webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Kabanata 4

[LAUREN'S POV]

Fifteen minutes na ang nakalipas pero wala pa rin ang Professor namin sa P.E. and Health.

"Good morning class. I'm sorry, I'm late. Traffic kasi kaya ngayon lang ako nakarating." sabi samin ng Prof namin sa...

Teka, bakit nandito siya? Bigla tuloy nagdilim ang paningin ko.

"Class, meet your new student. Kindly introduce yourself?" ani Prof sabay tingin sa kanya.

"Hello classmates! I'm Jameson Dy. I hope you'll be nice to me." pagpapakilala ni Jameson sa harap namin.

Oo tama kayo, Jameson ang nababasa niyong pangalan. Ang ex-bestfriend ko na sumira sa buhay ko.

"Hello handsome."

"Hi, dito ka tumabi sa akin. Umalis ka sa tabi ko Bes." ani Janine sabay tulak sa seatmate niyang kaibigan.

"Dito sa tabi ko cutie." ani *ehem* Andrei sabay tulak sa seatmate niya.

"Students, 'wag kayong ganyan. 'Wag niyong itulak ang mga seatmate niyo para lang makatabi niyo si Jameson. I will be the one who decide kung saan siya uupo. Mr. Dy, you will be seating beside Ms. Manzano." ani Prof.

Kapag minalas nga naman.

Napatingin bigla sa akin si Jameson. Tapos napangisi siya nang makita niya ako. Ano kaya ang nasa isip niya?

Lumapit sa akin si Jameson at umupo siya sa tabi ko.

"Malandi talaga 'yang Lauren na 'yan."

"Oo nga. Una, sina Fafa Tim at Fafa Mitchell ang nilandi niya. Tapos ngayon, ang bago nating classmate na si Jameson ang nilalandi niya."

"Nakakainis talaga siya."

"Humanda siya sa 'tin."

Again, pinag-uusapan na naman nila ako negatively.

"Don't mind them Beshie." sabi sa 'kin ni Jameson.

Ang kapal din ng mukha niyang tawagin akong Beshie. Parang kinalimutan lang niya ang ginawa niya sa akin noon.

Ngumiti lang ako sa kanya ng peke. Kailangan ko siyang pakisamahan nang mabuti para sa plano ko sa kanya. I will break his heart into pieces sa harap ng mga tao tulad ng ginawa niya sa akin noong engagement party namin ni Tim, at lilinisin ko rin ang pangalan kong dinungisan niya.

- AFTER P.E. CLASS -

Pagkatapos ng klase namin sa P.E. ay pumunta muna ako sa restroom para magbanyo. Mga 15 minutes pa naman ang hihintayin ko para sa next class.

Pagkatapos kong magbanyo ay lumabas na ako sa restroom. Pero pagkalabas ko ay may humarang sa aking tatlong babae. Mga classmate ko sila.

"Ikaw! Sumama ka sa amin."

At hinila ako ng dalawang babae.

"Bitawan niyo ako. Bakit naman ako sasama sa inyo?" tanong ko sa kanila habang nagpupumiglas.

"Shut up bitch! Tuturuan ka namin ng leksyon." sagot sa 'kin ng babae which is parang siya ang leader sa tatlo.

"Hindi ako sasama. Bitawan--"

*pak*

Napatigil ako sa pagsasalita nang sinampal ako ng leader nila.

"I said shut up!" sigaw nito sa 'kin.

Ang sakit ng sampal niya ha. Pero hindi ako umiyak. Ayoko nang umiyak. Parati na lang akong nasasaktan.

Dinala ako ng tatlong babaeng 'to sa rooftop ng building.

"Anong gagawin niyo sa 'kin?" matapang kong tanong sa tatlong babae.

"Matapang ka ha."

*boooggggssshhh!*

Nagulat na lang ako nang bigla akong suntukin ng babaeng leader sa mukha.

"'Yan ang bagay sa mga malalanding katulad mo!" 

May pagkabayolente 'tong leader nila.

Pero hindi ako nagpatinag. Sinamaan ko ng tingin ang leader nila.

"Kabago-bago mo pa lang dito ay nalandi mo na ang dalawang pinakasikat na estudyante ng Dela Cruz University."

*booooggggsssshhhh!*

Sinuntok ulit ako ng babaeng leader.

"'Wag na 'wag kang didikit kina Fafa Tim at Fafa Mitchell, at pati na rin kay Fafa Jameson. Hindi lang 'tan ang aabutin mo sa amin kapag hindi mo kami sinunod." pagbabanta sa 'kin ng leader nila.

Medyo nahihilo na ako dahil sa suntok nila sa akin.

"O ano. Tapos na ba kayo?" matapang ko pa ring tanong sa kanila.

"Aba't sumasagot ka pa." Bigla akong sinuntok ng leader sa tiyan.

Hindi ako lumaban, pero hindi ako umiyak.

"'Yan lang ba ang kaya niyo?" matapang ko pa ring tanong sa kanila.

Nakita ko namang nainis sa akin ang babaeng leader. Susuntukin na sana niya ako pero may pumigil sa kamao niya.

"'Wag na 'wag mong sasaktan ang Beshie ko." galit na sabi ni Jameson sa babaeng leader habang hawak nito ang kamao at masama ang tingin nito.

Nakita ko namang nanlaki ang mga mata ng babaeng leader at hinila niya ang kamay niya mula kay Jameson.

"U-umalis na tayo." sabi ng babaeng leader at tumakbo na siya.

Tumakbo na rin ang dalawa pang babae dahil sa takot nang makita nila si Jameson.

"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Jameson.

Playing a hero right now huh at feeling nag-aalala pa siya sa akin.

"A-ayos lang ako." walang emosyong sagot ko sa kanya.

Sa tingin ba niya madadala niya ako sa pagligtas niya sa akin? Hindi.

"Dadalhin kita sa clinic. May pasa ka sa magkabilang pisngi." sabi niya sa 'kin.

"Hindi na kailangan. Kaya kong pumuntang mag-isa d'on." tugon ko sa kanya at iniwan ko siyang mag-isa sa rooftop.

***

Pagkatapos kong pumunta sa clinic ay binigyan ako ng nurse ng medical certificate bilang excuse letter. Sinabihan ako ng nurse na 'wag muna akong pumasok ngayong araw at magpahinga muna ako.

Pagkalabas ko mula sa gate ng Dela Cruz University ay hindi ko inaasahang makakatagpo ko si Tim. Ang lalaking mahal ko. Teka, anong ginagawa niya rito?

Our eyes met.

*dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug dug*

Yung puso ko, tumitibok na naman.

"A-anong nangyari sa mukha mo?" tanong niya sa 'kin at kita ko sa mukha niya ang pag-aalala.

"W-wala 'to." sagot ko sa kanya at mabilis akong naglakad.

Ayoko siyang harapin ngayon dahil alam kong galit pa rin siya sa akin hanggang ngayon. May tamang panahon pa para magkaharap kami.