webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Entry No. 9

Dear Future Husband,

Ayoko munang harapin ka. Alam kong galit na galit ka pa rin sa akin hanggang ngayon. Pero totoo bang nag-alala ka sa akin kanina nang makita mo ang mga pasa ko sa mukha? Sana naman OO. Pero ayokong umasang nag-alala ka talaga sa akin kanina. Baka nga pinagtatawanan mo ako eh. Mahirap mag-expect ng bagay na hindi naman reality.

Pero by the way, nalaman kong hindi ka na pala nagtuturo sa Rodriguez University. May problema ka bang dinaramdam kaya tumigil ka sa pagtuturo o baka napaaga lang ang pagbabalik ni Mr. Hope do'n? Pero kung ano man 'yan ay nandito lang ako para i-comfort ka...

...nang palihim.

I love you my future husband.

Your Future Wife,

Lauren