobrang galit niya ngayon sa akin dahil sa mga salita na binitiwan ko kanina. Buti nalang naliwanagan ako sa mga sinabi sa akin ni Mommy Patricia at sobra akong naguilty. Na-judge ko agad ang asawa ko. Babawi talaga ako pag uwi ko. I just need to settle this one.

Bago ko patayin ang phone ko nagbilin agad ako kay Jessica na kapag may gustong pagkaen yung asawa ko ibili niya agad.

Nagtext din ako sa Asawa ko para kung sakali na mabasa niya. Sa text nalang ako nagpaalam.

PENELOPE THOMPSON POV

Time check 5:00 pm

Kakagising ko lang grabe, ang sarap ng tulog ko. Naalala ko bigla yung phone ko, lowbat nga pala kaya chinarge ko muna.

Nag maopen ko na yung phone ko, grabe tadtad ako ng missed calls from Mom and Ethan. Tapos may text din akong narecieve.

"Hon sorry sa mga nasabi ko sayo, alam ko kung gaano kita nasaktan sana mapatawad mo ako. I Love you so much Hon.

Ps. Kapag nabasa mo to

baka nasa U.S na ako sorry hindi ako nakapag paalam sayo ng personal nag ka urgent meeting kasi sa bussiness ko. Na kailangan ko na agad umalis pagbalik ko babawi ako sayo. I Love you so much hon. I missed you. :*"

Pagtapos ko mabasa hindi ko maiwasan umiyak dahil umalis siya nang hindi ko nasasabing buntis ako.