webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Entry No. 2

Dear Future Husband,

Ang saya magbakasyon dito sa Hongkong. Pero mas sasaya siguro ang bakasyon ko kapag kasama kita. Sabay nating lilibutin ang buong Hongkong, sabay nating kikilalanin sina Mickey Mouse at ang partner niyang si Minnie Mouse, at mag-pi-picture taking tayong dalawa. Inggit na inggit nga ako sa mga couple na nagbabakasyon dito sa Hongkong. Ang sweet nila sa isa't isa. Feeling ko tuloy ay mag-isa lang ako although kasama ko naman ang mga friends ko. Pero iba pa rin kapag kasama ka.

Haaay! Kailan kaya kita ulit makakasama? Nga pala, yung niregalo mo sa aking trip to Hongkong Disneyland ay ginamit ko na. Salamat dahil kahit wala ka sa tabi ko ay napapasaya mo pa rin ako. I love you Tim.

Your Future Wife,

Lauren