webnovel

3

Habang ako naman ang naguguluhan sa nangyari. Buong buhay ko, mas nasanay ako sa buhay ng mga tao at walang kaalam-alam sa mga bagay na tungkol sa angkan ko. Pero kahit na sa wala akong alam, pakiramdam ko may maling nangyayari. Sa paglayo ng lalake kanina, parang bumibigat ang paghinga ko.

Tinanggal ko ang pagkakayakap sa'kin ng lola ko.

Nabigla nalang ako nang kusang gumalaw ang katawan ko at hinabol ang lalake. Hindi ko pinapakinggan ang sigaw ng lola ko at ng ina ko. Agad kong niyakap ang lalake.

"Alpha ka kaya dapat layuan mo ako?" tanong ko, gustong-gusto ko siyang sabihan na ang hina niya, ngunit sino naman ako.

Marahan itong humarap sa'kin. Iniyuko nito ng kaunti ang ulo at bumulong sa'kin.

"Little wolf, can you wait for me? I'll find out how to break our Golden Rule. Just promise me that you'll be safe okay? When I'm done, I'll be close to you as much as you want," sagot nito at hinalikan ako sa noo.

'Hindi siya lumalayo?' na-estatwa ako sa ginawa ko at pag-iisip na umepekto ang ginawa ko.

Ito ang pinakaunang nagbigay ako ng sobrang atensyon sa lalake, kilala ko man o hindi.

Nauna na ang mga kasama niya at tumalikod na rin siya sa'kin. Nakakatatlong hakbang palang siya at bumalik ulit siya.

"Sh*t! Can you give me a kiss on my cheek?" sabi nito.

Ramdam ko ang pamumula ng mukha ko. Pero dahan dahan ko pa ring nilapit mukha ko.

Ngayon lang ako magpapauto, kaya inilapit ko na ang labi ko sa kaniya.

Nanlaki ang mga mata ko nang iharap niya ang mukha niya sa'kin, dahilan para sa labi ko siya mahalikan. Halos natameme ako sa ginawa nito.

Ngumiti ito at nakita ko ang magkabilang dimples nito.

"Now we're married, don't you dare cheat on me while I'm gone," seryosong sabi nito at umalis na.

Napahawak ako sa labi ko. Asawa niya na ako? Napangiti ako nang dahil sa narinig ko.

Alam kong inuuto ko na masyado ang sarili ko. Ngunit malay natin mangyari nga. Sa ngayon ay hanggang pangarap nalang muna ako.

Bumalik na ako sa mga kapack ko na tila ba nakalimutan ko na ayaw ng Luna na ako ang maging mate ng isang Alpha.

Masyadong lumalaki sa ang ulo ko dahil iniwan ko nalang basta si lola para sa lalaking hindi ko pa gaanong kilala, alam kong nasaktan ko siya.

Nang makarating ako sa kinatatayuan nila ay humingi ako ng tawad sa inasta ko. Hindi naman nila ako pinagalitan, normal lang daw ang maging gano'n sa ganitong edad ko sabi ng lola.

Agad na tumungo ang Beta ng ama ko at mga kasamahan niya na nagpatrol ng boundary papunta sa Alpha namin. At ang Luna naman ay umalis na ng walang kibo sa'kin.

Nagsilbi na 'yong hudyat sa'kin para pumunta sa kwarto ko.

Maghapon lang akong nasa loob ng kwarto ko dahil alam kong usap-usapan na naman ako sa labas ng mga kapack namin. At didisiplinahin na naman ako ng Luna sa pamamagitan ng pagkulong sa'kin dito sa kwarto pagnakita niya ako sa labas, kaya minabuti kong dito nalang para wala nang gulo.

Gabi lang ako lumabas para kumain at bumalik agad sa kwarto para matulog na.

Lumawak na ang sikat ng araw.

Nandito ako ngayon sa mansyon. Inaantay na matapos ang lola ko sa pag-aayos ng mga gamit namin. Maglulunes na kasi at may pasok na ako kaya dapat na kaming bumalik sa Middle Land.

Inilibot ko ang paningin ko sa kwarto ko.

Okay naman siya, normal lang na kwarto, hindi uso ang make up o yung mga gamit na magara na usong uso sa Middle Land. Hindi naman kailangan ng mga taong lobo na mag-ayos pa dahil sa natural nang maganda ang mga ito.

Napahiga ako sa kama ko at nagbuntong hininga. Minsan napapaisip ako kung kabilang ba ako sa kanila, dahil nagbabago ang kulay ng balat ko minsan sa 'di malaman na dahilan. Pero yung nangyari kahapon ay pwedeng konektado.

Inatake raw ako ng lobo sa pag-aakalang hindi nila ako kapack, siguro sa kaba ko ay mas pumuti pa ang kulay ng balat ko.

Sa dami ng nangyari kahapon, halos hindi ko na maintindihan kung bakit masaya pa ako kahit na pinapagalitan na ako ng aking ina habang naghahapunan kagabi.

*Flashback*

"Nakita mo na ang ginawa mo. Sinabi ko na sayo na hindi ka pwedeng makipagbond sa mate mo. Mate mo man o hindi. Ayaw kong mas lumala pa ang pagkakamali," ani ng aking ina.

Napayuko ako nang makita ko ang naaawang mukha ng aking lola.

Hindi ko alam kung anong nais niyang ipunto. Pagkakamali? Ako? Pero siya na mismo ang nagsabi na isa rin akong lobo. Espesyal lang ako, yan ang sabi sa'kin ng lola ko.

Narinig ko ang pagsara ng pinto hudyat na umalis na ang aking ina sa dining area.

"Okay ka lang ba anak?" tanong sa'kin ng aking lola at marahang lumapit sa inuupuan ko.

"Opo la, pasok na po ako sa kwarto. Subukan ko pong magreflect sa sarili ko," sagot ko at dumiretso na sa kwarto ko.

*End of Flashback*

Sinubukan ko talagang magreflect kagabi. Pero napangiti lang ako dahil wala akong ginawang masama. Lumayo naman ako at tumakbo, pero yung lalaki na mismo ang lumapit sa'kin at nagsalita ng kung ano ano.

Mas lumawak pa ang ngiti ko nang maalala ko ang sinabi niya nang mahalikan ko siya.

Kasal na raw kami.

Napasubsob ako sa unan ko at impit na sumigaw. Parang may kung anong kumikiliti sa'kin. 

Kung alam ko lang na hindi ang pagpapasexy ang kailangan para makakuha ng gano'ng klaseng lalake, kun'di ang pakikipaghabulan. Bata palang dapat ako, nag-ensayo na dapat akong magpahabol sa aso.

Tumalon talon ako at biglang may kumatok sapinto ng kwarto ko. Sinampal sampal ko ang magkabilang pisngi ko para mawalaang ngiti ko at naglakad na papunta sa pintuan.

"Anak, aalis na tayo, tapos na ako mag-ayosng mga gamit natin," tawag niya pagkabukas ko ng pinto.

Tumango ako at kinuha na ang gamit ko. Nagpaalam muna kami sa Luna bago sumakaysa sasakyan. Mapait pa rin ang titig sa'kin ng Luna. Napabuntong hininga nalangako.