9 TNQ 8 : NOT-SO-INNOCENT KINGS

CINDER POV...

"Grabeh pre ang hot ng babaeng nakapatong kay Kenneth kahapon, kung makikita ko yon pasensyahan na lang tayo." saad ko habang naglalaro kami ng billiard sa special house namin.

"Gago!"pagkasabi niyon ay may lumipad na billiard ball papunta sa akin buti't mabilis ang reflexes ko't nasalo ko agad ito at hindi tumama sa gwapo kong mukha.

"Easy bro, nagbibiro lang. Wag mo namang sirain ang gwapo kong mukha, mapagkikitaan pa kaya to noh."

"Whatever! I feel something weird with that girl."

"What?" malakas na saad ni Ethan.

Isa pa tong lokong to, naging baliw na mula ng bumubunto't buntot kay Iris. Tsk.

"Sabi ni Leader inlove na daw siya gaya mo, pre."

Muli may billiard ball na naman na lumipad sa ere at patungo sa akin. Catcher na man papa nyo ehh kaya no worries. Hakhakhak!

"Pre, sabihin mo lang na naiingit ka sa gwapo kong pagmumukha. Pwede mo namang hiram---------Aray!"

P*tcha! Di nga ako tinamaan ng bola ngunit di ko naman nailagan ang malakidlat na pagbatok ng lecheng Market na to.

"Ano ba ang nangyari sa park noong wala pa kami Cinder?" tanong ni Cloud.

"Tche. Magtatanong lang pala, nambatok pa."

"Kung ano ano kasing pinagsasabi. Ano nga sabi Pre?"

"Ganito kasi yon"

Flashback...

Pawis na pawis akong nakarating sa park. Pumunta agad ako sa napagkasunduan naming tagpuan. Akala ko ako na ang mananalo sa aming pustahan ngunit nauna na pala si Kenneth,siya na naman ang nanalo, ano pa nga bang maiexpect namin sa napakatuso naming kaibigan pero nanlaki nalang ang aking inosenteng mga mata nang madatnan kong may nakapatong na babae kay King at nasa tabi nila ay ang isang aso, I guess it is an American Eskimo Dog.

"Ehhhemmm!! Kaya pala gusto mong maghiwahiwalay tayo ng daan, may kikitain ka pala dito King. Kala ko di ka titingin sa ibang babae dahil may fiancee ka na. Bakit hindi kami nainform na may pagkacheater ka pala?" panunuksong saad ko.

Naalibadbaran ata sila sa mga sinabi ko kaya kumilos ang mga ito at tumayo ngunit laking gulat ko ng sampalin ng babae ng pagkalakaslakas si Kenneth.

"What the hell!!! Why did you do that?" galit na wika ni Kenneth.

"Abat loko ka rin mister ano? That's what you deserve for being a jerk! Don't you dare to show your face again, if you go near to me I assure you that your body and even your soul will be buried in hell!" nangangalaiti sa galit nitong saad. "Let's go Yuki."

Tumalikod ito kay Kenneth at ngayon nakaharap na ito sa akin at what the fuck! Isang anghel ang nakita ng mga magaganda kung mata. Naestatwa ako, pwede na nga na ako na ang papalit kay Rizal sa kanyang monumento na nandito sa park. Super! ang ganda niya,maladiyosa ang alindog, hubog pa lang ng katawan mapagkikitaan na. Ang malasapphire nitong mga mata na tila nang-aakit, if siya ang maging babae ko, wow pre! Ang swerte ko na ata parang nanalo ako sa lotto.

"Don't stared at me like that mister." saad nito na nakakunot ng kilay at nakapagpabalik sa ulirat ko.

"Ahhh...ehhhhh...I.....I'm...not..staring at you miss"

Ano ba toh! Bat ako nauutal?

"Aish. Magsama kayo ng kaibigan mong bakulaw! Pervert!"

End of Flashback......

"Langya ka pre! Akalain mo naman ang dakilang babaero nauutal sa harap ng napakagandang babae as you describe her" bulalas ni Ethan na humahagikhik sa tawa.

"Kung ikaw kaya ang nandoon, for sure matatameme ka rin."

"Tsk. Ang ipinagtataka ko, bat ka nagkaganoon King that time? First time ko yatang nakita kang natulala." sambat ni Cloud na parang inaanalisa ang mga pangyayari.

"I don't know." kibit balikat na sagot ng leader namin. "Never mind about that scene. I'm not unto that girl, anyway." pagkasaad niyon ay tumalikod ito sa amin at pumunta sa kanyang silid.

"I'm not unto that girl daw. Ehh, kanina lang, sabi pa niya 'I feel something weird with that girl. I guess na love at first sight ata si King sa babaeng yon."

"Sus, porke't ganun sinabi niya may gusto na agad sa babaeng yon si Kenneth? Di ba pwedeng may naninibago lang siya since sanay naman siyang inaappreciate at sinasamba ng halos lahat na mga babae?" komento ni Cloud.

"Wait, sapphire na mga mata, an angelic face, a model-like body figure. Di kaya..." pabitin na turan ni Ethan.

"Di kaya ano Ethan?" naiiritang tanong ni Cloud.

"Pabitin ka naman pre ehh."

"Never mind about what I've said. Akala ko kasi si Iris."

Binatukan ito ni Cloud. Kahit kailan tong taong to puro biro ang nasa katawan. At ang nasa isip puro Iris naman. Ginayuma yata ito ng amazonang babaeng yon.

"Aray! Naman Cloud. Kung makabatok ka naman pre wagas."

"Seryoso kaming nakikinig sa iyo tapos nagbibiro ka lang pala. Ang gago mo rin pre noh?"

"Wow! Big words. Parang di ka rin gago pre."

"Aish.. Tama na nga yan. Baka magbugbugan kayo diyan. Di ko kayang awat----Aray!!! Bat nyo ako binatukan?"

Akalain nyo, binatukan ako ng dalawang kumag. Pinapatigil ko lang kaya sila. Anong masama doon? Ipaliwanag nyo nga.

"Loko ka rin kaya." sabay na saad ng dalawa.

Mga gago talaga. Bat ba may mga kaibigan akong ganito?

"Ewan ko sa inyo. Doon ka na nga sa libro mo Cloud at doon ka na rin sa Iris mo Ethan. Magsilayas kayo sa harapan ko maawa kayo sa gwapo kong mukha." pagtataboy ko sa kanila.

Lumapit naman si Ethan sa akin at inakbayan ako at tinapik tapik.

"Kung nagseselos ka pre kay Iris, wag mong idaan sa mainit mong ulo. Wag kang mag alala di pa naman kita iiwanan eh."

Pigilan nyo ako, makakapatay na ako ng tao. Siraulo talaga tong mokong to. Dinampot ko ang stick ng billiard at ihahampas ko sana kay Ethan ngunit kasing bilis ito ng kidlat na lumayo sa akin. Tsk. Simpleng stick takot agad. Napailing iling naman si Cloud sa amin. Nag evil grin ako sa kanya. It's my turn.

"Pansin ko lang Cloud, bat ang ingay- ingay muna ngayon? May inspiration ka ano?" pangungutya ko.

"Oo nga pre, napansin ko rin yon.." segunda naman ni Ethan.

Si Cloud kasi ang tipo ng tao na tahimik lang at kuntento na sa mga gadget at libro na kasama.

"Aba't ako naman ngayon ang nakita nyong pagtripan. Mga tarantado! Makaalis na nga."

At yon lang, nagwalk out agad. Affected ata ehh.

"Aba't nagwalkout , mayroon na nga yata. Di lang sinasabi. Ano sa tingin mo Pre?"

"Ewan. Di yon sa akin nagsheshare. Bakit hindi mo kay Kenneth itanong. Sila naman iyong madalas nagkakasundo. Siya pre, ikaw na muna dito. Hahanapin ko muna ang future wife ko.*smirk*"

"Sige lang ganyan naman kayo palagi. Mga mang-iiwan."

Kunwari nagmamaktol ako. Ang lokong si Ethan nagwave lang ng kamay habang tumatawa palabas ng pintuan.

Hay buhay! Iniwan na naman ako ng mga kumag na mag isa dito. Langya lang, hirap maging single hakhakhak! By the way, if you don't know me yet, muntik ko ng nakalimutan. Okay, let me introduce my beautiful self. I'm Cinder Cnidel Reyes, 19 years old. The hot and gorgeous among of all the man in the whole world. Walang kokontra. My family is the owner of the biggest car company in the Philippines and our company is one of the top 20 of the biggest company around the globe. Matinik kamo ako sa babae, well gwapo eh, kaya ganoon. And wala pa akong kahit isang sineryoso sa mga babaeng nakasiping ko. Why? It's just because I don't want to have any commitment with them at all. Sakit lang yan sa ulo.

So, iniwan ako ng mga gago. Ano na ang gagawin ko ngayon? I guess, maghahanap na lang ako ng....ahm..alam nyo na, bored ehh.

Paalis na sana ako sa special house namin ng tumunog ang cp ko.

"Hello.....Yes?.....What?!.... Oo na, pupunta na diyan. Wait for me, I'll be there in 30 minutes."

——————————————————————————————————————————

avataravatar