webnovel

The One That Got Me Away

A girl who's been in a relationship for more than a decade only to find out she's been used for their own happiness. After sacrificing and doing everything she can in her power, she will soon find out that everything was a lie and that will leave her scars and questions to herself of why she isn't enough and unworthy of love.

ts_ · Urban
Not enough ratings
3 Chs

TOTGMA 1: Ellie

Present Time - 2:00 AM

The bar is hundreds of conversations told in loud voices, all of them competing with the rock music that dominates the atmosphere. The crowd is young, students from the university for the most part. Everyone scream their voices out. Party like wild animals as if there is no tomorrow. Conversations that will no longer be heard after the night.

Charmaine winds her way through the warm bodies to order a drink - the local pint beer. Before the drink is poured she feels someone melting their body to her from behind and she knows he has arrived.

"Thank God for coming. Baby please help me get Ellie. She's really drunk, hindi ko na alam pano siya ilalabas dito." Nagyakapan muna sila panandalian 'tila ba'y walang ibang tao kundi sila lang. Kinuha niya yung kamay ni Charmaine para kumalma 'to, nawala na yung tama ng alak sakanya. Actually, hindi siya masyado uminom dahil alam niyang magpapaka lasing nanaman si Ellie.

"Deads na? Anong nanamang nangyari at nag aya uminom yan dito?" sabi ni Luke habang naglalakad sila papunta kay Ellie.

Nag lakad sila paakyat kung saan sila naka pwesto pero wala na si Ellie sa kung san siya iniwan ni Charmaine. "Dito ko siya iniwan kanina. Nasan nanaman yung babaeng yun?" napapakamot na sinabi nito. inikot niya ng tingin ang buong paligid pero masyadong crowded at madilim.

"Bakit mo kasi iniwan?" kinuha ni Luke ang isa sa mga beer na nakapatong sa la mesa habang tinitignan ang bawat tao sa loob ng bar. "Alam mo namang may tama sa ulo 'yang kaibigan mo eh. Tawagan mo by"

Sinunod niya ang sinabi ni Luke habang palakad lakad; sinusundan naman siya ng tingin ni Luke habang iniinom ang beer na hawak. "Kita mo 'to, hindi pa dala yung phone nya. Hay nako Ellie nasan ka ba?" frustrated na sinabi ni Charmaine sabay kuha ng phone na naiwan sa gilid ng couch. Hinatak ng pabahagya ni Luke si Charmaine. "Umupo ka muna dito. Ano nanaman ba kasing nangyare?"

"Edi itanong mo 'yang magaling mong kapatid."

---

Earlier at 6:00 PM

Nagising sa ingay ng phone si Charmaine. Nakatanggap siya ng 10 missed calls and 35 messages mula kay Ellie kaya napabangon siya bigla. Di niya pa binabasa yung mga messages pero alam niya na kung anong nangyayari kaya naman tinawagan niya agad si Ellie habang naglalakad papuntang banyo.

"Nasan ka?" tanong ni niya pero walang sumasagot sa kabilang linya. Tumigil sya sa pag kilos at pinakinggan ang paligid ng nasa kabilang linya.

"Ellie? Ano? Maliligo lang ako tapos puntahan na kita. San ka ba?" isang malakas na hikbi ang narinig niya sa kabilang linya. "Huy Ellie ano ba? Anong nangyari?"

"Nahuli ko nanaman sila Cha. Nandito sila ngayon kung nasaan ako." ilang minutong hindi nakapag salita si Charmaine. Bakit kailangan niyang puntahan? Bakit kailangan nyang pahirapan sarili niya? Tanda ni Charmaine ang sinabi sakanya noon ni Ellie, "Okay nang masaktan ako harap-harapan para mabilis kong makalimutan. Para hindi ko na sya habulin na baka mali lang sila ng sinabi kasi ako mismo ang nakakita", anong nangyari sa sinabi ni Ellie? Kinain niya mismo ang mga salita niya.

Hindi niya alam kung pano sasagot. Hindi niya alam kung tama ba yung mga bibitawan niyang salita. Hindi niya alam kung bakit tangang tanga yung kaibigan niya. Hindi niya alam kung bakit kailangan niyang sundan kahit alam niyang masasaktan siya. Iniisip niya nga kung masokista, manhid, tanga, o sadyang mahal na mahal niya lang talaga yung boyfriend niya at hindi niya mapakawalan kahit ilang beses na siyang niloko, tinapakan, at ginago harap harapan.

Nilayo niya yung phone sa tenga nya at saka napa buntong hininga. "Nasan ka? Pupunta na ko." hindi na naligo si Charmaine at dali-daling nag palit ng damit. Kilalang kilala niya si Ellie. Kasama siya sa pag buo ng relasyon nung dalawa. Saksi siya sa lahat ng panlolokong ginawa ng jowa ni Ellie sakanya. Nandon siya simula't sapul kaya alam niya kung ano ang kakayanan ng kaibigan niya.

"Ellie, when will you ever learn? Wake up! Ginagago kana, tuwang tuwa ka pa" yan ang huling sinabi ni Charmaine kay Ellie bago tuluyang ibaba ang tawag.

Have some idea about my story? Comment it and let me know. Like it? Add to library!

ts_creators' thoughts