webnovel

The Perfect Doctor

It all started by being just a Bestfriend, We enjoy each other's company, we just love being together all the time and got each other back. Until I feel like, I'm falling in love with her, But I am afraid, I am scared of the fact that my feelings will ruin the friendship that we built when we were just 10. I am afraid of losing her that's why I shifted my feelings toward another girl But I guess, it didn't help. She still left me.. And years after, we met unexpectedly but she's not like the same person I knew before, And one moment, that will change everything between us. Our Family will set an Arrange Marriage as part of the deal because her Family got debt at our Family. My name is Ethan Lopez Smith or popularly known as The Perfect Doctor. I am a CEO and a Cardiologist, A certified Millionaire! I am loved by lots of people because of my looks, and charm. And I am also an excellent and down-to-earth doctor. The only child of a well-known Lopez-Smith Family. ----------- My name is Penelope Garcia Thompson. I am a Neurosurgeon. CEO of Thompson Hospital Medical Center. I am Ethan's Childhood Bestfriend. A simple, hard worker, and an intelligent person. We were 10 years old when I and Ethan first met. He's my everything. I got attracted to him ever since we met. He protects me, and one thing I love about him, He always made sure that I am always happy. But all has changed. When I found out about his girlfriend. I chose to just vanish than be hurt. You know how hurtful it is when the person who take care of you and protects you all the time, The person who's with you in sorrow and joy, And the person you chose to spend the 6 years of your life with, has another love interest... Maybe I am just a fool Hoping for a special person to love you back Well, Maybe It is just my faith. Our Faith...

sunjaystories · Urban
Not enough ratings
110 Chs

CHAPTER 11 - PENELOPE'S SECRET LOVE

CHAPTER 11 - PENELOPE'S SECRET LOVE

--------

"I pray for all your love, Boy our love is all unreal.

I just wanna reach and touch you, squeeze you somebody pinch me,

this is something like a movie and I don't know how it ends boy,

But I fell in love with my Best Friend."

**

Nung una feeling ko kaibigan lang talaga ang turing ko kay Ethan. Nag eenjoy ako tuwing kasama ko sya. Hindi kumpleto ang araw ko tuwing hindi ko sya nakikita o nakakasama. Ang paborito naming bonding ay maglaro ng larong kalye, maglaro ng video games, kumaen ng mga streetfoods at mamasyal. Sobrang komportable namin sa isa't isa. May oras nga na nakaktulog na ako sa braso nya, tapos grabe pa makatitig sa akin si Ethan.

Paborito nya din pisil pisilin ang pisngi ko. Hayy. At hindi ko namamalayan na sa mga panahong iyon unti unti na pala akong nahuhulog sa kanya.

Etong kantang Bestfriend ni Jason Chen ang gabi gabi kong pinapatugtog pagkauwi ko sa bahay namin. Feeling ko kasi na sobra akong nakakarelate sa kanta na ito.

Hanggang sa dumating ang araw na nasa Tulip Garden kami.

Nalaman ko sa araw na yun na may girlfriend na pala si Ethan. Nagkunwari nalang ako na parang wala lang ang lahat sa akin.

Pero ang totoo, sobra na akong nasasaktan. At mas pinili ko nalang na ngumiti at maging masaya para kay Ethan sa araw na yun. Nakikita ko din naman kung gaano sya kasaya kada magka text sila sa phone. Kaya mas minabuti kong magparaya nalang at lumayo.

Hindi na ako nagpakita sa kanya simula nun..

Tiniis ko lahat, at tinanggap ang mga pangyayari..

**

"Penelope!! PENELOPE!!" sigaw ni Daddy Harvey kay Penelope na kanina pa nakatulala.

"Ah, Yes Dad? Bakit po?" gulat na tanong ni Penelope.

"Jusko po, kanina kapa tinatanong ng waiter kung order mo ba tong iced coffee na to?" galit na tanong ni Daddy Harvey kay Penelope.

"Ah, yes sorry. It's my order, Thank you." medyo nanginginig na boses ni Penelope.

"Are you alright Baby Girl?" pag-aalala ni Patrick.

"Yes Kuya, of course. okay na okay." wika ni Penelope na pilit ang pagkaka ngiti.

"Uy Beshie, sorry may inasikaso lang ako sa counter kanina nagkaproblema lang ng konte, Anyways nagpaalam ka na ba kila tita?" pagtatanong ni Mica.

"Ahh..Hindi pa nga beshie e. Ngayon pa lang." wika ni Penelope.

"So balak nyo palang mag vacation babygirl?" pagtatanong ni Patrick.

"Yes, Kuya. Sa resort namin ni Mr. Lee" wika ni Penelope.

"Ohh. Mr.Lee. Regards mo ako dun a. Pano ba yan Mica mag kikita pala ulit kayo ni Mr. Chinito. Hahaha. Yiehh." panunukso ni Patrick.

"Nako tigilan mo nga ako Kuya Patrick. Tablado na sakin yun, ang dami niya palang babae. Hmp!" nakairap na sinabi ni Mica.

"Sweetheart, Mag iingat kayo dun ha? Kelan ba ang alis ninyo?" Tanong ni Mommy Patricia.

"Sa isang araw na Mommy. Biglaang plano lang kasi to namin ni Beshie ko." tugon ni Penelope.

"Okay Sweetheart no problem. At alam naman namin na deserve mong mag unwind muna.

Lalo't alam mo na. Galing breakup" wika ni Mommy Patricia.

"Hayy nako pinaalala mo pa yang Jacob na yan!" galit na sinabi ni Daddy Harvey.

"Honey? Wala naman akong binanggit na pangalan ah?" paliwanag ni Mommy Patricia.

"Wala nga e naalala ko sya e. Pag nakita ko talaga yun uupakan ko yun!" gigil na sinabi ni Daddy Harvey.

"Hay nako Mom and Dad. Wala na po sa akin yun. Di ko na iniintindi yung tao na yun. Kaya wag nyo na din sya intindihin. Masasayang lang ang mga oras niyo.

Kaya lang naman ako mag vavacation para makapag unwind like mommy said. Makawala muna sa stress ng mundo. " paliwanag ni Penelope sa kanyang mga magulang.

"Yes, Sweety. Basta kapag may problema, just call us a." kalmadong sinabi ni Daddy Harvey.

"Yes, Daddy. Thank you po." tugon ni Penelope.

---------

ETHAN SMITH POV

After ng weird kong panaginip buti nalang naka idlip pa din ako.

At pag gising ko pinuntahan ko na si Nurse Jema for the result. And confirmed na tomorrow and operation ng patient ko. Kaya agad ko ding inabisuhan ang

family ng patient about sa magiging operation ng anak nila.

After ng duty ko. Minabuti ko na munang mag pahinga saglit bago umuwi.

Knock! Knock! Knock!

Come in.

"Sir, sila Don Albert at Madam Isabel po." wika ni Jessica ang Assistant ni Doc. Ethan.

"Oh, okay papasukin mo." tugon ni Doc. Ethan

Well, every month naman talagang bumibisita dito sila Mom and Dad. Pero palaging hindi sila nagsasabi kada pupunta sila kasi ang katwiran ng Mom ko, para daw mahuli nya ako kung sakali mang madatnan nya ako na may babae dito. Sobrang pinupush kasi ako nila Mom and Dad na mag asawa at mag anak na. Pero wala pa yan sa isip ko sa ngayon.

I am too busy at my work. Baka di ko din mapanindigan if ever..

"Hi Mom and Dad. Kamusta po?" pangangamusta ni Ethan sa kanyang mga magulang.

"Eto galing kaming Zumba Class ng Dad mo. At medyo malapit lang dito sa Hospital kaya dumalaw na din kami." wika ni Madam Isabel.

"Yeah. Buti nga't naabutan kapa namin dito." wika ni Don Albert.

"Oh anak, may dala nga pala kaming mga fruits mga favorite mo. Oranges, Pineapple, Mango, at Guava." masayang sinabi ni Madam Isabel habang inaabot kay

Ethan ang mga dala nitong prutas.

"Wow, Mom. Ang sarap at fresh pa ha." masaya ding sinabi ni Ethan.

"Aba syempre anak. Ang Dad mo ang pumili nyan at alam mo naman napaka husay sa pag pili ng mga fresh ng Daddy mong yan. Right Albert My Love?" malambing na pagkasabi ni Madam Isabel.

"Of course Isabel My Love. Kahit nakapikit ganyan ako kagaling. Hahaha!" matawa tawang sinabi ni Don Albert.

"Hay nako sa harapan ko pa talaga nag landian?" wika ni Ethan habang pailing iling dahil sa ka sweetan ng kanyang magulang.

"Talaga anak para mainggit ka sa amin ng Daddy mo." pangangantsaw ni Madam Isabel sa anak.

"Hahaha. Hay nako Mommy ang dami mo talagang mga kalokohan hahaha. Maiba ako, nga pala Dad, kamusta na pala ang Wineberry mo? Balita ko malakas ang sales nyo a." tanong ni Ethan na manghang mangha sa wine business ng Daddy niya.

"Of course son. Sumasabay na tayo sa mga kilalang wine business dito sa bansa natin. Actually may mga stakeholders nakong nakausap about expansion internationally." pagmamalaki ni Don Albert.

"Wow, Dad. Idol talaga kita. Napaka galing mo talaga magpalakad." papuri ni Ethan sa kanyang Daddy Albert.

"Nako anak di lang sa pag papalakad magaling ang dad mo. Magaling din yan magpa dapa." kalokohang sagot ni Madam Isabel.

"Shh! Ano kaba Isabel My Love may bata dito. Ethan takpan mo ang ears mo." pangangantsaw ni Don Albert.

"Hahaha, Hay nako kayong dalawa talaga mga mapang asar." wika ni Ethan habang pailing iling sa mga magulang niyang kanina pa siyang inaasar.

"Kasi ba naman Ethan bat ayaw mo pa mag jowa para mabigyan mo na ako ng apo?" pagmamakaawa ni Madam Isabel.

"Mom naman, hindi pa ito ang right time no. Di ko pa feel magkaron ng partner sa ngayon." tugon ni Ethan.

"Aba kelan pa ang right time mo? kapag nabaon na kami sa lupa ng Daddy mo?" taas kilay na sagot ni Madam Isabel.

Hay nako, Eto nanaman tayo. Hahaha. The never ending "mag jowa kana Ethan please".

Again Mom, Dad. Paulit ulit lang din ang sagot ko na sa Perfect time with the Perfect girl, tsaka ko lang maiisipan ang mga lahat ng yan. Okay? :)