I love you from head to toe
And more than you'll ever know.
It hurts when you are sad,
And makes me sad when you are mad.
I know we fight every now and then,
But please know I will love you until the end.
I just know you are the one for me,
And the only one there will ever be.
You are the one I want to spend my life with,
To call my wife and to share a kid.
I will never tell you the words goodbye,
And I will love you 'till the day I die.
If I was to pass on before you do,
I will be waiting at the gates of heaven for you.
- www.LUVZE.com
"Kleid Moda : A Beauty with Elegance to Remember"
Nagsimula ng dumating ang mga guests ng fashion show. Ilang minuto na lang ay magsisimula ang nasabing event. Ramdam ni Hayley ang pagkabog ng dibdib niya. Oo at madami na siyang fashion na pinagtagumpay pero iba ngayon dahil isa siya sa mga model ng kanyang mga designs.
"Wow!" Nadinig ni Hayley ang boses ng kanyang Tito Leo. "You look fabulous, bunso!" Sabi ng kanyang Tita Rose. "Thank you." Nakangiting sabi ni Hayley. Hindi man aminin ni Hayley ay hinahanap niya si Nico at nahalata ng mag-asawa iyon dahil tumitingin-tingin ito sa entrance ng backstage. Pagkatapos sabihin nito ang dahilan kung bakit gusto nitong ipabago ang designs ng mga isusuot ni Hayley ay hindi ito nagparamdam man lang sa dalaga. Hindi ito natulog sa kanilang suite at hindi din ito nagpakita kinabukasan. "He's going to be here a little late. Tinawagan kasi siya ni Dashiell the night before but they will be here. Hindi niya palalagpasin ang pagkakataon na mapanood ka." Sabi ni Leo na nagpapula sa pisngi ng dalaga. "Okay, everyone, be ready!" Sigaw ni Leandra. "Oh, paano bunso, break a leg!" Sabi ni Rose at lumabas na ang mag-asawa.
Nag-umpisa ng maglakad ang mga models sa runway. Sila Ashley, Lily, at Hayley ang tatlo sa huling maglalakad. "Okay, Ley, your turn. Good luck, girl!" Sabi ni Leandra. Huminga ng malalim si Hayley at lumabas na.
"Woah! Is that Ley?" Gulat na tanong ni Dashiell. "My gosh, she's striking!" Sabi ni Quinn. "Man, you're really lucky!" Sabi ni Landon. "Well, not bad. With all the curves and that beautiful...let me rephrase it, with that gorgeous face, alam ko na kung bakit head over heels ka sa kanya. Should I start our deal?" Gustong batukan ni Nico ang katabi dahil kulang na lang ay hubaran nito si Hayley. Kungdi nga lang 'to babae at kaibigan pa nila, malamang nakaisang suntok na ito sa kanya.
"Ley!!!" Sigaw ni Quinn na ikinatingin ng dalaga sa lugar kung saan galing ang boses pero imbis na mapadako ang mga mata niya sa dalagang tumawag sa kanya ay kay Nico siya napatingin at sa babaeng katabi nito. Muntik na siyang matapilok dahil nawala siya sa concentration niya, buti na lang at hindi gaanong halata pero dahil models ang mga kaibigan niya, halata nila ang nangyari at tiningnan ang dahilan kung bakit nawala sa wisyo ang dalaga. Ganoon din ang ginawa ni Leandra at tumaas ang kilay niya ng makita ang babaeng nakadikit kay Nico.
"1-0." Sabi ng babaeng katabi ni Nico. "Kayo bang dalawa ay seryoso sa kalokohan n'yo?" Tanong ni Quinn. "Alam mo'ng dignidad ko ang nakasalalay dito, Quinn." Sabi ng babae. "It's my wedding and you can't even wear a gown for once?" Natatawang sabi ni Quinn. "Exactly! I'm not wearing it and that's final!" Sabi ng babae. Natatawa lang ang tatlong lalake sa usapan ng dalawa. Originally, ang babae ang maid of honor ni Quinn pero hanggang ngayon ay hindi pa din ito pumapayag na magsuot ng gown. Blessing in disguise ang fashion show at ang pag-uwi nito from the States. Nagkaroon sila ng deal ni Nico, magsusuot ng gown ang babae kapag hindi napigilan ni Nico ang sarili sa harap ni Hayley.
"Hayley!" Sigaw ni Leandra sabay hampas sa pwetan ni Hayley. "Aray! Bakit ba!?" Singhal ni Hayley na ikinagulat ng lahat. "Selos mode." Sabi ni Ashley. "Maganda siya in fairness." Sabi ni Lily. "Mamaya tayo mag-usap. Hayley, umayos ka! Ipakita mo sa kanya kung sino ang binabangga niya!" Mataray na sabi ni Leandra. "Hala, bihis!" Sabi ni Leandra sabay tulak sa mga kaibigan.
Nagtataka naman lumapit ang iba kay Leandra. "Ngayon ko lang nakitang uminit ulo ni Ley." Sabi ni Mario. Hinila ni Leandra si Mario papunta kung saan makikita nila sila Nico, sumunod naman sila Virgie, Anais, Everly, Bijou, at Willow. "Kaya pala." Sabi ni Virgie. "Mas maganda at sexy naman sa kanya si Ley." Sabi ni Anais. "Ano gusto n'yo, abangan na natin mamaya?" Natawa sila sa sabi ni Everly. "Tig-iisang buhok lang tayo." Sabi ni Bijou. "Ano ba kayo, bakit mamaya pa, tara!" Sabi ni Willow at nagkatawanan sila.
Muling nag-umpisa ang paglakad ng mga models. Mas daring ang suot na damit ni Hayley ngayon. "Umayos ka nga." Sabi sa kanya ni Leandra. "Masyado kasing kita oh." Sabi ni Hayley na itinuturo ang dibdib. "Ano ka ba? Kailangan tumulo ang laway sa'yo ni Pogi." Sabi ni Leandra.
"Go!" Sabi ni Leandra ng si Hayley na ulit ang maglalakad. Paglabas niya ay kinindatan siya ni Lily na nagpangiti sa kanya. Iniwasan niyang tumingin sa upuan nila Nico.
"She's avoiding us." Sabi ng babae. Hindi kumibo si Nico dahil nakatutok ang mga mata niya sa dalaga at sa damit nito. Kita niya kung paano tumingin ang mga kalalakihan sa dalaga at gusto niyang tumayo para takpan ang dalaga. "Dad, I don't want to see Hayley's face on magazines and newspapers tomorrow." Seryosong sabi ni Nico na ikinangiti ni Leo. "Pero anak, sayang naman kung hindi ma-publish ang mga designs niya." Sabi ni Rose. "All dresses can be publish with all their faces but not Hayley's." Nagkatinginan ang mag-asawa dahil sa sinabi ng anak.
Nasa huling parte na ang fashion show, ang final walk at ang pagpapakilala sa mga designers.
"Eto, eto ang isuot mo ng lalong lumuwa ang mata ng lalaking 'yun!" Sabi ni Leandra. "Ayoko!" Tanggi ni Hayley. "Girl naman, final walk ka parang Miss Universe!" Sabi ni Leandra. "Oo nga naman! Give him his own medicine." Sabi ni Ashely. "Yeah, show him what you've got!" Sabi ni Lily. "Korek! Matapos niyang sabihin na he likes you sabay kiss, may kasama siyang iba ngayon?" Naiinis na sabi ni Virgie. Natatawa si Hayley sa mga kaibigan. Aaminin niya nagseselos siya lalo ng makita kung gaano ka-sweet ang dalawa pero "walang sila" at wala siyang karapatan na magselos. "Guys...wait...waittttttt..." Walang nagawa si Hayley ng pagtulungan siya ng mga kaibigan.
"And last but not the least, the star of the night, Kleid Moda's top designer, Miss Hayley Acosta!" Announced ng emcee. Palakpakan ang lahat pero nagtaka ng hindi pa lumalabas ang dalaga.
"Ano ba, Ley? Labas na. Tulak ni Leandra sa kanya. Nang lumabas si Hayley ay muling nagpalakpakan ang lahat at lalong namangha sa ganda ng dalaga. Tahimik ang lahat ng maglakad na si Hayley sa runway. Lahat sila ay nakatutok sa paggalaw ng dalaga.
"Ehem...ehem..." Sabi ng babaeng katabi ni Nico sabay abot sa kanya ng panyo. Kumunot naman ang noo ni Nico. "Punasan mo laway mo." Nakangising sabi ng babae.
"Ako lagi ang nagbibigay sa kanya nito but tonight, I will pass." Sabi ni Leo sabay abot sa anak ng bouquet of flowers.
Nang matapos ang paglalakad ni Hayley ay nagpalakpakan ang lahat. Nanlamig bigla si Hayley na makitang naglalakad papunta sa kanya si Nico na dala ang bulaklak. Dinig niya sa mga models at mga kaibigan ang tuksuhan. Huminto si Nico sa harap ng dalaga at iniabot ang bulaklak. "Thank you." Bulong niya pero bigla siyang nagulat ng bigyan siya ng halik ng binata sa kanyang noo. Bigla siyang napatingin sa babaeng katabi nito kanina at nagtaka siya kung bakit ubod saya ang ngiti nito.
"Yes, I've won!" Sabi ng babae. "Quinn, gotto to go. I need to come back immediately. Lagot ako sa director ko pag hindi agad ako bumalik sa shoot." Sabi nito. "What? Paano 'yung gown?" Tanong ni Quinn. "Got my replacement already." Sabi ng babae sabay turo kay Hayley. "Ta ta." 'Yun lang at nagmamadaling umalis ang babae. "Let her be, Hon. Alam mong hindi mo mapipilit ang isang iyon sa ayaw niya." Sabi ni Dashiell sabay akbay sa fiancee. "Tara na, lapitan na natin sila at baka kung ano pang gawin ng lalaking iyon." Sabi ni Landon sabay turo kay Nico na kulang na lang ay pagsusuntukin ang mga photographers at reporters na pilit silang nilalapitan. Buti na lang at maagap ang mga bodyguards ni Nico at naharang na ang mga ito bago makalapit ng tuluyan sa dalawa.