webnovel

Chapter 1

Hi!ako nga pala si Mia Smith Maganda,

Sexy, Matalino, Talented at higit sa lahat isa akong prinsessa

Oo tama kayo ng basa isa nga akong prinsessa inaakala siguro niyo na napakaswerte ko dahil sa isa akong prinsessa dyan kayo nagkakamali 

Kasi buong buhay ko kaylangang laging sumunod sa mga batas dito sa loob ng palasyo

Katulad ng kailangang laging may bodyguard sa iyong paligid kapag gusto mong lubas ng palasyo tapos kailangang gawin yung ganito ganyan

Ito pa ang mas malala pa dyan pag may nakakita sayo na reporter na may kasama kang kaibigan na opposite sex 

Iisipin nila na may relasyon kayo eh wala naman di ata nila alam ang salitang privacy

Alam ko naman na part yun ng trabaho nila pero minsan kailangan naman nilang limitahan yung mga ginagawa nila

Natigil ang aking pag iisip nang may biglang kumatok sa aking pintuan kaya agad ko itong binuksan

Nang mabuksan ko ang pintuan ng aking kuwarto na kita ko ang aking kakambal na nakasimangot

"Oh bal,anong ginagawa mo dito? at bakit nakabusangot ka dyan"tanong ko naman sa kaniya

"hay nako ikaw talaga wala ka bang balak na bumaba ha"naiinis niyang sabi na ikinataka ko naman"ha?ano ang ibig mong sabihin?"tanong ko sa kaniya

"try mo kayang tignan ang iyong orasan"naiinis niyang sabi kaya agad ko naman itong tinignan

Nang makita ko ang oras nanlaki naman ang aking mga mata dahil 12 na ng tanghali hay nako kaya pala siya galit

"oo na gets ko na ang ibig mong sabihin kaya umalis kana dito sa kwarto ko at magbibihis na ako"sabi ko naman sa kaniya kaya agad naman siyang sumunod  

Nang tuluyan siyang makalabas agad naman akong nagbihis ng isang simpleng dress

Nang matapos akong magbihis agad naman akong bumaba sa hapag kainan 

nung palapit ako sa hapag kainan agad naman akong napansin ni Marco kaya pinarating niya na nandito na ako

Nang matapos niya iyong gawin agad naman niyang binuksan ang pintuan

Nang makapasok ako sa loob nadatnan ko naman ang aking kambal at ang aking mga magulang

Agad ko silang binati nang makarating sa kinaroonan nila

"magandang tanghali po sa inyo"bati ko sa kanila na may ngiti sa aking labi

"magandang tanghali din sa iyo Mia umupo ka na at saluhan mo na kami sa ating tanghalian"tugon naman ni Ina

Pagkatapos niya iyong sabihin agad ko din naman itong sinunod

Habang kami ay kumakain ni isa sa amin ay walang nagsasalita

Spell akward  K-A-M-I nang hindi na ito nakayan ni Ama agad na niya itong pinutol

"Ahmm mia anak may sasabihin sana kami ng iyong ina"nagaalinlangang sabi ni Ama

"ano po iyon ama?"Tanong ko naman sa kaniya

"di ba gusto mong magaral sa isang normal na paaralan"pagpapatuloy naman ni ina

"Opo ina matagal ko na nga po iyong gusto"tugon ko naman sa kaniya

"Kasi napag usapan namin ng inyong Ina na payagan kayo sa iyong kagustuhan"sabi naman ni ama na aking ikinangiti

nawala ang aking ngiti nang ipinagpatuloy ni ina ang sinasabi ni ama

"Pero sa dalawang kondisyon"sabi ni Ina"ano pong kondisyon?"tanong ko naman

"gusto naming Pabantayan ka kay Julian at kay Miles"tugon naman ni Ama

"okay lang naman po sa akin ngunit bakit po kinakailangang kasama pa po si Miles

kung nandyaan na po si Julian para mag bantay sa akin"medyo nagaalinlangan kong sabi

"alam naman kasi naming minsan di mo sinusunod ang mga sinasabi ni Julian kaya sinama na namin si Miles"sabi naman ni ina

"Naiintindihan ko naman po ngunit wala naman po siya dito sa bansang ito

at baka makaabala pa po tayo kung papapuntahin pa natin siya dito"sabi ko naman sa kanila

"sa totoo niyan napag usapan na namin nito ng mga magulang ni miles

sumangayon naman sila sa amin ng inyong ina at saka nga pala ngayon niyo na siya susunduin sa airport

kaya pag katapos niyong kumain agad naman kayong tumuloy sa airport "nakangiting sabi ni ama

Hay nako si ama talaga oo bigla bigla na lang siyang nagdidisisyon ng walang pa sabi pero sa tingin ko

wala na akong magagawa tungkol dito kaya sumangayon na lang ako dito

"ano nga pala po yung pangalawang kondisyon"tanong ko naman sa kanila

"ang ikalawang kondisyon ay kinakailangan mong magpanggap bilang isang nerd"diretsyong sabi ni ina

"Hay sige po gagawin ko po yung dalawang kondisyon ninyo"matamlay kong sabi

nagtataka siguro kayo kung bakit di ako nag reklamo

kasi wala naman magagawa ang aking pagrereklamo at saka mag sasayang lang ako ng laway noh

"Ay oo nga pala sasama pala si Milo sa iyo Mia"sabi ni ina

"ina bakit pa po siya sasama   siya at saka mag papanggap din po ba siya "sabi ko naman sa kaniya

"Sasama siya kasi para bantayan ka at hindi siya magpapanggap bilang isang nerd"sagot naman ni ama

whaaa ang daya ako lang magpapanggap

Nag patuloy na kaming kumain nang matapos niyang sabihin iyon at nang matapos na kaming kumain

Agad naman kaming umalis ni Milo para sunduin si Miles sa airport

Habang nasa byahe kami ni Milo ni isa sa amin walang nagasasalita di ko na ito natiis kay pinutol ko na ito

"Ahmm milo"tawag ko sa kaniya at saka lang siyang lumingon sa akin

"ano yun?"tanong naman niya "alam mo ba ang tungkol sa kasunduan namin"sabi ko naman sa kaniya tumango lamang siya bilang kaniyang sagot

"Bakit? Bakit di mo sinabi sa akin ha?"tanong ko naman sa kaniya

" eh kasi gusto kong sila mismo ang magsabi sa iyo kaya ayun"tugon naman niya

Pagkatapos niya iyong sabihin parehas kaming nanahimik nang makarating kami sa airport agad kaming bumaba at pumasok sa loob

Habang hinahanap namin si Miles may naririnig kaming bulong bulongan pero binanewala na lamang namin yun

At tinuloy ang aming paghahanap habang kami ay naghahanap may narinig kaming sumigaw mula sa malayo

Kaya agad ko itong nilingon nang makita ko kung sino ito agad namang sumilay ang ngiti sa aking labi

~Sa susunod muli~