webnovel

The Nerve

Isang laro kapalit ang isang malaking halaga ng salapi. Sasali kaba dito o isasawalang bahala na lamang ito. Ngunit pano pag ikay wala ng mapagpipilian? Pano kung inatasan kang patayin ang minamahal mo? Isang napakalaking halaga ang kapalit nito ngunit pag ikay sumuway, buhay mo ang nakasalalay dito. Handa mona bang patayin ito, o handa mo ng isakripisyo ang buhay mo para rito? Halina't pasukin ang mundo ng... Nerve

Moon_Cola · Others
Not enough ratings
20 Chs

Chapter Nineteen

Hale pov.

Ngayon na, ngayong araw nya na malalaman ang totoo, sana maalala nya lahat.

"Listen to us okay?" mahinahon kong sabi ng magising na si angelica.

Agad lang syang tumungo at makikita mo sa kanya ang pag kasabik na malaman ang totoo.

"Hindi mo totoong boyfriend si rey" ang panimula ko kaya naman ay nanlaki ang mga mata nya sa gulat.

"Pano nangyari yun, e nagkabalikan kami nun! Tsaka siguro kayo yung mga kabet ni rey noh, hay nako hindi nyo sya maaagaw sakin dahil akin lang sy-" hindi nya na natapos ang sunod sunod nya sabi ng hampasin ni sabrina ang lamesa sa gilid nya.

Agad namang inirapan ni angelica si sabrina dahil sa ginawa neto at nanahimik nalang bigla na animoy batang pinagalitan.

'I miss her' ang sabi ko sa isip ko habang tinitignan ang maamo nyang mukha na akala mo na inosenteng bata.

"Lahat yun ay sa isip nyo lamang" dugtong ko.

"Ano ako baliw" sagot naman agad ni angelica.

"Pwede bang makinig ka muna at patapusin kami? Akala koba gusto mong malaman ang totoo." Iritang sabi ni sabrina.

"Isang organisasyon" ang sabi ko kaya naman ay saakin nabaling ang atensyon nila.

"Isang organisasyon ang mga namumuno dito angelica, tinutulungan nila ang mga hindi makalimot sa nakaaraan, ang mga pilit na gustong ibalik ang nakaraan, at ang mga walang sapat na pera." Tuloy tuloy na sabi ko at halatang pilit nyang iniintindi iyon.

"May kaya ka angelica, gusto mo lang balikan ang nakaraan. Pinigilan ka namin nganuit desidido kana sa desisyon mo kaya wala na kaming magawa kung hindi suportahan ka nalang" sunod na sabi ko, pag tingin ko sakanya ay naka tulala sya.

"Pero bakit wala akong maalala" wala sa sariling tanong nya.

"Ilang weeks din babalik na ang ala ala mo, maaalala mona ang lahat angelica" ang sabi ni sabrina.

Unti unti ng umiiyak si angelica, tila hindi na alam ang gagawin.

"Panaginip lang toh, hindi toh totoo." Bulong nya sa sarili nya.

"Hahanapin ko sya bukas." Saad pa nito kaya naman ay nag katinginan kaming tatlo na para bang nag uusap gamit ang mga mata.

"Sasamahan ka namin." Presinta ko.

Pag tapos ng usapan na iyon ay iniwan na namin sya sa kwarto upang mapag isipan ang mga sinabi ko at upang makapag pahinga narin sya.