ASH POV
Tatlong araw buhat ng malaman ko na pinag bubuntis ko ang panganay namin ni Spencer, ni minsan hindi na nawala ang paningin niya sa akin. Sa tuwing magigising ako sa madaling-araw, na-aabutan ko pa rin siyang gising. Pinag mamasdan ang aking mukha na para bang matagal niya akong hindi nasilayan.
Maging sa pag punta ko sa banyo, at pag make-up talagang dinaig niya pa ang body guard ng Presidente. Nag mumukha na siyang tanga kakanood at kakabuntot sa akin. Siguro ganito talaga kapag first time parent. You have to secured your loved ones and protect them even in the insect.
Hindi ako nakukulangan sa atensiyon habang nasa ikat labintatlong linggo ko ng pag bubuntis. Noong unang araw pa lang ay agad kaming nag pakonsulta sa doctor at yung saya sa labi ni Spencer ay hindi na nawawala. Sa sobrang saya niya nagawa niya pa nga mag take ng picture habang naka higa ako kasama ang ultrasound screening ko.
Ramdam ko ang pag-mamahal at buong pusong pag tanggap ng magulang niya. Palagi nila akong kinakatok para kumustahin at itanong kung ano ang gusto kong kainin. Lalo na si Ginoong Generoso na talagang siya pa mismo ang gumagawa at nag aakyat sa akin ng hot avocado olé with milk. Marahil hindi niya nagawa sa kaniyang asawa kaya naman bumabawi siya sa kaniyang apo. Si Madam mervie naman ang nag presinta para maging vita-clock ko dahil siya ang palaging nag papaalala na dapat na akong uminom ng vitamins lalo na yung ferrous sulfate na kahit anong pilit kong inumin, sinusuka ko talaga.
Nakarating na ang balita kay Papá at kay Trixie. Mag pa hanggang ngayon ay hindi ko pa rin magawang madalaw si Austine kahit pa sabik na sabik na akong makita at makarga siyang muli. Tiyak ko na kung nasaan man si Mamá sa mga oras na ito, maligaya siya para sa amin.
"Chocolate na naman?" Puna ni Spencer ng buksan ko ang storage box na baon namin sa biyahe pauwi sa Cagayan.
"Ito lang talaga ang gusto ko..." sagot ko saka iyon binalatan.
"But too much of sweets is bad." Aniya saka kumuha ng isa para kainin.
Hindi ko talaga gusto ang amoy ni Spencer pero ayoko rin naman na hindi siya nakikita. Pero sa tuwing aalis siya para mag dilig ng sunflower na itinanim ko, bumubuhos ang luha ko sa labis na kalungkutan. Hindi ko alam kung bakit.
"It's okay son. Just make sure na hindi niya makakaligtaan ang tamang pag inom ng tubig daily." Ani madam mervie na naka upo sa aming tapat katabi ang kaniyang asawa. Kami ni Spencer ang nasa gitna at may tatlong body guard sa likod namin. Sa harap naman naka upo si Tacco katabi ang driver.
"Natasha That's enough. Baka matulad ka kay tita belinda niyan!" Takot at pag aalala niya ng tangkain na agawin ang hawak kong tsokolate.
"Pero okay naman ang blood sugar ko. Tsaka isa pa, hindi mo naman kasi ako pinapayagan kumain ng mangga---"
"Dahil isinasawsaw mo sa suka minsan sa ketchup at kagabi lang sinawsaw mo pa sa oyster sauce! Yuck!" Inis niyang sabi, matapos ay suminghal.
"Yuck?" Ulit ko saka mabilisang nilunok ang natitirang tsokolate na hindi ko na nginuya ng husto.
"Sinasabi mo bang dugyot ako?" Naluluha kong sabi saka sumandal sa kinauupuan.
"Fine! Sorry na." Mahina niyang sambit saka hinawakan ang aking kamay.
"Normal lang talaga iyan maramdaman ng isang buntis. Noon nga habang pinag bubuntis ko si Spencer, isang buwan akong nag ulam ng pakbet. Kaya siguro nahiligan din niya ang luto ko." Ani madam Mervie ng sulyapan kami.
"Ang totoo, sa akin lang nag mana si Spencer. Parehas kami ng taste pag dating sa pag kain.." Sabat ng ginoo.
"At taste sa babae!" Kutsya ni madam sabay hampas sa braso ng ginoo dahilan para mag tawanan kami maging ang mga kasama namin.
"Sa lahat ng bagay, malaki ang pag kakatulad namin ni Spencer. Maliban sa magandang hubog ng katawan, karisma, marunong kaming tumupad sa pangako. May iisang salita. Alam mo 'yan Natasha." Turan ng ginoo saka ako kinindatan.
Bagay na nag balik ala-ala sa akin noong huling pag kakataon ng pag uusap nila ni Mamá sa garden ng dating hacienda ni lolo Ismael.
"Minsan nga ay nai-kuwento ka sa akin ni belinda. Noong nasa probinsya kami, madalas ka niya ikuwento. Masaya siya. Pero hindi niya masabi o mabanggit ang pangalan mo kaya naman hindi ko alam na ikaw pala ang lalaking hinintay niya ng matagal..." Malumbay na saad ng ginang.
Nag katitigan kami ni Spencer at sa di ko alam na dahilan, namalayan ko na lang ang mahigpit naming mga kamay na mag kahawak.
"Well, the old story will always be a memory that lasts forever. Yung mapait na karanasan ko kay belinda, ay isang masakit na ala-ala na uulit ulitin ko dahil nariyan ka Mervie, ikaw ang siyang nag hilom ng sugatan kong puso. Ang una at huli kong minahal..." malambing na sabi ng ginoo kay madam saka ito hinalikan.
Ngumiti ang ginang na halatang nahiya at nailang dahil sa ginawa ng ginoo.
"Sana ganiyan rin tayo Spencer..." sambit ko saka nahiga sa kaniyang balikat.
"Panahon lang ang lilipas. Hindi 'yung pakikitungo at pag mamahalan nating dalawa..."
Makalipas ang higit sa sampung oras ng aming biyahe, natunton na rin namin ang Cagayan. Ang lungsod na buong akala ko ay hindi ko na babalikan pa. Nguniy heto ako. Nakatapak muli sa aking pinagmulan.
"Natasha!" Hiyaw ni Papá na siyang sumalubong sa akin.
Yakap ng pangungulila ang aking nadama. Pag hikbi at galak ang nasa kaniyng mukha.
"Babae ba o lalaki ang pangalawa kong apo?" Tanong ni Papá na mayroong nangingilid na luha sa mata.
"Hindi pa po alam." Sagot ko at muli siyang niyakap.
"Masaya ako para sa 'yo Natasha!" Tinig na pamilyar.
Marahan akong nag mulat at doon ay tumambad sa akin ang malusog na si Tita kasandra. Suot niya ang kaniyang maiksing piluka.
"Tita?" Gulat kong sambit.
"Natasha, pasensiya na kung hindi ko nasabi sa 'yo. Mag kasama na kami---"
"It's okay Pa. Masaya ako para sa inyo." Turan ko saka sila niyakap na dalawa.
"Salamat anak." Mahinang sambit ni Tita kasandra.
Kahit paano, panatag na ako dahil may katuwang si Papá sa pag tanda. Alam kong mahirap ang maiwan mag isa. Kasiyahan ang hangad ko para sa aking mahal na ama.
"Buti at malakas na ho kayo?"
"I survived. Sa kabil ng kasamaan ko, niligtas pa rin ako ng Panginoon." Aniya saka sinulyapan si Madam Mervie.
"Pasok na tayo." Paanyaya ni Papá.
Sumulyap ako kay Spencer na abala sa kausap sa telepono. Naiinis ako dahil malinaw naman ang usapan namin na habang narito kami, isantabi muna ang trabaho.
Hinyaan ko na lamang siya kasama ang kaniyang ama at iba pang tauhan. Sumunod ako kay Papá. Mabigat ang pakiramdam ko ng masilayan ng malapitan ang aming bahay.
Nauna na akong pumasok at agad akong gumawi sa kuwarto ni Austine. Walang nag bago sa ayos nito. Captain America pa rin ang bed sheet nito at sa ibabaw ay may comic books ang nag kalat.
Ngumiti ako bago isara ang pinto. Sunod kong pinuntahan ang kuwarto ni Mamá at Papá. Maayos naman at may iilang gamit ang nawala at nabago. At ang pinaka huli, ang aking silid. Madilim kaya naman binuksan ko ang ilaw. Hinawi ko ang pink na kurtina saka lumanghap ng sariwang hangin. Natanaw ko ang paradahan sa aking pag mulat. Muli kong naalala ang isang masakit na senaryo mula sa nakaraan.
Ala-ala kung paano mag makaawa si Mamá kay Papá para lang hindi kami iwan. Habang nakiki pag hilaan sa mga bagahe ni Papá ay umiiyak at halos lumuhod pa siya. Pero sa huli, bigo si Mamá. Naging matamlay ang bahay at maging ang aming kagamitan ay kinuha pa sa amin hanggang sa maging kami ay nakiki pag siksikan na lang sa babuyan.
Yakap na kay init ang siyang nag patahan sa akin. Manhid na nga siguro ako para di mamalayan ang pag agos ng aking luha na agad pinunasan ni Spencer.
"Halika na sa labas. May ipapakita ako sa iyo." Ani Spencer saka ako hinalikan sa noo.
Isinara ko ang bintana at tahimik na sumunod kay Spencer.
"Nasaan sila?" Tanong ko ng makitang malinis ang labas.
"Baka may ibang pinuntahan?" Usal niya matapos isara ang main door.
"Asan na yung ipapakita mo?" Kunot noo kong tanong ng ipag bukas niya ako ng gate.
"Basta! Masisiyahan ka!" Masaya niyang sabi saka kumindat.
Nilabas niya ang retasong tela saka iyon ipinantakip sa aking mata.
"Sweetheart ano na naman 'to?" Natatawa kong tanong habang kinakapa siya.
Hinawakan niya ang aking kamay saka niya iyon hinalikan. Maingat niya akong kinarga at hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin.
"Huwag kang malikot! Baka mapano ka!" Hiyaw niya saka binilisan ang pag lalakad.
"Baka mamaya kalokohan na naman ito?!"
Humagikgik siya at nag patuloy sa pag lalakad saka ako maingat na ibinaba.
"Bumilang ka ng sampung segundo tapos, alisin mo ang piring mo." Utos niya. Dama ko ang presensiya niya sa aking paligid.
"1-2-3----9-10" katahimikan..
Inalis ko ang aking piring at tumambad sa aking harap ang "Tree of Promise".
May samu't-saring dekorasyon ay palamuti ang nag bigay kulay at buhay sa puno. Sobrang lapad ng ngiti ko ng muling manariwa ang ala-ala ng kabataan namin ni Spencer.
Ngunit nasaan na nga ba si Spencer? Wala na siya ng mag mulat ako. Malinis ang paligid at ingay lamang ng mga ibon at nag sasayawang dahon ang aking naririnig. Ang singaw ng init sa katanghaliang tapat ay pawang nakaka uhaw.
Ilang sandali pa ay may narinig akong musika na hindi ko batid kung saan nag mumula.
"Spencer?" Sambit ko habang nililibot ang aking paningin.
Sandali akong nag tigil ng may papel na eroplano ang bumagsak sa aking kinatatayuan. Marahan kong pinukaw ang direksiyon na pinag mulan non. Sa likod ng puno, kung saan lumabas si Spencer na romantikong tumutugtog ng saxophone habang diretsyong nakatitig sa aking mga mata.
Luha ng kagalakan, at halo-halong emosyon ang nararamdaman ko. Hawak ang aking dibdib, sinubukan kong lumunok at humugot ng natitirang lakas upang pigilan ang ayaw paawat kong mga luha.
Nasa sampung hakbang ang distansya niya sa akin. Dinampot ko ang eroplanong papel at patuloy naman si Spencer sa pag tugtog.
Tuluyan na akong nanigas sa aking kinatatayuan nang makita ko ang naka pin na singsing sa eroplanong papel. Higit na mas malaki ang bato nito sa unang engagement ring ko at mas maganda ang pag kakagawa.
"On this day, I surrender my heart. Here I stand, take my hand..."
Walang salita ang nais kumawala. Hinayaan ko na lamang na malunod ako sa labis na saya na nadarama.
Bumukas ang bakuran ng aming sakahan. Doon ay isa-isang lumabas ang tatlong tao na naka costume ng Ninja Turtle. Wala akong ideya kung sino-sino ang mga iyon. Silang tatlo ay kumakaway habang naka taas ang kamay sa ere para sabayan ang beat ng musika.
Tumalikod ako kay Spencer ng may maramdamang kalabit mula sa aking likod. Si Madam Mervie, at ang iba pa naming mga kasama ay may kaniya-kaniyang hawak na saranggola at bawat isa ay may letra.
"Pakasal na tayo. Please?!" Basa ko.
Napatakip ako sa aking bibig at maluha-luha nang muling harapin si Spencer. Kung ganon, ito pala ang bagay na pinag ka abalahan niya sa loob ng ilang buwan habang wala ako...
Humakbang siya palapit sa akin. Nasa kaniyang likod naman ay sumasayaw ang tatlong Ninja Turtle na may kuwelang galawan.
Hawak niya ang saxophone ng pag masdan sandali ang aking mukha. May ngiti sa kaniyang labi ng mag salita.
"Natasha, sana naman this time huwag ka ng pumalag pa. Kapag pinakasalan mo ako, Hindi lang kita dadalhin sa langit. Ibibigay ko pa sa iyo ang langit Natasha!" Nakangisi niyang sabi na siyang nag pagulat sa 'kin.
Bungisngisan ang aking narinig. Sa hiya ko ay hinampas ko siya sa braso. Bagay na tinawanan niya pa lalo.
"Papakasalan mo ba 'ko?" Seryoso na ang kaniyang mukha at sumilip na rin ang luha sa kaniyang mga mata.
"Kung tatanggi ka, para ka na rin nag tampo sa grasya..." dugtong niya.
Nag tawanan muli ang lahat dahil sa kaniya.
"Oo! Pakasal na tayo!" Nangingiwi kong sabi saka isinubsob ang aking mukha sa kaniyang dibdib, kasabay ng pag yakap ko sa kaniya ng mahigpit. Hindi ko alintana ang amoy niya na 'di nais ng aking ilong. Nanginginig pa kaming dalawa habang isinusuot niya sa akin ang singsing.
Sabay-sabay pinalipad ang mga saranggola kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin dahil sa helicopter na may kababaan ang lipad.
"SPV Flight! 'Yan sana ang sasakyan nating dalawa pabalik dito kaya lang buntis ka. Pero masaya ako dahil tuloy na tuloy na talaga ang kasal natin." Turan niya habang naka tingala kami sa ere.
"Congratulations Bro!!!!" Hiyaw nina Fourth, Tyrone at Marco na sila pala 'ng nakakubli sa costume na Ninja Turtle.
"Yes! Daddy na 'ko bro! Naunahan ko pa si Fourth!" Maligayang sabi ni Spencer saka niyakap ang mga kaibigan.
"Happy for you! Sobra kaming na-surprise dito!" Ani Fourth na Ngumiti sa akin nang sulyapan ako.
"Well may nabago sa plano dahil hindi namin expected na darating na pala ang bagong miyembro sa family." Naka ngiting sabi ni Spencer saka ako hinalikan at inakbayan.
"Congratulations!" Tinig na mabilis kong hinarap.
"Trixie!" Nagulat ako dahil ang akala ko si Tyrone at Tita kasandra lang ang narito
"Ang sweet naman ni Spencer! Pauwi na talaga kami dito noong March 2. Nag iimpake na kami dahil balak sana niya na siya ang susundo sa iyo sa NAIA." Saad ni Trxie saka ako niyakap.
"Sobra akong nag-alala habang busy siya. Nabinyagan na pala si Austine?" Tanong ko dahil iyon ang paliwanag ni Spencer sa litratong natanggap ko.
"Oo. Sana lang huwag kang mag tampo. Pero makakarating kaming lahat sa kasal mo.." Malambing niyang sabi.
"Sana nagustuhan mo yung mga regalo ko. Pinaabot na lang namin ni Spencer sa tauhan niya--"
"Sobrang nagustuhan Ash! At salamat ah."
"Kayong lahat kumain na tayo bago pa lumamig ang pagkain!" Paanyaya ni Tita kasandra.
"Kainggit naman!"
"Lenon?!" 'Di ko makapaniwalang sambit ng makita siya kasama si Vanessa.
"Ang ganda ng shots! Very unique yung scene!" Turan niya habang pumapalakpak.
"Thanks Lenon! Sana naman na record ng maayos lahat ah!" Bulong ni Spencer kay Lenon.
"Teka! May alam ka dito?" Ungol ko.
"Wala! Biglaan na lang ito noong ihatid ko ang mga gamit mo sa mansion. Kasama namin ang buong team. Nasa fifteen cameras ang naka set up. At hindi mo lang alam, habang nasa biyahe kayo, live namin pinapanood yung holding hands scene niyo..." Nakangisi niyang sabi saka umakbay kay Vanessa.
"See? Hindi kita niloloko. Kaya sana huwag ka na mag duda pa." Ani Spencer saka ako hinagip papasok sa sakahan para mag salo-salo. Mula noon hanggang ngayon, hindi nag sawa si Spencer na regaluhan ako o i-surpresa ng higit pa sa makakaya niya.
"Wait, nakita na ba ni Ash yung baby mo?" Tanong ni Fourth na ipinag taka ko.
"Baby?" Ulit ko.
"Hindi pa. Pero kung gusto mo, ipapakilala na kita."
"Anong----"
Mabilis niya akong dinala sa lugar kung saan naroon ang tinutukoy niyang baby. Marahil iyon ang Baby niya na SPV Flight 00? Pero hindi.
"Kailan pa nag karoon ng mini-pond dito?" Pag tataka ko.
"Sinimulan ko ito two months ago. May isang taga DENR akong kakilala, nasa pangangalaga nila ang kawawang si Naturtle..."
"Naturtle?" Taas kilay kong tanong.
"Yes. I named her after you." He answered.
"Bakit sa 'kin pa? Ang daming puwede talagang Naturtle pa?"
"Ikaw lang kasi ang laman ng isip ko kaya naman Naturtle ang ipinangalan ko." He shrugged.
"Nasaan siya?"
"Ayon!" Turo niya sa ibaba ng fountain.
"Hilig niya dati sa sulok. Mailap siya noon pero katagalan, malaya na niya itong nililibot. Diyan siya madalas sa mga itinanim kong mushroom. Those kinds are the best portray of us. Mushroom and turtle." He added.
"Parang anak na ang turing ko sa kaniya. Kaya naman sinadya kong mag pa install ng lights at camera dito."
"Hanggang ngayon, napaka buti mo. Hindi ako nag kamaling iniwan ang pangarap ko para sa iyo." Sambit ko saka siya hinalikan.
Mabilis siyang umilag. Kinagat niya ng mariin ang ibabang labi saka pailalim akong tinignan na para ba 'ng may mali o di niya gusto ang ginawa ko. Umatras siya bago nag salita.
"Natasha? Tayong dalawa lang dito. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko." Seryoso niyang sabi habang naka pamewang.
Hinawi ko ang aking buhok at tinangka siyang halikan muli. Bagay na hindi ko akalaing seseryosohin niya.
"Fuck! I warned you! Pag sisisihan mo 'to!" Gigil niyang sabi saka ako binuhat.
"Nag bibiro lang naman ako! Ibaba mo nga ako!" Protesta ko habang sumisipa-sipa.
"Nagbibiro? Don't worry tototohanin ko para sa 'yo. Alam ko naman na sabik ka na rin sa akin Ash! Pero mas sabik akong masolo kang muli..."