webnovel

The Mythic God

In a world full of chaos A world with war and power is a world where the weak are useless because only the strong will win. Even the gods have misunderstandings because of too much power. But a creature came from another world and it will be the one to predict their downfall because of its strange power. And he has a mission, to build a new world, peaceful and without chaos and for him to achieve this he must first achieve the title of Mythic God.

Deredskert · Fantasy
Not enough ratings
66 Chs

Chapter XII

CHAPTER XII. Entering 3rd Floor Of Tower Of Doom, Unstoppable Visitors

ILANG BUWAN na ang lumipas mula nang mangyari ang pagdating ng dalawang adventurer na nagmula sa matataas na palapag upang alamin ang nangyari sa namayapang si Saylsia na siyang Heneral ng ikalawang palapag.

Sa Lumipas na mga buwan ay walang aksyon na ginawa ang mga heneral sa matataas na palapag.

Hindi sila naalarma sa pagkatalo ng isang 10th level Demon Rank dahil wala silang pakealam sa kanang kamay ng heneral mula sa ika Siyam naput isang palapag. Ngunit sa kabila ng hindi pag kaalarma ng karamihan ay tila nag hahanda sa pagsalakay ang mga adventurer mula sa ikatlong palapag.

Sa isang ginintuang silid makikita ang kumpulang ng mga indibidwal. Makikita ang Apat na kalalakihan at Limang kababaihan na naka ikot at nakapalibot sa isang malaking lamesa. At sa gitna ng lamesa ay may isang lalake ang nakasuot ng magarang kasuotan at kapansin pansin ang marahas na enerhiya na inilalabas nito. Ang lalaking ito ay si Grim Blackburn at siya ang Heneral ng 3rd Floor ng Tower of Doom.

Mayroon silang pinag uusapan at ito ay ang mismong hakbang na kanilang gagawin laban sa hukbo na bigla nalang lumitaw sa ikalawang palapag. Ang hukbo na malaking banta laban sa kanila at dahilan ng kanilang pagkabahala ay ang pagkamatay ng isa nilang kasamahang si Azad.

Naramdaman nila ang pag kawala ng enerhiya nito dalawang buwan na ang lumipas at ito ang ikinagulat nila. Si Azad ay isa sa mga malalakas na kasapi ng hukbo ni Grim at malaki itong kawalan lalong lalo na't si Grim ang personal na nag turo rito upang maging malakas na adventurer ngunit humantong lang ang lahat sa mabilis nitong kamatayan.

Hindi nila lubos maisip kung paano namatay ang isang gaya ni Azad na isang komandante.

Master Grim! may ibibigay akong ideya! bakit kaya hindi tayo mag padala ng mga alagad upang alamin ang mga nangyari sa ikalawang palapag! Sabi ng isang babae na may mahabang buhok.

Afila sa palagay mo ba ay gagana ang ganiyang ideya alam mo naman ang sinapit ni Azad at ang ideya mo ay mag padala tayo ng alagad pababa sa ikalawang palapag isang kahibangan. Sabi nang isang lalaki na may malaking katawan at kapansin pansin sa lalaking ito ang mga peklat na tila marka nang masalimoot na digmaan.

Keros sa tingin mo ba ay mag bibigay ako ng ideya na hindi ko pinag iisipan Huwag mo akong mina maliit sa tingin mob a makukuha ko ang posisyon kong ito ng hindi nag iisip.

Sagot ni Afila na ikina inis naman ni Keros. Ikaw! Galit na sambit ni Keros at tatayo na sana ito nang biglang nag labas ng marahas na enerhiya si Grim.

Nandito tayo upang mag pulong hindi para panoorin kayong mag away na parang aso at pusa Afila, Keros ma otoridad na sabi ni Grim at biglang natahimik ang dalawa.

Bumalik sa dating tema pinag uusapan ang lahat dahil sa mga sinabi ni Grim may nag bigay rin ng kaniyang ideya ang isa pang babae at ang babae namang ito ay may dilaw na buhok at abot hanggang bewang ang kaniyang buhok at sa kaniyang itsura ay kitang kita ang taglay nitong kagandahan.

Ang babaeng iyon ay si Freda Arkenearae, Isa siyang High Elf at eksperto siya sa mahika at siya ang ika pitong Komandante ng kanilang hukbo.

Lumipas ang ilang oras ng kanilang pag titipon ay natapos na rin sa wakas ang kanilang pinag uusapan at napag kasunduan nila ang kanilang susunod na hakbang at ito ay umatake ang buong hukbo patungo sa ikalawang palapag at paslangin ang lahat ng nasa palapag na iyun. At dahil wala na si saylsia ay Malaya silang sakupin ang palapag na iyun bilang bago nilang teretoryo.

Sa ikalawang palapag naman ay makikita ang isang binata sa isang maliit na silid. Ang binatang ito ay nakaupo at nag ninilay nilay ang binatang ito ay mayroong puting buhok at nag lalabas ito ng napaka rahas na enerhiya ngunit sa kabila ng marahas na enerhiyang kaniyang inilalabas ay siya namang magandang tanawin ang dulot ng kaniyang enerhiya sa paligid.

Ang kaniyang buong katawan ay nababalutan nang puting enerhiya at sa kasalukuyan ang kalidad ng kaniyang enerhiya ay isa nang 9th level Angel rank ang binatang ito ay walang iba kundi si Clemson Morelock.

Sa loob nang halos dalawang buwan ay nagawa niyang pataasin ang kaniyang ranggo at sa kasalukuyan ay personal siyang inalok ni Zuki na maging isang alagad nito.

Pumayag naman siya sa inaalok nito dahil sa mga pangakong binitawan ni Zuki sa kaniya at ito ay palayain sila mula sa impyernong lugar na ito. At maybinigay na mga handog si Zuki sa kaniya na siya naman niyang ikinatuwa ang mga handog na nag mula kay Zuki ay isang Interspatial Ring na naglalaman nang mga sandata at baluti at mga Technique na mas kaniyang kinasabikan.

Sapagkat sabi ni Zuki ay nababagay ang mga technique na ito sa katulad niyang purong bampira ang tawag sa mga technique na binigay sa kaniya ni Zuki ay ang ni Crimson Blood Claw Technique at ang Ancient Shadow Bringer Technique ang dalawang technique na ito ang tiyak na mag papabago ng takbo nang kaniyang buhay at magagampanan na niya ang pagiging isang adventurer kasama ng mga malalapit sa kaniya si Zerek at si Binibining Fieya.

Ang Buong Hukbo naman ni Zuki ay Malaki na ang pinagbago ang mga alipin ay mga ganap nang adventurer napataas na nila ang kaalaman nila sa pakikipag laban at ang kanilang mga ranggo ay nakatapak na sa Celestial rank.

Noong una ay nagulat ang pamilya ni Estevan sa mabilis na pag taas ng ranggo nang mga ito tila napaka imposible nang mga pang yayaring ito subalit ito ang katotohanan.

Kasalukuyan naman na nasa isang silid si Zuki at mapapansin sa kaniyang mukha ang pagkalito sa loob naman ng silid ay makikitaang limang sandata na nakahanay sa harapan ng binata.

Tila pinag iisipan niyang mabuti ang sandatang kaniang gagamitin hindi siya makapag disisyon dahil ang mga sandatang ito ay ang kaniyang pinaka paboritong sandata ang katana ang mga katanang ito ay hindi mga ordinaryong sandata ang mga sandatang ito a nag tataglay ng enerhiya.

Ang mga sandatang ito ay hindi mga top tier Angelic Armament kundi mga top tier Demonic Armament tama mga demomic armament ito ang mga rewards na natanggap niya mula sa system.

Habang malalim na nag iisip si Zuki ay naramdaman niya ang enerhiya ni Munting Ophir, Master maaari bang pumasok! Sabi ni munting ophir na binigan naman ng pahintulot ni Zuki.

Bumukas ang pinto at dahan dahang pumasok sa silid ang isang batang lalake na may buntot ng isang sabertooth ang batang lalake na ito ay mayroong asul na mga mata at puting buhok.

Nararamdaman ni Zuki ang enerhiyang taglay ngayon ni munting ophir ang enerhiyang tinataglay niya ay tinataglay ng isang 7th level Angel Rank.

Sa loob ng dalawang buwan ay nakamit niya ang ganitong ranggo at dahil ito sa pag sisikap niya na maging isang adventurer at nagawa na niyang ma master ang ilan sa mga skill na nakapa loob sa Phantom Blade Technique.

Bakit ka nag punta dito? May kailangan ka ba? Tanong ng binata kay munting ophir.

Master pumunta ako dito para mag tanong tungkol sa planong inyong binabalak? Tanong ni munting ophir sa binata kaya naman tumingin si Zuki kay munting ophir. May nabuo na akong hakbang at batid na ito ng iyong ama malalaman mo nalang ang mga binabalak ko sa takdang oras. Sabi ni Zuki at dali daling niyang inabot ng kaniyang kaliwang kamay ang kaniyang isang Interspatial Ring ay may biglang lumabas na isang sandata.

Ang sandatang ito ay isang katana at ang enerhiyang nilalabas nito ay top tier Angelic Armament. Lumipad ang sandata sa harapan ni munting ophir nagulat naman si munting ophir sa pag lapit sa kaniya ng sandatang inilabas ng kaniyang master.

Yan ang regalo ko sayo! Ingatan mo at huwag mong hayaang mawala sayo. Sabi ng binata at mapapansin ang kasiyahan sa mukha ni munting ophir.

Maraming salamat master! Pangako po iingatan ko po ito sabi ni munting ophir at paulit ulit na nag papa salamat sa kaniyang guro.

Lumipas ang apat na araw sa ikatlong palapag ay abala ang lahat sa pag hahanda para sa pag salakay dahil ano mang sandal ay tutungo na sila papunta sa ikalawang palapag.

Samantala sa tarangkahan ng ikatlong palapag pababa ay may kakaibang nangyayari ang nagaganap ang daanan ay biglaang lumiwanag at ang mga adventurers na nakakita rito ay nagimbal sa kanilang nasaksihan. Dali daling may lumipad na adventure upang ipaalam sa mga komandante ang nagaganap.

May dumadaan ngayon na adventurer papunta sa kanilang palapag. Samantala ang mga naiwan ay inihanda ang kanilang mga sarili dahil ano mang sandali ay tiyak na mag sisimula na ang labanan.

Sa lugar naman kung saan nandoon ang kumandante ay mayroong isang pigura ang nakatayo at tila ba may hinihintay at lumipas ang ilang sigundo ay dumating na ang adventurer na humahangos.

Nandyan ba si komandante Riese may kailangan siyang malaman may mga parating na kalaban. Sabi ng adventurer na lalake. Nung hindi sumagot ang nakikita niyang pigura ay nag taka siya sa inaasta nito.

Ilang sigundo lang ang lumipas ay nag taka na siya dahil hindi kumikilos o nag sasalita ang nasa kaniyang harapan ay agad niyang inihanda ang kaniyang sandata.

Nang ilabas niya ang kaniyang sandata ay bigla nalang siyang nakaramdam ng panganib napabaling siya sa pigura at laking gulat niya nang may bagay na tumagos sa kaniyang dibdib.

Tumingin siya sa kaniyang likuran at nakita niya ang lalaking may pulang pares na mata. Sino ka? Tanong niya sa lalake.

Hmm! Sino ako? Ako lang naman ang kamatayan mo! Sagot ng lalake at hinugot niya ang kaniyang palad sa dibdib ng kaniyang biktima.

Bumagsak sa sahig ang sugatan nitong katawan at mabilis na bumubulwak ang sariwa nitong dugo sa paligid.

Nag lakad ang lalake papasok sa silid kung saan nandoon ang komandante na binabanggit kanina ng kaniyang nakaharap. Nang siya ay tumapak sa loob ng silid ay isang mabilis na pag lipad ng patalim patungo sa kaniya tumama ito sa kaniya balikat.

Tumingin siya sa pinang galingan ng patalim at nakita niya ang isang babae na handa nang mag bato ng isa pang patalim.

Samantala sa bulwagan makikita ang pag litaw ng isang lalake mula sa lagusan at ngayon ay napapaligiran siya ng mga adventurer na handa siyang atakihin ano mang oras.

Hindi ako makapaniwala na napaka rami ninyo rito kaso lang nakaka dismaya lang dahil wala kayong laban kahit sa mga tauhan ko. Sabi ng lalake at ang kaniyang asul na mga mata ay kumislap kasabay nun ay ang biglang pag pulupot nang mga maninipis na sinulid sa mga adventurer na malapit sa kaniya.

Nagulat silang lahat sa biglaang paglitaw ng mga sinulid ang mga nabalutan ay hindi makapag pumiglas dahil may pwersa na humahadlang sa kanilang pag kilos.

Mula sa lagusan ay may lumabas na mga pigura may tatlong pigura ang biglang lumitaw sa kanilang harapan at nagulat ang lahat dahilang mga ito ay mga batang beastman.

Simulan na ang digmaan! Sabi ng isa sa tatlong bata at ang sandata nitong katana ay kulislap. Isa isang iglap lang ay bumagsak sa sahig ang ilang mga adventure na nakapaligid sa kanila. Nagulat ang iba ng Makita nila ang biglaang pag bagsak ng kanilang mga kasama.

Kailangan natin ang lahat ng komandante ngayon din may mga kalaban! Sigaw iba sa kanila at nag simula na silang umatake sa apat na indibidwal na kanilang kaharap.

Sa silid naman kung nasaan nagaganap din ang isang laban makikita ang pag bagsak sa sahig ng babaeng may hawak na patalim halata ang hirap sa kaniyang mukha at puno narin siya ng galos sa kaniyang katawan.

Nakatingin siya ngayon sa lalake na ngayon ay nakatarak padin ang mga patalim sa katawan nito. Pero hindi makikita sa mukha nang lalake ang pag inda sa kaniyang mga natamong sugat nakatingin lamang siya sa babaeng kaniyang kaharap hindi siya makapaniwala na ang babaeng ito ay isang komandante mas mahina ang babaeng ito kesa kay Azad ni hindi man lang siya nasiyahan sa babaeng ito.

Pag pasensyahan mo na ako binibini ngunit kailangan kong gawin ang aking misyon sabi ng lalake at balewalang hinugot nito ang patalim na nakatarak sa dib-dib nito. Nang Makita naman ng babae ang mabilis na pag hilom ng sugat ng lalake ay nakaramdam siya ng sobrang takot.

Ang sugat ng lalakeng nakaharap niya ay may kakayahang pag hilumin ang kaniyang mga sugat. Ngayon ay tiyak niya nang ito na ang kaniyang kamatayan…