webnovel

The Nerd's Future Husband (Webnovel Ver.)

Serenader 17: TIM RAMIREZ

AriadneWP · Teen
Not enough ratings
76 Chs

Book 1 Epilogue

[LAUREN'S POV]

- ONE WEEK LATER -

Isang linggo na ang nakalipas simula nang maganap ang engagement party namin ni Tim.

Sa loob ng isang linggong 'yon ay naging miserable na ang buhay ko dahil sa kumalat na litrato sa engagement party.

Maraming estudyanteng nambubully sa 'kin lalo na ang mga babaeng estudyante dahil sa litratong 'yon.

Sinasabihan nila ako ng masasakit na salita.

Kinulong din nila ako sa CR.

Binabato nila ako ng mga itlog.

At kung ano-ano pang pambubully na ginawa nila sa akin.

Pero ang mas masakit pa do'n ay ang hindi pagpansin sa akin ni Tim sa school. Malaki ang pinagbago niya pagkatapos ng engagement party namin. Nakikita ko rin siyang nakikipag-makeout sa ibang babae sa Dyosa's Bar. Naging stalker na rin niya ako simula nang hindi na niya ako pinansin.

Pagpasok ko pa lang sa school ay nagulat ako nang bigla akong nabasa.

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" narinig kong tawanan ng mga estudyante.

"Yan ang bagay sa'yo malandi ka!"

"Famewhore!"

"Pokpok!"

"Bayarang babae!"

Hindi ko mapigilang mapaiyak dahil sa pambubully nila. Pero ang mas nagpaiyak sa akin ay ang hindi ako pinagtanggol ni Tim laban sa mga estudyante.

Nakita ko siyang may kasamang ibang babae at masaya silang nagkukuwentuhan.

"HEY, TAMA NA 'YAN! WAG NIYONG SASAKTAN ANG BESHIE KO!" sigaw ng isang pamilyar na boses.

Napalingon naman ako sa lalaking sumigaw.

O_____O

Jameson?

Eh bakit niya ako pinagtatanggol? Siya naman ang may kagagawan nito sa 'kin ha. Siya naman ang dahilan kung bakit ako binubully ng mga estudyante. Tapos ipagtatanggol niya ako pagkatapos ng kasamaang ginawa niya sa akin?

Wala akong kaalam-alam na kinunan pala niya ako ng litrato kasama siya na kumot lang ang takip namin dahil wala akong malay no'n? Ang kapal din ng mukha niyang magpakabayani sa akin. Tinuring ko siyang bestfriend pero ito lang ang igaganti niya sa akin?

"P-pero Prince Jameson. Malandi ang babaeng yan. Bakit niyo po siya pinagtatanggol?" tanong ng babaeng estudyante kay Jameson habang masama ang tingin nito sa akin.

"'Wag na 'wag niyo siyang tatawaging malandi. Kapag nakita ko pa kayong binubully siya. Hinding-hindi ako magdadalawang-isip na patulan kayo." galit na sabi ni Jameson sa mga estudyante.

"Sorry Prince Jameson." tugon ng mga estudyante at umalis na sila.

Mukhang natakot yata sila kay Jameson. Sa bagay, katakot-takot naman ang itsura niya. Mukha na siyang gangster ngayon dahil nagbago na nga siya ng look.

"Are you okay Beshie?" nag-aalalang tanong sa 'kin ni Jameson.

Napatingin naman ako sa kanya. "Yes, I'm fine." pagsisinungaling ko sabay pahid ng luha ko.

Mas lalong hindi ako okay Jameson. Nang dahil sa 'yo ay naging miserable na ang buhay ko. Sa tingin ba niya, porke't pinagtanggol niya ako sa mga estudyante ay magiging mabait na ako sa kanya? Pwes, nagkakamali siya.

Pagbabayaran niya ang lahat ng 'to. At sisiguraduhin kong malilinis ko ang pangalan ko.

A/N: I will post a bonus chapter before the book 2.

AriadneWPcreators' thoughts