webnovel

The Missions of Pretending

The Missions of Pretending- Kailangan mo matagumpayan ang misyon na ito. Dahil kung hindi ay maari kang maparusahan at ang kapalit ay ilalayo kayo sa isa't isa at hindi na kayo pagkikitain pa. Kaya kailanganing umiwas at pwedeng itigil kung may nararamdaman na. Nasa misyon lamang tayo ay wala sa reyalidad. Para ka lang din naglalaro o para ka lang din nasa 'Role Play World' First is kailangan nakatatak na sa isipan mo ang misyon na ito. Kumbaga ay parang naglalaro lang kayo. Just Pretend and Don't Let Fall In Love in your Partner. Match Maker na ang bahala sa inyo at ang mga Rules ay dapat sundin. Dahil hindi ka pwedeng sumali dito kung alam mong marupok o malambot ang puso mo. Ngayon ay Handa kana ba?

MsQueenOfShadow · Teen
Not enough ratings
5 Chs

Chapter 1

Maraming maiingay sa malawak na Hotel at napatigil ako sa pinakalikod upang pumwesto. Matagal na akong naiinip at gusto nang matapos ang misyon na ito tungkol sa Pag-Ibig.

Marami ang nagsasabi sa kanila na kahinaan daw nang tao ang isang 'Pag-Ibig' lalo na kapag nagka gusto ka o napa mahal ka dito. Ang hindi ko lang malaman kung sino ang Taong ito at gumawa siya nang laro para dito.

Ano paba ang dapat naming malaman dito? Sa ilang Taon ko dito ay nagsasawa na akong may nakikitang umiiyak. Isang taon nang maka partner ko si Hansel ay panay ang hagulgol nang iba dahil pinapalayo sila at hinahatulan nang parusa. Hindi ko malaman kung ano iyon dahil hindi ko pa naman nararanasan mahulog sa ka-partner ko. Dahil rin siguro sa nakaraan ko kaya ako nagka ganoon at tinuring kaibigan ang mga nakaka partner ko.

"Maaari na kayong pumila at manahimik sa isang tabi. Hintayin ninyo ang darating na inyong magiging match maker sa Taon na ito." Naka ngiting sabi ni Kalbo sa Stage kaya naman nagbulungan na lamang ang mga tao dito.

Kinurot ko sa beywang si Nicka na malalim ang iniisip. Muntik pa itong mapasigaw kung hindi ko tinakpan ang bibig nito. "Hindi ka pwedeng sumigaw dito. Naiintindihan mo?" Bulong ko sa kanya na ikinatango nya.

Siya si Nicka Fernandes ang naging Kaibigan ko dito. Isang taon ko naging Kaibigan dahil isang taon lang naman sya nandito. Ako ay halos mag ta tatlong taon pa lamang. Ako naman si AshLeigh Floridez, 23 yr old pero Teen ager ang ugali. Same age lang kami nang kaibigan kong ito.

"Ang pogi." Bulong nito sa tenga ko at nilingon kung sino ang tinitingnan nya. Napataas ang kilay ko nang mamukhaan ko ito.

Ang lalaki na walang iba kundi si Nicko Alfaro ang isang Gwapong nilalang. Ma swerte ka na lang kapag naging partner mo ito dahil makalaglag panty ang datingan.

"Baka naman matunaw na yan sa kakatingin mo sa kanya." Pinagtaasan nya ako nang kilay at bahagyang namula ang pisngi nito.

Napairap ako dahil sinasapian na naman nang landi ang Gaga. Hindi sinasadyang mapalingon ako kay Kenj Bautista. Muntik ko nang madura ang iniinom kong Wine nang makitang naka tingin ito sa'kin.

"Ikaw rin naman." Sabay sabat nang Best friend ko.

"Tanga! Eh hindi ko naman sinasadyang mapatingin sa kanya!" Defensive kong sabi at kumuha pa nang Wine bago lagukin ito.

Nakarinig kami nang ingay na Mic kaya naman napalingon kami rito. Malaki ang hotel na ito at halos mansyon. Pili lang din ang taong napupunta dito. Halos bente lang ang babae at lalake dito. Para ka lang din nasa RolePlay. Masakit isipin na para bang laro laro lang ito at sinusubukan kami nang walang hiyang may ari nito.

"Good Pm. I am Franchesca Cy and I am Your Match Maker." She winked at nag Announce pa na hindi ko na pinakinggan. Sana naman yung may pagka misteryoso na dahil nakakainis wala man lang akong thrill sa pagkatao nang magiging partner ko.

The Hotel name is Alianda Hotel. It actually have a 7th floor at doon mo makikita ang malalaking pool. Ito ay nasa pinaka gitna nang mapa at walang pwedeng maka labas. Sinasabi ko sa inyo na parang mansyon ito at Maze kumbaga maraming paikot ikot. May living room, kitchen with electric, balcony, at marami pang iba.

"Nicka Fernandes and Nicko Alfaro." Nagising ang diwa ko nang marinig ko ang pangalan nang Kaibigan ko at nang Hinahangaan niya. "Please stand up and come in front." Parang bulate naman ang kaibigan ko na agad tumayo. Nahiya pa ang Gaga. Nag Shake Hands sila bago nagtabi sa isa't isa.

Kakaunti na lamang kaming natitirang naka upo. Maraming nagbubulungan na sana ay maging ka-partner si Kenj. Napairap ako doon dahil sa pagiging assuming nila.

"Ashleigh Floridez and Kenj Bautista." Muntik pa akong mapatalon sa gulat at agad ding tumayo.

Nginitian naman ako nang lalaki at tinanguan ko lang ito. Marami pang magka sunod ang nangyari at tinanggap na lang nila ang partner nila. Nang matapos ay nagsalita si Franchesca na nagpatahimik sa amin.

"You have a 1 yr Pretending to be in a Relationship. And you have a freedom to go out in this hotel. If you're failed to do a mission. I am so sorry but you have to face a fear." Nangilabot naman ako doon kaya naman umiwas na lang ako nang tingin na tumingin sa ceiling.