webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 68 - IT'S LIKE A FAIRYTALE

CHAPTER 68 - IT'S LIKE A FAIRYTALE

----------

ETHAN SMITH POV

We finally got to her condo. It is my first time here. Nung una nga ayaw niya pa akong papasukin dahil sobra daw siyang nahihiya kaso bigla namang umulan kawa wala siyang choice kundi papasukin ako.

PENELOPE THOMPSON POV

Di ko alam kung ano ba ang trip nito ni Ethan kung bakit pilit niyang pumunta dito sa condo ko. Balak ko pa sanang maglinis ng kahit kaunti para lang mabawasan ang kalat kaso no choice dahil umuulan.

Binuksan ko na yung pinto at timing naman na biglang tumawag sa akin si Mommy.

Ring! Ring!

Mommy Patricia is calling...

"Hello Mom? Bakit po?"

"Hello sweetheart? Nasaan ka ba ngayon?"

"Hmm? Nandito sa condo ko mom bakit po?"

"Sinong kasama mo?"

Hala. Bat kaya natanong ni Mom? Ano nalang kaya ang iisipin nito pag nalaman niya na kami lang dalawa ni Ethan ang nandito.

"Mo- mmy-ch-ch-o-pp-y"

"Huh? Ano? Hindi kita maintindihan seetheart?"

"Choppy Mom napaka lakas ng ulang dito."

End call..

Hayy grabe, muntik na ako dun a, Pag end ko ng call napansin ko si Ethan na tumitingin tingin sa bahay ko. Kanina nasa kusina, nagpunta ng banyo, tapos ngayon sa kwarto ko. Tapos napansin niya bigla yung magazine sa may trash bin.

OMG! Nakita niya sabay dampot.

"Ohh, kaya pala."

"Hehe, sorry naman Hon. Pero tignan mo ohh updated ako sa mga magazines mo." habang nakayakap sa likod ni Ethan.

"Hehe, updated nga pero nasa basurahan. Why naman ganun Hon?" nakanguso na sinabi ni Ethan kay Penelope na patuloy sa paglambing.

"Ganun mo pala ako ka-hate no?" dagdag pa nito.

"Ito naman tampo agad. Eh kasi pinagpalit mo ko dati e. Panong di kita ma-hate. Pero ngayonlove na kita, akin na balik na yan dito sa closet ko."

"Hahaha. Sweet naman ng hon ko. Alam mo nagugutom nako. Padeliver kaya tayo ng food? 12:00 noon na pala oh." wika ni Ethan habang nakaupo sa swivel chair ni Penelope sa loob ng bedroom nito.

ETHAN SMITH POV

Ako na ang nag order ng food namin. Kaya nalaman ko din ang address ni Penelope.

Habang nag iintay sa pinaorder namin naupo muna kami sa sofa. Pinagmamasdan ko pa din ang paligid dahil ang ganda ng pagkaka ayos dito. Combination of 2 colors lang ang ginamit niya, peach and white tapos ang dami ding plants sa loob.

Tumayo si Penelope para kumuha ng tubig namin. At hmm? May napansin akong litrato sa may sahig sa ilalim ng sofa. Sino tong lalaki na to? Kaya nilapitan ko para makita ko ng malinaw.

Ahh, baka ito yung ex niya na Jacob kung tama ang pagkaka alala ko. Nakwento na to ni Kuya Patrick e.

Hanggang sa inabot sa akin ni Penelope yung tubig.

"Ohh Hon. Huy! Ano ba yang sinisilip mo diyan. Eto na yung tubig."

"Hehehe." napangiti nalang si Ethan habang nagkakamot ng ulo.

"OMG! Sorry." nang makita ni Penelope ang litrato sa may sahig sa ilalim ng sofa.

"Tama ka nga hindi kapa nakapag ayos dito. May naiwan ka pang kalat. Hahaha."

PENELOPE THOMPSON POV

Naku naman, may naiwan pa pala. Sa pagkakaalam ko nakuha ko na lahat ng pictures namin ni Jacob eh at naflash ko na nga sa toilet lahat. At aba may natira pa.

Kaya agad kong cinomfort si Ethan, although tawa lang siya ng tawa. Sinabi ko naman sa kanya na wala na yun. Matagal na akong tapos sa tao na yun.

"Sure ka hon a. Di ka galit?" tanong ni Penelope kay Ethan.

"Oo naman hon no. Naniniwala naman ako sayo e." habang nakasandal sa balikat ni Penelope.

Knock! Knock!

At sakto biglang dating naman ng inorder namin na pagkaen.

Kaya pagkakuha namin ay kumaen na agad kami. At habang nakaen ay naitanong ko kay Ethan kung bakit may dala siyang maliit na bag? Dahil hindi naman nag babag talaga si Ethan. Ngayon ko lang siya nakita na meron nito, tapos dinala niya pa dito sa loob. Mukhang may mahalagang gamit sa shoulder bag na yun.

Pagkatapos namin kumaen tsaka niya sinabi kung ano nga ba ang laman nito.

Nilabas niya yung dalawang box na naka gift wrap pa. Sabay namin itong binuksan.

At naloka ako nang mabuksan ko na isa palang singsing ang laman ng box na yun?

OMG! Grabe ang laki ng bato!

"OMG,Hon! Bakit may ganito? Ano meron?" gulat na gulat na sabi ni Penelope habang hawak ang mamahaling singsing.

Grabe singsing din yung inopen ni Ethan. Anong meron? Para ba to sa kasal namin?

"Bago ko sabihin sayo, gusto ko munang malaman."

OMG! Lumuhod pa si Ethan!

"Handa mo ba akong pakasalan?"

"Oo naman!"

ETHAN SMITH POV

Sinuot ko na kay Penelope yung ring namin na 750 Rose Gold Diamond & White Sapphire na 1.876 carat worth 548,822.00 pesos. Sponsored ng Ninong namin na may ari ng bigating jewelry shop.

Mangiyak ngiyak pa si Penelope nang masuot ko na sa daliri niya ang singsing.

Siya na din ang nagsuot ng akin sa daliri ko. Natuwa naman ako na fit lang sa mga daliri namin at wala nang naging problema.

At eto na nga ang surprise para kay Penelope.

"Dad gave us a ring sponsored by our Ninong na may ari ng isang bigatin na jewelry shop dito sa Pilipinas dahil ipapakilala na tayo bilang mag asawa sa public. Magkakaroon ng Charity Ball mamayang 8:00 pm. Magready ka dahil ang media will be there as well kaya we need to act like we're married. Pero syempre in our case right now hindi na tayo mahihirapan dahil akin ka na." sabay kindat kay Penelope.

Ang ganda ng ngiti ni Penelope at payag na payag naman siya sa magaganap. Kaya hindi ko na din pinatagal, tinawagan ko na si Mom.

Ring! Ring!

Calling Mommy Isabel..

"Hala hon, pano pala yan? Wala akong gown! Ang gown lang na nasa akin ay yung surgical gown. Hala pano to?" natatarantang sinabi ni Penelope sabay punta sa kwarto niya para maghanap ng susuotin.

"Hon Shh. I'm calling my Mom." bulong ni Ethan sa nagpapanic na si Penelope.

"Hi Mom, check your inbox I send you the address. Thank you."

End call..

Nakatulala na lang si Penelope habang nginingitian ko siya.

"Halika nga dito, relax ka lang. Planado na to nila Mom and Dad. Yun din ang reason kaya pilit kong dito tayo sa condo mo tumuloy." pag comfort kay Penelope habang yakap ito.

30 mins lang at nandito na agad ang inarkilang stylist ni Mommy kasama ang mga damit na siya din mismo ang nag design.

Para kay Penelope ang Fairy Rose Red Bride Wedding Gown, samantalang sa akin naman ay 3 Piece Maroon and Black Shawl Lapel Casual Tuxedo at black na slacks pants.

Nag umpisa na kaming ayusan. Magkahiwalay kami ng area, nasa may bedroom inaayusan si Penelope at ako naman ang nandito sa Living Room.

PENELOPE THOMPSON POV

Grabe hindi ko alam kung nagpapaligsahan ba kami ni Ethan ng surprise ngayon araw. Pero kung ganun malamang siya na ang panalo. Hindi pa din ako makapaniwala na may suot akong singsing na ganito kaganda tapos malaki pa ang bato halatang sobrang mahal ng singsing na to. Tapos ngayon, inaayusan pa ako. Nakita ko din yung gown na susuotin grabe ang ganda sa fairytale ko lang nakikita ang mga to.

Gusto kong umiyak kaso bawal na dahil nilalagyan na ako ng foundation at iba iba pang mga kolorete sa mukha.

------------

MAKALIPAS ANG DALAWANG ORAS

-----------

ETHAN SMITH POV

Maaga aga akong natapos pero chill lang ako habang inaantay si Penelope. At maya maya lang ay lumabas na rin siya sa wakas.

Wow!

Napatulala nalang ako sa ganda niya.

She's definitely a Queen, a Princess. Sobrang bagay ng gown sa kanya. Parang nagniningning ang paligid sa sobra niyang kagandahan. Lahat din ng nasa paligid ko ay manghang mangha.

Inalalayan ko siya hanggang makarating kami sa labas. Di rin alam ni Penelope na isang Limousine kami sasakyan namin kaya gulat na gulat siya sa nakapark na Limo sa labas.

I can't wait na makita ng madaming tao kung gaano kaganda ang asawa ko.