webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 46 - ARRANGE MARRIAGE

CHAPTER 46 - ARRANGE MARRIAGE

-----------

"Mrs. Patricia Thompson? Can you please introduce us naman to your lovely kids?" pakiusap ni Don Albert.

PENELOPE THOMPSON POV

Tumayo si Mom habang nagpupunas ng kanyang mga luha.

"Ahm, Penelope, Patrick. Here is Don Albert, siya ang CEO ng sikat na winery dito sa Pilipinas ang Wineberry, at may ari din Luxury Hotel na Golden Palace.

At eto ni naman si Madam Isabel Lopez-Smith ang CEO naman ng international brand na Lopez-Highend Fashion. Kasama si Atty. Gonzales ang personal attorney ng Lopez-Smith Family."

Nagulat ako dahil napaka high profile ng mga nasa harapan namin. Pero pinagtataka ko lang kung bakit sila nandito? At may kasama pang attorney bukod pa sa ilang mga bodyguards na nandito.

"Thank you Mrs. Patricia one more favor. Pwede ko bang makita ang aking kaibigan na si Harvey? Bago natin simula ang pirmahan." tanong ni Don Albert habang tahimik ang lahat.

"Opo syempre po. Nandito po siya samahan ko po kayo." nanginginig na wika ni Mommy Patricia.

PENELOPE THOMPSON POV

Gulong gulo na ako sa mga nagaganap. Ano ang ibig sabihin ni Don Albert na pirmahan.

Tsaka di ko alam na magkaibigan pala sila ni Dad. Dahil ni minsan wala naman siyang nabanggit na Don Albert na kaibigan niya.

Sumunod ako kay Mom papunta sa room ni Dad dahil iniisip ko din si Mom na kanina pa ninenerbyos.

At pagpasok namin naabutan namin si Ethan na nakaupo sa tabi ni Dad. At laki namang  gulat ni Ethan nang kami ay makita.

"Dad? Mom? Ano pong ginagawa niyo dito?" tanong ni Ethan na bigla na lamang napatayo sa gulat nang makita ang mga magulang nito.

"Son, relax, I am just visiting my friend. Hmm. Actually ako nga dapat ang magtanong sayo kung bakit ka naparito? Ano ang koneksyon mo sa kanila?" gulat din na tanong ni Don Albert nang makita ang anak.

ETHAN SMITH POV

"I'm sorry po Tita. Excuse po."

Lumabas muna ako sa room at nakiusap kay Dad na mag usap muna kami sa labas kasama si Mom.

"Dad, ano nanaman to?"

"Son can you please calm down? Why are you acting so weird? Wala naman kaming gagawing masama. Tara na sa loob!" giit ni Don Albert.

"Then what are those? na hawak ni attorney? Especially the attorney himself? Para saan pang may ganyan pa kung wala kayon balak? Ano nanaman ba yan Dad? Mom?"

galit na sinabi ni Ethan sa mga magulang nito.

"Ethan anak. Magulang mo ang kausap mo ha. Hindi ka namin ganyan pinalaki.

Learn to respect!" pangaral ni Madam Isabel.

"I'm sorry Mom and Dad. Nagmamakaawa ako sa inyo please. Tell me why you guys here? I am asking dahil itong pamilya na pinuntahan niyo ay espesyal sa puso ko.

Please don't ruin their lives lalo na't sa kalagayan ni Tito Harvey ngayon." mangiyak ngiyak na pagmamakaaawa ni Ethan sa mga magulang.

"I'm sorry Son, but it's too late. But don't worry, it will not ruin their life in fact, makakatulong pa nga tayo sa kanila e." kalmadong giit ni Don Albert.

"What do you mean Dad?"

"Well, makinig ka nalang sa magiging usapan namin kung gusto mo. Tom get my son please? I'm sorry son, I really have to do this. And this time hindi mo na ako mapipigilan." nakangiting sinabi ni Don Albert sa anak sabay pasok pabalik sa suite room kasama ang asawa.

Si Tom ang top bodyguard ni Dad na sobrang lakas. Siya ang pumipigil sa akin ngayon na makapasok sa room. Kaya wala akong choice kundi manatili dito sa labas. Iniwang bukas ni Dad ng bahagya ang pinto para marinig ang usapan nila.

PENELOPE THOMPSON POV

Gulat pa din kami nang malaman namin na magulang pala ni Ethan sina Don Albert at Madam Isabel? Ganun pala talaga kayaman ang mga Smith.

Parehas kaming napatulala ni Mommy nung marinig namin yun.

At paglabas namin ng room ni Dad pinaupo ko na muna si Mom pero pansin ko naman nag umiigi igi na ang pakiramdam niya.

At maya maya lang ay muling pumasok sina Don Albert at Madam Isabel pero wala hindi nila kasama si Ethan.

Umupo sila ganun din ang Attorney na kasama nila.

"Yes po. Ako po si Penelope Thompson. Anak po ako nila Patricia at Harvey Thompson at ito naman po ang kuya ko na si Kuya Patrick. "

"Okay. Nice to meet you."

"You know what, you look so pretty pala in person. I just saw lang kase sa phone ng Dad mo when we met and talk about you ."

Dun palang sa sinabi niya kinabahan na ako. At napapaisip kung ano ba talaga ito at para saan na iniinterview niya ako. Ano ang mga napag usapan nila ni Dad?

Nalahad din ni Don Albert na they met nga lang sa casino daw at maghapon daw si Dad sa casino at walang palya araw araw.

"Iha nasabi naba sayo ng Mommy mo?"

"Ang alin po?"

"Okay alam kong gulong gulo ka na kanina pa. Pero ganito kasi yan, your Dad lost a total of 2 billion in just one night. Aminado naman siya na bankrupt na siya nung mga panahon na yun kaya he don't have a choice but to sell the half of this hospital.

At naaawa ako sa kanya kaya wala din akong choice kundi tulungan ang kaibigan kong nangangailangan ng aking tulong."

Tumulo ang luha ko sa mga narinig ko. Maging ang kalahati pala nitong hospital ay naibenta na din ni Dad? I was really shocked. Napaiyak nalang kami nila Mom pati si Kuya hindi na mapigil ang nararamdaman.

"But, listen. Wag kayong mag alala. I gave him a condition. Within 5 days, kapag di niya mabayaran ang utang niya na nagkakahalaga ng 2 billion ay wala siyang choice kundi mapakasal ang anak niyang babae sa nag iisa kong anak na lalake."

"At itong dalang mga dokumento ni Atty. Gonzales ang kasulatan o kasunduan tungkol sa pagpayag na ikaw, Penelope Thompson at ang aking anak na si Ethan Smith ay magiging isa o mag asawa simula ngayong araw na ito."