3 TOTGMA 3: Misunderstanding

"Babyyy..." yan lang ang nasabi ni Luke ng marinig niya ang kwento. Napakamot siya ng batok tila ba'y hindi niya alam kung ano yung sasabihin niya, nag taka naman dito si Charmaine.

"Babyyy??? Anong baby baby ka dyan. Ang haba ng kwento ko tapos baby sasabihin mo saken?" Iritang sinabi ni Charmaine. Kung meron mang trademark si Charmaine, yun ay ang pagiging short tempered nito at ang tanging makakapag pakalma sakanya ay ang mga ngiti ni Luke.

Hindi makatingin ng direcho si Luke sakanya, napapakamot parin ito sa ulo niya na kala mo may ginawa siyang kasalanan. Tinaasan niya ng kilay si Luke pero nakangiting aso parin 'to. "Ano ba?" Iritang sinabi ni Charmaine. Hindi alam ni Luke ang gagawin niya dahil sobrang pressured siya sa ingay ng bar at sa mga tingin ni Charmaine.

"Baby ayaw ko kasing sakin manggaling eh--" nagulat si Charmaine sa sinabi ni Luke kaya hinawakan nya ang kamay nito. "May alam ka?? Ano yon? Sino yung babae? Bakit kilala mo???" Hindi parin makatingin ng direcho sa mata ni Charmaine si Luke dahil ang problema naman kay Luke, sobrang mahal na mahal nya si Cha at weakness nya ang mga mata nito dahil parang nangangausap raw na para bang lagi siyang inaakit nito.

"Baby, don't make me say your full name. Alam mo kung anong mangyayari kapag umabot tayo don" mas lalong kinabahan si Luke kaya naman mas lalo syang na tense. Hindi na mapakali ang mga mata at kamay ni Luke.

"Luke Mar--" bago pa masabi ni Charmaine ang second name ni Luke, agad na siyang pinutol nito.

"AayainnamagpakasalniMattsiEl" mabilis na sinabi ni Luke saka tumayo at lumipat sa kabilang couch. Sinubukang iproseso ni Charmaine ang sinabi ni Luke na sobrang bilis. Nakatingin lang sakanya si luke habang inaalala niyang mabuti ang bawat salita at nang maintindihan nya na, nanlaki ang mata nito at tumingin kay Luke na mukhang shock na shock naman sa reaction ng girlfriend niya. Lumapit si Charmaine kay Luke. "SERYOSO KA BA SA MGA SINASABI MO? NO JOKE?" takot na tumango si Luke, kinakabahan siya sa pwedeng gawin ng girlfriend niya sakanya dahil may pagka amazona ito.

"EH BAKIT GANON? SINO YUNG BABAE? BAKIT MASAYA SILA? BAKIT HINDI NAGPAPARAMDAM SI MATT KAY EL? AT BAKIT SILANG DALAWA LANG MAGKASAMA?" Sabay sabay na tanong niya. Hinawakan siya sa balikat ni Luke at saka tinignan sa mga mata. Kung kanina medyo natatakot pa sya at nag aalangan na mag-kwento, ngayon naman ay desidido na siyang sabihin ang alam niya para mapigilan si El sa kung ano mang balak niya.

"Baby kalma ka muna. Inhale. Exhale." ang dalawa ay nag uusap na pra bang nakalimutan nilang nasa bar sila at may kailangan silang hanapin na kaibigan. Ganyan silang dalawa kapag magkasama, nakakalimutan na ang lahat ng nangyayari sa paligid nila dahil para sakanila basta silang dalawa ang magkasama, wala nang problema. "Dalawang buwan na nagpa-plano si Matt. Lahat ng nangyayari ngayon, planado yan. Yung babaeng kasama ni Matt, si Sophia yun ang wedding coordinator. At yung makita sila ni El, alam din ni Matt yun. Sobra na nga syang nagi-guilty dahil sa pinag gagawa nya. Alam mo naman diba na nagbago na si Matt. May nagawa man siyang mga kalokohan noon pero tapos na yun. Everyone deserves a second chance. We both know na may realizations si Matt sa mga nangyari. Si El ang pinili niya. Alam na ng buong angkan ni El yan. 5 months ago, pinaalam niya na sa mga magulang ni El na aayain niya na magpakasal si Ellie at alam narin ni mama."

"Pero bakit naman kailangan niya pang saktan si El? Hindi niya ba alam kung gano na yung iniyak non? Bakit pati ako walang ka muang muang na kasalan na pala mapupunta to?"

"Baby kasi..." tinignan ni Luke si Cha na para bang nag aalangan siyang sabihin ang mga susunod na salita habang naka tungo naman si Cha na nag aabang sa mga sasabihin niya "...madaldal ka" hinampas hampas ni Charmaine si Luke. "Bwisit ka Marie! Nakakairita ka seryoso tayong nag uusap tapos yan sasabihin mo sakin" tuloy parin ang hampas nito sakanya habang sinusubukan naman siyang pigilan nito. "Baby sorry na, aray! Walang sabihan ng second name baby sorry na" inirapan siya ni Charmaine tapos biglang tumayo na para bang aalis na.

"Baby san ka pupunta? Dito ka lang" hinahatak ni Luke paupo si Charmaine pero nag pupumiglas to.

"Kailangan kong hanapin kaibigan ko" hinatak sya ng malakas ni Luke na nagpaupo sakanya. "Sorry" bulong ni Luke.

"By wag muna. Hind pa tayo tapos mag usap. Wag mo sasabihin kay El, please? Masisira ang surprise eh" dagdag nya.

"Ano ba mas mahalaga? Yung surprise o yung kasal? Kasi sa pagkakaalam ko, kapag ni let go ni El si Matt ngayon, useless ang surprise walang kasal pero kapag pinaalam ko sakanya yung nangyayare, useless man ang surprise at least may kasal --"

"Pero by kasi---" hindi natapos sa pagsasalita si Luke dahil dinugtungan pa ni Charm ang sinabi nya "at kung hindi mo pa ko papaalisin ngayon, hindi na natin malalaman kung nasan si El at parehong surprise at kasal ang hindi matutuloy." With that, binitawan na ni Luke si Charmaine at sinundan nya ng tingin si charmaine palayo sakanya hanggang sa hindi niya na to matanaw.

Lumabas si Charmaine ng bar at doon niya nakita si Ellie. Naka dungaw mula sa rooftop sa coffee shop na katapat ng bar. "El!!" Sigaw nya at dali dali siyang tumakbo paakyat.

"Sis magpapakamatay ka ba?" sabi ni Charmaine the moment she stepped in. Tinignan lang siya ni El at dumungaw ulit. Nakahinga nang malalim si Charmaine nang makita nya si El na nandito lang sa coffee shop kaya naman minessage niya si Luke na nakita nya na si El at dalhin ang mga gamit nila. Umupo si Charmaine sa malapit na upuang nakapwesto sa kung saan nakadungaw si El at saka nag sindi ng sigarilyo.

Walang nag tangkang mag salita sakanila. Pareho nilang pinapakiramdaman ang paligid. Gusto nila ang katahimikan. Tanging tunog ng simoy ng hangin at ang bass na galing sa bar na katapat ng coffee shop lamang ang naririnig nila. Naglalakad dahan dahan si Luke papalapit sakanila nang biglang lumingon si El kay Charmaine ng naka ngiti.

Huminto sa paglalakad si Luke dahil ayaw niyang ma interrupt yung dalawa. Lalabas na sana siya ulit nang biglang magsalita si El.

"I think I'm ready to let him go."

avataravatar